Share

Chapter Three: Ralf Esquivel, The Gentleman

Mabilis na lumipas ang mga araw. Sa ngayon nga ay opisyal nang nagsimula sa trabaho si Clarissa bilang kasambahay ng pamilya Esquivel.

"Clarissa, iha... Pakilinisan muna ang mga kuwarto sa itaas bago pa makauwi ang mga amo natin sa pagdya-jogging nila. Tiyak na magsa-shower sila pag-uwi at pagkatapos ay mag-a-almusal sila pagdating." ang utos sa kanya ni Aling Maring, ang mayordoma ng pamilya Esquivel.

"O-Opo." iyon na lamang ang naisagot ni Clarissa pero lihim siyang kinakabahan.

Papasok siya sa kuwarto sa kuwarto ni Rafa Esquivel at alam niya na marami siyang makikita at makikilala niya ng konti ang pagkatao ng lalaki...

Umakyat na siya sa second floor ng mansyon habang dala-dala niya ang walis tambo at ang basahan. Sinabihan siya ni Ma'am Maring na ang unang kuwarto sa kanan ang una niyang linisan dahil iyon ang kuwarto ni Rafa.

Nagtaka siya nang makita niya na nakabukas ng kaunti ang kuwarto ni Rafa. Dahan-dahan siyang pumasok upang makapaglinis na siya.

Nang makapasok na siya sa loob ng kuwarto ni Rafa ay nagulat na lamang siya nang makita niya ang lalaki na kakalabas lamang ng banyo at nakatapi lamang ito ng tuwalya.

May ilang segundo rin silang nagkatitigan at walang nagsalita sa isa sa kanila. Nakita ni Rafa na tumutulo pa ang patak ng tubig mula sa mukha nito, pababa sa katawan nito...

Titili na sana si Clarissa dahil sa labis na pagkagulat, ngunit agad siyang nilapitan ng lalaki at tinakpan ang kanyang bibig gamit ang kamay nito. At dahil din sa mabilis nitong pagkilos ay nawalan ito ng balance, kaya naman sabay silang natumba sa katabing kama nito...

Hindi maipaliwanag ni Clarissa ang kanyang nararamdaman dahil first time lamang niyang makaramdam ng ganito. Napakabilis ng pagkabog ng kanyang dibdib, na para siya g mawawalan ng hininga. Pakiramdam niya ay nag-iinit din ang kanyang buong mukha...

Makalipas pa ang ilang minuto ay tinulungan siyang makatayo ni Rafa mula sa kama.

"What are you doing here, Clarissa?" ang agad na tanong sa kanya ni Rafa.

"Nagtatrabaho ako dito bilang kasambahay." ang namumulang sagot ni Clarissa.

"Oh! Kayo pala ang sinasabi ni Manang Maring na magiging part-time helper over the summer?" ang turan ni Rafa.

"Oo, kami nga iyon." 

"I'm sorry, I didn't know much detail about it. Nag-stay kasi ako sa Maynila ng mga ilang araw para asikasuhin ang mga negosyo ni Papa. Anyway, I'm sorry about what happened, Clarissa. Kaya ko lang nagawa iyon dahil ayaw kong mabulabog ang buong kabahayan at baka pag-isipan ka ng masama ng mga tao dito." ang paghingi ng paumanhin ni Rafa.

"Ang sabi ni Manang Maring ay unahin ko daw linisan ang kuwarto mo bago ka bumalik mula sa pagdya-jogging kaya nandito ako ngayon." muling nagsalita si Clarissa.

"Oh yeah. I'm so sorry for surprising you like that. Hindi na ako nakapag-jogging dahil I'm so dead tired kasi nag-drive ako ng six hours mula sa Maynila hanggang sa San Carlos City, Pangasinan." imporma ni Rafa.

"Hind mo naman kailangang mag-sorry sa akin. Sige na at lalabas na ako upang makapagbihis ka na." agad na tumalilis si Clarissa palabas ng kuwarto ni Rafa.

Parang nanghihina ang kanyang mga tuhod habang bumababa siya ng hagdanan. Ngayon lang siya nakakita ng lalaking nakatapi ng tuwalya. Higit sa sa lahat ay ngayon lang siya naging ganoon ka-close sa isang lalaki!

Ipinilig niya ang kanyang ulo na para bang mawawala ang ideya na iyon sa kanyang isipan.

"Huminahon ka at kalimutan mo ang lahat ng mga nangyari, Clarissa. Kailangan mong mag-focus sa trabaho!" lihim niyang pinagalitan ang kanyang sarili...

===============================

Dumating ang oras ng tanghalian. Sa ngayon ngayon ay isa si Clarissa sa nagse-serve ng lunch sa buong miyembro ng pamilya Esquivel. Kabilang doon ang mag-asawang Mr. Ricardo Esquivel at Mrs. Victorina Esquivel. Kasam rin ang dalwang mga anak nito na sina Rafa at Ralf.

Ngunit may isang espesyal na bisita ang pamilya Esquivel. Ito ay isang napakagandang babae na katabi ni Rafa.

Base sa mga naririnig niya sa usapan ng pamilya, ang pangalan ng babaeng iyon ay Jasmine, at kababata ito ni Rafa. 

"I'm glad that you've decided to have a vacation here in Pangasinan and help with the election campaign, Jasmine." ang nakangiting pahayag ni Donya Victorina.

"I need a change of scenery, Tita Victoria. I want to get away from the bustle and hustle of the big city." magiliw na sagot ni Jasmine.

"Well, if that's the case, Ralf can give you a tour." dagdag ni Don Ricardo.

"Sure. Marami akong magagandang lugar na ipapakita sa'yo." Ralf smilingly stated.

"I would love that, darling. I can'y wait!" ang malambing na tugon naman ni Jasmine.

"At hindi na ako sasama sa inyo dahil alam ko namang magiging third wheel lang ako." ang natatawang singit naman ni Ralf.

Sukat doon ay nagkatawanan ang buong pamilya.

Samantala, lihim naman na nagseselos si Clarissa. 

"Mukhang lalanggamin ang lahat ng tao dito dahil sa sobrang sweetness na pinapakita nina Ralf at Jasmine. Kung tutuusin ay bagay na bagay silang dalawa. Parehong guwapo at maganda, may mataas na estado sa lipunan, at higit sa lahat, mayaman. Gaya nga ng sinasasabi ng iba sa Ingles, they are "match made in heaven." ang naisip niya.

=============================

Noong gabing iyon ay hindi makatulog si Clarissa sa kanyang kuwarto dahil sa kakaisip sa nangyari sa kanila ni Rafa sa kuwarto nito. Bukod pa doon ay nasa isip din niya si Jasmine, ang babaeng malapit kay Rafa.

Pinipilit niya ang sarili na huwag magselos dahil wala naman siyang karapatan na makaramdam ng ganoon. Wala silang kahit anong relasyon ni Rafa, maliban lamang sa pagiging isang amo at kasambahay. Nothing more, nothing less...

=================================

Kinabukasan ay nakatoka naman siya na maglinis at diligan ang mga halaman at bulaklak sa hardin ng mga Esquivel. Nakita siya doon ng nakakabatang kapatid ni Rafa na si Ralf.

"Hello again. You're Clarissa, right?" ang magiliw na bati sa kanya ng lalaki.

Natigil sa pagdidilig ng mga halaman si Clarissa. 

"Opo, Sir." sagot niya sa kanyang amo.

"Please, drop the "Sir" and drop the formalities. Palagay ko ay halos magkasing-edad lang tayo. By the way, introductions are in order. I'm Ralf Esquivel." ang pagpapakilala ni Ralf sa sarili as he extended his hand towards Clarissa for a handshake.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status