Mabigat pa rin ang bawat paghinga ni Mirae nang muling imulat niya ang mga mata. Gabi na — tahimik ang paligid, tanging ang mahina’t tuloy-tuloy na tiktak ng orasan sa dingding ang naririnig. Sa kabila ng katahimikan, ramdam niya ang malamig na hangin na dumadampi sa balat niya.Muling bumalik sa isip niya ang eksena — ang barilan, ang sakit sa tiyan, ang malamig na tinig ni Quen na sinabing “You can’t go home.”At ngayon, narito siya sa isang kwarto na hindi niya alam kung para bang kulungan o kanlungan.Pinilit niyang umupo. Napangiwi siya agad nang sumakit ang sugat niya.“Damn it…” mahinang mura niya, hawak ang tagiliran.Pero hindi siya pwedeng manatili lang doon. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyayari.Hindi siya pwedeng maging bulag sa paligid — hindi bilang isang agent, at hindi lalo na ngayon na hawak siya ng lalaking minsang target ng misyon niya.Hinila niya nang kaunti ang bedsheet para makatayo. Mabagal, nanginginig, pero determinado.Bawat hakbang ay parang may
Ang lalaking may hawak sa kanya ay tumutok ng baril sa kanyang ulo. “Don’t move or I’ll blow her brains out!” sigaw nito, habang humihingal. “You think you can scare me, Quen? I’ll kill her!”Ngunit hindi gumalaw si Quen. Hindi rin kumurap.Walang bakas ng kaba sa mukha nito—tanging malamig na ekspresyon ng isang taong sanay sa dugo, sanay sa pagkawala.At sa tinig nitong mababa ngunit matalim, sinabi niya—“She’s worthless to me."Nanlaki ang mga mata ni Mirae. Hindi niya alam kung bakit, pero sa sandaling iyon, parang may kumirot sa dibdib niya.Masakit.Hindi dahil sa mga kamay ng lalaking may hawak sa kanya—kundi sa mga salitang binitiwan ni Quen.Worthless.Hindi niya alam kung bakit, pero para bang may kung anong bahagi sa kanya ang gustong sumigaw.Gustong maniwala na hindi totoo iyon.Gustong umasa—kahit kaunti lang—na kahit sa gitna ng galit at paghihiganti, may natira pa ring awa si Quen sa kanya.“Mirae!” sigaw ni Kairo mula sa di kalayuan. “Down!”Ngunit hindi na siya naka
Tahimik ang buong gabi sa kwartong iyon—isang katahimikan na halos sumisigaw sa tenga ni Mirae. Ang ilaw sa kisame ay malamlam, parang sinasadya upang iparamdam sa kanya na hindi siya dapat maging kampante.Ilang oras na siyang nakaupo sa sahig, nakasandal sa malamig na pader, nang biglang bumukas ang pinto. Sa unang iglap, inakala niyang si Quen iyon. Pero hindi.Isang lalaking matangkad at maskulado ang pumasok, may suot na itim na shirt at cargo pants. Ang presensiya nito ay nakaka-intimidate—parang kahit hindi magsalita, kaya nitong mag-utos.“Good morning,” malamig nitong sabi, sabay bagsak ng tray ng pagkain sa maliit na mesa. “I’m Kairo. I work for the boss.”Kasunod niya ang isang babaeng tahimik lang na nakayuko, dala ang isang basong tubig at panyo. Hindi man ito nagsalita, halata sa kilos na isa siyang katulong—sanay sa utos, sanay sa takot.“Miss, you should eat,” magalang pero may diin na sabi ng babae.Walang imik si Mirae. Hindi niya tinignan ang pagkain. Hindi niya tin
Malabo pa ang lahat kay Mirae. Parang sumasabog ang isip niya sa bilis ng mga pangyayari — auction, spotlight, at ang pangalan na pinakakinatatakutan niya: Quen.Bago pa siya makaisip ng paraan para makatakas, biglang may kamay na humawak sa kanya — mabilis, marahas. Isang panyo na may matapang na amoy ng kemikal ang itinakip sa kanyang ilong.“W-wait—” halos hindi na niya natapos ang salita.Nanghina ang mga tuhod niya, bumigat ang mga mata, at unti-unting nilamon ng dilim ang buong paligid.---Pagdilat niya, sumalubong ang nakakasilaw na puting kisame at mabigat na sakit ng ulo.Humihigpit ang dibdib niya habang inaalala kung nasaan siya huli — auction, sigawan, Quen.Oh God…Umupo siya nang dahan-dahan. Walang bintana. Isang kama lang, isang lamesa, at isang pintuang bakal. Tahimik ang buong silid. Nakakatakot ang katahimikan.At sa gitna ng katahimikan, biglang bumukas ang pinto.Tahimik na pumasok si Quen — kalmadong naglalakad, pero bawat hakbang ay may bigat, may intensyon. Na
Tumango siya nang bahagya. Lumapit siya sa table kung saan nakadisplay ang mga painting at antique pieces—ang kanyang dahilan kung bakit naroon. Nagkunwari siyang interesado habang pasimpleng minamanmanan ang galaw ng target.Ngunit bago pa siya makapagpatuloy, naramdaman niyang may tumitig sa kanya. Malakas. Direkta.Pag-angat niya ng paningin, nagtagpo ang mga mata nila ni Quenllion.At sa sandaling iyon, tila huminto ang paligid.Walang musika. Walang ingay. Tanging ang kanyang tibok ng puso.Ngumiti si Quenllion—maliit, tiyak, parang alam niyang hindi siya basta bisita. Lumapit ito sa kanya, marahang hakbang na parang alon ng kumpiyansa.“Good evening,” aniya, mababa ang boses, may bahagyang accent na hindi matukoy kung British o Japanese. “I don’t think we’ve met.”Ngumiti rin si Merida, pinanatiling kalmado ang ekspresyon. “Selene Rae Navarro. I represent the Navarro Art House in Madrid.”“Ah,” tumango si Quenllion, ibinaba ang kanyang baso. “Art dealer. That explains the curios
Ang tunog ng mga hakbang ni Merida Raelyn Anastacia ay kumakalansing sa malamig na pasilyo ng kanilang pasilidad—isang lugar na walang pangalan, walang mga bintana, at walang sinumang nakakaalam kung saan talaga ito matatagpuan. Ang ilaw mula sa kisame ay mapuputlang puti, tila ba sinadya upang ipaalala sa lahat ng dumaraan na dito, walang emosyon, walang takas, at walang pagkakamali ang pinapatawad.Huminga siya nang malalim bago pumasok sa opisina ng direktor. Sa loob, amoy kape at metal; nakahilera ang mga monitor na nagpapakita ng mga mapa, pangalan, at mukha—mga target, mga banta, mga buhay na kailangang bantayan o burahin. Sa gitna ng lahat ay ang kanyang boss, si Director Harlan Verick, ang lalaking bihirang ngumiti at laging may hawak na sigarilyong hindi kailanman sinisindihan.“Agent Anastacia,” malamig na bati nito, hindi man lang tumingin agad. “Upo.”Sumunod siya, tuwid ang likod, mahigpit ang mga daliri sa ibabaw ng tuhod. “Sir.”Tumingin ito sa kanya pagkatapos ng ilang