LOGINLYRAʼS POVDahil sa sobrang hiya, agad kong hinawakan ang braso ni Caden at pilit siyang hinila patayo. Gusto ko siyang ilayo sa mga mapanuring mata ng mga classmate ko na halos hindi na humihinga sa panonood sa amin.“Tara na sa labas, please,” bulong ko, ramdam ang panginginig ng boses ko.Pero parang poste ang hinila ko. Hindi man lang siya natinag. Sa halip, mas lalo siyang tumindig nang tuwid, tinitingnan ang kamay kong nakakapit sa kaniya na parang isang maduming bagay. Ayaw niya ng hinahawakan siya nang basta-basta, lalo na ang hinahatak siya.“Don’t pull me, Lyra,” banta niya, mababa ang boses pero punong-puno ng awtoridad.“Nakakahiya, Caden! Umalis na tayo!” giit ko, halos magmakaawa na ang mga mata ko.“I said, donʼt pull me,” ulit niya.Sa isang iglap, siya ang humawak sa pulsuhan ko. Mahigpit pero hindi masakit. Sa halip na ako ang humila, siya ang mabilis na naglakad palabas ng classroom, kaladkad ako na parang isang bata. Wala nang nagawa si Prof kundi sundan kami ng ti
LYRAʼS POVInayos ko ang suot kong jacket, pilit na tinatago ang bakas ng makeup sa leeg ko na hindi ko lubos na naalis kanina sa banyo ng isang fast food chain. Pagod na pagod ako. Hindi lang dahil sa tatlong oras na pag-aayos o sa bigat ng sapphire na isinampay sa akin ni Caden, kundi dahil sa pagkapahiya.Sloane Van Doren. Fiancee pala. Ang galing talaga ni Caden—ginawa akong kapatid sa harap ng camera, ginawang aso sa harap na bitter na fiancee niya, at ginawang dekorasyon sa harap ng mga elite.Imbes na bumalik sa penthouse, dumiretso ako sa bahay nina Elias. Malayo ito sa marangyang mundo ni Caden. Maingay, amoy kape, at puno ng nagkalat na papel. Dito ako humihinga. Mas komportable ako.“Hoy, Lyra! Buhay ka pa pala?” bungad sa akin ni Elias pagpasok ko sa sala nila.Nakatambay ang iba naming classmates—sina Jace at Marga. May mga laptop na nakabukas, empty cups ng instant noodles, at ang pamilyar na ingay ng nagtatalong mga estudyante tungkol sa RRL ng research namin.“Late ka
LYRA’S POVMaaga pa lang pero ramdam ko na ang bigat ng hangin sa loob ng penthouse. Pagmulat ng mga mata ko, hindi katahimikan ang bumungad sa akin kundi ang ingay ng mga taong hindi ko kilala.Napaupo ako sa kama at natigilan. Sa tapat ng closet ko, may nakahandang isang kulay itim na silk dress na tila ba kumikinang kahit walang ilaw. Sa tabi nito, may mga designer heels na sa taas pa lang ng takong ay alam kong mahihirapan na akong lumakad. May branded na bag, at isang set ng mga alahas na mukhang mas mahal pa sa tuition ko para sa buong kolehiyo.“Good morning, Miss Thorne. We’re ready for you,” sabi ng isang babaeng may hawak na makeup brushes.Napakunot ang noo ko. Nakatayo siya roon kasama ang dalawa pang assistant, naghihintay na parang isa akong “project” na kailangang tapusin.Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko, hindi ako tao na pagkagising ay maghihilamos lang, kundi isang gamit na kailangang ihanda para maging display.Anong eksena ng mga ito?“Para saan ‘to?” tano
LYRA’S POVIlang araw na ang lumipas pero pakiramdam ko ay tumigil ang oras sa loob ng penthouse na ito. Wala pa akong pasok kaya wala akong ibang ginagawa kundi ang magbilang ng mga mamahaling gamit na hindi ko naman pwedeng hawakan. Sinubukan kong mag-exercise sa tapat ng dambuhalang bintana, nanood ng TV hanggang sa sumakit ang mga mata ko, at nagbasa ng mga libro sa library niya na amoy luma at amoy pera.Pero kahit anong gawin ko, hindi ako mapakali. Ang hirap mag-relax sa lugar na alam mong hindi ka naman welcome. Bawat yapak ko sa makapal na carpet, pakiramdam ko ay may CCTV na nakatitig sa akin, naghihintay lang na magkamali ako. Ang laki ng lugar pero parang sumisikip ang mundo ko.Hanggang sa lumalim ang gabi at nakaramdam ako ng gutom.Dahil ayaw kong lumabas ng kwarto kapag alam kong nandoon si Caden, hinintay ko munang tumahimik ang paligid. Nang masiguro kong wala nang tao sa sala, dahan-dahan akong pumunta sa kusina. Naghanap ako ng makakain hanggang sa makita ko ang p
LYRAʼS POVNakatayo ako sa gitna ng sala ng penthouse, bitbit ang isang lumang maleta na may gasgas sa gilid at dalawang kahon na halos bumubuka na ang tape. Iyan lang ang dala ko. Sa dambuhalang espasyong ito, mukhang basura ang mga gamit ko na nakatambak sa tabi ng isang sofa na malamang ay mas mahal pa sa buhay ko.Tahimik. Sobrang tahimik na pati ang tunog ng aircon ay parang bulong na nakakarindi.Inilibot ko ang paningin ko. Ang dingding ay gawa sa mamahaling bato, ang sahig ay kulay abo na sa sobrang kintab ay nakikita ko ang sarili kong repleksyon—isang babaeng pagod, basa ang dulo ng buhok dahil sa ulan sa labas, at mukhang hindi nababagay sa lugar na ito. Mula sa dambuhalang floor-to-ceiling windows, tanaw ko ang mga ilaw ng siyudad sa baba. Mukha silang maliliit na langgam. Noon, pangarap ko lang na makakita ng ganitong view, pero bakit ngayon, pakiramdam ko ay nasa gilid ako ng bangin?Biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng maong ko.Sunud-sunod. Sa k
LYRAʼS POVDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa sobrang silaw ng araw. Ang bigat ng katawan ko, lalo na sa bandang balakang.Masakit. Hapdi. Gusto ko pa sanang pumikit pero naramdaman ko ang lamig ng aircon na humahalos sa balat ko.Teka. Nasaan ako?Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko ang lahat. Ang Blackwood Bar.Ang card. Ang kwartong ito.Agad kong hinanap ang kumot at ibinalot sa katawan ko. Pero paglingon ko sa bandang bintana, nanigas ako. May isang lalaking nakatayo roon, bagong ligo, basa pa ang buhok at maayos na ang suot na kulay-abong polo shirt. Nakatalikod siya sa akin habang may hawak na tasa ng kape.“Gising ka na pala,” sabi niya. Ang boses na iyon. Malalim. Baritono.“S-Sino ka?” tanong ko. Dahan-dahan siyang lumingon.Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Ang mukhang iyon. Ang matatalim na mata na tila laging may hinuhusgahan. Ang ilong na matangos na tila ba ayaw pasapi sa kahit na sino.“Putangina,” mahina kong bulong. “Caden? Nasa







