로그인Gabi na nang matapos ang mga gawain. Tahimik na ang buong floor. Isa-isa nang nawawala ang ilaw sa mga opisina— parang unti-unting humihinto ang mundo. Pero sa loob ng office niya— nananatiling bukas ang ilaw. At kami— hindi pa tapos. “Pagod ka na?” tanong ni Leandro, hindi inaalis ang tingin sa laptop. Napatingin ako sa kanya. “Medyo… ikaw?” “Sanay na ako.” “Hindi ibig sabihin nun okay lang,” agad kong sagot. Napahinto siya. Dahan-dahan niyang isinara ang laptop— parang mas mahalaga na ako kaysa sa trabaho. At saka niya ako tiningnan. Diretso. Malalim. Yung tingin na parang ako lang ang laman ng buong gabi. “Concerned ka?” tanong niya, may bahid ng ngiti. “Assistant mo ako,” sagot ko sa kanya na pilit pinapakalma ang sarili. “Trabaho ko ‘yon.” Tumayo siya. Mabagal. At sa bawat hakbang niya papalapit— parang may hinahabol ang puso ko. “Trabaho lang?” bulong niya. Napaatras ako, pero kulang. Dahil ka
Hindi nagtagal ang katahimikan.Dumating din ang realidad.At kasama nito—ang mundong kinabibilangan ni Leandro.Magulo.Mapanganib.At puno ng mga matang nakatingin.———————“Sigurado ka dito?” tanong ko habang nakatayo kami sa harap ng napakataas na gusali.Sa Valeza Holdings.Salamin ang kabuuan nito—parang repleksyon ng isang mundong hindi ko pa lubos na kilala.“Hindi kita ilalagay dito kung hindi mo kaya,” sagot ni Leandro.Napatingin ako sa kanya.Naka-suit siya.Maayos.Malayo sa lalaking nakasama ko sa isla.Mas… malamig.Mas… makapangyarihan.“Simula ngayon,” dagdag niya,“ikaw ang magiging personal assistant ko.”Napakurap ako.“Assistant?”Tumango siya.“Para lagi kitang kasama.”Napataas ang kilay ko.“Work reason ba ‘yan… o personal?”Bahagya siyang ngumiti.“Both.”Napailing ako pero napangiti rin.“Bossy.”“Only with you.”———————Pagpasok namin sa loob—biglang nag-iba ang tingin ng mga tao.Mga empleyado.Mga staff.Lahat sila—
Hindi pa doon natatapos. Pagkasuot ng singsing— hindi niya agad binitawan ang kamay ko. Sa halip, dahan-dahan niya itong inilapit sa labi niya, at marahang hinalikan. Hindi magarbo. Hindi palabas. Pero ramdam ko— parang may tinatakan siya sa puso ko. “Akin ka,” bulong niya. Napangiti ako, lumapit pa nang kaunti. “At ikaw?” tanong ko, mahina. Hindi siya sumagot agad. Sa halip, hinawakan niya ang baywang ko, hinila ako palapit sa kanya— hanggang sa wala nang pagitan. “Matagal na,” sagot niya, halos pabulong sa labi ko. At bago pa ako makasagot— h******n niya ako. Dahan-dahan. Parang ayaw akong masaktan. Parang ayaw matapos. Pero habang tumatagal— lalo itong lumalalim. Mas totoo, at mas ramdam. Napahawak ako sa balikat niya, at naramdaman ko ang mahigpit niyang yakap sa’kin. Parang ayaw na talaga akong pakawalan. “Leandro…” bulong ko sa pagitan ng halik. “Hmm?” “Hindi ka na pwedeng umatras.” Bahagya siyang napangiti laban sa labi ko. “Hindi ko na nga kayang umalis,”
Hindi agad kami naghiwalay. Yung halik— hindi lang basta halik. Parang pangako. Parang pag-angkin. Parang… wala nang bukas kung hindi kami magkasama. Dahan-dahan akong umatras— pero hinabol niya. Hindi pabigla. Hindi marahas. Kundi marahan— parang ayaw akong bitawan. “Amaryllis…” mahina niyang tawag. Napangiti ako. “Hmm?” “Pwede bang… sandali ka lang manatili dito?” Napakunot-noo ako. “Nandito lang naman ako ah.” Umiling siya. “Hindi… mas malapit pa.” Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko— marahan, pero siguradong hinihila ako papalapit. Hanggang sa… wala nang espasyo sa pagitan namin. Napasinghap ako. “Leandro…” “Hindi ako nagmamadali,” bulong niya. “Gusto ko lang maramdaman… na totoo ka.” Parang natunaw ako sa sinabi niya. Kaya ako na ang lumapit. Ako na ang sumuko sa pagitan namin. At muli— nagtagpo ang labi namin. Mas mainit. Mas mabagal. Mas may ibig sabihin. ———————
Ilang araw pa ang lumipas. At sa wakas— dumating din ang araw na matagal naming hinihintay. “Pwede na kayong umuwi.” Parang simpleng salita lang mula sa doktor— pero para sa’min, parang panibagong buhay. Napatingin ako kay Lia. Nakatayo na siya. Hindi na naka wheelchair. Medyo mabagal pa—pero matatag. “Uy,” sabi niya, na nakangiti. “Hindi na ako pabigat.” “Hindi ka naman naging pabigat,” sagot ko agad. “Talaga?” taas-kilay niya. “Eh bakit ikaw lagi ang bida?” Napatawa ako. “Selosa ka pa rin.” “Natural,” sagot niya. “Tao lang ako.” “Correction,” sabat ni Leandro mula sa likod. “Makulit kang tao.” “Kuya!” reklamo niya. Napailing ako habang nakangiti. Ganito pala ‘no— yung simpleng tawanan, pero ramdam mo kung gaano kayo ka-buo. Lumabas kami ng kwarto. Bawat hakbang— parang unti-unting iniiwan ang sakit, takot, at lahat ng halos kumuha sa’min. Pagdating sa lobby— nandoon na siya ang susundo
Nagtagal ang halik. Hindi nagmamadali. Hindi natatakot. Parang gusto naming i-freeze ang sandaling iyon— na kahit anong mangyari, may babalikan kami. Dahan-dahan akong kumalas. Pero hindi siya lumayo. Nakadikit pa rin ang noo niya sa noo ko. Mainit ang hininga. Mabigat ang titig. “Alam mo,” bulong niya, “delikado ka.” Napangiti ako. “Bakit?” “Dahil sa’yo… nawawala lahat ng plano ko.” “Eh di wag ka magplano,” sagot ko, mahina. “Sumabay ka na lang sa’kin.” Napatawa siya, mahina, at malalim. Yung tipong ako lang ang dahilan. “Ganun na nga ginagawa ko,” sagot niya. “Simula nung dumating ka.” Naramdaman ko ang kamay niya sa likod ko— marahan, pero siguradong hinihila ako palapit. “Leandro…” bulong ko sa kanya. “Hmm?” “Hindi pa tuluyang gumagaling katawan mo.” “Pero gumagaling na ako dahil sa’yo.” Napailing ako, pero hindi ko napigilan ang ngumiti. “Ang corny mo.” “Pero effective,” sagot niya agad. Hindi ko
“Kuya…?” Mahina ang boses ni Lia. Pero sapat para durugin ako ulit. Nakatayo lang ako sa pintuan. Hindi makagalaw. “Nasaan si kuya…?” Napapikit ako. Huminga nang malalim. Pero bago pa ako makapagsalita— BEEP! BEEP! BEEP! Isang pamilyar na tunog. Mabilis. Malakas.
Hindi gumagalaw si Leandro. Pero ramdam ang galit niya—malamig, tahimik, pero handang sumabog. Nakatingin lang siya kay Isadora. Diretso. Walang takot. “Lumayo ka sa kanya,” babala niya. Ngumiti si Isadora, parang wala lang nangyari. Parang hindi siya ang bumaril. “Too late,” s
Hindi agad nakapagsalita si Lia. Parang nabasag ang mundo niya sa narinig. “Ako…?” nanginginig niyang bulong. “Paano ako naging—” “Enough,” malamig na putol ni Isadora. Tumuwid siya. Ibang klase ang tingin niya ngayon— hindi na parang naglalaro. Kundi parang nagmamay-ari. “At d
Tahimik ang buong lugar. Tanging hingal namin ang maririnig. At ang mahinang pagpatak ng dugo sa sahig. Akala namin— tapos na. Akala namin— wala na si Rafael. “Umalis na tayo…” mahinang sabi ni Lia, habang nanginginig pa rin. Tumango si Leandro. Pero bago pa kami makagalaw— clap… clap…







