MasukChapter 5
SCARLETT
Confident pa akong naglakad papalayo sa kanya. Pero napahinto ako nang bigla kong naalala ang pag-aaply ko sa kumpanya nila.
Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil nakalimutan ko ang tungkol doon. Paano na lang ako mag-apply kung nireject ko siya? Panigurado akong hindi niya rin ako tatanggapin!
Napaupo na lang ako sa isang gilid dahil sa panlalambot. "Ano ng gagawin ko?!"
Isang linggo ang lumipas, ay pumunta parin ako para mag-apply kahit pa nag-aalangain.
Finally ay magagamit ko yung mga requirements na dinala ko dito para maghanap ng trabaho. Sayang naman kasi tong mga TIN at BIR ko kung itatambak ka lang dito.
Pero hindi parin naman ako sure mahahire ako dahil sa nangyari nung nakaraang gabi.
"Ang tanga-tanga mo kasi, Scarlett! Inuna mo pa talaga yung kaharutan at katangahan mo!" saad ko sa sarili ko habang nagbibihis.
Nagsend kasi ako ng email sa kanila nung nakaraan para malaman kung open pa ang application na pag-aapplyan ko, pero sa hindi malamang dahilan ay bigla silang nag-respond sa message na iyon at nag-scheduled ng interview.
Kaya naman doble doble ang kabang nararamdaman ko dahil first time kong pumasok sa isang job interview.
9am palang ay nasa byahe na ako kahit hindi naman kalayuan ang lugar nila. Mas okay nang mas maaga kaysa malate dahil 10am ang naka-set ang schedule ko.
Nang makarating ako sa loob ay may babaeng nag-assist sa akin papuntang waiting room, at ang sabi ay maghintay na lang muna ako dito dahil may susundo sa akin.
Maya maya pa ay biglang may lumapit na babae sakin. "Kayo po ba yung mag-aapply as an assistant?" tanong nito.
Yun ba yung inapplyan ko? Hindi ko rin maalala eh.
"Ah yun po ata...?" sagot ko, kita ko naman kung paano kumunot ang noo niya sa sagot.
"Che-check ko na lang po sa folder yung name niyo," saad niya at binuksan ang hawak niyang folder. "Ms. Scarlett po ba?"
"Yes, ako nga po."
"Sunod na lang po kayo sakin, sa room 309 ang interview niyo," saad niya at na unang naglakad kaya naman sinundan ko siya.
Pagkatapos ng ilang ikot ay nakarating kami sa room 309 na sinasabi niya. "Katok na lang po kayo bago pumasok," saad niya bago ako tuluyang iwan.
"Hyts, kaya moto, Scarlett, kung siya man ang nasa loob ng kwartong to, magpanggap na lang tayo na hindi natin siya kilala―kung sabagay isang linggo naman na ang nakalipas, panigurado akong nakalimutan niya na ako," kausap ko sa sarili ko, hindi ko man lang napansin na kusa na palang bumukas ang pinto.
Pero ang kinagulat ko ay yung lalaking nagbukas ng pinto. "K-kuya driver?" gulat kong tawag dito, ngumiti lang siya sa akin at sinenyasan akong pumasok sa loob.
Nang makapasok sa loob ay inilibot ko ang buong paningin ko, halos mabali ang leeg ko kakatingala sa taas ng kisame.
Eh paano ba naman may nakasabit na sasakyan sa taas ng kisame, sinong nasa tamang pagiisip ang gagawa niya? Gawin ba namang chandelier yung sasakyan, nakakatakot tuloy umupo dahil ang nasa baba ng sasakyan ay yung table.
"Kuya, hindi ba ako babagsakan niyan?" tanong ko kay kuyang driver at itinuro yung sasakyan. Ngumiti naman siya sa akin at umiling.
"Hindi po, ma'am, matagal na po iyang nakalagay dyan, kaya paniguradong hindi kayo babagsakan," saad niya, kaya nakahinga naman ako ng maluwag.
Sabagay hindi naman nila ilalagay iyan kung babagsakan sila. Kaya naman umupo na lang ako sa tapat ng table.
Halos lahat ng kabuoan ng kwarto ay magarang tignan, kaya naman nakakatakot gumalaw dahil baka makasira ako at pagbayarin pa.
Pero ang umagaw sa atensyon ko ay ang nakalagay na nameplate sa lamesa.
"Lucien...Aurelius...Devereux?!"
Muli kong pinakatitigan yung pangalan, baka kasi naduduling ako, pero yun parin talaga yung nakalagay.
'Eh, sino si Lucian Valerius Devereux? Iisa lang ba sila? O nagkamali lang ako ng pagkakabasa.'
Napahinto na lang ako sa pagiisip ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Halos mahulog na yung panga ko ng makita ko kung sino ang pumasok.
Pero kakaiba ang aura ng mukha nito―kung si Lucian na unang nakilala ko ay masungit, ang lalaking ito ay malaki ang ngiti ng makita ako.
"Nice to meet you. Are you here for an interview?" tanong niya at umupo sa harap ko.
"Ah...eh, a-ano po…"
"Haha, don't be nervous, hindi naman kita gigisahin sa tanong, madali lang naman ito," nakangiti niyang saad, pero imbes na kumalma ay mas lalong bumilis ang pagtibok na puso ko sa kaba. "But first, I would like to introduce myself. I'm Lucien Aurelius Devereux, and you are…?"
"S-Scarlett Isabelle Moreau, p-po," kinakabahan kong sagot at tinggap ang kamay niya. Ang tigas.
"Nice to meet you, Ms. Moreau. We will just have a quick interview, because I have lots and tons to do, so I'll just ask you some important things. Are you ready?"
Hindi ko na nagawang tumanggi sa tanong niya kaya naman tumango na lang ako.
"Good, now let's start from." aniya at binuksan ang folder na hawak niya. "Why did you chose this work," tanong niya, and para naman akong napa-tanga sa tanong niya.
'Hindi ko na review to! '
"Hmm, kasi po gipit ako?" wala sa sariling sagot ko, kita ko naman ang pagkunot ng noo niya. "Pero willing naman po akong gawin at pag-aralan yung mga trabahong ipapagawa niyo sakin kung iha-hire niyo ako."
"I see… Okay, next is…do you know how to cook?"
Cook? As in magluto? Balak ba nila akong gawing tagaluto sa opisina nila?
"Syempre naman po, mayroon po kami karinderya sa Palawan―ako po ang tagaluto doon bago ako lumipat dito sa Maynila," sagot ko. Tumango-tango naman siya at mukhang nasiyahan siya sa sagot ko.
"That's good. Next is, do you know how to take care of someone?"
Kanina taga-luto, ngayon naman ay taga-alaga? Ano ba talaga ang balak nilang gawin sakin?
"Opo, lumaki po akong inaalagaan ang lola at batang kapatid ko, kaya naman po marunong akong mag-alaga."
"That's good to hear too—we're settled here then," saad niya at tumayo mula sa pagkakaupo, "Juancho, please hand me the contract."
Lumapit naman yung Juancho na tinawag niya, which is si Kuyang driver.
"Here, read and sign this contract, and you're good to go. You can start tomorrow, and Juancho will assist you," ika niya ikinagulat ko.
"T-tagala po? Thank you po!"
"Yes, please give Juancho your requirements paper, para ma-approve na," saad niya bago nagpaalam para umalis.
"Paki basa na lang po ma'am yung kontrata," sabi ni Kuya Juancho at inabutan ako ng ballpen.
Mga basic rules lang naman ang nakalagay sa kontrata, like dapat professional sa oras ng trabaho, kaya naman pinirmahan ko iyon at inabot kay Kuya Juancho kasama ang mga requirements ko.
"Kaylan niyo po balak lumipat?" tanong niya na ipinagtaka ko.
"Po?"
"Bukas na po kayo magsisimula, kaya tinatanong ko ho kung kaylan kayo lilipat."
Saan naman ako pupunta?
"Kuya? Saan naman ako lilipat? May kailangan ba akong puntahan bago magsimula bukas?" takang tanong ko sa kanya pero inabot niya lang ulit ang kontra sa akin.
"Hindi niyo po ba nabasa yung ika-siyam sa kontra? Stay in po ang trabaho niyo kay sir."
"ANO?!"
SCARLETT"Po, sir?" ulit kong tanong sa kanya dahil baka nabibingi lang ako."I said strip now," muling utos niya sakin."P-Pero bakit po, sir?" takang tanong ko sa kanya."Because you still owe me a service," aniya na ikinalaki ng mata ko.'Shit! Ibig sabihin na aalala niya ako! '"Do you think I would forget you after what you did to me that night?" ngising tanong niya at hinatak ako papalapit sa kanya."Eh…ah? Ano pong ibig niyong sabihin..." tangi ko sa kanya habang pilit na iniiwas ang tingin."I don't have time to play with you, woman," aniya, at bigla akong binuhat na parang sako ng bigas."W-Wait, sir! Hindi ko po talaga alam kung anong sinasabi niyo!" muling tanggi ko sa kanya pero parang wala itong narinig dahil patuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa makalabas kami ng banyo."Aw!" daing ko ng ibagsak niya ako sa kama. Nang mapunta ang tingin ko sa kanya ay halos lumuwa na ang mata ko dahil tanging towel lang ang nakabalot sa ibaba niyang katawan habang wala siyang ka
SCARLETT "Sir..." kinakabahang tawag ko sa kanya."Tsk," inis niyang bulong at lumayo sa akin. "Get out of my room," saad niya bago ako talikuran."P-Pero, sir...""No buts! Get out." Aniya kaya wala akong nagawa kung hindi tumakbo palabas ng kwarto niya at pumunta sa sarili kong kwarto."Ano ba kasi tong pinasok mo, Scarlett! Tsaka sino ba kasi yun! Wala naman sinabi sakin kung sino yung magiging amo ko! O baka naman na sa kontrata yun! Ah ang tanga mo, Sca! Bakit kasi hindi mo binasa yung kontrata!" inis kong sigaw sa sarili habang paikot-ikot sa kama ko."Teka...sabi niya hindi siya si Sir Lucien...ibig sabihin ba non siya si Lucian? Paano na lang kung makilala niya ako? Paano na lang kung maalala niya yung nangyari nung gabing iyon? Ah! hindi ko rin alam!"Imbes na magmukmok sa kwarto ko ay bumabas na lang ako sa kusina para paglutuan siya. Baka kasi mamaya ay may masabi pa iyon sa akin.Pero napahinto ako nang ma-realize ko na hindi ko alam kung ano ang lulutuin ko para sa kanya
Chapter 6SCARLETTHalos lumuwa ang mata ko ng makapasok ako sa loob ng bahay. Ang sabi ni Kuya Juancho ay sa condo lang daw ni Sir ang tutuluyan ko, pero mukhang hindi niya nasabi sakin na hindi ordinaryong condo ang papasukan ko."Dalawa ang kwarto dito ma'am, yung isa kwarto ni Sir, tapos yung isa pong kwarto ay para sayo," saad ni Kuya Juancho habang dala-dala ang gamit ko. "Iaakyat ko na lang po itong gamit mo sa magiging kwarto mo para hindi na kana mahirapan," paalam niya sakin."Ah, Kuya, uuwi ba si Sir ngayon? Para po sana makapaghanda ako ngayon," tanong ko rito.Nakakahiya naman kasi kung uuwi si Sir tapos wala man lang akong naihanda para sa kanya."Oo, Alas quatro pa naman ang uwi niya," sagot niya bago umakyat pa itaas.Ang sabi ni Kuya Juancho sakin ay kailangan ko lang alagaan ang bahay at ang amo ko—kumbaga ay maid at babysitter ang magiging trabaho dito. Pero ang pinagtataka ko ay kung bakit kailangang alagaan si sir? May sakit ba siya? Hindi naman halatang may sakit
Chapter 5 SCARLETT Confident pa akong naglakad papalayo sa kanya. Pero napahinto ako nang bigla kong naalala ang pag-aaply ko sa kumpanya nila. Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil nakalimutan ko ang tungkol doon. Paano na lang ako mag-apply kung nireject ko siya? Panigurado akong hindi niya rin ako tatanggapin! Napaupo na lang ako sa isang gilid dahil sa panlalambot. "Ano ng gagawin ko?!" Isang linggo ang lumipas, ay pumunta parin ako para mag-apply kahit pa nag-aalangain. Finally ay magagamit ko yung mga requirements na dinala ko dito para maghanap ng trabaho. Sayang naman kasi tong mga TIN at BIR ko kung itatambak ka lang dito. Pero hindi parin naman ako sure mahahire ako dahil sa nangyari nung nakaraang gabi. "Ang tanga-tanga mo kasi, Scarlett! Inuna mo pa talaga yung kaharutan at katangahan mo!" saad ko sa sarili ko habang nagbibihis. Nagsend kasi ako ng email sa kanila nung nakaraan para malaman kung open pa ang application na pag-aapplyan ko, pero s
Chapter 4 SCARLETT "Charlie!" rinig kong sigaw ni Ate Cherry at tumakbo sa gawi namin. Agad naman akong lumayo kay Lucian ng mapansin kong lahat ng tao ay nakatingin sa gawi ko."Hindi bat sinabi kong wag kang-aalis sa tabi ko?" galit na bulyaw niya sa anak. Mukhang si Charlie nga ang nakatama sakin, dahilan para mawala ako ng balanse."Nako! Anong nangyayri dito? Ester, kumuha ka ng malinis na panyo! Dalian mo," gulat na sigaw ng manager namin ng makitang basang basa si Lucian.Tahimik lang ito habang dahan-dahan tinatanggal ang suot-suot niyang coat. Maya-maya pa ay may grupo ng mga lalaki at babae ang lumapit sa gawi namin. "Bro?! You good? Anyare sayo?" tanong ng isang lalaki kay Lucian―mukhang mga kasama niya ito. "I'm fine," maikli niyang sagot at naglakad pabalik sa umuan nila. "Sca, sorry, di kita nakita eh, may hinahabol kasi ako kaya na bunggo kita," nakangusong saad ni Charlie, panigurado akong pagkain ang hinahabol niya. "Nako, nako cherry, iyang anak mo na mi
Chapter 3SCARLETT"Lucian...Devereux...Search!" Bigla namang nagloading ang Google pagkatapos kong isearch ang pangalan niya, pero tanging 'No result containing all your search' lang ang lumabas. Ibig sabihin hindi siya active in social media? Imposible naman ata yon; mukhang mayaman ang taong iyon kaya imposibleng hindi siya kilala sa labas o loob man ng media. "Hmm...Lucian...Valerius...Devereux...Search!" muling nagloading si Google at ngayon naman ay may inilabas siyang iba't ibang litrato. Mga litrato ng lugar, building at restaurant lang ang nakikita ko. At mukhang pribado nga talaga ang buhay ng lalaking iyon dahil ni isang picture niya ay wala akong makita. "Devereux Inc.? Sa kanila kaya to?" Ito yung building na tinuro ng driver niya―mukhang ito nga iyon. Nagsearch lang ako patungkol sa kompanya nila at napag-alaman ko na hiring sila ngayon. Napangisi naman ako. Pwede akong mag-apply sa kumpanya nila, ang kaso nga lang ay wala akong mga requirements na hinahanap nila







