LOGINLYRA’S POV
Maaga pa lang pero ramdam ko na ang bigat ng hangin sa loob ng penthouse. Pagmulat ng mga mata ko, hindi katahimikan ang bumungad sa akin kundi ang ingay ng mga taong hindi ko kilala. Napaupo ako sa kama at natigilan. Sa tapat ng closet ko, may nakahandang isang kulay itim na silk dress na tila ba kumikinang kahit walang ilaw. Sa tabi nito, may mga designer heels na sa taas pa lang ng takong ay alam kong mahihirapan na akong lumakad. May branded na bag, at isang set ng mga alahas na mukhang mas mahal pa sa tuition ko para sa buong kolehiyo. “Good morning, Miss Thorne. We’re ready for you,” sabi ng isang babaeng may hawak na makeup brushes. Napakunot ang noo ko. Nakatayo siya roon kasama ang dalawa pang assistant, naghihintay na parang isa akong “project” na kailangang tapusin. Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko, hindi ako tao na pagkagising ay maghihilamos lang, kundi isang gamit na kailangang ihanda para maging display. Anong eksena ng mga ito? “Para saan ‘to?” tanong ko, pero wala sa kanila ang sumagot. Tuloy-tuloy lang sila sa pag-aayos ng mga gamit nila. Dahil sa kaba at inis, agad akong tumayo at pumasok sa banyo. Nilock ko ang pinto at sumandal doon. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Dito sa loob, amoy mamahaling sabon at lavender, pero pakiramdam ko ay nasasakal ako. Gusto ko lang huminga. Gusto ko lang mag-isip kung paano ako napunta sa sitwasyong ito. Nang biglang may kumatok. “Bilisan mo riyan.” Boses ni Caden. Malamig. Walang pasubali. Kahit may pinto sa pagitan namin, ramdam ko ang presensya niya na tila ba naniningil na naman. “CR mo?” tanong ko, pilit na pinapatatag ang boses ko kahit nanginginig ang mga kamay ko. “Stop wasting time,” sagot niya mula sa labas. “Pwede bang maghintay ka? Katatapos ko lang maligo!” sigaw ko pabalik. Isang sandaling katahimikan. Walang sumagot, pero alam kong hindi siya umalis. Nararamdaman ko ang bigat ng kaniyang titig kahit na kahoy ang namamagitan sa amin. “Huwag mong bubuksan ang pinto,” banta ko nang marinig ko ang paggalaw ng door knob. “Go. Daydream,” matabang niyang sabi. “Hindi ikaw ang special guest doon. You’re just a part of the arrangement.” Napapikit ako nang mariin. Parang gago lang. Nakakabwisit siya. Hindi naman ako nagtatanong kung anong papel ko roon. “Huwag mainit ang ulo,” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Pero kahit anong gawin ko, ang nakikita ko lang sa repleksyon ko ay isang babaeng wala nang kontrol sa sariling buhay. Nang lumabas ako ng banyo, nakita ko si Caden na nakasandal sa pader, nakatingin sa relo niya. Hindi man lang siya tumingin sa akin nang diretso, pero ang bawat salitang binitawan niya ay sapat na para ipaalala sa akin kung nasaan ako. “Thirty minutes. Kung hindi ka pa ayos pagbalik ko, ako mismo ang magbibihis sa ‘yo,” banta niya bago lumakad palayo. Naiwan akong nakatayo sa harap ng mga makeup artist. Wala akong nagawa kundi maupo at hayaan silang pinturahan ang mukha ko. Habang dinadampian nila ng kung ano-anong kemikal ang balat ko. Lumipas ang oras na parang isang blur sa loob ng kwarto. Pagtingin ko sa salamin matapos ang tatlong oras na pag-aayos, halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Ang ayos ng buhok ko na masyadong perpekto, ang kapal ng makeup na nagpabago sa hugis ng mga mata ko, at ang bigat ng alahas sa leeg ko—lahat ito ay hindi ako. Para akong nakatingin sa isang estranghero. Dinala ako ni Caden sa isang high-end jewelry auction. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan, sinalubong na kami ng nakakasilaw na ilaw ng mga camera. Flash. Flash. Flash. Ang ingay. Sobrang ingay ng mga reporter na nag-uunahang magtanong, humahalo sa buhos ng ulan na tumatama sa mga payong na itim na nakapaligid sa amin. Ramdam ko ang pagkapit ng kamay ni Caden sa baywang ko. Mahigpit. Para akong pagmamay-ari. Para talaga akong display na kailangan niyang ipakita sa lahat para patunayang hindi siya natatalo. “Mr. Aristhos! Look here!” “Caden, who is the lovely lady?” Sikat siya. Halos lahat ng madaanan namin sa lobby ay nakikipagkamay sa kaniya, yumuyuko, o humihingi ng kahit isang segundong atensyon. Isang matandang lalaki na may hawak na champagne ang lumapit sa amin at tumitig sa akin mula ulo hanggang paa. “Is she a new business partner, Caden? Or perhaps... more?” nakangising tanong nito. “My little sister,” malamig na sagot ni Caden. Napairap ako sa loob ng isip ko. Little sister? Gago talaga. Matapos ang lahat ng ginawa niya, matapos niyang bayaran ang buhay ko, iyon pa ang itatawag niya sa akin sa harap ng maraming tao? Isang reporter naman ang sumingit sa harap namin, muntik nang tumama ang mic sa mukha ko. “Mr. Aristhos, where is your fiancee? Is it true that the wedding is off?” Sandaling tumitig si Caden sa camera. Walang emosyon. “Ask her.” Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, pero bago pa ako makapag-isip, naramdaman ko ang biglang pagtahimik ng mga tao sa paligid namin. Huminto ang pag-uusap. Huminto ang tawanan. Tanging ang tunog na lang ng mga takong sa marmol na sahig ang maririnig. Isang babae ang naglalakad patungo sa amin. Sloane Van Doren. Oo, kilala ko siya dahil sikat siya. Narinig ko rin ang pangalan niya noong minor pa ako. Elegante siya sa suot niyang puting gown, pero ang bawat hakbang niya ay puno ng galit na pilit niyang itinago sa likod ng kaniyang pilit na ngiti. Ang mga mata niya ay matalim, parang kutsilyong handang sumaksak. Lumapit siya sa amin, pero hindi siya tumingin kay Caden. Direkta siyang tumingin sa akin. Mas eksakto, sa leeg ko. Tumigil ang paningin niya sa kwintas na suot ko—isang dambuhalang sapphire na napapalibutan ng mga diamante. “Alam mo ba kung kanino galing ‘yan?” malamig niyang tanong. Halos magyelo ang paligid sa tono ng boses niya. Hindi ako nakasagot agad. Tumingin ako kay Caden, pero wala siyang balak magsalita. Nakatitig lang siya sa akin, seryoso ang mukha, tila ba nanonood lang ng isang palabas kung saan ako ang bida. “Kwintas ‘yan ng ex niya. It was a custom piece for his first love,” dagdag ni Sloane, mas lalong dumiin ang galit sa kaniyang boses. “And you’re wearing it as if it belongs to you.” Napakunot ang noo ko. Nanatili akong tahimik sa simula. Wala akong nararamdamang sakit. Wala akong selos. Ang totoo, curious lang ako. Bakit sa dinami-rami ng alahas sa vault ni Caden, ito pa ang ipinasuot niya sa akin? Para saktan si Sloane? O para ipaalala sa akin na kahit anong isuot ko, pag-aari pa rin ito ng iba? O pinapalit niya ako sa ex-girlfriend niya? Dahan-dahan akong humarap kay Sloane. Inayos ko ang tayo ko at tiningnan siya nang diretso sa mga mata. “Sa’kin binigay,” simpleng sagot ko. Walang halong emosyon at kaba. “Hindi sa’yo,” bulong ni Sloane, nanginginig na ang boses sa panggigil. “At hindi rin sa’yo kailanman magiging pag-aari ang lalaking katabi mo.” Katahimikan. Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming tatlo. Si Sloane na halos sumabog na sa galit, ako na wala namang pakialam kung kanino man galing 'tong suot ko, at si Caden—ang lalaking hindi nag-e-explain, hindi umaawat, at hinahayaan lang kaming magbangayan sa harap niya. Sa gitna ng lahat ng ito, napagtanto ko ang isang bagay. Hindi pa man ako nasasaktan sa puso, pero unti-unti na akong nasasangkot sa isang mundong hindi ko kontrolado. Ang kwintas na ito ay hindi lang alahas. May nagmamay-ari na nito. “Is there a problem, Sloane?” basag ni Caden sa katahimikan. Ang boses niya ay walang bahid ng pag-aalala, parang wala siyang pakialam kung masaktan man ang babaeng nasa harap niya. “You’re cruel, Caden. Move on,” sagot ni Sloane bago mabilis na tumalikod at naglakad palayo. Naiwan kaming dalawa roon. Inayos ni Caden ang pagkakahawak sa baywang ko, mas inilapit ako sa kaniya hanggang sa maramdaman ko ang init ng kaniyang katawan. “Don’t mind her,” bulong niya sa tainga ko. Ang hininga niya ay dumaan sa balat ko, dahilan para manayo ang balahibo ko. “Just keep looking pretty, Lyra. That’s what I paid you for.” Gusto ko siyang sampalin at itulak. Gusto kong tanggalin ang kwintas na ito at itapon sa basurahan. Ang gagong ito, pakitang tao. Pero gaya ng lagi, wala akong nagawa kundi manatili sa tabi niya, magpanggap na masaya, habang pinapanood kami ng buong mundo sa ilalim ng mga ilaw at ulan. “Let’s go. The auction is starting,” yakag niya. Naglakad kami papasok sa hall. Bawat tao ay nakatingin. Bawat bulong ay tungkol sa akin. Naririnig ko ang mararahas na hinala nila—kung sino raw ba ako, kung saan ako galing, at kung bakit ako ang kasama ng isang Caden Aristhos sa gabing ito. Huminto kami sa gitna ng hall kung saan nakatutok ang lahat ng atensyon sa isang maliit na entablado. Ang ilaw ay nakatutok sa isang glass case na natatakpan pa ng telang pelus. “Ladies and gentlemen… tonight’s special item is a private heirloom from the Aristhos collection,” anunsyo ng host. Biglang tumahimik ang buong hall. Pati ang tunog ng ulan sa labas ay tila naglaho. May kung anong bigat ang namayani sa paligid. Nang dahan-dahang hilahin ang tela at lumabas ang necklace sa loob ng glass case—nanlamig ako. Parang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa mga ugat ko. Dahil kaparehong-kapareho ito ng suot ko. Mula sa tabas ng dambuhalang sapphire hanggang sa pagkakaayos ng mga diamante sa paligid nito, wala silang pagkakaiba. Para akong nakatingin sa isang salamin. “This piece belonged to the late Sereia Aristhos… the only woman Mr. Caden Aristhos ever loved.” Sereia Aristhos. Ang kaniyang ina? O baka ang kaniyang asawa? Hindi ko alam, pero ang salitang only woman ay tumatak sa isip ko. Biglang bumaling si Caden sa akin. At sa unang pagkakataon—nagbago ang ekspresyon niya. Nawala ang lamig. Nawala ang pagiging kontrolado. Ang mga mata niya na dati ay parang yelo, ngayon ay puno ng isang emosyong hindi ko mabasa—lungkot, pangungulila, o baka... pagsisisi. Inabot niya ang kamay ko, pero hindi tulad ng kanina na mahigpit at possessive, ngayon ay tila ba natatakot siyang mabasag ako. Ang mga daliri niya ay bahagyang humaplos sa sapphire na nasa leeg ko bago tumingin nang diretso sa aking mga mata. “Do you like it?” mahina niyang tanong. Ang boses niya ay hindi na ang baritonong nag-uutos, kundi isang bulong na tila nanggagaling sa isang sugatang bahagi ng pagkatao niya. Hindi ako nakasagot. Nakatitig lang ako sa kaniya, pilit na hinahanap ang demonyong nakilala ko nitong mga nakaraang araw. Pero sa harap ko, sa ilalim ng mga nakakasilaw na ilaw ng auction, ang nakikita ko lang ay isang lalaking tila naliligaw. “Caden…” tawag ko sa pangalan niya, pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko, hinila na niya ako palapit. “You look just like her, Lyra...” bulong niya, sapat na para ako lang ang makarinig. Doon ko napagtanto. Hindi niya ako ipinapalit sa kaniyang ex-girlfriend. Hindi niya ako ginagamit para lang saktan si Sloane. Ginagawa niya akong replika ng isang babaeng hindi ko kilala. “Gago ka,” mura ko sa kaniya. Napatigil si Caden. Ang mga daliri niyang nakahawak sa sapphire ay nanigas. Bahagyang kumunot ang noo niya, tila hindi inaasahan na sa gitna ng marangyang okasyong ito, at sa harap ng alaala ng kaisa-isang babaeng minahal niya, ay makakarinig siya ng mura mula sa akin. “Ano?” mahina niyang tanong. Hinarap ko siya. Hindi ko na pinansin ang mga matang nakatingin sa amin. Hindi ko na pinansin ang host na patuloy sa pagpuri sa kwintas na nasa loob ng glass case. Ang tanging nakikita ko lang ay ang lalaking nasa harap ko na ginawa akong isang buhay na rebulto. “Gago ka,” ulit ko. Mas madiin. Mas malinaw. “Kaya mo ba ako kinuha? Kaya mo ba binayaran ang utang ko? Para maging proxy ng kung sino mang Sereia na ʼyan?” Putangina, iyong damit na pinasuot niya sa akin ng gabing iyon. Pati ang body spray... Hindi siya sumagot. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin, pero bumalik na ang lamig sa kaniyang mga mata. Ang sandali ng kahinaan na nakita ko kanina ay mabilis na naglaho, pinalitan ng kaniyang pamilyar na maskara ng pagiging arogante. “You’re overstepping, Lyra,” malamig niyang sabi. “Overstepping?” Natawa ako nang pait. “Suot ko ang kwintas ng patay. Inaayusan ako ng mga taong hindi ko kilala para magmukhang ibang tao. At sasabihin mo sa akin na ako ang lumalampas sa guhit?” Hinawakan niya ang braso ko. Mahigpit. Mas mahigpit kaysa kanina. Nararamdaman ko ang panggigigil niya pero hindi ako nagpatinag. “I paid for you,” bulong niya, ang boses ay puno ng babala. “I didn’t pay for your opinions or your outbursts. Look at that screen. Look at the people watching us. Act your part.” Tumingin ako sa paligid. Ang dambuhalang screen sa hall ay nakatutok na sa aming dalawa. Ang mga camera flashes ay tila mga kidlat na sumusugat sa paningin ko. Nakita ko ang sarili ko sa screen—maganda, elegante, at mukhang kabilang sa mundong ito. Pero alam ko ang totoo. Isa lang akong pekeng bersyon ng orihinal. Binawi ko ang braso ko mula sa kaniya. Inayos ko ang tayo ko, pinagpagan ang itim na silk dress na suot ko na tila ba may dumi itong nakuha mula sa kaniya. “I’ll act my part, Caden,” sagot ko, pilit na pinapatatag ang boses ko kahit ang totoo ay gusto ko nang tumakbo palabas ng hall na ito dahil sa bwisit. “Pero tandaan mo 'to. Kahit anong gawin mong pag-aayos sa akin, kahit gaano mo pa ako gawing kamukha niya... hindi ako siya.” Tumingin ako sa glass case kung saan naroon ang totoong kwintas. Kumikinang ito, punong-puno ng kasaysayan at pagmamahal. “Hinding-hindi ako magiging multo para sa 'yo,” dagdag ko bago ako tumalikod at naglakad patungo sa upuan namin.LYRA’S POVMaaga pa lang pero ramdam ko na ang bigat ng hangin sa loob ng penthouse. Pagmulat ng mga mata ko, hindi katahimikan ang bumungad sa akin kundi ang ingay ng mga taong hindi ko kilala.Napaupo ako sa kama at natigilan. Sa tapat ng closet ko, may nakahandang isang kulay itim na silk dress na tila ba kumikinang kahit walang ilaw. Sa tabi nito, may mga designer heels na sa taas pa lang ng takong ay alam kong mahihirapan na akong lumakad. May branded na bag, at isang set ng mga alahas na mukhang mas mahal pa sa tuition ko para sa buong kolehiyo.“Good morning, Miss Thorne. We’re ready for you,” sabi ng isang babaeng may hawak na makeup brushes.Napakunot ang noo ko. Nakatayo siya roon kasama ang dalawa pang assistant, naghihintay na parang isa akong “project” na kailangang tapusin.Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko, hindi ako tao na pagkagising ay maghihilamos lang, kundi isang gamit na kailangang ihanda para maging display.Anong eksena ng mga ito?“Para saan ‘to?” tano
LYRA’S POVIlang araw na ang lumipas pero pakiramdam ko ay tumigil ang oras sa loob ng penthouse na ito. Wala pa akong pasok kaya wala akong ibang ginagawa kundi ang magbilang ng mga mamahaling gamit na hindi ko naman pwedeng hawakan. Sinubukan kong mag-exercise sa tapat ng dambuhalang bintana, nanood ng TV hanggang sa sumakit ang mga mata ko, at nagbasa ng mga libro sa library niya na amoy luma at amoy pera.Pero kahit anong gawin ko, hindi ako mapakali. Ang hirap mag-relax sa lugar na alam mong hindi ka naman welcome. Bawat yapak ko sa makapal na carpet, pakiramdam ko ay may CCTV na nakatitig sa akin, naghihintay lang na magkamali ako. Ang laki ng lugar pero parang sumisikip ang mundo ko.Hanggang sa lumalim ang gabi at nakaramdam ako ng gutom.Dahil ayaw kong lumabas ng kwarto kapag alam kong nandoon si Caden, hinintay ko munang tumahimik ang paligid. Nang masiguro kong wala nang tao sa sala, dahan-dahan akong pumunta sa kusina. Naghanap ako ng makakain hanggang sa makita ko ang p
LYRAʼS POVNakatayo ako sa gitna ng sala ng penthouse, bitbit ang isang lumang maleta na may gasgas sa gilid at dalawang kahon na halos bumubuka na ang tape. Iyan lang ang dala ko. Sa dambuhalang espasyong ito, mukhang basura ang mga gamit ko na nakatambak sa tabi ng isang sofa na malamang ay mas mahal pa sa buhay ko.Tahimik. Sobrang tahimik na pati ang tunog ng aircon ay parang bulong na nakakarindi.Inilibot ko ang paningin ko. Ang dingding ay gawa sa mamahaling bato, ang sahig ay kulay abo na sa sobrang kintab ay nakikita ko ang sarili kong repleksyon—isang babaeng pagod, basa ang dulo ng buhok dahil sa ulan sa labas, at mukhang hindi nababagay sa lugar na ito. Mula sa dambuhalang floor-to-ceiling windows, tanaw ko ang mga ilaw ng siyudad sa baba. Mukha silang maliliit na langgam. Noon, pangarap ko lang na makakita ng ganitong view, pero bakit ngayon, pakiramdam ko ay nasa gilid ako ng bangin?Biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng maong ko.Sunud-sunod. Sa k
LYRAʼS POVDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa sobrang silaw ng araw. Ang bigat ng katawan ko, lalo na sa bandang balakang.Masakit. Hapdi. Gusto ko pa sanang pumikit pero naramdaman ko ang lamig ng aircon na humahalos sa balat ko.Teka. Nasaan ako?Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko ang lahat. Ang Blackwood Bar.Ang card. Ang kwartong ito.Agad kong hinanap ang kumot at ibinalot sa katawan ko. Pero paglingon ko sa bandang bintana, nanigas ako. May isang lalaking nakatayo roon, bagong ligo, basa pa ang buhok at maayos na ang suot na kulay-abong polo shirt. Nakatalikod siya sa akin habang may hawak na tasa ng kape.“Gising ka na pala,” sabi niya. Ang boses na iyon. Malalim. Baritono.“S-Sino ka?” tanong ko. Dahan-dahan siyang lumingon.Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Ang mukhang iyon. Ang matatalim na mata na tila laging may hinuhusgahan. Ang ilong na matangos na tila ba ayaw pasapi sa kahit na sino.“Putangina,” mahina kong bulong. “Caden? Nasa
LYRAʼS POV Napaliyad ako nang maramdaman ko ang labi niya sa kaliwang dibdib ko. Hindi ko alam na ganoon pala ang pakiramdam na hatid sa katawan ko. Magaling siya. Alam kong may experience siya. Alam niya kung paano dadalhin ang katawan ko. Ramdam ko ang kamay niyang naglalakbay sa aking katawan, sa likod ko, sa tiyan, at sa hita. Bawat dampi ng kaniyang daliri ay tila nag-iiwan ng paso sa balat ko. Mariin ang kaniyang hawak, tila ba tinitiyak niya na wala akong takas. Nang dahan-dahan niyang ihiwalay ang aking mga binti, napakapit ako nang mahigpit sa kaniyang mga balikat. Nararamdaman ko ang kaniyang matigas na katawan na unti-unting bumabaon sa gitna ko. “Relax,” bulong niya. Ang boses niya ay kasing-lamig ng ulan sa labas pero ang kaniyang hininga ay mainit sa aking balat. Sa unang tulak niya, napasigaw ako nang mahina at napakagat-labi. Masakit. Masikip. Hindi ko inaasahan ang ganitong klase ng bigat. Pero hindi siya tumigil. Nanatili siyang nakabaon sa loob ko haba
LYRAʼS POVMaingay ang paligid. Ang busina ng mga sasakyang naipit sa trapiko at ang tilamsik ng tubig mula sa mga gulong na dumadaan sa bako-bakong kalsada ay tila nakikipagsabayan sa sakit ng ulo ko. Punong-puno ang jeep na sinasakyan ko, amoy pawis, amoy usok, at amoy pagod.Napatingin ako sa suot kong sapatos. Gasgas na ang balat nito at bahagya nang bumubuka ang swelas. Kailangan ko na namang pandikitan mamaya bago pumasok sa klase.“Para po,” mahina kong sabi.Pagbaba ko sa tapat ng unibersidad, agad kong sinalubong ang ambon. Wala akong dalang payong kaya hinayaan ko na lang na mabasa ang suot kong kupas na polo shirt. Dire-diretso ako sa Accounting Office.“Miss Thorne, wala pa ring pumasok na payment sa account mo,” bored na sabi ng babaeng nasa likod ng salamin. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin. Busy siya sa pagpindot sa kaniyang calculator habang kumakain ng crackers.“Ma’am, scholar po ako. Sabi po last time, may delay lang sa processing ng donor ko,” pilit kong pin







