Share

CHAPTER 1

last update Last Updated: 2025-10-28 04:11:06

Liana’s POV

Umaga na, at wala pa rin akong tulog. My mind was a constant loop of doubt and regret, searching for an alternative that didn't exist. Nag-iisip kung tama ba ang naging desisyon ko.

Tama bang iniwan ko sya sa pangsariling kapakanan? Tama bang iniwan ko yung taong, ako ang laging iniintindi? Mapapatawad pa kaya nya ako? Ang bigat bigat nang loob ko pero kailangan kong maging matatag.

Habang nakaupo sa harap nang bintana, nilalanghap ang malamig na simoy nang hangin, at walang ibang naririnig kung hindi ang mahinang tiktak ng orasan, at paalala na bawat segundo, lalo lang akong nalulunod sa kasunduang ito at sa mundong pinasok ko. Every second solidified my commitment to the deal.

Nagbasa nalang ako nang libro upang mahimasmasan, nang bigla akong napahinto. Isang linya ang tumatak sa aking isip: "Every ending is just a beginning in disguise." —Craig D. Lounsbrough.

Ang mga salitang iyon ay tumama sa aking damdamin, parang isang malinaw na paalala na hindi ko maintindihan.

Is this really a new beginning, then? A disguised one? Kung ganito pala ang simula, na puno ng pilit na ngiti at sakripisyo, hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagpapanggap na ito. Ang pagtatapos ko bilang Hyacinth Liana Monteverde ay simula ko bilang Mrs. Cruz—

Limang taon. Isang malaking kapalit para sa kalayaan. Ipagpapalit ko ang sarili ko kapalit ng kompanyang pinaghirapan ng aking ama. I had to save my family's legacy. Hindi ko hahayaang maglaho lang ang pinaghirapan niya. That was the only reason I stood here.

Huminga ako nang malalim, habang nakatingin sa Vanity mirror malapit sa bintana. Maputla at pagod, pero kailangan kong maging matatag. Kailangan kong tuparin ang pangako ko sa aking ama.

Habang nagaayos ako, tumunog ang phone ko.

Unknown number.

“Mr. Cruz will send a car for you at 9 a.m. Please be ready.”

Alas otso pa lang ay tapos na ako dahil ayokong may pinag-aantay, kaya napagpasyahan kong tumambay muna sa lobby para makapag-isip isip.

Wala pang alas-nwebe, natanaw ko ang isang itim na mamahaling kotse ang huminto sa harap ng condo. Aba, ang aga pa ah! buti nalang tapos na ako mag-ayos. Napabuntong hininga ako at agad akong lumabas. Pinagbuksan ako agad nang pinto ng kanyang driver. I stepped inside, accepting my fate.

Tahimik sa loob. The silence felt heavy and unnatural. Hindi ako mapakali. Nang biglang magsalita si Damian.

“Now, sign.”

Isang simpleng utos na nagbura ng aking pagkatao. Para akong binuhusan nang malamig na tubig. Hindi ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko.

Pagdating ko sa kompanya nila, Natanaw ko ang Cruz Alliance Corporation na nakaukit sa harap ng building. Napansin ko agad ang lamig ng lugar. Malinis, moderno, pero parang walang buhay. The building was a stark reflection of its owner's personality.

Nakita ko siya. Nakatayo malapit sa malaking bintana, nakatanaw sa akin at tila inaantay ako. Habang nakapamulsa. Hindi maipagkakaila na gwapo sya at may mala-anghel na mukha, kasalungat nang kanyang pag-uugali.

“So, Mrs. Cruz,” bati niya, nakatingin pa rin sa labas.

Natigilan ako at napakunot ang noo. Mrs. Cruz?! Masyado naman ata syang nagmamadali.

Hindi pa kami kasal, pero parang bigla na akong nabilanggo.

“I’m not your wife yet,” sabi ko, pilit na pinatatatag ang boses.

Dahan-dahan siyang lumingon, may ngiti ng panunukso.

“Not yet,” sagot niya. “But you will be soon.”

Lumapit siya at iniabot ang isang folder. “These are the details. Engagement shoot next week. Charity gala on Friday. After that, the public announcement.”

Binuksan ko ang folder. Lahat planado. My life was now a pre-approved schedule. Parang wala akong sariling desisyon. Hindi ata tama to, lugi naman ata ako. Pero naalala ko, oo nga pala, ako ang lumapit para humingi nang tulong. Pero kahit na!

“Do I get to decide on anything?” tanong ko. I had to push back, just a little.

Tumaas ang isang kilay niya. “You agreed to my terms, Liana. This is part of the deal. You play the role, I play the savior.”

Huminga ako nang malalim. “Kung ganoon, gusto ko ng isang kondisyon.”

“And what could you possibly demand from me?”

“Respect,” sabi ko nang matigas. “Kung magpapanggap akong asawa mo, you will treat me as one, not like an employee or a puppet.”

Tahimik siya. Pagkatapos, tumango siya. “Noted. You’re braver than I thought.”

“O baka desperado lang talaga,” bulong ko.

Narinig niya. Lumapit siya, The air tightened around us. Bigla akong kinabahan. Ayoko nang ganitong tensyon.

“You’ll get used to this life, Liana,” sabi niya sa mababang boses. “Emotions make you weak. And in my world, weakness kills.”

Kung hindi lang talaga nakasalalay sa akin ang aming kompanya, I would have broken the contract right there. Pero kailangan kong maging matibay.

I looked up at him. “And what if I’m not meant for your world?”

He leaned in. “Then you shouldn’t have signed that contract.”

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. His finality was chilling.

Bago pa ako makasagot, lumayo na siya. “You’ll start media training tomorrow,” sabi niya, bumalik sa kanyang desk.

“Agad?”

“You’re about to become a billionaire’s wife,” sabi niya. “You’ll need to act like one.”

Doon ko naramdaman na ito ay higit pa sa isang kasunduan. Ito ay pagbabago, mula sa akin patungo sa kung sino ang gusto niyang makita ng mundo. A transformation I was not sure I could survive.

Paglabas ko sa opisina niya, sinalubong ako ng malamig na hangin. I felt no freedom, only mounting pressure.

Sa elevator, tiningnan ko ang sarili ko. Hindi ko na kilala ang sarili ko, sa sobrang payat. Halos di na ako kumakain dahil sa bigat na kinakaharap ko ngayon. Eto nga lang ba talaga ang makakasagip sa kompanya namin na baon na sa utang? O may iba pang pwedeng gawin na di ko pa nagagawa? Baka masyado lang akong nagmamadali?

Pagbukas ng pinto sa lobby, sinalubong ako ng isang babae.

“Ms. Monteverde? I’m Clara, Mr. Cruz’s assistant. He’ll be joining you shortly.”

“Joining me? Kakatapos lang namin mag-usap ah" Edi sana sabay na kaming bumaba.

“Yes, ma’am. You’ll accompany him to a business lunch."

“What?!" Ani ko. Bakit kailangan sabay pa kami? Hindi ba sya makakakain na walang kasama? Baka hindi ko pa makain nang maayos yung pagkain ko kapag kaharap ko sya. Anu ba naman yan!

Bago pa makasagot ang secretary ni Damian ay bigla syang dumating.

“Let’s go,” sabi niya, inialok ang kanyang braso.

“Do I really have to—” Ang awkward naman nito. Pwede namang casual lang na maglakad.

“Yes,” putol niya. “You’re my fiancée now. People are watching.”

Wala akong nagawa kundi sundin siya. I felt the immediate focus of the crowd. Sa bawat hakbang namin, ramdam ko ang mga tingin. Curious, envious, at mukhang jinajudge na agad buon pagkatao ko.

Tahimik kami sa kotse. Ako, nakatingin sa bintana. Siya, busy sa phone.

“You’re quiet,” sabi niya. Habang malalim ang iniisip dahil sa mga nangyayari na hindi ko lubos maisip kung bakit ko pinasok.

“Nag-iisip ako.” Ani ko.

“About what?” Bakit kailangan tanungin? Ano didiktahan mo ba pati takbo nang utak ko?

“How easy it must be for you to turn people into business deals." Para syang robot na wala man lang pakiramdam. Basta tungkol sa business, wala na siyang paki kung may masasaktan ba sya o wala.

Tumawa siya nang walang kaligayahan. “That’s what keeps me alive. Emotions complicate things. Logic keeps them clean.”

“So you don’t believe in love?” Sagot ko

Tumigil siya, at tumingin sa akin.

“Love is just another form of negotiation. One person always gives more.”

“Malungkot pakinggan.”

“Reality usually is.”

Tumingin ako sa malayo. His cold statement carried a heavy, unspoken history. Baka kaya siya naging ganito dahil sa mga taong kinokontrol kung ano ang dapat nyang maging emotion. Tumandang matigas ang puso.

Pagdating namin sa restaurant, agad kong naramdaman ang tensyon. Mga camera, mga mata, mga bulungan. Damian was perfect for the cameras. Ngumiti siya, nagbigay ng pahayag. Sumunod ako, pilit na umaakto.

Sa gitna ng lahat, tiningnan ko siya. He looked powerful, yet profoundly isolated.

Pagkatapos ng event, lumapit siya.

“You did well today.” Biglang bumilis ang tibok nang puso ko at para bang kinikiliti ang tiyan ko.

Nagkibit-balikat ako. “I’ve always been good at pretending." Pagyayabang ko.

Ngumisi siya. “Then this might actually work.”

Pagkatapos ng mahabang araw, I thought sleep would come easily. Pero kahit anong pilit kong ipikit ang mga mata ko, Damian’s words kept replaying in my head “Emotions make you weak.”

Siguro gano’n din siya minsan, nasaktan nang sobra kaya pinili na lang maging malamig. Maybe that’s how people like him survive, by building walls high enough no one could ever reach them again.

Napatingin ako sa kontrata sa mesa. Ang pirma ko roon, parang sugat na hindi ko alam kung kailan maghihilom. Limang taon. Pero sa bawat segundo, parang unti-unting nauubos ‘yung bahaging ako pa rin si Hyacinth Liana Monteverde.

“Limang taon,” bulong ko. “Just five years.”

Pero sa loob-loob ko, alam kong hindi magtatapos doon. Because some deals don’t end when the contract expires. I knew I had sold more than just my time.

Bago ako makatulog, tumunog ang phone ko.

“Wear something elegant tomorrow. You’re having dinner with my mother.”

— D.C.

Dinner with his mother? The game was accelerating. Ang bilis naman ata. Parang bawat galaw, para kaming may hinahabol. Para akong robot, na kung anong gusto nyang ipagawa, kailangan kong gawin.

Sanay ako makipag usap sa matataas ang posisyon. Pero ibang kaba ang nararamdaman ko ngayon.

Hinawakan ko ang dibdib ko. I was terrified, but ready to play the part. Ngunit baka habang ginagampanan ko ang papel na ito, baka makalimutan ko na peke lang ito. I feared losing Hyacinth Liana forever to Mrs. Cruz.

Hindi pwede! May kailangan pa akong balikan. Kailangan kong balikan yung taong, ni minsan hindi ako iniwan. Kahit gaano man kagulo ang mundo ko, nanjan pa din sya para sa akin.

Pinangako ko sa sarili kong babalikan ko sya at sana, sa pagbabalik ko, nandoon pa rin sya naghihintay.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The 5 Years Contract with Him   Chapter 6

    Pagbalik ko, ready na ulit ang set.Second concept, Black and white modern theme, halos editorial.Mas intense, mas physical ang pose.“Liana, you’ll be leaning on him. Damian, one hand on her back, other one on her chin. Eyes locked.”Professional. That’s what it should be.Pero sa bawat galaw niya, sa bawat haplos ng daliri niyang dumaan sa balat ko, parang tumitindig ang balahibo ko, hindi makahinga sa sobrang kaba at parang may mga paro parong naglalaro sa loob ng titan ko.“Hold still,” bulong niya habang inaayos ang posisyon namin. Ramdam ko rin ang bigat nang hinda nya. Ramdam ko ang kabog nang dibdib nya.“Don’t move,” sagot ko, pero ang totoo, ako ‘yung gustong umurong. He tilted my chin gently. “Look at me.”And I did.I looked at him.And I hated that I think I am falling. I shouldn't. Business lang ang lahat ng eto. Focus dapat ako sa goal na maibalik ang kompanya namin. Hindi ko dapat nararamdaman to.He stared at my lips at biglang mas lumakas ang kabog ng dibdib ko at

  • The 5 Years Contract with Him   Chapter 5

    (Liana's POV)Isang linggo na ang lumipas mula noong press event na ‘yun, pero parang hindi pa rin ako makahinga nang maayos.Ang bawat araw mula noon ay naging paulit-ulit. Meetings, fittings, photoshoots, rehearsed smiles.At sa gitna ng lahat ng ‘yon, si Damian ay laging nando’n, laging nakamasid, laging tila alam kung anong iniisip ko kahit walang sinasabi.Ngayon, nakaupo ako sa harap ng vanity mirror sa isang malaking studio sa Makati.A dozen people moving around me,stylists, photographers, lighting crew, PR assistants.The air smelled of perfume, foundation, and nervous energy.“Miss Liana, tilt your head a bit, please,” sabi ng hairstylist habang inaayos ang mga stray strands ng buhok ko.Ngumiti ako sa salamin kahit hindi ko ramdam. “Sure,” mahina kong sagot.Sa gilid ng salamin, nakita ko siyang pumasok. Damian Cruz.Naka-dark navy suit, wristwatch na siguradong mas mahal pa sa isang taon kong renta, at ‘yung aura niya, alam mong sya ang may-ari ng kompanya. Napakatikas, ma

  • The 5 Years Contract with Him   Chapter 4

    Lumabas kami sa terrace na nakaharap sa hardin. Ang hangin ay malamig, may halimuyak ng gabi at mamahaling jasmine. Sa di-kalayuan, tanaw ko ang mga ilaw ng siyudad na parang mga bituin na bumaba sa lupa, mga bituin na minsang pinangarap kong abutin, pero ngayon ay tila paalala na may mas mataas pang mundo. “You didn’t have to agree to this,” Damian said suddenly, breaking the silence. “You could’ve said no.” “Could I?” I turned to him, my tone level. “Because last I checked, saying no wasn’t an option.” “You always have a choice,” he replied quietly. I met his gaze head-on. “Not when you’re trying to save a hundred people’s jobs. Not when your father’s legacy is hanging by a thread. Not when every investor you’ve ever trusted turns their back on you.” Tahimik siya. For once, wala siyang tugon. His jaw tightened slightly, but his eyes softened, just a little. Enough to make me wonder what kind of walls he built around himself, and how high they were. “You think this deal makes

  • The 5 Years Contract with Him   CHAPTER 3

    Liana's POV Magdamag akong nakatitig sa kisame. Hindi dahil sa insomnia, kundi dahil sa isang text na paulit-ulit kong binabasa,tila ba bawat salita ay may bigat na hindi ko alam kung kaya ko bang dalhin. Wear something elegant tomorrow. You’re having dinner with my mother. — D.C. Dinner. With his mother. So soon. Ang dami kong gustong itanong. Bakit ganito kabilis? Bakit parang hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong huminga matapos kong pumirma sa kontrata? Kakarating ko pa lang sa panibagong yugto ng buhay ko, isang deal na magtatali sa akin sa lalaking halos hindi ko pa kilala. At ngayon, kailangan kong magpanggap na fiancée niya. Humugot ako ng malalim na hinga. Hindi ko alam kung dapat ba akong kabahan o mainis. Ang bilis ng mga pangyayari, parang hinila ako ng alon na wala akong pagpipilian kundi sumabay. Kagabi lang, iniwan ko ang relasyon kong halos kalahati ng buhay ko, kasama ko. Para lang sa pang sariling kapakanan. Ni hindi ko man lang naisip yung sakit na mara

  • The 5 Years Contract with Him   CHAPTER 2

    Damian's POV Sa mundong ginagalawan ko, respeto ang puhunan. Hindi pera, hindi koneksyon, respeto. At sa larong ito, ‘yon ang pinakamahirap makuha, pero pinakamadaling mawala.Power is the language.And I speak it better than anyone else.Araw-araw, gano’n na lang ang takbo ng sistema ko. Every meeting is calculated. Every word, weighted. Every silence, meaningful.Hindi ako lumalapit kung hindi kailangan. Hindi ako nagpapalapit kung hindi kailangan.Because in my world, proximity is vulnerability. And vulnerability means weakness.Ang mga tao sa paligid ko, partners, board members, investors. They all wear masks. I can read them even before they open their mouths. But the one thing I never let them read… is me.Pagdating ko sa opisina, tahimik lang ang paligid. Glass walls. High ceiling. Minimalist interiors. Walang kalat, walang ingay. Lahat organized exactly the way I like it.I built this empire from the ground up. Walang shortcut, walang tulong.Habang ‘yung iba pinanganak na ma

  • The 5 Years Contract with Him   CHAPTER 1

    Liana’s POV Umaga na, at wala pa rin akong tulog. My mind was a constant loop of doubt and regret, searching for an alternative that didn't exist. Nag-iisip kung tama ba ang naging desisyon ko. Tama bang iniwan ko sya sa pangsariling kapakanan? Tama bang iniwan ko yung taong, ako ang laging iniintindi? Mapapatawad pa kaya nya ako? Ang bigat bigat nang loob ko pero kailangan kong maging matatag. Habang nakaupo sa harap nang bintana, nilalanghap ang malamig na simoy nang hangin, at walang ibang naririnig kung hindi ang mahinang tiktak ng orasan, at paalala na bawat segundo, lalo lang akong nalulunod sa kasunduang ito at sa mundong pinasok ko. Every second solidified my commitment to the deal. Nagbasa nalang ako nang libro upang mahimasmasan, nang bigla akong napahinto. Isang linya ang tumatak sa aking isip: "Every ending is just a beginning in disguise." —Craig D. Lounsbrough. Ang mga salitang iyon ay tumama sa aking damdamin, parang isang malinaw na paalala na hindi ko maintindi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status