Share

CHAPTER 06

last update Last Updated: 2025-10-21 22:55:00

Mabigat pa rin ang bawat paghinga ni Mirae nang muling imulat niya ang mga mata. Gabi na — tahimik ang paligid, tanging ang mahina’t tuloy-tuloy na tiktak ng orasan sa dingding ang naririnig. Sa kabila ng katahimikan, ramdam niya ang malamig na hangin na dumadampi sa balat niya.

Muling bumalik sa isip niya ang eksena — ang barilan, ang sakit sa tiyan, ang malamig na tinig ni Quen na sinabing “You can’t go home.”

At ngayon, narito siya sa isang kwarto na hindi niya alam kung para bang kulungan o kanlungan.

Pinilit niyang umupo. Napangiwi siya agad nang sumakit ang sugat niya.

“Damn it…” mahinang mura niya, hawak ang tagiliran.

Pero hindi siya pwedeng manatili lang doon. Kailangan niyang malaman kung ano ang nangyayari.

Hindi siya pwedeng maging bulag sa paligid — hindi bilang isang agent, at hindi lalo na ngayon na hawak siya ng lalaking minsang target ng misyon niya.

Hinila niya nang kaunti ang bedsheet para makatayo. Mabagal, nanginginig, pero determinado.

Bawat hakbang ay parang may apoy na humahaplos sa sugat niya, ngunit hindi siya tumigil.

Habang papalapit siya sa pinto, doon niya narinig ang mga boses.

Mahina sa una — parang mula sa hallway, ngunit habang lumalapit siya, mas nagiging malinaw.

Boses ni Quen.

At isa pa, lalaking malalim at malamig din ang tono — si Kairo.

“…I told you to keep a low profile. How did they find the route?” sabi ni Quen, mahigpit at kontrolado pero halatang galit.

“We don’t know yet, boss,” sagot ni Kairo. “But someone inside might have leaked the movement. It’s not from the outside.”

Tahimik.

Bago muling nagsalita si Quen, mabigat, halos marinig ni Mirae ang pagpigil niya sa sarili.

“Find out who it is. I don’t care how. You know what happens to traitors in my circle.”

Ramdam ni Mirae ang lamig ng boses niya, parang may kasamang banta sa bawat salita.

Pero bago pa siya makalapit pa, nadulas ang kamay niya sa pader — isang maliit na tunog lang, ngunit sapat na para mapalingon si Kairo.

“Boss,” bulong nito. “Someone’s by the door—”

Mabilis.

Ang tunog ng upuang naitulak, ang mga yapak na papalapit, at bago pa siya makagalaw, bumukas ang pinto.

Si Quen.

Ang tingin nito — matalim, nanlilisik, pero may halong gulat.

“Mirae,” malamig nitong sambit. “What are you doing out of bed?”

Napalunok siya, agad umatras. “I… I just heard voices. Akala ko—”

“Akala mo anong, huh?” putol ni Quen, lumapit nang dahan-dahan, bawat hakbang ay mabigat. “That you can eavesdrop on me again?”

Napayuko siya, pero naramdaman niyang lalong sumisikip ang dibdib niya. “I wasn’t—”

“You weren’t what?” tumaas ang boses nito. “Spying again? Gathering intel for your report?”

Napahinto si Mirae.

Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buo niyang katawan.

Alam niyang may galit sa tinig ni Quen, pero mas nakakatakot ang paraan ng paglapit nito — mabagal, kalmado, pero may pwersang hindi mo puwedeng suwayin.

“Mirae,” bulong nito, halos idinikit ang mukha sa kanya. “You’re in no position to lie to me. Not anymore.”

Gusto niyang sumagot, pero walang lumalabas.

Naramdaman niya na lang ang kamay ni Quen sa braso niya — hindi marahas, pero mahigpit.

“You should be resting,” anito sa mas mababang tono, pero hindi nawala ang kontrol sa boses. “You want to reopen your wound, is that it?”

“I just wanted to know what’s happening…” mahina niyang sabi. “Narinig ko lang—”

“You don’t need to know everything,” putol muli nito. “The less you know, the safer you are.”

“Safe?” napa-irap siya kahit mahina ang boses. “You call this safe? You locked me up in your house, Quen. You—”

Hindi niya natapos dahil marahan nitong hinawakan ang kanyang baba, pinatingin siya sa mata.

Those eyes — madilim, intense, and frighteningly calm.

“Do you think I’d let anything happen to you again?” mahinang sabi nito, halos bulong. “Not after what happened that night?”

Tahimik.

Ramdam ni Mirae ang mabilis na tibok ng puso niya.

Pero bago pa siya makasagot, bumukas ang pinto sa likuran ni Quen.

Si Kairo, nakayuko. “Boss, the car’s ready.”

Tumango lang si Quen, pero hindi inalis ang tingin kay Mirae.

“You’re not leaving this room again without me,” madiin niyang sabi bago lumabas.

---

Tahimik na ang buong bahay nang ibalik si Mirae sa kwarto.

Tahimik — pero hindi mapayapa.

Parang bawat tunog ng yapak niya sa marmol na sahig ay nagbubuga ng kaba.

Pagkapasok niya, sumara agad ang pinto sa likod niya. Muling bumalot ang nakakakilabot na katahimikan.

Ang kwarto ay pareho pa rin — elegante, mabango, malinis — pero ngayon, parang kulungan na rin ito sa paningin niya.

Nang marinig niyang lumayo na ang mga yapak ni Quen, saka lang siya marahang umupo sa gilid ng kama, hinahaplos ang benda sa kanyang tiyan.

Masakit pa rin. Pero mas masakit ang ideyang wala siyang kontrol.

“You’re not leaving this room again without me,”

paulit-ulit na umalingawngaw sa utak niya ang mga salitang iyon.

“Yeah, right,” mahinang bulong niya, halos pabulong lang sa sarili. “We’ll see about that.”

---

Nang makatiyak siyang wala nang tao sa labas, tumayo siya. Mabagal, maingat.

Sinuri niya ang paligid.

May malaking aparador, isang maliit na mesa, at sa ibabaw nito — isang lumang telepono.

Halos mapangiti siya nang makita iyon.

“Perfect,” bulong niya, agad na nilapitan.

Ngunit paghawak niya sa receiver, narinig niya agad ang static.

Walang linya.

Napakagat siya sa labi. “Of course…”

Hindi siya sumuko.

Binuksan niya ang drawer ng mesa — walang laman kundi ilang papel at lumang ballpen.

Sinilip niya ang ilalim ng kama, ang likod ng kurtina, at kahit ang frame ng salamin.

Wala.

Pero sa bandang gilid ng aparador, may nakita siyang maliit na switch panel.

Parang konektado sa kuryente o security system ng bahay.

Mababa ang ilaw, pero may isang pulang LED na kumikislap.

Lumapit siya, inangat nang bahagya ang takip — at doon, may maliit na communication port.

Hindi sigurado si Mirae kung para saan iyon, pero sanay siya sa ganitong mga sistema.

Agency-level setup. Encrypted signals. Possibly frequency-based relay.

“Let’s hope this works,” sabi niya sa sarili.

Kinuha niya ang maliit na hairpin mula sa kanyang buhok at ginamit iyon para i-bridge ang dalawang contact point.

Isang mahinang crackle ang sumunod — senyales ng buhay sa linya.

“Come on… come on…” bulong niya habang inaayos ang koneksyon.

At sa wakas — isang pamilyar na tunog ng static, kasunod ang mahinang boses.

> “—Agent Mirae? Is that you?”

Halos mapasinghap siya sa gulat.

“HQ? This is Agent Mirae Anast—” bigla siyang napatigil. Hindi siya pwedeng magsalita ng buong pangalan.

“This is Mirae. Mission compromised. Repeat, mission compromised. I need extraction.”

Ilang segundo ng katahimikan.

Pagkatapos ay isang malamig na tinig ang sumagot:

> “We received your signal. But Agent… you’ve been marked. Classified as missing and potentially compromised. We can’t extract you.”

Napakuyom siya ng kamao.

“What do you mean you can’t? I’m inside Quen’s base— he knows who I am!”

> “Then you need to keep your cover,” sagot ng boses. “HQ won’t risk another agent. You’re on your own.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Auction Of Sin   CHAPTER 34

    Sunod-sunod ang pagdating ng mga panibagong bisita—mga business partners, ilang kilalang personalidad, at siyempre, ang tatlong kapatid ni Quen, Severin Kamiyana,Casimir Kamiyana,at Leandro Kamiyana.Pagkapasok nila, agad nilang napansin ang tensyon sa gitna ng sala—lalo na si Victoria na halos hindi na bumibitaw sa braso ni Quen,at si Mirae na nakatayo nang maayos, composed, elegant,parang mismong Madamme na ipinanganak para sa eksenang iyon.Habang nagpapalakpakan sa pagbati, biglang nagsalita si Victoria,malutong ang boses, may halong pagyayabang na hindi man lang niya tinatago.“Oh, by the way,” aniya, malakas ang tono para marinig ng lahat.“I finished my Master’s at Oxford. Finance. Daddy said I excelled more than expected.”Humalakhak siya nang parang may sinasakpang eksena.May ilang tumango, nakisama.Pero ang mga mata ng mga bisita?Lumulipat-lipat kay Victoria at Mirae—naghihintay kung paano tutugon ang Madamme.Tahimik si Mirae sa una.Hindi pinakagat.Hindi nag

  • The Auction Of Sin   CHAPTER 33

    Hindi dahil sa sinabi tungkol kay Victoria… kundi dahil sa huling linya ni Kairo. “H-hala— teka, bakit ako? Hindi naman ako—” “Kami ang nakakakita, Mirae.” Seryoso na si Kairo ngayon. “Kami ang nakakakilala kay Quen. At kami rin ang nakakakita kung paano ka niya tinitingnan.” “Kung pababayaan nating lapitan siya ng ibang babae, lalo na si Victoria… baka may mas ugly pa tayong makitang side ng amo ko.” Parang humigpit ang hawak ni Kairo sa hangin. “He’s already possessive. Dark. Territorial. At ayokong ibang babae ang maging trigger niya.” Natigilan si Mirae. “Kaya please,” mariing sabi ni Kairo, “Bumaba ka na. Bago makahanap ng dahilan si Amarillo Quen para gumawa ng eskandalo.” Huminga nang malalim si Mirae, ramdam ang bigat ng pangyayari. “Fine,” mahinang tugon niya. “Bababâ ako.” Pero bago lumabas si Kairo, tumingin pa ito sa kanya — seryoso at parang binibigyan siya ng malaking responsibilidad. “At Mirae-ssi… good luck.” Napabuntong-hininga siya. “Dahil yung babae

  • The Auction Of Sin   CHAPTER 32

    Hindi makatulog si Mirae.Hindi matapos-tapos ang pagbalik ng mga alaala—ang boses ng mga tiyuhin ni Quen, ang malamig na tingin ng mga Wilton, at ang delikadong kirot sa dibdib niya tuwing naiisip na baka hindi niya talaga pagmamay-ari ang sarili niyang buhay sa ilalim ng pangalang Madamme Kamiyana.Kaya nang tuluyang sumikip ang dibdib niya, marahan siyang bumangon at naglakad palabas ng kwarto. Tahimik. Maingat.Ang mga pasilyo ng Casa Kamiyana ay kalahating dilim, at ang mga oil painting ay parang sumusulyap habang dumaraan siya. Ngunit may isa lang siyang direksyon sa isip:Ang library.Doon siya unang nakakita ng lumang larawan ng kanilang mga grandparents.Doon siya unang nakaramdam na may malalim na sikreto ang pamilya ni Quen.At doon niya nararamdaman ngayon… may hinihintay siyang matuklasan.---Pinihit ni Mirae ang mabigat na doorknob.Kumaskas ang lumang kahoy.Pagpasok niya, isang malamig na samyo ng lumang papel at polish ang sumalubong.Sinara niya ang pinto.At doon,

  • The Auction Of Sin   CHAPTER 31

    Lumipas ang ilang minuto matapos umalis ang mga tiyuhin ni Quen, ngunit parang hindi gumagalaw ang hangin. Nakatayo si Mirae sa gilid ng hall, mahigpit ang hawak sa sariling braso habang unti-unting sumisingit ang takot sa kanyang dibdib. Ang mga bisita ay nagsiuwi na, at ang mga ilaw sa bulwagan ay unti-unting pinapatay ng mga katulong.Tahimik — malagim na tahimik.At si Quen… kanina pang naka-tiim bagang, halos hindi tumitingin sa kanya.Paglapit niya, hindi niya alam kung bakit kailangan pa niyang huminga nang malalim — pero alam niya na may kailangan siyang marinig.“Quen,” malamig pero kumikibot ang boses niya, “we need to talk.”Tumingin si Quen, mabagal, parang pilit niyang pinipigilan ang isang bagyong gustong kumawala.“Not here,” aniya. “Follow me.”Tumalikod ito at mabilis na naglakad papasok sa loob ng mansyon. Walang sinabi si Mirae, ngunit sinundan niya ito hanggang marating nila ang private library — isang silid na nakukulob, tahimik, at halos puro anino ang bumabalot.

  • The Auction Of Sin   CHAPTER 30

    Habang nagpapatuloy ang gabi, lumalim ang mga usapan. May halakhakan, may kaunting alak, at may mga kantang marahan na pumupuno sa hangin.Sa pagitan ng mga mesa, naroon ang mga mumunting tinginan nina Quen at Mirae — mga lihim na usapan ng mga mata, mga alaala ng halik na minsan ay nagpatigil sa mundo.“Mirae,” tawag ni Leandro, nakangiti, “you should make a toast.”“Toast?” gulat niyang sabi. “Ako?”“Yes,” sabat ni Casimir, “You’re the Madamme of the House now. You should say something to the family.”Tumingin siya kay Quen.Tumango ito, banayad, may ngiti sa gilid ng labi. “Go ahead.”Huminga siya ng malalim, at tumayo.“Thank you… for welcoming me here,” panimula ni Mirae, may halong kaba ngunit buo ang tinig. “I may not fully understand yet the weight of being part of this family, but… I’ll do my best to honor it. To bring light, if I can.”Tahimik ang lahat sa loob ng ilang segundo — hanggang sa marinig ang malambot na palakpakan ng mga kamay.Ngumiti si Quen, at marahang tinaas

  • The Auction Of Sin   CHAPTER 29

    Dalawang araw ang lumipas mula nang gabing iyon sa opisina ni Quen — gabing puno ng mga tanong, at mga sagot na tila lalong nagdagdag ng bigat sa dibdib ni Mirae. Ngunit sa mga sumunod na araw, pinilit niyang ituon ang sarili sa kasalukuyan. Kung paano siya tatahi ng ngiti sa harap ng mga taong nagmamasid, at kung paano siya magiging karapat-dapat sa titulong “Madamme of House Kamiyana.”Ngayon, sa ilalim ng mala-kristal na kisame ng grand ballroom ng Casa Kamiyana, abala siya sa pakikipag-usap sa mga katulong at event organizers. Ang hapon ay maliwanag, ang mga sinag ng araw ay tumatama sa mga gintong chandelier na kumikislap na parang mga bituin sa ilalim ng bubong.Suot ni Mirae ang isang simpleng linen dress na kulay pearl white, nakatali ang kanyang buhok sa likod, at hawak ang clipboard na punô ng mga listahan. Sa paligid, naglalakad ang mga staff — may nag-aayos ng bulaklak, may nag-aayos ng ilaw, at ang iba nama’y abala sa paglalatag ng mesa.“Siguraduhin n’yong maayos ang pla

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status