LOGINSinundan ni Jasper ang dalawa na parang buntot at nagbago ang pananaw ni Aliyah sa kanya.
Ngunit ang masayang tagpo na ito ng pamilya ng tatlo ay biglang natapos pagkababa ni Aliyah.
Mabilis na inalis ni Clara ang kanyang kamay mula sa balikat ng lalaki, at si Frederick ay naglakad rin papunta kay Aliyah.
"Gising ka na? Ako mismo ang nagluto ng almusal ngayon, halika at tikman mo.”
Agad na napansin ni Aliyah ang masarap na almusal sa mesa.
Nang may tagapagluto sa bahay, hindi nakaugalian ni Frederick ang kumain ng almusal at walang interes sa pagluluto.
Bukod pa rito, karaniwan silang nag-aalmusal ng itlog at tinapay, ngunit ngayon ay may iba't ibang pagpipilian kana ng kakainin mo kaya makakaisip ka talaga kung para kanino ba talaga ito.
Nakita ito ni Aliyah at wala man lang siyang sinabi ng kung ano rito, ngumiti siya at sinabi kay Clara, "Paborito mo ba lahat ang mga ito?”
"Oo, nag-alala siya na hindi ako masasanay sa pagkain, at kakaunti lang ang mga lalaking kasing konsiderasyon niya. Aliyah, sobrang swerte mo na nakahanap ka ng ganoong kabuting asawa."
Sumagot si Clara nang mahinahon, at nang makatagpo niya ang tingin ni Aliyah, lumabas ang bahagyang pagmamataas.
"Oo, sobrang konsiderasyon ni Frederick. Hindi lang sa akin, mabait siya at maginoo sa lahat ng babae."
"Huwag kang makinig sa kalokohan ni Aliyah.”
Mabilis itong itinanggi ni Frederick. Bagamat ang mga salita ni Aliyah ay puno ng kahulugan, ang kanyang tono ay kalmado, na parang nakikipaglandian siya.
Ngunit hindi na nakatawa si Clara.
Napansin ni Jasper na hindi masaya si Clara, at nang kukunin ni Aliyah ang huling piraso ng pritong itlog, agad niya itong binuhusan ng toyo.
Dahil pinisil niya ito ng sobrang lakas, tumalsik pa ito sa makinis na kamay ni Aliyah.
"Jasper, anong ginagawa mo?!"
Agad na dumilim ang mukha ni Frederick.
Agad na inabutan ni Clara si Aliyah ng tissue, pagkatapos ay bumaling at bumulong kay Jasper, "Jasper, kahit busog ka na, hindi mo dapat sayangin ang pagkain. Tingnan mo, nadumihan mo ang kamay ng iyong ina. Humingi ka ng tawad sa iyong ina.”
Palihim na inirapan ni Jasper si Aliyah at sinabing "Sorry po" na may bahid ng sama ng loob.
Pinunasan ni Aliyah ang kanyang mga kamay at tumingin sa anak.
Tinaas ni Jasper ang kanyang baba at humingi ng tawad, habang ang mga salita ni Clara ay hindi gaanong mahalaga at tinakpan ang mahahalagang punto.
"Sige, bumalik ka na sa iyong kwarto pagkatapos mong kumain.”
Pagkatapos humingi ng tawad ni Jasper, nagsalita si Clara bago pa makasagot si Aliyah.
Nang aalis na sana si Jasper, tumayo agad si Aliyah, hinawakan siya, at kinaladkad siya diretso sa dingding.
"Tumigil ka."
"Babaeng marumi, bitawan mo ako!”
Mariing lumaban si Jasper, ngunit sanay na si Aliyah sa pakikitungo sa kanya. Pinilipit niya nang husto ang kanyang mga braso at idiniin siya sa dingding. Pagkatapos ay kumuha siya ng manipis na baging mula sa isang plorera at pinalo siya nang husto sa puwitan.
"Waaaaaahh…”
Nasaktan at natakot si Jasper, at napaiyak.
"Aliyah, anong ginagawa mo? Humingi na ng tawad si Jasper. Kailangan mo ba talagang disiplinahin ang bata nang ganoon kabagsik?”
Kinabahan si Clara at sinubukang pigilan si Aliyah.
"Teacher Clara, anak ko si Jasper. Bilang kanyang ina, tungkulin kong turuan siya. Bakit ka nagmamadaling protektahan siya? Na parang anak mo siya?”
Malamig na sumagot si Aliyah nang hindi itinitigil ang kanyang ginagawa, at ilang beses pang pinalo ang puwitan ni Lance habang nagsasalita siya.
Namutla ang mukha ni Clara, humukay ang kanyang mga daliri sa kanyang palad, at sumikip ang kanyang lalamunan, "Para saakin ay bata pa siya at wala namang masyadong masamang ginawa si Jasper…”
"Kung hindi itatama ang maliliit na pagkakamali, hahantong ito sa malaking pagkakamali paglaki nila. Hindi tulad ni Teacher Clara, hindi ako magaling magpalaki ng bata. Kung hindi ko siya didisiplinahin, mahihirapan akong pamahalaan siya.”
Nawalan ng imik si Clara sa mga salita ni Aliyah. Sa kasalukuyang sitwasyon, kung gustong pilitin siya ni Aliyah, wala siyang dahilan para pigilan ito.
Nagulat din si Frederick. Gaano man kahigpit si Aliyah, papagalitan lamang siya nito.
Bagama't sumobra na si Jasper, hindi niya matanggihan ang tingin ni Clara, kaya lumapit siya at hinawakan ang kamay ni Aliyah.
"Tama na!! sapat na ang pag didisiplina mo sakanya."
Sa katunayan, ilang beses na sinaktan ni Aliyah si Jasper, at bahagyang humupa ang galit na kanina pa niya kinikimkim.
Ibinato niya ang baston na yantok sa lupa, at mabilis na nakaiwas si Jasper sa likod ni Clara.
Umiyak siya nang husto kaya halos hindi siya makahinga, at wala na siyang pakialam sa kanyang kaaway na si Aliyah.
Sumimangot si Clara, nagpigil ng hininga, at tahimik na tinapik si Jasper.
"Jasper, tandaan mo ito, ako pa rin ang iyong ina, kaya dapat mo akong igalang. Kung hindi ka pa rin marunong gumalang sa iyong mga nakatatanda pa ulit-ulit pa rin kitang didisiplinahin."
Nagsalita si Aliyah nang may gayong puwersa na kahit si Jasper ay hindi nangahas na umiyak, ngunit sinabi niya ito nang may ngiti.
Natigilan si Frederick.
Umalis si Aliyah sa kusina pagkatapos niyang magsalita.
Susundan sana siya ni Frederick nang hindi nag-iisip, ngunit agad na hinawakan ni Clara ang kanyang kamay, "Fred..."
Puno ng hinanakit ang mga mata ni Clara, hindi na niya talaga kayang magpigil pa.
Alam niyang mahal siya ni Frederick sa loob ng maraming taon at malalim ang kanilang relasyon, kaya't naramdaman niyang napakaligtas niya at handang kumilos nang mahinahon at bukas-palad.
ngunit......
Napakainsulto ni Aliyah!
Noon, ang patriyarka ng pamilyang Finch ang determinadong paghiwalayin sila.
Nag-aaral pa si Frederick at walang kapangyarihang lumaban. Halos mawalan ng trabaho si Clara. Kalaunan, hindi na siya nakapagtrabaho bilang isang tagapayo at lumipat sa pagiging isang guro sa pangangalaga ng bata.
Dahil wala nang ibang pagpipilian, ginamit ni Frederick si Aliyah bilang isang panangga.
Tinanong din ni Clara si Frederick kung bakit niya pinili si Aliyah.
Sinabi ni Frederick sa kanya na noong una, dinala niya si Aliyah sa bahay dahil maganda siya, kaya't iisipin ng kanyang pamilya na makatwiran ito.
Kalaunan, inimbestigahan ni Frederick si Aliyah at natuklasan na isa siyang ulila na walang maaasahan, at isa rin sa mga nangungunang talento sa departamento ng pananalapi, na may maraming kilalang kumpanya na nag-aagawan upang mag-alok sakanya ng mga trabaho.
Makakatulong din sa kanyang karera ang kanyang relasyon kay Aliyah.
Gayunpaman, upang mapanatag si Clara, lihim na inirehistro ni Frederick ang kanyang kasal kay Clara hindi nagtagal pagkatapos niyang simulan ang pakikipag-date kay Aliyah.
Kahit na magkasama sina Frederick at Aliyah, lahat ng kanilang ari-arian sa kasal ay ibabahagi kay Clara.
Ipinangako ni Frederick na hangga't namamana niya ang negosyo ng pamilya at may boses sa hinaharap, gagawin niyang publiko ang kanilang relasyon.
Sa kanila, si Aliyah ay isa lamang kasangkapan mula simula hanggang dulo!
Ngunit ngayon, isang hamak na kasangkapan ang nangahas na maghari-harian sa kanya? Hindi ito matanggap ni Clara!
Likas na nasaktan si Frederick para kay Clara, ngunit hindi niya kayang putulin ang ugnayan kay Aliyah sa ngayon. Mahigpit lamang niyang mayakap ang babae, bahagyang nakakunot ang kanyang mga kilay, bago habulin ito.
Hindi nakinig si Daisy sa kahit anong sinabi ni Aliyah pagkatapos noon. Ibinaba niya ang telepono at nagmadaling pumunta sa kwarto ni Draven.Sa wakas ay nakapagbakasyon si Draven at nagpapahinga sa bahay habang naglalaro nang tanungin siya ni Daisy tungkol sa kanyang pakikipag-usap kay Aliyah.Nagsimula silang magtalo pagkatapos lamang ng ilang salita na nagdulot ng ingay kaya't nakakuha ng atensyon ng mga katulong."Ano ba ang pinagtatalunan ninyong dalawa? Nababaliw na ba kayo?"Dumating si Vivienne nang marinig ang ingay, itinaboy ang mga katulong at inilayo ang balisang si Daisy."Kakaanak mo pa lang, alagaan mo ang sarili mo!"Namutla ang mukha ni Draven, kinuha ang kanyang coat at lumabas ng kwarto.Susundan sana ni Daisy nang pigilan siya ni Vivienne. "Daisy, anong nangyari?"Nang marinig ang pagbagsak ng pinto tinakpan agad ni Daisy ang kanyang mukha at napahagulgol, "I want a divorce! A divorce!"Hindi inaasahan ni Vivienne na ang isang tawag sa telepono sa pagitan ni Daisy
"You..." Nasamid si Vivienne, at ilang segundo siyang nag isip kung ano ang sasabihin.Si Aliyah ay laging tahimik at sunud-sunuran dati kaya bakit bigla siyang nag bago at sinasagot nako? "Okay, Mom, kapag napag-isipan na ni Daisy, ipapadala ko ang impormasyon ng restaurant. Mayroon akong ibang gagawin dito, kaya ibababa ko na ang telepono."Pagkatapos magsalita ni Aliyah, ibinaba niya ang telepono."Ang batang 'yan... paano niya ako nagawang babaan ng telepono?"Galit na galit si Vivienne kaya nanginginig siya at muntik nang itapon ang kanyang telepono.Nagulat din si Daisy na makita ang kanyang ina na ganito, "Hindi ba darating si Aliyah?""Sa tingin ko, masyado niyang binibigyan ng sobrang atensyon kaya naging ganoon na lamang siya mag salita! Isa siyang inahing hindi mangitlog, at napakababa ng kanyang pinanggalingan. Isa nang malaking biyaya mula sa kanyang mga ninuno na nakapag-asawa siya ng isang Finch. Paano siya naglakas-loob na maging napakasama ng ugali at sumuway sa akin
Pagktapos sabihin iyon, agad na ibinaba ng ina ni Frederick ang telepono, hindi ito isang talakayan kundi isang utos.Sanay na si Aliyah dito simula nang dalhin siya ni Frederick sa bahay ng mga Finch, ni minsan hindi siya ningitian o binigyan man lang na maayos na pagtrato ng ina ni Frederick.Tila ba may utang na loob si Aliyah sa mga Finch, at tinrato siya ng lahat na may pakiramdam na sa una pa lang ay hindi na siya dapat pakasalan ni Frederick.Kahit na may mga katulong sa bahay, kailangan pa ring magluto at gumawa ng gawaing bahay si Aliyah para sa kanyang mga biyenan tuwing linggo.Buntis ang nakababatang kapatid na babae ni Frederick at sinasabing hindi niya makakain ang luto ng ibang tao, tanging kanya lamang at gusto niyang ipagluto siya ni Aliyah araw-araw.Upang maiwasan na mailagay si Frederick sa isang mahirap na posisyon, tiniis ito ni Aliyah sa loob ng dalawang taon.Tiningnan ang kanyang screen ng telepono, isang pahiwatig ng lamig ang sumilay sa mga mata ni Aliyah. I
"What are you afraid of?"Lumingon si Frederick at marahang niyakap ang babae, ang boses niya'y napakalambing na tila nang-aakit."Natatakot ako na masira ang pamilyang Garcia, natatakot ako na kami ni Jasper ay maging walang pangalan at hindi na makikilala habambuhay at natatakot ako na pagtanda ko ikaw ay... magbago."Ibinaba ni Clara ang kanyang mga mata, at nabulunan ang kanyang boses habang nagsasalita."Hindi, hindi mangyayari yan."Hinawakan ni Frederick ang mukha ng babae at marahang pinunasan ang luha sa kanyang mga mata gamit ang kanyang mga daliri."Sabi ko naman sayo na poprotektahan kita at walang sinuman ang makakapigil sa akin na makasama ka.""Hinding-hindi magbabago ang isip ko.""Ngayon na malinaw na ang lahat sayo, pwede bang maka isa diyan?" Tumawa si Frederick ng mahinhin.Labis na naantig si Clara sa sinabi ni Frederick sakanya, pagkatapos ay ipinikit ang kanyang mga mata at hinalikan ang labi ng lalaki.Bagama't malapit nang maging public ang kumpanya, sumunod p
"Narinig ko mula kay Lolo na napagkasunduan na ninyo ang kasal.""Um."Tumango si Aliyah."Ang ating tradisyon ay napakahalaga. Bawat hakbang mula sa engagement hanggang sa kasal ay dapat gawin nang maayos.""Naging abala ako kamakailan at ayaw kong magmadali, kaya maaaring kailangan pang maghintay ng ilang araw si Ms. Aliyah. Siyempre, kung may iba pang pangangailangan si Ms. Aliyah, ipapaayos ko ang lahat.""Good."Ang sagot ni Aliyah ay diretsahan, at si Larry ay tila nasiyahan.Tumingin siya sa kanyang relo at sinabi sa kanyang isip na "ito na ang pagkakataong sabihin sa kanya kung ano talaga ang pakay ko.""Mr. Larry, alam mo naman ang aking sitwasyon ngayon. Maaari ko bang itanong kung bakit gusto mo akong pakasalan?""Wala akong interes sa iyong pamilya o sa iyong kayamanan. Ako ay nasa edad na rin para magpakasal, ang pamilyang Garcia ay tunay na karapat-dapat."Tila nakita ni Larry ang iniisip ni Aliyah.Bago pa man, sinuri na rin ni Aliyah ang pinagmulan ng napili ng kabilan
Naalala ni Aliyah na ang lalaki ay siya ring nagbigay sa kanya ng business card noong nakaraang beses, ngunit ngayon ay hindi siya nakasuot ng uniporme. Nakasuot siya ng simpleng itim na suit at may suot na salaming pang-araw, at ang kanyang kilos ay mas magiliw.Ngumiti si Aliyah at pumasok sa kotse.Pagpasok ni Aliyah sa kotse may babae sa loob at agad naman nag tanong si Aliyah."Excuse me, sino po kayo...?""Ako po ang personal assistant ninyo, ma'am. Pwede ninyo akong tawaging Adelina.""Adelina, bakit pinili ng asawa mo na ako ang maging kasosyo sa kasal? Hindi naman natin kilala ang isa't isa, di ba?"Tanong ni Aliyah nang may pag-aalinlangan.Ngumiti si Adelina at sinabi, "Hindi ko alam ang tungkol sa personal mong buhay, pero kakabalik mo lang sa bansa, kaya marahil hindi mo kilala si Miss Morales.""Well..." Nag-isip sandali si Aliyah, tapos hindi mapigilan ang magtanong nang mausisa, "Ano po ba ang itsura ng asawa mo?""Palaging misteryoso ang asawa mo, hindi nagpapakita sa







