MasukMuling bumukas nang malakas ang p***o ng silid kung saan sila Isabela at Rafael nag-uusap kaya sabay itong napalingon at nakitang pumasok ang pangalawang tiyuhin ni Rafael na si Don Manuel.
"Anong klaseng gulo ito? At bakit nag-aaway kayong mag-asawa? At dito pa mismo talaga sa kumpanya dahil lang sa usapang pag-ibig!" Bago paman siya nakapasok sa silid napansin na niya na andun sa loob ng silid ang dalawa kaya nakinig muna saglit si Don Manuel sa labas ng p***o. Hindi niya akalaing ang mag-asawang ito ay makakagawa ng ganito kalaking iskandalo sa simpleng pagtatalo lang. Kapag kumalat ito at nakaapekto sa pangalan ng kumpanya at ng buong pamilya, hinding-hindi niya ito palalagpasin. "Tatalakayin na lang natin ang pribadong usaping ito sa lumang bahay at kayong dalawa sumakay na kayo sa sasakyan at sumunod agad sa akin." Dahil isa si Don Manuel sa mga makapangyarihang tao sa pamilyang Lim, hindi na nakipagtalo pa ang dalawa. Sumunod na lamang sila at sabay-sabay na umuwi sa lumang mansyon. Pagdating sa mansyon, puno na ang loob maraming tao, nandoon ang iba't ibang miyembro ng pamilya Lim, bata man o matanda. Sa mga nakababatang henerasyon, puro babae na halos. Bilang nag-iisang lalaking tagapagmana, si Rafael ang huling dumating. Sa gilid nakatayo lang si Isabela, wala na ni katiting na init o pagiging pamilyar na naramdaman si Isabela sa mga taong nakapaligid sa kanya. Wala na siyang dahilan para magpanggap pa na maayos ang pakikitungo niya sa kanila gaya ng dati. Sa isip niya wala na akong obligasyong makisama pa sa kanila. Ituring na ninyong huling pagkakataon na ipinakita ko ang paggalang ko sa inyo. Habang naghinhintay ang lahat na magsimula inunahan na ni Don Manuel ang pagsalita. "Nabalitaan ko na maghihiwalay na kayong dalawa, Rafael. Totoo ba ito?" "Saan po ninyo nakuha ang balitang iyan, Tiyo?" Matagal na silang magkasundo ni Rafael at ang kanyang tiyo sa panlabas, ngunit sa loob ay magkalaban sila hindi dahil sa ibang bagay, kundi pareho silang naghahangad ng kapangyarihan. Kahit hawak na ngayon ni Rafael ang pamamahala sa Lim Group, nananatiling malakas na kalaban pa rin si Don Manuel. Sa kaunting pagkakamali lang, agad nitong aagawin ang lahat. At mukhang ito na ang hinihintay nitong pagkakataon. "Hindi na mahalaga kung saan ko ito narinig. Ang totoo ay gusto ng asawa mo na mag pa diborsiyo. Tama ba ako.? Kung hindi mo man lang mapamahalaan nang maayos ang sarili mong pamilya, may karapatan akong mag-alala kung kaya mo pa bang pamunuan ang buong Lim Group!" Huminga nang malalim si Rafael at sumagot, "Huwag na po kayong mag-alala tungkol diyan, Tiyo. Dahil ang iyong nabalitaan ay malabong mangyari. Hindi kami magdidiborsiyo." Ano? Nanlaki ang mga mata ni Isabela sa gulat. Bago pa man siya makapagsalita, bigla na lang siyang hinila ni Rafael nang mahigpit sa kanyang bisig. Hindi makapaniwala si Isabela. "Kami naman kasi talaga..." Lumingon sa kanya si Rafael at bumulong nang mahina, "Pag-usapan na lang natin ang atin mamaya. Sa ngayon isipin mo muna si Yuan." Tama siya. Kung ilalatag nila ang diborsiyo ngayon, para na rin itong sinasadyang ipaalala kay Don Manuel na pwede na itong sumalakay at agawin ang kapangyarihan sa negosyo ng pamilya. Bilang nakatakdang tagapagmana, sasalubungin lang ng napakaraming pagsubok at hadlang si Yuan Lim kapag lumaki ito, at yun ang pinaka ayaw nilang mangyari, dahil ang tunay na mga magulang na nagmamahal ay laging naghahanda para sa kinabukasan ng anak. Kailangang isipin ni Isabela ang kapakanan ng kanyang anak. Humiwalay siya ng tingin kay Rafael at humarap kay Don Manuel "Hindi po kami maghihiwalay, Tiyo. Ikaw naman masyado po kayong nag-iisip ng kung ano-ano. Usap-usapan lamang po ang lahat ng iyon." Dugtong pa ni Rafael, "Hindi madaling magbago ang aming pagsasama na tumagal na ng maraming taon." Ibinaba niya ang kanyang paningin at tumitig kay Isabela. "Hindi ba, Isabela?" Sa sandaling iyon, tila may gumuhit na kung ano sa puso ni Isabela. Masakit man at manhid, napaisip siya, kung totoo lang sana ito... kung wala sanang nangyaring masama, napakaganda sana nito. Gabi na nang makalabas sila sa lumang mansyon. "Ibalik mo kami sa villa," utos ni Rafael sa drayber. "Hatid mo na lang ako sa susunod na kanto," Sabi ni Isabela at lumayo siya nang kaunti. "Hindi na ako babalik doon." Halata ang pagkadismaya sa kilos ni Rafael. Muli niya itong hinila nang mahigpit sa kanyang bisig at sinabing iiwasan mo na lang ba ako nang ganito?" "Pwede bang tama na, hindi na tayo nag papanggap. Wala na akong dahilan para bumalik pa sa villa." Sinadya ni Isabela na lumayo nang kaunti at hindi makaharap nang diretso kay Rafael. "Saan mo balak tumira?" tanong ni Rafael. Napangiti nang mapait si Isabela. "May pakialam ka ba talaga kung saan ako pupunta?" Nanatiling tahimik si Rafael, bakas ang lungkot sa kanyang mukha. Wala nga namang pakialam, wika ni Isabela sa kanyang sarili. Anim na taon na ang lumipas, pero kahit kailan ay hindi nagkaroon ng puwang sa puso niya si Isabela. Nakakaawang isipin pero pagod na pagod na siya sa pagmamahal na siya lang ang gumagawa. Sapat na yun. Ito na ang katapusan.Ang pagbabalik-tanaw na iyon ay tila dagdag na bigat sa konsensya ni Rafael na eksakto sa inaasahan niya. Dumilim ang mga mata ni Rafael habang pinag-iisipan ang kanyang mga nagawa. Tama siya napabayaan niya na si Viviane. Masyado niyang ibinaling ang kanyang atensyon kay Isabela.Paano niya nagagawang ipag walang bahala ang taong nag-alay ng sariling buhay upang iligtas siya noon pa man? Utang niya ang kanyang buhay kay Viviane. Hindi dapat hayaang mas maging mahalaga ang iba pang babaeng naging liwanag at kaligtasan niya noon.Ngunit sa kabila ng lahat ng pasya at paninindigan, hindi maalis sa kanyang isipan ang mukha ni Isabela. Hindi niya maunawaan kung bakit sa bawat pagkakataong naiisip niya ito, nawawalan siya ng kontrol sa sarili. Unti-unti, may puwang sa kanyang pusong binubuksan para sa babaeng iyon, at labag man sa kanyang kagustuhan, hindi niya ito mapigilan.Sa huli, tanging malalim na paghinga at walang pasubaling paghingi ng tawad ang kanyang nagawa. “Patawad, Viviane…
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ng kanyang tito. Naging seryoso at bakas ang pangamba sa kanyang mukha. Viviane, hindi biro ang hinihingi mo. Paggawa ito ng pekeng dokumentong medikal. Kapag nabunyag ang katotohanan, hindi lang ikaw ang mapapahamak kundi pati na rin ako. Haharap tayo sa legal na kahihinatnan."Naintindihan ni Viviane ang pag-aalinlangan nito. Mabilis na lumingon-lingon sa paligid upang masigurong walang nakikinig, saka dahan-dahang kumuha ng isa pang makapal na sobre mula sa kanyang bag. Inilapag niya ito nang mahinahon sa mesa at itinulak palapit sa kanya."Tito," bulong niya nang may diin, "alam kong hindi ito madali, may mga hakbang na akong ginawa upang masigurong hindi ito mabubunyag. At higit sa lahat... hindi ko hahayaang madamay kayo sa anumang panganib. Manatili lamang kayo sa gilid, at lahat ng responsibilidad ay sa akin."Tinitigan ni Viviane ang matanda, alam niyang ang nilalaman ng bagong sobre ay sapat na upang alisin ang anumang pag-aalinlangan nit
Bahagyang nabigla si Rafael. Wala ng lakas ang kanyang mga kamay, at naramdaman niya ang bilis na tibok kanyang dibdib. Sa bawat salitang inaamin ni Rafael kay Isabela kitang-kita ang hindin agad na mapaniwalang mukha ni Rafael, malinaw na hindi na ito tinatanggap kahit anong sabihin pa niya. Napangiti siya nang mapait, baligtad na nga ang lahat. Dati siya ang hinahabol, at ngayon siya naman ang hindi makabitaw, habang ang taong minsang nagmahal sa kanya ay tila wala nang pakialam.Sa loob ng sandaling iyon, biglang sumama ang pakiramdam ni Isabela. Umakyat ang pagkahilo at hapdi sa kanyang lalamunan. Hindi na niya napigilan at mabilis siyang tumakbo patungo sa banyo, isinara nang malakas ang pinto, at sumandal sa lababo. Wala naman siyang mailabas na suka, halos wala pa siyang nakakain nang hilahin siya palabas ng restawran. Wala nang laman ang tiyan niya, at alam niyang ang sanggol sa kanyang sinapupunan ang dahilan ng lahat ng ito.Ipinatong niya ang kamay sa kanyang puson, bahagya
Napangisi si Isabela. "Akala mo ba pinakasalan kita dahil sa titulong iyan? Kung iyon lang ang habol ko, matagal na akong sumuko noong una pa lang. Ano ba naman ang halaga ng pagiging 'Mrs. Lim' kung wala namang respeto at pagmamahal sa loob ng bahay?"Pinagtagpi-tagpi ni Rafael ang kanyang mga daliri, isang kilos na laging ginagawa niya kapag nag-iisip nang malalim at kapag naghahanap ng tamang salita. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ito negosyong pinag-uusapan. Puso at tadhana ng dalawang tao ang nakasalalay."Hindi mo naiintindihan," dahan-dahang sabi niya. "Ang pag-alis mo ay hindi lang basta pag-alis ng isang tao. Bilang asawa ng pinuno ng pamilyang Lim, ang iyong pag-alis ay magdadala ng kaguluhan sa kumpanya, sa pamilya, sa lahat ng bagay na itinayo namin. Hindi ito simpleng desisyon lang, Isabela. May kapalit ito na hindi mo maaaring balewalain.""Alam mo naman kung gaano kalawak ang negosyo ng pamilyang Lim hindi lang sa Lungsod, kundi sa buong bansa at maging sa ibang bans
Hindi nag patinag si Rafael sa mga pagwawalang bahala ni Isabela sa kanya, kaya't upang magkaroon ng pagkakataong mapansin siya, hinintay niya si Isabela hanggang sa matapos ang kanilang pagtitipon. Nang mapansin ni Rafael na palabas na si Isabela, inabangan niya ito sa labas at inagaw niya ito kay Diamond. Pinapasok niya ito sa loob nga sasakyan ng walang ibang salitang lumalabas sa bibig. “Bitawan mo ako! nababaliw ka na ba talaga Rafael? Patuloy ang pagwawalang sinabi ni Rafael at inutusan si Angelo Lee na paandarin ang sasakyan.Naramdaman niyang parang napunit ang kalooban niya sa hapdi ng nararamdaman. Sa gitna ng matinding katahimikan, dahan-dahang gumuhit ang isang ngiti sa mga labi ni Rafael isang ngiting malalim, misteryoso, at hindi kailanman mababasag ni Isabela. Itinaas niya ang kamay, at ang kanyang mga malamig na daliri at dahan-dahang dumampi sa pisngi ni Isabela na kasing-lamig din ng kanya. Marahan niyang hinaplos iyon makinis, malambot, totoong-totoo ang pakiramdam
Kayang-kaya na siyang guluhin at balisahin ng babaeng ito ang isip ni Rafael. Kinasusuklaman niya ang ganyang pakiramdam. Paulit-ulit na siyang gumagawa ng mga bagay na hindi niya nakasanayan, tulad ng paghahangad na ilayo si Isabela kay Diamond, kahit alam niyang ayaw na ito sa kanya. Tila unti-unti na siyang nag-iba, at kasabay nito ay lalong lumalayo si Isabela. Hindi niya matanggap ang ganitong katotohanan. Hindi niya hahayaang tuluyang lumisan si Isabela mula sa kanyang mundo. Sa halip na sumagot sa kanya, sinabi ni Rafael sa tagapamahala: “Maghanda ka ng hapag sa akin.” Nagalak ang punong-tagapamahala, sa pag-aakalang tumitigil na siya sa pakikipagtalo. “Sige po, walang anuman! Maaari po kayong magkainan sa Luxor Hall sa kabilang bahagi.” Subalit hindi gumalaw si Rafael “Hindi na kailangan. Ilagay mo rito ang aking hapag.” Nataranta ang tagapamahala. “Presidente Lim… masyado pong magulo rito. Baka makakaabala po sa inyong kainan.” Isang malamig na tingin lamang ang isin







