LOGIN
Naririnig ko ang sunod-sunod na putok ng baril habang patuloy niya akong hinahabol.
Kahit pagod na pagod na ako at halos hindi ko na maramdaman ang mga paa ko, pilit ko pa ring ipinagpatuloy ang pagtakbo.
Ayokong bumalik sa Mansyon na iyon.
"Elena! show yourself or else i will kill you!"
Dumadagundong ang boses niya sa buong gubat.
Napapikit ako sandali habang patuloy na tumatakbo. Nanginginig ang buong katawan ko sa takot.
“Search for her! If you don't find her, you're the ones I'm going to kill!”
Narinig ko siyang sumigaw sa mga tauhan niya.
Mas lalo akong kinabahan.
Galit na galit siya.
At natatakot akong mahuli niya ako.
Baka patayin niya ako.
“Daddy… I need your help.”
Iyon lang ang paulit-ulit na sinasabi ko sa isip ko habang tumatakbo.
Sana mahanap nila ako.
Sana maligtas nila ako.
Hindi ko kilala ang taong ito na basta na lang akong kinuha. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinukot o kung anong atraso ng daddy ko sa kanya para gawin niya ito sa akin.
Patuloy na tumulo ang mga luha ko habang pilit kong tinatakasan ang mga yabag na papalapit sa akin.
Hanggang sa naramdaman kong medyo nakalayo na ako.
Hindi ko na alam kung saang bahagi ng gubat ako napunta. Wala akong ideya kung nasaan ako o kung saan ako dapat pumunta.
Ang alam ko lang, kailangan kong magtago.
Hanggang sa may nakita akong isang napakalaking puno.
Napansin ko ang isang maliit na butas sa ilalim nito.
Wala na akong ibang pagpipilian.
Mabilis akong lumapit at pumasok sa loob ng butas, saka ko tinakpan ang bibig ko para pigilan ang sariling pag-iyak.
Tinawag ko na ang lahat ng santo na alam ko, hoping na kahit paano ay makahanap ako ng way para makatakas. Umaasa rin ako na baka may maligaw na tao rito at tulungan ako.
Sana may dumating.
Sana may makapagligtas sa akin.
Sana mahanap ako ni Kuya.
Pero wala.
Wala pa rin.
Tahimik akong umiiyak habang unti-unting namumuo ang mga luha sa mga mata ko. Nakapatong ang kamay ko sa bibig ko para pigilan ang bawat hikbi na gustong kumawala.
Mag-iisang buwan na mula nang kidnapin ako.
Almost a month na akong nakakulong sa lugar na ito, pero hanggang ngayon, wala pa ring nakapagliligtas sa akin.
“Daddy… why?”
Napapikit ako habang patuloy na tumutulo ang mga luha ko.
“Bakit wala kang nagawa?”
Wala na ba talaga siyang pakialam sa akin?
Baka inisip niyang patay na ako noong araw na iyon.
Bago pa ako tuluyang mawala sa kanila.
Bago ako kidnapin ng lalaking hindi ko naman kilala.
Damian.
Iyon ang pangalan niya.
Narinig ko iyon mula sa mga maid sa mansion. Damian daw ang pangalan ng lalaking kumuha sa akin.
I still remember that day.
Nag-away kami ni Daddy.
Sa sobrang galit ko, sinabi kong aalis ako at hindi na ako babalik.
And I actually did.
Hindi ko lang alam na iyon na pala ang huling araw na makikita ko ang bahay namin.
If only I knew what was going to happen, sana hindi na lang ako umalis.
Sana nanatili na lang ako sa bahay.
Paano na ang college ko?
Paano na ang graduation ko?
I didn't even get the chance to finish college because of what happened to me.
“Bakit kasi ako umalis…”
Hagulhol akong napahawak sa dibdib ko habang tuluyan nang bumigay ang mga luha ko.
“Sana hindi na lang ako umalis ng bahay…”
Hindi ko namalayan na nakatulog ako.
At dahil doon, nahuli ako.
“Got you.”
Bigla niyang hinablot ang kamay ko. Doon ko napansin na may hawak siyang baril at agad niya itong itinutok sa akin.
“Go ahead. Cry and scream. I won’t hesitate to put a bullet in your head.”
Nanginig ako sa takot nang marinig ko iyon.
Ayoko pang mamatay.
Gusto ko pa makita.
Si Papa.
Si Kuya.
Gusto kong makauwi nang buhay. Gusto kong makaligtas.
Kahit ganito na ang nangyayari, umaasa pa rin ako na hinahanap nila ako.
Pinilit kong pigilan ang pag-iyak ko habang unti-unting nawawala ang lakas ko sa takot.
Bigla niya akong binuhat at isinakay sa balikat niya.
“Put me down! I can walk!”
Pasigaw kong sabi habang pilit siyang tinutulak.
Pero parang wala siyang narinig.
“Do you really think I’m going to let you do that?”
Humigpit ang hawak niya sa akin.
“You might escape again, and I’m not going to let you get away from me twice.”
Hindi na ako nagpumiglas.
Wala na akong lakas para lumaban.
Nang makarating kami sa mansion, agad kong napansin ang dami ng mga tauhan niya na nakapaligid dito.
Mas marami sila ngayon kaysa noong unang dumating ako.
May ilan pa sa kanila na may mga pasa sa mukha at sugat sa katawan.
Hindi ko alam kung anong nangyari habang wala ako.
Pagpasok namin sa mansion, dinala niya ako sa isang malawak na dining area.
Sa gitna nito ay isang napakahabang grand dining table, napapalibutan ng eleganteng mga upuan at isang malaking chandelier na nakasabit sa mataas na kisame.
May ilang maids na agad na lumapit.
Kasama nila ang isang matandang babae.
“Aling Cora.”
Napatingin siya sa matanda.
“Feed her. Give her a bath, dress her properly, and take her to my room.”
Malamig at mariin ang pagkakasabi niya bago niya ako pabagsak na ibinaba sa tabi ng dining table.
Pagkatapos ay tumingin siya sa akin.
Galit.
Takot na takot ako.
Mas nakakatakot siya ngayon kaysa noong unang araw na dinala niya ako rito.
Dahan-dahan niya akong sinuyod ng tingin mula ulo hanggang paa.
“I’ll wait for you.”
Lumapit siya at mahigpit na hinawakan ang panga ko.
Napangiwi ako sa sakit dahil sa diin ng pagkakahawak niya.
“You will face the punishment for what you’ve done.”
Mas humigpit ang hawak niya sa panga ko.
“I already warned you. I told you not to break my rules.”
Nakatitig siya sa akin, walang bahid ng awa sa mga mata niya.
“But you’re too stubborn to listen.”
Binitiwan niya ang panga ko at malamig na ngumiti.
“So tonight, prepare yourself.”
Nang tuluyan siyang lumayo, hindi ko mapigilang manginig.
Hindi ko alam kung anong parusa anong gagawin niya sakin?
Habang kumakain ako, napansin kong kanina pa nakatingin sa akin si Damian.Lumingon ako sa direksyon niya habang nasa bibig ko pa ang kutsara.Nagtagpo ang mga mata namin.Nakita ko siyang nakaupo na ngayon sa kama habang tahimik na nakatingin sa akin.Tinaasan ko siya ng isang kilay, na para bang tinatanong kung ano ang problema niya.Wala siyang sinabi.Binalik ko na lang ang atensyon ko sa pagkain at ipinagpatuloy ang pagkain na parang wala akong napansin.Ilang sandali pa, tuluyan ko nang ibinaba ang kutsara at tinidor.“Tapos na ako.”Hindi ko na hinintay ang magiging sagot niya.Tumayo agad ako at dumiretso sa banyo.Pagkapasok ko sa bathroom, hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang kabilis at kalakas ang heartbeat ko.Napahawak ako sa dibdib ko at ilang seconds ko itong pinakinggan.Why is my heart beating this fast?Pinagsawalang-bahala ko na lang iyon.“Siguro dahil lang sa gutom at pagod,” bulong ko sa sarili ko.Nag-toothbrush muna ako at inayos ang sarili ko. After
Ambilis ng mga araw. Hindi ko namalayan na panghuling araw ko na pala rito.Sobrang hina ko na. Pakiramdam ko, nauubusan na rin ako ng pag-asa na makaalis pa sa poder ni Damian.Biglang may humawak sa hita ko.Napatingin ako sa lalaking kasama ko rito.“Stay away from me!” sigaw ko habang pinagtatadyakan siya.Pero imbes na umatras, tumawa lang siya at lalo pang sumiksik sa akin.Iwiniwaksi ko ang kamay niya habang pilit kong inilalayo ang sarili ko.Nang akmang hahalikan niya ako, biglang bumukas ang pinto.Napalingon ako.Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Damian.Galit na galit ang mukha niya habang nakatingin sa amin.Hindi ako makagalaw.Walang sabi-sabi, dinampot niya ang baril na nakasabit sa kaniyang bewang.Isang putok ang umalingawngaw sa buong silid.Bumagsak ang lalaki sa harapan ko.Napatigil ako sa paghinga nang maramdaman kong may tumalsik na dugo sa aking katawan.Nanginginig akong napatingin kay Damian.“That's what you deserve, you animal.”Bigla niya akong hi
Pagkarating namin, agad kong napansin na nasa gitna kami ng isang masukal na gubat.Pagbukas ng pinto ng sasakyan, bumungad sa akin ang isang lugar na halos walang ibang makikita kundi mga puno at isang malaking lumang building na tila matagal nang ginagamit.Pagkababa ko, nakita ko ang ilang lalaking nakasuot ng itim na damit at may mga armas na nakasabit sa kanilang katawan.Nanlamig ang buong katawan ko.Habang naglalakad kami, may napansin akong mga lalaking nakatali sa gilid ng building.Apat sila naliligo sila sa kanilang dugo na wala ng buhay.Hindi ko maayos na makita ang kanilang mga mukha, pero sapat na ang nakita ko para matakot ako.May mga tauhan ni Damian na nakapaligid sa kanila.Bigla akong napahinto.Ng bigla nalang nila itong pinagpuputukan ang apat na lalake sa ulo hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero sapat na ang eksenang iyon para manginig ako sa takot.Napansin kong may ilang lalaki ring nakatingin sa akin.Hindi komportable ang mga titig nila.Agad akong
At hindi nagtagal, napagod na rin ako sa pagbabasa.Nasa Chapter 20 na ako nang mapagpasyahan kong itabi na ang libro.Napahiga ako sa kama.Nalipasan na rin ako ng gutom, kaya kahit hindi ako nakapag-dinner, hindi ko na iyon gaanong inisip.Napansin kong madilim na sa labas.Siguro gabi na.Hindi ko na namalayan kung kailan ako tuluyang nakatulog.Sa panaginip ko, may pumasok sa kwarto.Hindi ko makita ang mukha niya.Anino lang ang nakikita ko habang dahan-dahan siyang lumalapit sa kama ko.Huminto siya sa paanan ng kama at tahimik na pinagmasdan ako.Nasa magkabilang bulsa ang mga kamay niya.Hindi siya gumagalaw.Hindi rin siya nagsasalita.Pero for some reason, everything felt so real.Parang hindi panaginip.Tinitigan niya lang ako nang matagal. at nagising na lamang ako na may narinig akong, katok sa pintoAt nagising ako dahil dun.Napalingon ako.May isang babae na pumasok.Nakasuot siya ng maid uniform, at pamilyar ang mukha niya.Siya iyong isa sa mga maid na nakita ko noon
Pagbalik ko sa aking silid, hindi ko pa rin maalis sa aking isipan ang lahat ng nangyari kanina. Humagulgol na lamang ako sa pag-iyak habang nakahiga.Bigla kong narinig ang ingay sa labas, kaya sumilip ako sa maliit na butas, wala naman palang bintana rito sa aking kwarto.May kama lamang at lamesa sa gilid. Malawak ang silid, ngunit tila wala itong kulay.Kahit gaano pa kaganda ang mga kulay ng kwartong ito, sa aking paningin ay tila walang buhay at diwa.Mula sa aking kinatatayuan, nakita ko si Damien sa bintana.May kasama siyang isang babae, at tila nagtatalo sila. Napakaganda ng babae, ang buhok niya ay blond hair,at malinaw na may halong ibang lahi. Napakakinis ng kanyang balat,at nakasuot siya ng elegante at kapi na kapit ito sa kaniyang katawan na bumagay na sa kanyang hubog na katawan.Nagulat ako nang makitang nagsimulang umiyak ang babae.Agad siyang hinila ni Damien sa kanyang mga bisig at hinalikan sa labi.Napakalambing niya sa babaeng iyon. Siguro ay girlfrien niya
“Hilika na hija, baka mainit kakahintay si senyorito damien”Napatingin ako kay Aling Cora.Hindi ako agad gumalaw. Para akong nanigas sa kinatatayuan ko, habang patuloy na bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ni Damian.Prepare yourself. Natatakot ako kung ano ang gagawin niya sakin. Napabuntong-hininga si Aling Cora bago ako tiningnan. Tumalikod siya at nagsimulang maglakad.“may sasabihin ako sa'yo.”Sinundan ko siya.“Kung ayaw mong mapahamak, huwag mo nang subukang tumakas ulit.”Napayuko ako.“Bakit?”Saglit siyang tumigil at tumingin sa akin.“Hindi mo pa nakikita kung paano magalit si Damian.”Nanlamig ang katawan ko.“Mas malala pa siya kaysa kanina?”Hindi siya sumagot.At iyon ang mas nakakatakot.Pagkatapos kong maligo at magpalit ng damit, dinala ako ni Aling Cora sa isang malaking hallway.Tahimik ang buong mansion.Napakalaki nito at halos bawat sulok ay may mga tauhang nakabantay.Nang makarating kami sa isang malaking double door, huminto siya.“Dito na ang kwarto n







