Chapter 2
SCARLETT
(6 years ago)
Inis kong binato ang puspos ng sigarilyong hawak ko dahil sa sobrang bwisit.
Nakakainis lang kasi yung mga customer namin kanina, lakas ng tama mamikot wala naman pangbayad. Pag talaga maliit ang ari, halatang walang pangbayad!
Buti na lang talaga ay nakaalis ako sa lugar nayon bago pa maka-score sakin ang lokong yon. Ang nakakainis lang ay kinulang ang kinita ko ngayong gabi dahil sa lalaking iyon.
Hindi ko tuloy alam kung kakasya ang kinita kong pera pangbayad sa inuupahan ko dahil ilang buwan na rin akong hindi nakakapagbayad kaya nadoble doble na ang bayarin ko ngayong buwan.
Muli akong nagsindi ng isang stick ng sigarilyo, pero napahinto ako ng may isang sasakyan ang huminto sa harap ko.
"Miss, magkano?" ngising tanong nito. Nilibot ko ang tingin sa sasakyan nito―mukhang bago naman at mapera ang lalaki. Pero napabuga na lang ako sa hangin ng makitang bagsak ang bumper ng sasakyan niya.
Tsk, bumper lang hindi niya pa maapaayos. Imposibleng afford ako ng lalaking to.
"Hindi na po ako tumatanggap ng customer," nakangiting tangi ko dito at muling sinindihan ang sigarilyo hawak ko.
Pero bigla na lang bumaba sa sasakyan ang lalaki at lumapit sa gawi ko, bigla naman akong nakaramdam ng kaba.
"Sige na miss, name your price," ngisi niya paring sabi sakin at pilit na hinahawakan ang braso ko, pero agad akong umiwas dahil kinikilabutan na ako sa itsura ng lalaking ito.
"Hindi na nga po, dahil uuwi na ako," muli kong tangi sa kanya at naglakad paatras.
"Kahit dyan na lang sa sasakyan ko oh, tapos hahatid na lang kita pagkatapos," mapangakit nitong sabi, pero mas lalo akong kinilabutan dahil sa sinasabi niya.
"Hindi nga po naghahantay lang ako ng sundo!" inis kong sigaw at tinulak siya palayo.
"Aba! P*ta, ikaw na nga tong nilalapitan, ikaw pa ang malakas tumangi! Ang arte-arte mo eh, p*ta ka naman!" sigaw nito na nagpaiinit sa ulo ko.
Alam ko namang madumi ang trabaho ko pero kahit ganon ay may respeto pa rin ako sa sarili ko at hindi ko hahayaang alipustahin lang nila ako dahil sa trabaho ko.
"Oh eh ano naman kung p*ta ako? Ayoko nga sabi diba? Bat ba ang kulit mo!"
Naglakad na ako palayo sa kanya pero ang loko ay sinundan pa ako. "Ano ba!" gulat kong sigaw ng hawakan niya ang kamay ko at pilit akong hinila papunta sa loob ng sasakyan niya.
"Tulong! Tulongan niyo ako!" sigaw ko at pilit na nagpupumiglas sa kanya.
Pero parang walang silbi ang pagsigaw ko dahil iilan lang ang nadaang sasakyan at wala nang katao-tao sa paligid dahil madaling araw na.
"Aba! At talagang lumalaban ka pa!" sigaw niya, at kita ko kung paano niya itaas ang isa niyang kamay para sampalin ako.
Napapikit na lang ako sa kawalan at hinintay ang pagbagsak ng kamay niya sa mukha ko. Pero segundo ang lumipas ay walang kamay ang dumapo sakin.
Nang imulat ko ang mata ko ay laking gulat ko nang makita ko ang isang nakaitim na lalaki at hawak ang kamay ng lalaking gustong sumampal sa akin.
"A-ano ba? Bitawan mo ako!" takot na sigaw ng lalaking manyak at binitawan ang kamay ko habang pilit na inaagaw ang isang kamay niya sa lalaking nakaitim.
Pero walang pasabing inikot ng lalaking nakaitim ang kamay ng lalaking manyak kaya naman namilipit ito sa sakit.
tsaka lamang binitawan ng lalaking nakaitim ang kamay ng manyak ng mapaluhod na ito sa sobrang sakit. Iika-ika tuloy itong tumakbo pabalik sa sasakyan niya kahit kamay niya ang napuruhan.
Doon lamang ako nakahinga nang maluwag nang tuluyang mawala ang sasakyan ng lalaking manyak sa paningin ko.
"Naku kuya! Salamat sa pagtulong sa akin―kung hindi ka dumating, baka kung ano na ang nagawa ng lalaking yun sa akin," nakangiti kong saad sakanya at lumapit sa gawi niya. Mukhang hindi naman masama ang lalaking ito dahil pormado ang suotan, hindi tulad ng lalaki kanina.
"Walang anuman ho, ginawa ko lang ho ang trabahong inutos sa akin," saad niya at napalingon sa isang itim na sasakyan. Mula sa loob ay kita ko ang isang lalaki na nakaupo sa backseat at deretso lang ang tingin nito sa kalsada.
"Inutos niya ho?" takang tanong ko sa kanya.
"Oho, nakita lang ho namin kayo habang palabas ng building, at ang amo ko ho ang nagutos sakin para tulungan kayo," muling saad niya.
Napalingon ulit ako sa gawi ng lalaking nasa sasakyan, laking gulat ko nang sa amin na siya nakatingin.
Kaya naman dali-dali akong lumapit sa sasakyan na iyon at kinatok ang bintana niya.
"Hello, po sir," nakangiting tawag ko sa kanya at sinenyasan siyang ibaba ang bintana.
Para naman siyang napilitang buksan iyon dahil napabuga pa siya sa hangin bago ako pagbuksan.
"Hi sir, sabi ng driver mo inutusan mo daw siya para tulungan ako," nakangiti kong saad sa kanya pero sa harap parin siya nakatingin kaya naman napairap na lang ako. "Anyways, andito lang naman ako para magpasalamat sa pagtulong mo at..." hinto ko kaya naman biglang napunta ang tingin niya sakin at tinaasan ako ng kilay.
"...at gusto ko lang ibalik ang kabutihan mo saakin," mapangakit kong saad sa kanya na ikinagunot ng noo niya.
Wag mong sabihing hindi siya naattract sakin? Sa ganda kong ito? Ewan ko lang talaga kung magawa niya pang makatangi sakin.
"Sorry, I'm not interested," sagot niya at pinagsarahan ako ng bintana.
Sa sobrang gulat ko ay hindi ko na napansing nakaalis na sila.
'OMG! Sa tagal kong nabubuhay sa mundong ito ay ngayon lang ako nakatanggap ng rejection! Dahil ako mismo ang nangrereject sa kanila at hindi ako ang nirereject! '
'Sino ba siya para tangihan ang isang Scarlett Isabelle? Nakakainis! '
Pero napahinto ako ng makita ang isang card na nakalapag sa daan kung saan nakahinto ang sasakyan nila.
Nangkunin ko iyon, ay napangiti na lamang ako nang makita kung anong klaseng card iyon.
"Lucian Valerius Devereux, ha? Tignan natin kung hanggang kailan mo ako magagawang tangihan once makita mo ang totoong Scarlett Isabelle," ngising saad ko sa hangin bago tuluyang naglakad palayo.
Chapter 5 SCARLETT Confident pa akong naglakad papalayo sa kanya. Pero napahinto ako nang bigla kong naalala ang pag-aaply ko sa kumpanya nila. Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil nakalimutan ko ang tungkol doon. Paano na lang ako mag-apply kung nireject ko siya? Panigurado akong hindi niya rin ako tatanggapin! Napaupo na lang ako sa isang gilid dahil sa panlalambot. "Ano ng gagawin ko?!" Isang linggo ang lumipas, ay pumunta parin ako para mag-apply kahit pa nag-aalangain. Finally ay magagamit ko yung mga requirements na dinala ko dito para maghanap ng trabaho. Sayang naman kasi tong mga TIN at BIR ko kung itatambak ka lang dito. Pero hindi parin naman ako sure mahahire ako dahil sa nangyari nung nakaraang gabi. "Ang tanga-tanga mo kasi, Scarlett! Inuna mo pa talaga yung kaharutan at katangahan mo!" saad ko sa sarili ko habang nagbibihis. Nagsend kasi ako ng email sa kanila nung nakaraan para malaman kung open pa ang application na pag-aapplyan ko, pero
Chapter 4 SCARLETT "Charlie!" rinig kong sigaw ni Ate Cherry at tumakbo sa gawi namin. Agad naman akong lumayo kay Lucian ng mapansin kong lahat ng tao ay nakatingin sa gawi ko."Hindi bat sinabi kong wag kang-aalis sa tabi ko?" galit na bulyaw niya sa anak. Mukhang si Charlie nga ang nakatama sakin, dahilan para mawala ako ng balanse."Nako! Anong nangyayri dito? Ester, kumuha ka ng malinis na panyo! Dalian mo," gulat na sigaw ng manager namin ng makitang basang basa si Lucian.Tahimik lang ito habang dahan-dahan tinatanggal ang suot-suot niyang coat. Maya-maya pa ay may grupo ng mga lalaki at babae ang lumapit sa gawi namin. "Bro?! You good? Anyare sayo?" tanong ng isang lalaki kay Lucian―mukhang mga kasama niya ito. "I'm fine," maikli niyang sagot at naglakad pabalik sa umuan nila. "Sca, sorry, di kita nakita eh, may hinahabol kasi ako kaya na bunggo kita," nakangusong saad ni Charlie, panigurado akong pagkain ang hinahabol niya. "Nako, nako cherry, iyang anak mo na mi
Chapter 3SCARLETT"Lucian...Devereux...Search!" Bigla namang nagloading ang Google pagkatapos kong isearch ang pangalan niya, pero tanging 'No result containing all your search' lang ang lumabas. Ibig sabihin hindi siya active in social media? Imposible naman ata yon; mukhang mayaman ang taong iyon kaya imposibleng hindi siya kilala sa labas o loob man ng media. "Hmm...Lucian...Valerius...Devereux...Search!" muling nagloading si Google at ngayon naman ay may inilabas siyang iba't ibang litrato. Mga litrato ng lugar, building at restaurant lang ang nakikita ko. At mukhang pribado nga talaga ang buhay ng lalaking iyon dahil ni isang picture niya ay wala akong makita. "Devereux Inc.? Sa kanila kaya to?" Ito yung building na tinuro ng driver niya―mukhang ito nga iyon. Nagsearch lang ako patungkol sa kompanya nila at napag-alaman ko na hiring sila ngayon. Napangisi naman ako. Pwede akong mag-apply sa kumpanya nila, ang kaso nga lang ay wala akong mga requirements na hinahanap nila
Chapter 2 SCARLETT(6 years ago) Inis kong binato ang puspos ng sigarilyong hawak ko dahil sa sobrang bwisit. Nakakainis lang kasi yung mga customer namin kanina, lakas ng tama mamikot wala naman pangbayad. Pag talaga maliit ang ari, halatang walang pangbayad! Buti na lang talaga ay nakaalis ako sa lugar nayon bago pa maka-score sakin ang lokong yon. Ang nakakainis lang ay kinulang ang kinita ko ngayong gabi dahil sa lalaking iyon. Hindi ko tuloy alam kung kakasya ang kinita kong pera pangbayad sa inuupahan ko dahil ilang buwan na rin akong hindi nakakapagbayad kaya nadoble doble na ang bayarin ko ngayong buwan. Muli akong nagsindi ng isang stick ng sigarilyo, pero napahinto ako ng may isang sasakyan ang huminto sa harap ko. "Miss, magkano?" ngising tanong nito. Nilibot ko ang tingin sa sasakyan nito―mukhang bago naman at mapera ang lalaki. Pero napabuga na lang ako sa hangin ng makitang bagsak ang bumper ng sasakyan niya.Tsk, bumper lang hindi niya pa maapaayos. Imposibleng a
Chapter 1 Maagang nagising si Scarlett Isabelle dahil kailangan niyang asikasuhin ang pag-alis ni Ariadne, ang amo niyang babae. Humalik muna siya sa natutulog niyang anak bago tuluyang lumabas ng kwarto. As usual, Ariadne had another engagement to attend, and it seemed she would be gone for a while, judging by the numerous suitcases lined up in the mansion's living room. Napunta ang tingin ni Scarlett kay Lucian, ang amo niyang lalaki na nagpapaalam sa asawa nitong si Ariadne. Halata sa mukha ni Lucian ang pagkadismaya dahil sa pag-alis na naman ng asawa niya. "I'll be back within two weeks, and I promise to spend more time with you once I come back," pang aalo ni Ariadne kay Lucian. Umalma naman ang mukha ng lalaki na para bang nagdadalawang isip kung totoo ang sinasabi ng babae. Sa isip ni Scarlett ay kung siya rin ang nasa posisyon ni Lucian, ay tiyak parehas rin sila ng iisipin. Mahilig mangako si Ariadne sa asawa niya pero hindi naman tinutupad, kung baga ay puro salit