Share

The Atonement
The Atonement
Author: Alex Dane Lee

Chapter One: Clarissa, Ang Probinsiyana

Matapos ang buong maghapon na pagtitinda sa palengke ay napapasiyahan ni Clarissa na umuwi na pagkatapos niyang magtinda ng bagoong. Dala-dala niya ngayon ang isang balde ng natirang bagoong. Iuuwi niya iyon sa bahay dahil ititinda niya ulit iyon kinabukasan.

"---Mga kababayan,hinihingi po naming ang inyong suporta. Sana po ay iboto ninyo si Manong Ricardo Esquivel para sa pagka-Congressman. Maraming Salamat po sa inyong lahat!" biglang dumaan ang campaign car ni Ricardo Esquivel, at tumatakbo ang matanda bilang Congressman ng 3rd District ng Pangasinan.

Nag-iikot ngayon ang mga campaigners ng mga Esquivel sa kanilang mallit na bayan sa San Carlos City, Pangasinan. Base sa mga naririnig niya na kuwentuhan sa mga palengke ay malakas ang laban ni Manong Esquivel. Kahit ang kanyang Tatay at ang kanyang Kuya ay pursigidong iboto ang matandang Esquivel.

Naglalakad siya ng mabagal habang hinahabol ng tingin ang papalayong campaign car ng mga Esquivel nang biglang may bumangga sa kanya. Nabitawan niya ang hawak na balde, at natapon ang dala niyang bagoong. Nang mahimasmasan siya ay agad siyang tumayo at tinignan ang taong nasa harapan niya. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya na natapon ang buong bagoong sa putting damit ng lalaki!

"Naku, pasensiya na po!" agad siyang humingi ng paumanhin sa lalaking nakabangga niya.

"No, it's alright. May kasalanan din ako dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko..." ang agad na responde naman ng lalaki.

"Nadumihan tuloy ang damit ninyo." hindi malaman ni Clarissa kung ano ang gagawin niya. 

"Don't worry about it. Alam ko naman na hindi mo naman sinasadya ang pangyayari. Pero hindi ako puwedeng maglakad na amoy bagoong... By the way, malapit lang ba ang bahay ninyo?" ang biglang naitanong ng lalaki.

Parang biglang nag-alinlangan si Clarissa matapos niyang marinig ang tanong ng lalaki. Alam niya kung ano ang gusto nitong ipahiwatig, pero nag-aalangan siya dahil hindi niya lubusang kilala ito.

"Oh, I'm so sorry for my rudeness. Huwag ka ng mag-alala, hindi ako masamang tao. I'm Rafa Esquivel, at ako ang panganay na anak ni Ricardo Esquivel..." ang nakangiting pakilala ng lalaki sa sarili.

Parang gustong lumubog ni Clarissa sa sobrang kahihiyan matapos niyang malaman na anak pala ng isang prominenteng tao sa kanilang probinsiya ang kausap niya ngayon.

"How about you? Puwede ko bang malaman ang pangalan mo?" muli niyang narinig ang tinig ng lalaki.

"Ah, ako nga pala si Clarissa Montecillo. Pasensiya na po ulit sa nangyari." ang hiyang-hiyang responde ni Clarissa.

"Well, makakabawi ka sa akin kung matutulungan mo ako." nakangiting turan ng Rafa.

"A-Ano pong puwede kong maitulong sa inyo?"

"Ngayong kilala mo na ako, at sinisigurado ko sa'yo na hindi ako masamang tao, puwede ba akong makaligo at makahiram ng damit sa bahay ninyo? I can't go walking around like this..." Rafa sincerely pleaded.

Noong una ay nagdadalawang-isip pa si Clarissa, ngunit nagi-guilty siya habang tinitignan ang hitsura ng lalaki. Amoy bagoong talaga ito, kaya pumayag na rin siya sa huli...

"O-Okay. Tara na po at nang makasakay tayo ng tricycle. Bibiyahe po tayo ng kalahating oras bago tayo makarating sa bahay namin." ang paglalahad ni Clarissa.

"That's alright. After you, Clarissa." ang nakangiting responde ni Rafa.

Agad na silang sumakay sa isang traysikel, at tinahak na nila ang daan pauwi ng bahay. 

Makalipas pa ang ilang sandali ay nakarating na rin sila sa isang bahay-kubo at iyon ang tahanan nina Clarissa.

Masaya naman sinalubong si Clarissa ng nakakatandang kapatid nito na si Caloy.

"Clarissa, tamang-tama ang dating mo. Nagluluto na ng hapunan si Tatay---!" hindi na natapos ni Caloy ang kanyang sasabihin nang makita niya na may kasamang lalaki ang kapatid.

"Kuya Caloy, kasama ko po ngayon si Rafa Esquivel... Rafa, siya naman ang nakakatanda kong kapatid, si Caloy." ang pagpapakilala ni Clarissa sa dalawa.

"Nice to meet you, Caloy." magalang at sinserong tugon ni Rafa.

Imbes na sumagog ay agad na tinawag ni Caloy ang kanilang ama.

"Tay, lumabas po kayo at may kasamang lalaki si Clarissa!" ang tawag nito.

Mabilis pa sa alas-kuwatro na lumabas ang Tatay ni Clarissa na si Mang Claro.

"At sino ang kasama ni Clarissa?" ang humahangos na tanong ng matanda, habang may hawak-hawak pa itong sandok.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala, Sir. Ako po si Rafa Esquivel, ang anak ni Ricardo Esquivel." ang magalang na pakilala ni Rafa sa kanyang sarili.

"At bakit kasama ka ng anak ko?" seryosong tanong ni Mang Claro.

"Hayaan po ninyo akong ipaliwanag ang lahat... Nagkabungguan po kami sa palengke at aksidenteng natapon ang dala kong bagoong sa kanya. Kaya po siya nandito ay para makaligo siya at makapagpalit ng damit." ang mahabang paliwanag ni Clarissa.

Matapos noon ay para namang nahimasmasan sina Mang Claro at Caloy matapos nilang marinig ang paliwanag ni Clarissa. 

"O, ano pang hinihintay mo, iho? Pumasok ka na sa loob upang makaligo ka na. Caloy, pahiramin mo muna ng damit si Rafa." ang utos ng matandang lalaki sa anak.

Tuluyan nang ngumiti si Rafa nang sa wakas ay i-welcome na siya ng pamilya ni Clarissa.

"Maraming salamat po, Sir." ang nasabi ni Rafa.

Matapos noon ay magkakasabay silang pumasok sa loob ng bahay...

===========================

Makalipas ang ilang oras.

"Maraming salamat sa pagtanggap ninyo sa akin sa bahay ninyo, Mang Claro. Salamat sa pagpapahiram mo ng damit sa akin, Caloy. At maraming salamat din po sa pag-imbita ninyo sa akin na makisalo sa inyo ng hapunan. Napakasarap po ng adobo ninyo." Rafa politely thanked everyone.

"Mabuti at nagustuhan mo ang luto ko, Rafa." ang nakangiting tugon ni Mang Claro.

"At puwede kang tumambay dito ano mang oras." ang dagdag naman ni Caloy.

"Naku, salamat sa inyong imbitasyon. Mukhang mapapadalas ang pagbisita ko dito." ang nasabi ni Rafa, while giving Clarissa a knowing look.

Hindi alam ni Clarissa kung bakit hindi niya magawang salubungin ang mga tingin ni Rafa. Ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng ganoon, at hindi niya alam kung ano ang gagawin.

Naputol sa pagmumuni-muni si Clarissa nang marinig niya ang tunog ng makina ng traysikel. Hindi niya namalayan na may huminto na palang sasakyan sa harapan nila... 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status