Share

Kabanata 56

GANAP agad na nakatulog si Gary pagkatapos siyang hampasin ng malaking pamalo ni Ashtear. Lalagyan na sana ni Julian ng posas si Gary ngunit biglang may nagpaputok kung kaya’t dali-dali naman na hinawakan ni Julian ang kamay ni Ashtear at nagmamadali silang lumabas sa maliit na pintong iyon kanina upang makabalik sila sa pinanggalingan nila.

Sa bawat paghakbang ng mga paa nila ay sinisiguro nilang wala silang makasalubong na mga tauhan ni Gary. Nang maya-maya pa’y bigla niyang hinila si Ashtear sa likuran niya dahil nakita niyang may isang tauhan ni Gary na nag-aabang sa kanila. Mabilis niyang ikinasa ang kanyang baril at pinaputukan ang lalaki ngunit mabilis itong nakaiwas at gumanti rin ng putok sa kanya. Sunod-sunod na putok ang pinakawalan nito kaya’t minabuti na lamang nil ani Julian na magtago sa palikong bahagi ng pasilyo.

“Julian! Nagdurugo na ang sugat mo!” nag-aalalang sabi ni Ashtear nang makita ang pulang likido na tumutulo sa bandang braso ni Julian.

“Huwag kang mag-alala
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status