Masuk
I REFUSE
Avianna's POV (Part 1) Kung may isang bagay na gusto kong maranasan sa buhay ko, iyon ay ang kalayaan. Hindi pera. Hindi marangyang buhay. Hindi ang pagiging tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking kumpanya sa bansa. Kalayaan. Nakakatawa, hindi ba? Habang ang ibang tao ay nangangarap yumaman, ako naman ay handang isuko ang lahat ng mayroon ako kapalit lang ng pagkakataong mamuhay ayon sa sarili kong kagustuhan. Dahil sa loob ng dalawampu't dalawang taon, wala ni isang desisyon ang tunay na naging akin. Mula sa school na pinasukan ko, sa kursong kinuha ko, hanggang sa mga taong dapat kong makasama—lahat sila ang pumili. Hindi ako. At hindi ko pa alam na sa araw na iyon, pati ang lalaking pakakasalan ko, napili na rin pala nila. Nagising ako sa mahinang sinag ng araw na tumatama sa puting kurtina ng kwarto ko. Dahan-dahan akong napaupo sa kama at napabuntong-hininga. Isa na namang umaga. Isa na namang araw ng pagsunod sa gusto nina Mom at Dad. Mabilis akong naligo at nagbihis. Pagsilip ko sa salamin, isang maayos na bersyon ng sarili ko ang bumungad. Perpekto. Presentable. Katulad ng gusto nila. Pero sa likod ng maayos kong itsura ay isang taong matagal nang pagod. Pagod sa pagiging perpekto. Pagod sa pagiging anak na kailangang laging sumunod. Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa dining area. Gaya ng inaasahan, naroon na sina Mom at Dad. Tahimik na nagbabasa ng documents si Dad habang may kausap sa cellphone. Business. Palaging business. Hindi ko na maalala kung kailan kami huling nag-usap bilang mag-ama na hindi tungkol sa kumpanya. "Good morning, Mom." Lumapit ako at hinalikan siya sa pisngi. Ngumiti siya. "Good morning, dear." Sunod kong nilapitan si Dad. "Good morning, Dad." Bahagya lang siyang tumango bago muling ibinalik ang atensyon sa kausap niya sa telepono. Hindi na ako nagtaka. Sanay na ako. Umupo ako at nagsimulang kumain. Tahimik ang buong dining room. Ang tanging maririnig ay ang mahinang tunog ng mga kubyertos at ang boses ni Dad na seryosong nakikipag-usap tungkol sa negosyo. Napatingin ako kina Mom at Dad. Ilang beses silang nagkatinginan. Parang may gustong sabihin. Parang may hinihintay lang na tamang pagkakataon. At doon nagsimulang kumabog ang dibdib ko. May kakaiba. Ramdam ko. "Avi." Napatingin ako kay Mom. "Yes, Mom?" Ngumiti siya, ngunit hindi iyon ang karaniwang ngiti niya. Parang may itinatago. "May surprise kami para sa'yo." Napahinto ako sa pagkain. "Surprise?" Tumango siya. "Yes." Hindi ko maiwasang mapakunot-noo. "Wala naman pong birthday ko." Napatawa siya nang mahina. "Hindi naman kailangang birthday para magkaroon ng surprise." Natahimik ako. Kung bakit, hindi ko rin alam. Pero sa halip na matuwa, lalong bumigat ang pakiramdam ko. May kung anong nagsasabing hindi ko magugustuhan ang sorpresang iyon. "Ano po ba iyon?" tanong ko. Ngunit umiling lang si Mom. "Mamaya mo na malalaman." "Where?" "We're having dinner tonight." Nagsalita na rin si Dad matapos ibaba ang cellphone. "Leondell's Hotel. Eight o'clock." Iyon lang. Wala nang paliwanag. Wala nang dagdag na impormasyon. Parang kailangan ko na lang sumunod, katulad ng palagi kong ginagawa. Tumango na lamang ako. "Okay po." Ngumiti si Mom na tila ba natuwa sa naging sagot ko. Pero ako... Hindi mapakali. Habang nagpapatuloy ang almusal, wala na akong nalalasahan sa pagkain. Paulit-ulit lang umiikot sa isip ko ang isang tanong. Ano ba talaga ang sorpresa? At bakit pakiramdam ko... Babaguhin nito ang buong buhay ko? Lumipas ang maghapon na hindi nawawala ang kutob ko. Sinubukan kong magbasa, manood ng series, at mag-scroll sa social media. Pero wala. Hindi mawala-wala ang bigat sa dibdib ko. Para akong naghihintay ng bagyong alam kong darating pero hindi ko alam kung gaano kalakas. Pagsapit ng alas-singko ng hapon ay nagdesisyon akong maligo at maghanda. Paglabas ko ng banyo, isang malaking puting kahon ang bumungad sa akin. Nasa gitna iyon ng kama ko. May maliit na card na nakapatong sa ibabaw. Kinuha ko iyon. "Wear this, dear. You'll look beautiful." - Mom Napabuntong-hininga ako bago dahan-dahang binuksan ang kahon. Isang eleganteng puting dress ang tumambad sa harapan ko. Simple. Classy. Napakaganda. Eksaktong klase ng damit na gustong-gusto ni Mom. Hinaplos ko ang tela. Hindi ko alam kung bakit, pero mas lalo lang akong kinabahan. Parang hindi ito simpleng family dinner. Parang may mas malaki pa rito. Mas malaki kaysa sa inaakala ko. Huminga ako nang malalim. "Stop overthinking, Avianna." Mahina kong sabi sa sarili ko. Baka surprise lang talaga. Baka iniisip ko lang ang pinakamasamang mangyayari. Hindi ko alam na ilang oras na lang magbabago na pala ang buong buhay ko. Eksaktong alas-siyete y medya nang makarating ako sa Leondell's Hotel. Huminto ang sasakyan sa harap ng engrandeng entrance. Isa-isang bumukas ang malalaking glass doors habang sinalubong ako ng staff. "Good evening, Miss Saavedra." Bahagya akong ngumiti. "Good evening." Habang naglalakad ako papasok, mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit. Parang may kung anong bumubulong sa isip ko na sana'y huwag na lang akong tumuloy. Pero nandito na ako. At alam kong wala rin naman akong pagpipilian. Tinawid ko ang malawak na lobby bago ako inalalayan ng isang staff papunta sa private dining room. Pagbukas ng pinto, naabutan ko sina Mom at Dad na naghihintay na. Pareho silang nakabihis nang elegante. Ngunit kakaiba ang katahimikan. "Sorry, medyo na-late ako." "It's okay, dear," nakangiting sabi ni Mom. "You're just in time." Tahimik akong umupo sa bakanteng upuan. Makalipas ang ilang minuto, isa-isang dumating ang mga pagkain. Pero kahit gaano pa kamahal ang mga iyon, wala akong ganang kumain. Pakiramdam ko may hinihintay lang silang matapos ang dinner. At habang lumilipas ang bawat minuto, mas lalo lang akong kinakabahan. Hindi ko na napigilan. "Mom..." Napatingin siya sa akin. "What's really going on?" Sandali siyang natahimik bago tumingin kay Dad, na tila hinihintay ang pahintulot nito. Napansin ko rin ang malalim na buntong-hininga ni Dad bago niya inilapag ang hawak niyang wine glass. "Avianna." Mariin ang boses niya. Napalunok ako. "Yes, Dad?" "May gusto kaming pag-usapan." Pakiramdam ko biglang bumigat ang hangin sa paligid. Hindi ako sumagot. Tahimik lang akong nakatingin sa kanilang dalawa. "You remember Mr. Lincoln?" Tumango ako. "Your business partner?" "My closest friend." Seryoso niyang sagot. Napakunot-noo ako. "Bakit po?" Nagkatinginan silang mag-asawa. At sa sandaling iyon... Parang tumigil ang oras. Huminga nang malalim si Dad bago nagsalita. "His family and ours have reached an agreement." Hindi ko maintindihan. "Agreement?" "Yes." Tahimik siyang tumingin sa akin. Isang tinging hindi ko mabasa. At pagkatapos... Binitiwan niya ang mga salitang tuluyang nagpayanig sa mundo ko. "You will marry his son." Hindi agad nagsink in ang sinabi niya. Pakiramdam ko mali ang narinig ko. Parang ibang tao ang kausap niya. Hanggang sa unti-unting tumagos ang bawat salita sa isip ko. Marry. His son. Ako? Nanlamig ang buong katawan ko. "Ano..." Mahina kong bulong. "Ano pong sinabi ninyo?" Hindi nagbago ang ekspresyon ni Dad. "You heard me." Parang may humigpit sa dibdib ko. Hindi ako makahinga. Hindi ako makapaniwala. "D-Dad..." Napailing ako. "You're joking... right?" Tahimik lang siyang nakatingin sa akin at doon ko nalaman ang sagot. Hindi siya nagbibiro. Hindi ito biro. Hindi ito pananakot. Desisyon na nila. Hindi ko namalayang napatayo ako. "How can you decide something like this?" Hindi ko na napigilan ang boses ko. "I don't even know him!" "Avianna—" "No!" Napatingin ako kay Mom. Umaasa. Umaasang kahit siya man lang ang kakampi ko. "Mom..." Mahina na ang boses ko. "Please..." "Tell me this isn't true." Nakagat niya ang ibabang labi niya. Ang sumunod niyang sinabi ang tuluyang dumurog sa akin. "It's already decided." Parang may kung anong nabasag sa loob ko. Hindi ko maipaliwanag. Hindi ito simpleng lungkot. Pakiramdam ko may unti-unting kumukuha ng buong buhay ko. "No..." Napailing ako. "No..." Hindi ko mapigilang maiyak. "Bakit?" "Bakit kailangan ninyo akong ipakasal sa taong hindi ko man lang kilala?" Tahimik ang buong silid. "Is this because of the company?" Walang sumagot. At ang katahimikang iyon... Sapat na. Nakuha ko na ang sagot. Napatawa ako. Mapakla. "So negosyo nga." "Avianna." Mariing tawag ni Dad. "You're doing this for our future." Napailing ako. "Hindi." Mahina kong sabi. "You're doing this for the business." Tumayo si Dad. Mabagal. Ngunit sapat para maramdaman kong muli ang awtoridad niya. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagalit. Pero mas nakakatakot ang pagiging kalmado niya. "Hindi ito request." Diretso niya akong tiningnan. "Desisyon na ito." Ramdam kong nanginginig ang mga kamay ko. Hindi sa takot. Kundi sa galit. "So wala akong choice?" "Wala." Napapikit ako. Gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak. Gusto kong tumakas. Pero higit sa lahat... Gusto kong marinig na sasabihin nilang nagbibiro lang sila. Na isa lang itong prank. Na hindi totoo. Pero wala. Tahimik lang silang dalawa. At doon ko tuluyang na-realize... Hindi nila ako tinatanong. Pinapaalam lang nila. Isa lang akong piyesa sa negosyong gusto nilang protektahan. Hindi anak. Kundi isang kasunduang kailangang tuparin. Huminga ako nang malalim. Mariin kong pinunasan ang luha sa pisngi ko. Tumingin ako kay Dad. Diretso. At sa unang pagkakataon sa buong buhay ko... Tinutulan ko siya. "I refuse." Natahimik ang buong silid. Maging si Mom ay nanlaki ang mga mata. Mahigpit kong kinuyom ang mga kamay ko. "Hinding-hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko kilala." Tumigas ang ekspresyon ni Dad. "Avianna." Mariin ang boses niya. "Tomorrow." Sandali siyang tumigil. "You'll meet your fiancé." Pakiramdam ko muling bumigat ang mundo ko. Hindi ako nakasagot. Hindi dahil pumayag ako. Kundi dahil... Hindi ko alam kung paano lalaban sa desisyong ginawa na nila para sa akin. At sa gabing iyon... Habang nakatingin ako sa dalawang taong dapat sana'y unang nagpoprotekta sa akin... Doon ko unang naramdaman ang totoong ibig sabihin ng mawalan ng kalayaan.Something UnfamiliarKyrex's POVMaaga akong nakarating sa opisina ngayon. Usually, gusto ko ang ganitong oras. Tahimik pa ang buong office at wala pang masyadong istorbo. Mas madali akong nakakafocus sa trabaho.Pero ngayong umaga, parang hindi gumagana ang utak ko. Nakatitig ako sa document na nasa harapan ko habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang narinig ko kahapon.“Na-miss kita.”Napabuntong-hininga ako. Bakit ko pa ba iniisip iyon? Ano naman kung namiss niya si Avianna? Magkaibigan sila. Siguro natural lang na ma-miss niya ang kaibigan niyang matagal ding nawala. Ilang taon silang hindi nagkita kaya normal lang na sabihin iyon ni Matt kay Avianna.Wala namang kakaiba roon at wala rin namang dapat isipin. Kinuha ko ulit ang ballpen at ipinagpatuloy ang pagbabasa.Ilang minuto lang ang lumipas nang kumatok si Marcus.“Sir?” Tawag nito.“Come in.” Sagot ko.Pumasok siya dala ang ilang folders at inilapag iyon sa mesa ko.“Mga documents po for approval.” Wika niya.Tumango
Old MemoriesAvianna's POV"Hot chocolate. Alam kong ito pa rin ang paborito mo."Napatingin ako sa paper cup na iniabot ni Matt bago ako napangiti."Naalala mo pa talaga?" tanong ko."Of course." Umangat ang isang kilay niya. "Ikaw lang naman ang kilala kong umiinom ng hot chocolate kahit tirik ang araw." Napatawa ako."Masarap naman uminom kahit tirik ang araw. Saad ko."Basta ikaw, favorite mo yan eh." Tumawa siya nang mahina. Napatingin ako sa kaniya nang ilang segundo.“So, tara na?” Tanong ko.Tumango lang si Matt bilang tugon.---Hindi nagtagal ay nakarating kami sa isang maliit na café na hindi kalayuan sa bahay.Pagpasok namin ay agad akong sinalubong ng amoy ng bagong timplang kape at bagong lutong pastries. May soft music na maririnig sa background, sapat lang ang lakas para hindi makagambala sa mga nag-uusap.Simple pero eleganteng tingnan ang loob ng café. May mga wooden tables at chairs na magkakahiwalay, habang sa isang bahagi ay may ilang comfortable na couches para
Marco ReturnsAvianna's POVDalawang araw na ang lumipas mula nang magkaroon kami ni Kyrex ng movie night sa gitna ng brownout.Maaga akong nagising ngayong umaga. Habang nagluluto ako ng almusal sa kusina ay paikot-ikot naman si Mochi sa paanan ko. Paminsan-minsan ay kinakalabit niya ang binti ko gamit ang ilong niya na para bang nagpapaalala na oras na rin ng pagkain niya."Sandali lang, Mochi." Natatawa kong sabi. "Ikaw talaga, mas excited ka pa kaysa sa'kin."Mahina itong tumahol at mas lalo pang kumawag ang buntot.Napailing na lang ako habang inilalagay ang nilutong omelet sa plato. Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Habang inilalapag ko ang huling plato sa mesa ay biglang tumunog ang cellphone ko.Napatingin ako sa screen. Unknown Number. Bahagya akong napakunot-noo."Sino kaya 'to?" Tanong ko sa sarili ko.Pinindot ko ang answer button at inilapit ang cellphone sa tainga ko."Hello?"Saglit na katahimikan ang sumunod.Pagkatapos ay isang pamilyar na boses ang narinig
Movie NightAvianna's POVIsang linggo na rin ang lumipas matapos ang hapunan naming tatlo nina Kiara. Unti-unti nang bumabalik sa normal ang takbo ng araw namin ni Kyrex. Pero habang lumilipas ang mga araw, pakiramdam ko ay may mga maliliit na bagay na unti-unting nagbabago sa pagitan naming dalawa.Tuwing umaga ay sabay na kaming nag-aalmusal bago siya pumasok sa Lincoln Group. Pagdating naman ng gabi, halos sabay na rin kaming naghahapunan.Hindi pa rin siya ganoon kadaldal pero hindi na rin siya kasing lamig ng dati.Minsan ay kusa na niyang tinatanong kung kumain na ba ako. Kung nakainom na ba ako ng gamot noong bagong galing ako sa lagnat. At kahit simpleng "good morning" at "good night," hindi na iyon nawawala.Hindi ko alam kung kailan nagsimula ang mga pagbabagong iyon pero hindi na rin ako gaanong naiilang kapag magkasama kami.Ngayon ay nasa kusina ako habang inaayos ang hapunan namin."Down!"Agad na bumaba si Mochi mula sa upuan nang marinig ang utos ko.Napatawa ako."Go
Choosing Her Over Maureen Kyrex's POV Tatlong araw na rin ang lumipas pagkatapos magkasakit ni Avianna. Bumalik na naman ako sa dating gawi na maagang pumasok ng opisina. Tahimik ang buong opisina ng Lincoln Group habang nakatingin ako sa mga dokumentong nakalatag sa ibabaw ng mesa. Halos kalahating oras na akong nakaupo rito matapos ang meeting kasama ang board of directors. May ilang kontratang kailangan kong pirmahan, ilang proposal na kailangang basahin, at sunod-sunod na reports na naghihintay ng approval. Ngunit kahit ganoon, hindi ko mapigilang mapatingin paminsan-minsan sa relo ko at napansin iyon ni Marcus. "Sir?" Hindi ko siya nilingon. "Hm?" "May kailangan pa po ba kayo?" Tanong nito. "Meron." Sagot ko. Tumango lang siya at naghintay kung ano man yun. "Inaayos ko lang ang mga natitirang papeles." Wika ko. "Yes, sir." Tugon nito. Ilang segundo ang lumipas bago muli siyang nagsalita. "Sir..." Muli niyang tawag sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. "May bisita
The First Worry Avianna's POV Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko nang tumama ang sinag ng araw sa mukha ko. Hindi tulad kahapon, hindi na ganoon kabigat ang pakiramdam ko. Bahagya na lang ang sakit ng ulo ko at hindi na rin gaanong mabigat ang katawan ko. Napangiti ako nang kaunti. Mukhang umepekto na ang gamot. Napasinghot ako. May naaamoy akong pagkaing na nanggagaling ito sa ibaba. Dahan-dahan akong umupo sa kama at pinakiramdaman ang sarili ko. Wala na ang matinding hilo kagaya kahapon. "Okay na 'ko," mahina kong bulong. Maingat akong bumaba ng kama. Akala ko ay makakababa na ako nang hindi napapansin. Pagbukas ko pa lang ng p***o ng kwarto ay bumungad agad sa akin si Kyrex na paakyat ng hagdan. Mukhang kagagaling lang niya sa ibaba. Agad siyang napahinto nang makita akong nakatayo. "Saan ka pupunta?" tanong niya. "Bababa lang." Sagot ko. "Hindi." Wika niya na may awtoridad sa boses niya. Napakurap ako. "Hindi?" ulit ko. Tumango siya. "Bumalik ka sa kama." Wika n
THE MORNING AFTER AVIANNA'S POV " You're awake." Biglang kumabog ang puso ko nang marinig ang boses. Dahan-dahan kong iniangat ang ulo at tinignan kung sinong nagsalita at agad kong nakilala ang may-ari ng boses. Siya. Yung lalaking nakabangga ko sa bar. Nanlaki ang mga mata ko nang
Avianna's POV Isang napakagwapong lalaking nakatitig sa akin. Napailing ako at umalis sa pagkakahawak sa kanya at inayos ang suot ko nang ma-realize kung ilang segundo rin akong nakattitig sa kanya. " Pasensya na. " Naiilang na sabi ko. " Be careful next time. " He seriously said at umalis na.
CHAPTER 3 " A TASTE OF FREEDOM "Avianna's POV Just for this night. Paulit-ulit na pumasok sa isip ko ang mga katagang ito. Bumaba na'ko ng sasakyan at tinignan ang gusaling nasa harapan ko. Maraming kasing edad ko ang pumapasok at lumalabas ng bar. Napabuntong hininga ako at napakapit ng
CHAPTER 2" THE LIFE I NEVER CHOSE "Avianna's POVAfter what happened at the hotel earlier, dumiretso agad ako sa kwarto ko.I don't know what to feel.Magkahalo ang nararamdaman ko.Galit.Takot.Pagkalito.Pagkabalisa sa magiging kinabukasan ko.Hindi ko na alam.Halos mamaga na ang mga mata ko







