LOGINTumango siya nang bahagya. Lumapit siya sa table kung saan nakadisplay ang mga painting at antique pieces—ang kanyang dahilan kung bakit naroon. Nagkunwari siyang interesado habang pasimpleng minamanmanan ang galaw ng target.
Ngunit bago pa siya makapagpatuloy, naramdaman niyang may tumitig sa kanya. Malakas. Direkta. Pag-angat niya ng paningin, nagtagpo ang mga mata nila ni Quenllion. At sa sandaling iyon, tila huminto ang paligid. Walang musika. Walang ingay. Tanging ang kanyang tibok ng puso. Ngumiti si Quenllion—maliit, tiyak, parang alam niyang hindi siya basta bisita. Lumapit ito sa kanya, marahang hakbang na parang alon ng kumpiyansa. “Good evening,” aniya, mababa ang boses, may bahagyang accent na hindi matukoy kung British o Japanese. “I don’t think we’ve met.” Ngumiti rin si Merida, pinanatiling kalmado ang ekspresyon. “Selene Rae Navarro. I represent the Navarro Art House in Madrid.” “Ah,” tumango si Quenllion, ibinaba ang kanyang baso. “Art dealer. That explains the curiosity in your eyes.” Tinagilid niya ang ulo, pilit na hindi nagpapadala. “I suppose you can tell much about people through eyes?” Ngumiti ito. “Only those who are hiding something.” Sa loob ng kanyang earpiece, may narinig siyang boses: “Agent, careful. He’s sharp.” Pero huli na. Nakatitig na sa kanya si Quenllion, direkta, walang takot—at tila ba nakikilala siya hindi bilang Selene, kundi bilang Merida. --- Sa pagtatapos ng gabi, habang naglalakad siya palabas ng ballroom, may nakasunod sa kanyang waiter. Inabot nito ang isang maliit na sobre. “From Mr. Kamiyana,” anito. Binuksan niya iyon sa sasakyan, at sa loob ay isang simpleng card—walang pangalan, walang address. Tanging mga salitang: “We’ll meet again, Agent.” Nanlamig ang mga daliri ni Merida. Hindi niya alam kung paano, pero isang bagay ang malinaw— Hindi na siya ang nagmamanman. Siya na ang minamanmanan. --- Tahimik ang buong headquarters. Tanging tunog ng mga keyboard at mahinang ugong ng air conditioning ang pumupuno sa silid habang si Mirae ay nakaupo pa rin sa harap ng kanyang desk. Mahaba ang araw — debriefing, pagsusuri ng data, at paulit-ulit na pag-check ng bawat detalye ng nakaraang operasyon. Pinatay niya ang monitor at marahang huminga. Sa screen kanina, ilang ulit niyang nakita ang parehong mukha — ang lalaking dapat ay target lamang ng kanyang misyon. Ngunit sa bawat titig niya sa larawan, mas lalo niyang nararamdaman ang isang hindi maipaliwanag na kaba. “Good work,” malamig na sabi ng direktor bago siya tuluyang pinayagang umuwi. “We’ll take it from here. You need rest, agent.” Tumango lang siya. Pero ang isip niya, gising na gising. --- Paglabas niya ng compound ay gabi na. Madilim ang langit, at tanging mga ilaw ng poste ang nagbibigay ng liwanag sa tahimik na daan. Sinubukan niyang tawagan si Kieran. “Hey, I’m heading home,” sabi niya, habang tinatahak ang kalsada. “Alright. Be careful. You sound off—” Hindi na niya narinig ang kasunod. Tatlong lalaking naka-itim ang biglang sumulpot sa dulo ng kalsada. Mga maskara, mabibigat na hakbang. Mabilis niyang hinugot ang maliit na blade sa manggas at umatras, alerto. “If you know what’s good for you—” Hindi pa man siya nakakatapos, umatake na ang isa. Umiwas siya, sinipa ang isa sa tagiliran, tumama. Ngunit bago pa man siya makabawi, may isang kamay na humawak sa kanyang leeg. Isang karayom. Isang tusok. Isang malamig na likido. Naglaho ang lahat sa isang iglap. --- Pagmulat ng mga mata niya, sumalubong ang amoy ng kalawang at mamasa-masang hangin. Madilim ang paligid, may kumikislap na bombilya sa itaas. Bakal. Selda. Napakapit siya sa malamig na rehas. “Where the hell am I…?” “Gising ka na pala.” Boses iyon ng babae mula sa kabilang kulungan, marumi ang damit at nanginginig. “Huwag kang maingay. May mga bantay.” “Nasaan tayo?” “Sa ilalim. Sa Syndara Underground Auction Organization.” Tumigil si Mirae. Parang may biglang sumabog sa loob ng ulo niya. Hindi maaari. Syndara — ang parehong organisasyon na minsang binanggit ng kanyang ama bago ito mawala. Ang utang na dahilan kung bakit nasira ang pamilya nila. Akala niya, alamat lang iyon, pero ngayon, siya mismo ang bihag nila. Bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi ito puwedeng mangyari. Hindi siya puwedeng makilala dito. Lalo na kung may koneksyon ito sa lalaking sinusundan niya. “Bakit nila tayo dito dinala?” tanong niya, pilit pinapakalma ang sarili. “Ginagawa nila ‘tong auction gabi-gabi,” sagot ng babae, nanginginig. “Mga babae, binebenta. Parang laro lang sa mga mayayaman.” Bago pa siya makasagot, naramdaman ni Mirae na gumagalaw ang sahig sa ilalim ng kanyang selda. Mabagal, paangat. Parang lift. “W-wait—anong nangyayari?” “Selection night!” halos pasigaw na sagot ng babae. “Pipili sila kung sino ang ilalabas!” Sinubukan niyang pigilan ang rehas, pero walang magawa. Umandar ang selda niya pataas, paakyat sa isang silid na biglang nabalot ng liwanag. --- “Ladies and gentlemen, welcome to tonight’s Syndara Underground Auction!” Boses iyon ng announcer, malakas, puno ng kasiyahan na parang hindi ito mga tao ang ipinagbibili. Nabulag si Mirae sa liwanag. Nakasuot siya ng puting damit, maninipis ang tela, at ang mga kamay niya ay itinali sa harap. Bumukas ang selda at pumasok ang dalawang bantay, hinawakan siya sa braso at itinayo sa gitna ng entablado. Sa ibaba, mga taong nakaupo sa mga silya, lahat ay may maskara. Lahat ay may mga numerong hawak. “Item number twenty-seven,” sabi ng announcer. “A new acquisition. Strong-willed, intelligent, and rare. Starting bid — two hundred million.” Tumahimik siya. Pinilit niyang huwag magpakita ng emosyon. Kailangang hindi nila ako makilala. Hindi ako pwedeng makilala. Ngunit habang tumataas ang presyo, habang paulit-ulit ang mga sigawan ng mga bidder, bigla niyang narinig ang isang boses. Mababa. Kalma. At sobrang pamilyar. “Eight hundred seventy million.” Parang tumigil ang hangin. Ang lahat ay natahimik. Ang announcer mismo ay napalunok bago ngumiti nang pilit. “W-we have a bid of 870 million… from Mr. Kamiyana.” Napalakas ang tibok ng puso ni Mirae. Hindi siya makahinga. Hindi… hindi puwedeng siya iyon. Dahan-dahan niyang iniangat ang tingin. At doon, sa gitna ng dilim ng VIP box, nakita niya siya — nakaupo, walang maskara, malamig ang mga mata, tila walang emosyon. Nagtama ang kanilang mga paningin. At sa iglap na iyon, parang nabura ang ingay ng buong lugar. Ang lahat ng sigawan, palakpakan, at bulungan ay naglaho. Tanging siya lamang — at ang lalaking ilang araw pa lang ang nakalilipas ay dapat niyang imbestigahan. Ngumiti ito, bahagya lang, ngunit sapat para manigas ang buo niyang katawan. “Sold,” sigaw ng announcer. “To Mr. Kamiyana!” Nanghihina ang tuhod ni Mirae habang nilalapitan siya ng mga bantay. Ibinaba ang ulo niya, pilit pinipigilan ang mga luhang gustong tumulo. Hindi. Hindi siya puwedeng makaalam kung sino talaga ako. Habang hinahatak siya palayo, marahang tumigil sa gilid ng entablado ang mga bantay. Mula roon, tumayo si Quen at bumaba sa unahan, mabagal, kontrolado, parang sinadyang patagalin ang bawat hakbang. At nang magtama muli ang kanilang mga mata, alam ni Mirae na tapos na ang tahimik niyang mundo bilang agent. Ngayon, siya na ang bihag ng lalaking dati niyang binabantayan — at binili siya nito sa halagang walong daan at pitumpung milyong piso.Sunod-sunod ang pagdating ng mga panibagong bisita—mga business partners, ilang kilalang personalidad, at siyempre, ang tatlong kapatid ni Quen, Severin Kamiyana,Casimir Kamiyana,at Leandro Kamiyana.Pagkapasok nila, agad nilang napansin ang tensyon sa gitna ng sala—lalo na si Victoria na halos hindi na bumibitaw sa braso ni Quen,at si Mirae na nakatayo nang maayos, composed, elegant,parang mismong Madamme na ipinanganak para sa eksenang iyon.Habang nagpapalakpakan sa pagbati, biglang nagsalita si Victoria,malutong ang boses, may halong pagyayabang na hindi man lang niya tinatago.“Oh, by the way,” aniya, malakas ang tono para marinig ng lahat.“I finished my Master’s at Oxford. Finance. Daddy said I excelled more than expected.”Humalakhak siya nang parang may sinasakpang eksena.May ilang tumango, nakisama.Pero ang mga mata ng mga bisita?Lumulipat-lipat kay Victoria at Mirae—naghihintay kung paano tutugon ang Madamme.Tahimik si Mirae sa una.Hindi pinakagat.Hindi nag
Hindi dahil sa sinabi tungkol kay Victoria… kundi dahil sa huling linya ni Kairo. “H-hala— teka, bakit ako? Hindi naman ako—” “Kami ang nakakakita, Mirae.” Seryoso na si Kairo ngayon. “Kami ang nakakakilala kay Quen. At kami rin ang nakakakita kung paano ka niya tinitingnan.” “Kung pababayaan nating lapitan siya ng ibang babae, lalo na si Victoria… baka may mas ugly pa tayong makitang side ng amo ko.” Parang humigpit ang hawak ni Kairo sa hangin. “He’s already possessive. Dark. Territorial. At ayokong ibang babae ang maging trigger niya.” Natigilan si Mirae. “Kaya please,” mariing sabi ni Kairo, “Bumaba ka na. Bago makahanap ng dahilan si Amarillo Quen para gumawa ng eskandalo.” Huminga nang malalim si Mirae, ramdam ang bigat ng pangyayari. “Fine,” mahinang tugon niya. “Bababâ ako.” Pero bago lumabas si Kairo, tumingin pa ito sa kanya — seryoso at parang binibigyan siya ng malaking responsibilidad. “At Mirae-ssi… good luck.” Napabuntong-hininga siya. “Dahil yung babae
Hindi makatulog si Mirae.Hindi matapos-tapos ang pagbalik ng mga alaala—ang boses ng mga tiyuhin ni Quen, ang malamig na tingin ng mga Wilton, at ang delikadong kirot sa dibdib niya tuwing naiisip na baka hindi niya talaga pagmamay-ari ang sarili niyang buhay sa ilalim ng pangalang Madamme Kamiyana.Kaya nang tuluyang sumikip ang dibdib niya, marahan siyang bumangon at naglakad palabas ng kwarto. Tahimik. Maingat.Ang mga pasilyo ng Casa Kamiyana ay kalahating dilim, at ang mga oil painting ay parang sumusulyap habang dumaraan siya. Ngunit may isa lang siyang direksyon sa isip:Ang library.Doon siya unang nakakita ng lumang larawan ng kanilang mga grandparents.Doon siya unang nakaramdam na may malalim na sikreto ang pamilya ni Quen.At doon niya nararamdaman ngayon… may hinihintay siyang matuklasan.---Pinihit ni Mirae ang mabigat na doorknob.Kumaskas ang lumang kahoy.Pagpasok niya, isang malamig na samyo ng lumang papel at polish ang sumalubong.Sinara niya ang pinto.At doon,
Lumipas ang ilang minuto matapos umalis ang mga tiyuhin ni Quen, ngunit parang hindi gumagalaw ang hangin. Nakatayo si Mirae sa gilid ng hall, mahigpit ang hawak sa sariling braso habang unti-unting sumisingit ang takot sa kanyang dibdib. Ang mga bisita ay nagsiuwi na, at ang mga ilaw sa bulwagan ay unti-unting pinapatay ng mga katulong.Tahimik — malagim na tahimik.At si Quen… kanina pang naka-tiim bagang, halos hindi tumitingin sa kanya.Paglapit niya, hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang huminga nang malalim — pero alam niya na may kailangan siyang marinig.“Quen,” malamig pero kumikibot ang boses niya, “we need to talk.”Tumingin si Quen, mabagal, parang pilit niyang pinipigilan ang isang bagyong gustong kumawala.“Not here,” aniya. “Follow me.”Tumalikod ito at mabilis na naglakad papasok sa loob ng mansyon. Walang sinabi si Mirae, ngunit sinundan niya ito hanggang marating nila ang private library — isang silid na nakukulob, tahimik, at halos puro anino ang bumabalot.
Habang nagpapatuloy ang gabi, lumalim ang mga usapan. May halakhakan, may kaunting alak, at may mga kantang marahan na pumupuno sa hangin.Sa pagitan ng mga mesa, naroon ang mga mumunting tinginan nina Quen at Mirae — mga lihim na usapan ng mga mata, mga alaala ng halik na minsan ay nagpatigil sa mundo.“Mirae,” tawag ni Leandro, nakangiti, “you should make a toast.”“Toast?” gulat niyang sabi. “Ako?”“Yes,” sabat ni Casimir, “You’re the Madamme of the House now. You should say something to the family.”Tumingin siya kay Quen.Tumango ito, banayad, may ngiti sa gilid ng labi. “Go ahead.”Huminga siya ng malalim, at tumayo.“Thank you… for welcoming me here,” panimula ni Mirae, may halong kaba ngunit buo ang tinig. “I may not fully understand yet the weight of being part of this family, but… I’ll do my best to honor it. To bring light, if I can.”Tahimik ang lahat sa loob ng ilang segundo — hanggang sa marinig ang malambot na palakpakan ng mga kamay.Ngumiti si Quen, at marahang tinaas
Dalawang araw ang lumipas mula nang gabing iyon sa opisina ni Quen — gabing puno ng mga tanong, at mga sagot na tila lalong nagdagdag ng bigat sa dibdib ni Mirae. Ngunit sa mga sumunod na araw, pinilit niyang ituon ang sarili sa kasalukuyan. Kung paano siya tatahi ng ngiti sa harap ng mga taong nagmamasid, at kung paano siya magiging karapat-dapat sa titulong “Madamme of House Kamiyana.”Ngayon, sa ilalim ng mala-kristal na kisame ng grand ballroom ng Casa Kamiyana, abala siya sa pakikipag-usap sa mga katulong at event organizers. Ang hapon ay maliwanag, ang mga sinag ng araw ay tumatama sa mga gintong chandelier na kumikislap na parang mga bituin sa ilalim ng bubong.Suot ni Mirae ang isang simpleng linen dress na kulay pearl white, nakatali ang kanyang buhok sa likod, at hawak ang clipboard na punô ng mga listahan. Sa paligid, naglalakad ang mga staff — may nag-aayos ng bulaklak, may nag-aayos ng ilaw, at ang iba nama’y abala sa paglalatag ng mesa.“Siguraduhin n’yong maayos ang pla







