Share

KABANATA 25

Penulis: Mhiekyezha
last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-19 12:00:37

Mataas na ang araw ng magising si Isabelle ng umaga na iyon, kinabukasan. Kay gaan ng pakiramdam niya at tila ba gaya ng bagyo ay may bagong umaga na magbibigay sa kaniya ng pag-asa at lakas.

Huminga siya nang malalim habang nakatitig sa kulay krema na kisame

May antigo na chandelier na hindi naman ganoon kalakihan. Para bang ang kuwarto ay may pagkahalong Spanish style dahil sa mga kagamitan nito.

Napadako ang tingin sa labas. Malawak na lupain ang natatanaw niya na para bang nasa isang hacienda sila.

Ang mga puno at halaman ay tila ba sumasayaw sa ihip ng hangin, nagbibigay ng sariwang simoy na pumapasok sa bintana.

Uminat ang kaniyang mga kamay at humiga ng patagilid habang yakap ang isang malaki at malambot na unan.

Ipinikit niya ang mga mata at para bang hinihila siya ulit ng kaniyang antok, ngunit sa pagkakataong ito, may ngiti sa kaniyang mga labi. Parang sa ilang nagdaan na gabi, ngayon lang siya nakatulog nang komportable.

Tama si Leon kailangan niya ng pahinga.

“Ate!” n
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 85

    BANG! Isang malakas na putok ng baril ang bumasag sa katahimikan ng gabi—at sa isang iglap, naalimpungatan si Isabelle mula sa mahimbing na pagkakatulog. Nagising ang buong diwa niya na tila binuhusan ng malamig na tubig. Kaagad siyang napabalikwas ng bangon, kasabay ng matinding kabog ng dibdib niya. Parang may kung ano na nagpayugyog sa puso niya—isang kaba na hindi niya maipaliwanag pero alam niyang masama. Ano iyon? Panaginib lang ba iyon? Dahil katahimikan lang namayani sandali kapagkuwan ay may mga kaluskos siyang narinig mula sa labas. Dahil bukas ang pinto sa balkonahe nila na natatakpan ng makapal na kurtina. Her breath caught in her throat. Napalingon siya sa kanan ng kama—walang Leon. Oh, God! A wave of panic surged through her chest. "Leon!" sigaw niya, garalgal ang boses habang tinatanggal ang kumot na bumabalot sa katawan niya. Sumabit pa ang paa niya roon at muntik na siyang madapa dahil sa pagmamadali niya. Hindi na niya alintana iyon kahit masakit ang pa

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 84

    Pasado alas dos na ng madaling araw pero si Leon nanatiling gising. Samu't sari ang nararamdaman niya. Sa tanang ng buhay niya kanina lang siya nakaramdam ng takot. Hindi para sarili niya kung hindi para kay Isabelle at Shann na siyang kasama niya sa kotse kanina. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya ng mga sandaling iyon. Buong akala niya ay katapusan na nila na hindi man lang siya makakalaban. Huminga siya nang malalim at mataman na nakatitig siya sa mahimbing na natutulog na si Isabelle. Nakadantay pa ang isang kamay at isang hita nito sa kaniya na tila ba ayaw siya nitong pakawalan. Tahimik ang buong paligid, at tanging maririnig ay ang malalim na paghinga ni Isabelle habang nakasiksik sa dibdib niya.He stared at her angelic face. That sweet, innocent face…Napakaganda. Nakakasilaw sa liwanag, nakakalunod sa lambing.It was enough to tempt a man into sin—especially a man like him.Hindi alam ni Isabelle kung gaano kalakas ang dating niya—how strong her sex appeal reall

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 83

    "Brother-in-law!" masiglang bati ni Shann kay Leon nang pumasok ito sa loob ng kuwarto ni Mama Analyn. Yumakap pa ang kapatid niya kay Leon at hinila ito palapit sa kanila, tila ba matagal nang hinihintay ang pagdating nito. Pinayagan pa rin sila ni Doc Santiago na manatili roon kahit lampas na sa visiting hours. Gising pa rin si Mama Analyn. Namumungay na ang mga mata, halatang pagod, pero pilit pa ring nilalabanan ang antok—tila ba ayaw palampasin ang bawat sandaling kasama sila. "Ma, si Leon ho... asawa ko," malambing na pakilala ni Isabelle, sabay tayo at hinawakan ang kamay ng asawa. Agad namang yumuko si Leon bilang paggalang, at buong paggalang ding nagmano ito sa mama niya. May marahang kumalabit sa puso ni Isabelle habang pinagmamasdan ito—ang dating seryoso, tahimik, at mailap na si Leon. Noon ay tila laging may pader sa pagitan nila. Pero ngayon… Ibang-iba na ito. Sa bawat araw na nakakasama niya si Leon. Halos hindi niya mapaniwalaan na nagbabago ang ugali nito

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 82

    Nakatayo si Lucio sa harap ng floor-to-ceiling window ng presidential suite niya sa Buenavista Hotel, Makati. Hawak niya ang baso ng alak. Mula sa kinatatayuan niya , tanaw niya ang mga nagkikislapang ilaw ng siyudad. Parang mga bituin na bumaba sa lupa. Pero kahit ganoon kaganda ang tanawin, wala ni isa roon ang nakakatulong para mapakalma ang utak niya. Dumiretso siyang ng Puerto Princesa. The moment he found out everything, hindi na siya nag-aksaya ng oras. Kumuha siya ng last flight papunta ng Maynila. Gusto niyang mag-isip. Gusto niyang makagawa siya ng paraan kung papaano niya mailalayo si Isabelle sa mga kamay ng mga Russo. He’s been in that world. Alam niya kung gaano kabilis gumalaw ang mga taong katulad ng mga Russo. At alam niya kung paano gumamit ng tao ang mga iyon—lalo na kung babae, at lalong-lalo na kung anak niya. He took a slow sip from his glass, eyes still fixed on the city below. Kung may huli pa siyang magagawa bilang ama, ito na 'yon. Ilayo si Isabe

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 81

    Bumalong ang maiinit na luha mula sa mga mata ni Isabelle sa sandaling masilayan niyang gising na si Mama Analyn. Hindi siya makapaniwala—parang kahapon lang ay wala silang kasiguraduhan kung magigising pa ito. Pero ngayon… narito na, muling bumalik ang liwanag sa mundo nila. Nasa loob din ng kwarto si Doc Santi, nakangiti habang masayang kinakausap si Mama. Bagaman hindi pa pinapayagan na magsalita ang mama niya, pinipilit nito na ngumiti sa doktor bilang tugon nito sa mga tanong. “Ma…” Hindi na napigilan ni Isabelle ang sarili. Agad siyang tumakbo palapit sa kama, nanginginig ang katawan sa sobrang emosyon habang niyayakap ang ina. “Ma… salamat at gising na kayo…” aniya sa gitna ng paghagulgol. Marahan niyang niyakap si Mama Analyn. Pinisil nito ang kamay niya na hawak-hawak niya kasabay ng namuong luha nito. Doon tuluyan humulagpos ang luha rin ng mama niya. Panay ang pisil nito sa kamay niya kahit mahina, dama ni Isabelle ang init ng kamay ng mama niya. Sa gilid ng si

  • The Billionaire Ruse    KABANATA 80

    "Sir, paalis na ang sasakyan," tahimik pero may diin ang ulat ni Agusto habang pinipihit ang manibela."Sundan mo, pero ‘wag kang magpapahata. Magbigay ka ng distansya," matalas na utos ni Lucio, hindi inaalis ang tingin sa unahang sasakyan—ang sasakyang kinalululanan ng anak niyang si Isabelle.Mula nang mamataan niya ito sa hotel lobby kanina, hindi na siya mapakali. Akala niya kanina habang nasa Garden Lounge siya ay namamalikmata lang siya ng makita niya ang isang babae na kamukhang-kamukha ng kaniyang anak na si Isabelle. Kaya naman matapos ang meeting niya kay Mr. Lui, agad siyang nagkunwaring kailangang maaga silang umalis. Sinabi niya kay Melinda na may emergency meeting siya sa Maynila, may investor na kailangang harapin. Pumayag naman ito. Naiwan si Willow, ang anak nila, sa hotel kasama ang mga kaibigan nito.Si Agusto ay tinawagan niya kanina para ito ang magbantay sa hotel. Matagal na itong nagtatrabaho sa kaniya at ito lang ang mapagkakatiwalaan niya. Kilala nito si Isa

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status