Share

The Auction Of Sin
The Auction Of Sin
Author: Inkymagination

CHAPTER 01

last update Huling Na-update: 2025-10-19 22:15:23

Ang tunog ng mga hakbang ni Merida Raelyn Anastacia ay kumakalansing sa malamig na pasilyo ng kanilang pasilidad—isang lugar na walang pangalan, walang mga bintana, at walang sinumang nakakaalam kung saan talaga ito matatagpuan. Ang ilaw mula sa kisame ay mapuputlang puti, tila ba sinadya upang ipaalala sa lahat ng dumaraan na dito, walang emosyon, walang takas, at walang pagkakamali ang pinapatawad.

Huminga siya nang malalim bago pumasok sa opisina ng direktor. Sa loob, amoy kape at metal; nakahilera ang mga monitor na nagpapakita ng mga mapa, pangalan, at mukha—mga target, mga banta, mga buhay na kailangang bantayan o burahin. Sa gitna ng lahat ay ang kanyang boss, si Director Harlan Verick, ang lalaking bihirang ngumiti at laging may hawak na sigarilyong hindi kailanman sinisindihan.

“Agent Anastacia,” malamig na bati nito, hindi man lang tumingin agad. “Upo.”

Sumunod siya, tuwid ang likod, mahigpit ang mga daliri sa ibabaw ng tuhod. “Sir.”

Tumingin ito sa kanya pagkatapos ng ilang segundo. “Matagal na kitang hindi pinapatawag sa field. Alam kong huling operasyon mo ay tatlong buwan na ang nakalipas.”

“Correct, sir. Debriefed and cleared na rin po ako.”

“Good. Dahil may bago kang assignment.”

Binuksan ni Director Verick ang isa sa mga monitor. Isang larawan ang lumabas—isang lalaking nakasuot ng maitim na suit, may manipis na ngiti, at mga matang tila kayang sumukat ng kaluluwa.

Quenllion Kiesha Kamiyana.

Ang pangalan pa lang ay tila ba may dalang bigat. Iyon ang uri ng pangalang nababanggit lang sa mga kwento, sa mga bulong, sa mga lihim na transaksiyon sa ilalim ng mundo. Mapa-Asia man o Europa, iisa ang naririnig tungkol sa kanya—isang anino na humahawak ng mga anino.

“Underground mafia lord,” wika ng direktor. “Walang kasong maipapasa sa korte, walang konkretong ebidensiya. Pero lahat ng galaw niya, kahit hindi direktang nasasangkot, ay may dugo sa dulo.”

Tahimik si Merida, pinagmasdan ang mukha sa screen. May kung anong kakaiba rito—hindi lang karaniwang kriminal; may intelihensiya, may kontrol, may karisma. Ang uri ng taong kayang pabagsakin ang sistema gamit lang ang ngiti at pera.

“Anong klaseng assignment, sir?” tanong niya.

“Observation. Pero hindi lang basta manman. Magkakaroon ng isang exclusive private party sa Miravel Grand Hotel, tatlong gabi mula ngayon. Ayon sa informant, si Quenllion mismo ang host. Ang mga inimbitahan ay piling negosyante, politiko, at mga taong nasa gray market. Isa sa mga ‘yon ang contact natin.”

Kinuha ni Verick ang isang manipis na folder at iniabot kay Merida. Binuksan niya iyon—mga larawan ng layout ng hotel, listahan ng mga guest, at isang forged identity profile.

‘Selene Rae Navarro, art dealer from Madrid.’

Napangiti siya ng bahagya. “So I’m going in blind.”

“Hindi ka bulag, Agent. You’re a ghost. Nobody will remember you were there. Hindi mo kailangang makipag-ugnayan kay Quen, pero kung magkaroon ng pagkakataon—observe. Learn. Find a thread we can pull.”

Tinitigan niya ang direktor, alam niyang sa mga ganitong misyon, ang ibig sabihin ng “observe” ay mas malalim pa sa nakikita. “At kung mahuli ako?”

Tumaas lang ang kilay ni Verick. “Then you were never ours.”

Tahimik siyang tumango. Hindi na bago sa kanya ang ganitong kasunduan—ang bawat undercover mission ay katumbas ng pagtanggap na maaring hindi ka na makabalik. Ngunit iyon din ang buhay na pinili niya. Sa bawat pangalan na naililigtas niya, may kapalit na bahagi ng sarili niyang kapayapaan.

---

Paglabas niya ng opisina, dumiretso siya sa training bay. Isang malawak na kwarto na puno ng kagamitan—mga baril, blade, at digital simulators. Tinanggal niya ang coat, inilagay sa isang upuan, at nagsimula sa target practice.

Tatlong bala, tatlong sentro.

“Hindi mo pa rin tinatantanan ang pagiging perpekto, Raelyn,” sabi ng boses mula sa likod.

Si Agent Kieran Dax, ang dating partner niya. Mahabang panahon na rin silang hindi nagkakasama sa operasyon. Ang ngiti nito ay may halong pang-aasar at pag-aalala.

“You heard about the mission?” tanong ni Merida habang nagre-reload.

“Yeah. Kamiyana, huh? Dangerous guy. People say he doesn’t kill unless necessary, but when he does—”

“It’s always personal,” sabat niya. Alam na niya ang reputasyon ng lalaki.

Kumindat si Kieran. “You sure you can handle this one alone?”

“Alone is how I’ve always worked,” sagot niya. Pero kahit pa ganoon, may kaunting alinlangan sa tono niya. Ang undercover work ay parang paglalakad sa manipis na yelo—isang maling galaw lang, lulubog ka sa malamig na kamatayan.

---

Kinagabihan, sa kanyang maliit na unit, binuksan ni Merida ang folder muli. Sa unang pahina, naroon ang background ni Quenllion Kamiyana: ipinanganak sa Kyoto, lumaki sa ilalim ng yaman ng Kamiyana syndicate, nawala sa radar sa edad na dalawampu’t dalawa, lumitaw muli bilang negosyante sa Hong Kong at Singapore—at ngayon, isang “philanthropist” na nagdo-donate sa mga art foundation.

Philanthropist, my ass, naisip niya. Alam niyang bawat kilalang kriminal ay may larong pampubliko—isang maskara ng karangyaan para takpan ang dugo sa kamay. Pero sa kasong ito, ang misteryo ay masyadong malinis. Wala man lang butas.

Binuksan niya ang huling pahina—isang grainy surveillance photo. Quenllion, nakaupo sa isang café, nakikipag-usap sa isang babae. Hindi malinaw ang mukha nito, pero parang may kilalang aura. Isang uri ng presensiya na hindi basta mawawala sa isipan.

“Who are you really, Kamiyana…” bulong ni Merida.

---

Tatlong araw bago ang party

Sa ilalim ng codename na Selene Rae Navarro, pinalitan ni Merida ang lahat—ang accent, ang postura, ang tingin. Ang bawat galaw ay pinag-aralan; kung paano humawak ng baso, kung paano ngumiti ng hindi nagbubunyag. Ang mga alahas sa kanyang katawan ay bugtong—nagtatago ng micro transmitter, voice chip, at nanocam sa likod ng hikaw.

Pagdating ng gabi ng misyon, suot niya ang isang eleganteng itim na gown na may simpleng hiwa sa gilid—enough para gumalaw, hindi para umakit. Sa kanyang likod ay nakadikit ang maliit na blade na mukhang hairpin.

Pagdating niya sa Miravel Grand Hotel, bumungad ang liwanag ng mamahaling chandelier, mga halakhakan ng mga bisita, at ang amoy ng champagne. Lahat ng nasa paligid ay nakasuot ng mamahaling tela, pero may isa silang pagkakatulad—lahat ay may tinatago.

Lumapit siya sa front guard, inabot ang invitation. “Selene Rae Navarro, art dealer,” sambit niya sa matinis na Spanish accent.

Ang guard ay sumulyap lang, tumango, at binuksan ang pinto.

Sa loob, musika ng classical strings at mababang bulungan. Naghahalo ang kapangyarihan at panganib sa bawat pag-ikot ng baso. Ngunit higit sa lahat, naroon siya—ang lalaking pinagkatiwalaan sa kanya ng misyon.

Quenllion Kiesha Kamiyana.

Nakasuot ito ng dark navy suit, may hawak na wine glass, at nakatayo sa gitna ng grupo ng mga kilalang negosyante. Ang kanyang ngiti ay banayad, ngunit ang mga mata ay nakamasid—alerto, parang isang leon sa gitna ng mga antilope.

Ramdam ni Merida ang pag-igting ng kanyang dibdib. Hindi dahil sa takot, kundi sa kakaibang presensiyang ibinubuga ng lalaki. Para bang sa isang sulyap pa lang, alam na nito kung sino ka, kung anong iniisip mo, at kung hanggang saan ka handang pumunta.

“Selene Rae Navarro,” sabay bulong ng isang contact sa earpiece niya. “Target is stationary. Move in slow, blend in.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • The Auction Of Sin   CHAPTER 34

    Sunod-sunod ang pagdating ng mga panibagong bisita—mga business partners, ilang kilalang personalidad, at siyempre, ang tatlong kapatid ni Quen, Severin Kamiyana,Casimir Kamiyana,at Leandro Kamiyana.Pagkapasok nila, agad nilang napansin ang tensyon sa gitna ng sala—lalo na si Victoria na halos hindi na bumibitaw sa braso ni Quen,at si Mirae na nakatayo nang maayos, composed, elegant,parang mismong Madamme na ipinanganak para sa eksenang iyon.Habang nagpapalakpakan sa pagbati, biglang nagsalita si Victoria,malutong ang boses, may halong pagyayabang na hindi man lang niya tinatago.“Oh, by the way,” aniya, malakas ang tono para marinig ng lahat.“I finished my Master’s at Oxford. Finance. Daddy said I excelled more than expected.”Humalakhak siya nang parang may sinasakpang eksena.May ilang tumango, nakisama.Pero ang mga mata ng mga bisita?Lumulipat-lipat kay Victoria at Mirae—naghihintay kung paano tutugon ang Madamme.Tahimik si Mirae sa una.Hindi pinakagat.Hindi nag

  • The Auction Of Sin   CHAPTER 33

    Hindi dahil sa sinabi tungkol kay Victoria… kundi dahil sa huling linya ni Kairo. “H-hala— teka, bakit ako? Hindi naman ako—” “Kami ang nakakakita, Mirae.” Seryoso na si Kairo ngayon. “Kami ang nakakakilala kay Quen. At kami rin ang nakakakita kung paano ka niya tinitingnan.” “Kung pababayaan nating lapitan siya ng ibang babae, lalo na si Victoria… baka may mas ugly pa tayong makitang side ng amo ko.” Parang humigpit ang hawak ni Kairo sa hangin. “He’s already possessive. Dark. Territorial. At ayokong ibang babae ang maging trigger niya.” Natigilan si Mirae. “Kaya please,” mariing sabi ni Kairo, “Bumaba ka na. Bago makahanap ng dahilan si Amarillo Quen para gumawa ng eskandalo.” Huminga nang malalim si Mirae, ramdam ang bigat ng pangyayari. “Fine,” mahinang tugon niya. “Bababâ ako.” Pero bago lumabas si Kairo, tumingin pa ito sa kanya — seryoso at parang binibigyan siya ng malaking responsibilidad. “At Mirae-ssi… good luck.” Napabuntong-hininga siya. “Dahil yung babae

  • The Auction Of Sin   CHAPTER 32

    Hindi makatulog si Mirae.Hindi matapos-tapos ang pagbalik ng mga alaala—ang boses ng mga tiyuhin ni Quen, ang malamig na tingin ng mga Wilton, at ang delikadong kirot sa dibdib niya tuwing naiisip na baka hindi niya talaga pagmamay-ari ang sarili niyang buhay sa ilalim ng pangalang Madamme Kamiyana.Kaya nang tuluyang sumikip ang dibdib niya, marahan siyang bumangon at naglakad palabas ng kwarto. Tahimik. Maingat.Ang mga pasilyo ng Casa Kamiyana ay kalahating dilim, at ang mga oil painting ay parang sumusulyap habang dumaraan siya. Ngunit may isa lang siyang direksyon sa isip:Ang library.Doon siya unang nakakita ng lumang larawan ng kanilang mga grandparents.Doon siya unang nakaramdam na may malalim na sikreto ang pamilya ni Quen.At doon niya nararamdaman ngayon… may hinihintay siyang matuklasan.---Pinihit ni Mirae ang mabigat na doorknob.Kumaskas ang lumang kahoy.Pagpasok niya, isang malamig na samyo ng lumang papel at polish ang sumalubong.Sinara niya ang pinto.At doon,

  • The Auction Of Sin   CHAPTER 31

    Lumipas ang ilang minuto matapos umalis ang mga tiyuhin ni Quen, ngunit parang hindi gumagalaw ang hangin. Nakatayo si Mirae sa gilid ng hall, mahigpit ang hawak sa sariling braso habang unti-unting sumisingit ang takot sa kanyang dibdib. Ang mga bisita ay nagsiuwi na, at ang mga ilaw sa bulwagan ay unti-unting pinapatay ng mga katulong.Tahimik — malagim na tahimik.At si Quen… kanina pang naka-tiim bagang, halos hindi tumitingin sa kanya.Paglapit niya, hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang huminga nang malalim — pero alam niya na may kailangan siyang marinig.“Quen,” malamig pero kumikibot ang boses niya, “we need to talk.”Tumingin si Quen, mabagal, parang pilit niyang pinipigilan ang isang bagyong gustong kumawala.“Not here,” aniya. “Follow me.”Tumalikod ito at mabilis na naglakad papasok sa loob ng mansyon. Walang sinabi si Mirae, ngunit sinundan niya ito hanggang marating nila ang private library — isang silid na nakukulob, tahimik, at halos puro anino ang bumabalot.

  • The Auction Of Sin   CHAPTER 30

    Habang nagpapatuloy ang gabi, lumalim ang mga usapan. May halakhakan, may kaunting alak, at may mga kantang marahan na pumupuno sa hangin.Sa pagitan ng mga mesa, naroon ang mga mumunting tinginan nina Quen at Mirae — mga lihim na usapan ng mga mata, mga alaala ng halik na minsan ay nagpatigil sa mundo.“Mirae,” tawag ni Leandro, nakangiti, “you should make a toast.”“Toast?” gulat niyang sabi. “Ako?”“Yes,” sabat ni Casimir, “You’re the Madamme of the House now. You should say something to the family.”Tumingin siya kay Quen.Tumango ito, banayad, may ngiti sa gilid ng labi. “Go ahead.”Huminga siya ng malalim, at tumayo.“Thank you… for welcoming me here,” panimula ni Mirae, may halong kaba ngunit buo ang tinig. “I may not fully understand yet the weight of being part of this family, but… I’ll do my best to honor it. To bring light, if I can.”Tahimik ang lahat sa loob ng ilang segundo — hanggang sa marinig ang malambot na palakpakan ng mga kamay.Ngumiti si Quen, at marahang tinaas

  • The Auction Of Sin   CHAPTER 29

    Dalawang araw ang lumipas mula nang gabing iyon sa opisina ni Quen — gabing puno ng mga tanong, at mga sagot na tila lalong nagdagdag ng bigat sa dibdib ni Mirae. Ngunit sa mga sumunod na araw, pinilit niyang ituon ang sarili sa kasalukuyan. Kung paano siya tatahi ng ngiti sa harap ng mga taong nagmamasid, at kung paano siya magiging karapat-dapat sa titulong “Madamme of House Kamiyana.”Ngayon, sa ilalim ng mala-kristal na kisame ng grand ballroom ng Casa Kamiyana, abala siya sa pakikipag-usap sa mga katulong at event organizers. Ang hapon ay maliwanag, ang mga sinag ng araw ay tumatama sa mga gintong chandelier na kumikislap na parang mga bituin sa ilalim ng bubong.Suot ni Mirae ang isang simpleng linen dress na kulay pearl white, nakatali ang kanyang buhok sa likod, at hawak ang clipboard na punô ng mga listahan. Sa paligid, naglalakad ang mga staff — may nag-aayos ng bulaklak, may nag-aayos ng ilaw, at ang iba nama’y abala sa paglalatag ng mesa.“Siguraduhin n’yong maayos ang pla

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status