Home / Romance / The Billionaire CEO's Great Love / Chapter 30-Austin Meets Jairee

Share

Chapter 30-Austin Meets Jairee

Author: Sweet Kitty
last update Last Updated: 2025-09-24 07:44:08

Austin’s POV

Sa kagustuhan kong makabalik agad sa Zambales, minadali kong tapusin ang lahat; mga meetings, mga dokumentong kailangang pirmahan. Siniguro ko rin na maayos ang kalagayan ni Dad bago ako umalis.

Nang maayos na ang lahat, inihanda ko na rin ang mga dadalhin ko. Kasama kong babalik si Hero. Sa pagkakataong ito, hindi na kami makikituloy sa bahay ng pinsan ko. Nag-utos ako sa isa kong tauhan na maghanap ng mabibiling property sa Zambales. Hindi naman ako nabigo, nakahanap siya ng bagong tayong bahay. Maayos ang mga litratong ipinadala niya, kaya hindi na ako nagdalawang-isip.

Maigi na rin na may sarili na kaming bahay doon, isang bahay-bakasyunan para sa magiging pamilya ko. Sa isiping iyon, bigla kong naalala si Faith, at hindi ko napigilang mapangiti.

“Faith… Faith… Faith… Hindi ka na makakaiwas sa akin sa pagbabalik ko,” bulong ko sa aking sarili habang inaayos ang mga gamit.

Maag

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 44- The Beasts Austin

    Austin’s POVIsang tawag ang natanggap ko ngayong umaga mula kay Nay Tasing. Ibinalita niya sa akin ang improvement ng mga ipinagagawa ko sa bahay sa Zambales. Malapit nan ga raw itong matapos. Natuwa ako sa balita, kaya bukas na bukas rin ay babalik akong muli sa Zambales.Biglang pumasok sa aking isipan ang huling tagpo sa pagitan namin ni Faith. Hanggang ngayon ay nagi-guilty pa rin ako. De bale, hihingi na lang ako ng tawad sa muling pagkikita namin.Kinabukasan, naabutan ako ng matinding trapik sa EDSA kaya’t tanghali na ako nakarating sa Zambales. Mabagal ang takbo ko habang binabaybay ang pamilyar na kalsada. Sa di-kalayuan ay may napansin akong babaeng naglalakad. Tila ba may iniindang sakit. Nang mas lumapit ako, saka ko siya namukhaan.Si Faith.Wala ba siyang pasok ngayon? Plano ko sanang dumaan muna sa eskwelahan, dahil nais kong makita ang classroom building na may mga estudyante. Pero ngayo’y wala na

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 43- Faith Accepts The Offer

    Faith’s POVNagising akong hinang-hina, parang piniga ang lahat ng lakas ko.Dumilat ako at unang bumungad sa akin si Charie na nakayuko sa gilid ng kama. Si Charls naman ay nakasandal sa sofa, mahimbing din ang tulog. Kita sa mga mukha nila ang labis na pagod at puyat. Napaluha ako ng bahagya. Nandito ang mga kaibigan ko.Wala si Jaecob. Siguro’y umuwi na rin siya…Humugot ako ng malalim na buntong-hininga. Dahan-dahan akong bumangon, pilit na hindi makagawa ng ingay para hindi magising si Charie. Kumirot ang braso ko nang marahang kong inalis ang nakakabit na dextrose. Napangiwi ako pero tiniis ko. Kailangan kong malaman ang kalagayan nina Stella at Jairee. Hindi ako mapapakali hangga’t hindi ko sila nakikita.Paglabas ko ng kuwarto, agad akong sinalubong ng doktor nina Stella at Jairee.Mabilis ko siyang nilapitan, ramdam ko ang takot sa maaaring marinig.“Dok… kamusta

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 45- Austin To The Rescue

    Austin’s POVAgad kong inalam ang kinaroroonan ni Faith. Hindi ko na inalam kung bakit siya nasa Hospital. Sa tinig pa lang niya na garalgal, halatang puno ng kaba at pag-aalala, alam kong may matindi siyang pinagdadaanan. One thing is for sure, she needs money. Kaya niya tinanggap ang alok ko. Hindi dahil gusto niya, kundi dahil wala siyang ibang mapagpipilian.Masakit isipin, pero ito ang katotohanan. Kaya sasamantalahin ko na lamang ang pagkakataong maitali siya sa akin. Tinungo ko ang dressing room at binuksan ang vault, kumuha ako ng two million pesos. Ito muna, kung kukulangin ay kukuha akong muli.Pagdating ko ay nakita ko kaagad si Faith sa labas ng hospital na nakaupo, nakayuko, ang mga palad niya ay nakatakip sa kaniyang mukha. Alam kong hinihintay niya ako.“Faith..” Tawag pansin ko sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin. Nakaramdam ako ng awa para sa kaniya. Ang mga mata niya ay halos hindi na niya maimulat dahil sa pamumugto nito. Pulang-pula na rin ang ilong niya.Tumayo si

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 42- Faith's Downfall

    Faith’s POVKatulad kahapon, umuwi na naman akong bigo. Nag-aalala ako kay Stella, na nahihiya. Pero kailangan ko na siyang kausapin. Hindi ko na siya kayang pasahurin, at ang pangako kong mag-aaral siya ay hindi ko muna matutupad sa ngayon. Siguro pababalikin ko na lamang siya kapag maayos na ulit ang lahat. Kapag may trabaho na kong muli.“Mommy! I miss you!” Masiglang salubong ni Jairee pagkapasok ko pa lang sa pinto.Napansin ko, masyado siyang nagiging sweet nitong mga araw. Lagi siyang nakayakap, nagpapakarga, halik ng halik—mga bagay na hindi naman niya dating ginagawa. Ipinagkibit-balikat ko muna iyon.“I miss you more, baby,” sagot ko, habang tinititigan ang maaliwalas niyang mukha. Laging nakangiti, laging puno ng sigla. Hinalikan ko siya sa pisngi, saka binuhat.“How’s school, anak?” tanong ko habang nilalagay siya sa sofa.“I have new friends na po, Mommy,” masigla niyang sagot.“Talaga? What are their names?” tanong ko pa.“Hmmm... Brie, Reiden, and... and... oh, I forgot

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 41- Work Hunting

    Faith’s POVIlang araw na rin akong naghahanap ng trabaho. Sinubukan ko pa ring mag-apply sa mga private schools kahit nagsimula na ang klase ngayong taon, baka sakaling may nangangailangan pa ng guro. Pero sa kasamaang-palad, bigo ako.Ngayon, susubukan ko namang mag-apply sa mga kompanyang narito sa amin. Kahit sa bangko, pumapasok na rin sa isip ko. Bilang admin staff, naniniwala akong kaya kong gampanan ang trabaho, mapag-aaralan naman ang lahat. Bukas ako sa pagkatuto ng mga bagong bagay, at handa akong magsimula muli sa panibagong landas.Ilang buildings rin ang pinasok ko ngayong araw. Iisa ang kanilang mga sinasabi, na hindi naayon ang work experience ko sa ina-apply-an kong position. Ang isa nga masyado akong ininsulto, masyado binaba ang pagkatao ko. Iyun ang pakiramdam ko.“Ma’am, janitress position lang ang available dito sa amin. Gusto mo ba iyon?”Ani ng babaeng tumanggap ng aplikasyon ko, sabay pakawala ng isang nakakalokong ngisi.Tiningnan ko siya. At hindi pa nakunte

  • The Billionaire CEO's Great Love   Chapter 40- Jobless Faith

    Faith’s POVMatapos ang tagpo namin ni Austin, pilit ko na siyang iniiwasan sa tuwing bumabalik siya sa eskwelahan. Hanggang sa tuluyan na siyang hindi nagpakita. Sa palagay ko, bumalik na siya sa Maynila, sa tunay niyang mundo.Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging matagumpay ang unang araw ng klase. Tuwang-tuwa ang lahat sa bagong classroom building; mga bata, magulang, at higit sa lahat, kaming mga guro na ang tanging hangad ay ang ikabubuti ng aming mga mag-aaral. Wala nang half day class, wala ng papasok ng napakaaga at wala ng uuwi ng late. Ang mga guro ay magkakaroon na ng oras sa kani-kanilang mga pamilya.Dalawang buwan ang lumipas bago ako muling ipinatawag ni Sir Jaecob sa kanyang opisina. Wala akong ideya kung bakit, basta’t agad akong nagpunta.“Faith…” tawag niya sa akin, seryoso ang tinig at bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Have a seat,” aniya, sabay turo sa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status