Home / Romance / The Billionaire Who Hates Me / Chapter 5: First test

Share

Chapter 5: First test

last update publish date: 2026-04-16 22:50:11

LYRA’S POV

Ilang araw na ang lumipas pero pakiramdam ko ay tumigil ang oras sa loob ng penthouse na ito.

Wala pa akong pasok kaya wala akong ibang ginagawa kundi ang magbilang ng mga mamahaling gamit na hindi ko naman pwedeng hawakan. Sinubukan kong mag-exercise sa tapat ng dambuhalang bintana, nanood ng TV hanggang sa sumakit ang mga mata ko, at nagbasa ng mga libro sa library niya na amoy luma at amoy pera.

Pero kahit anong gawin ko, hindi ako mapakali. Ang hirap mag-relax sa lugar na alam mong hindi ka naman welcome. Bawat yapak ko sa makapal na carpet, pakiramdam ko ay may CCTV na nakatitig sa akin, naghihintay lang na magkamali ako. Ang laki ng lugar pero parang sumisikip ang mundo ko.

Hanggang sa lumalim ang gabi at nakaramdam ako ng gutom.

Dahil ayaw kong lumabas ng kwarto kapag alam kong nandoon si Caden, hinintay ko munang tumahimik ang paligid. Nang masiguro kong wala nang tao sa sala, dahan-dahan akong pumunta sa kusina. Naghanap ako ng makakain hanggang sa makita ko ang pack ng instant noodles na itinago ko sa ilalim ng mga damit ko noong lumipat ako.

Itinabi ko 'to para sa mga sandaling tulad nito—kapag kailangan kong maramdaman na ako pa rin ang dating Lyra.

Isinalang ko ang tubig sa isang maliit na pot. Habang naghihintay na kumulo, nakatitig lang ako sa asul na apoy ng stove. Sinisikap kong umasta na parang normal ang lahat. Na parang hindi ako nilalamon ng karangyaan ng lugar na ito. Na parang hindi ako nakatira sa iisang bubong kasama ang lalaking kinakamumuhian ko.

Narinig ko ang mahinang tunog ng elevator mula sa malayo, kasunod ang mabibigat na hakbang na palapit sa kusina.

Nanigas ako.

Pumasok si Caden.

Pagod ang hitsura niya, dahan-dahang kinakalag ang kurbata niya habang ang isa niyang kamay ay nasa bulsa ng kaniyang pants.

Nakasampay ang suit jacket niya sa kaniyang braso. Sa isang iglap, tila lumiit ang dambuhalang kusina dahil sa presensya niya. Nag-iba ang hangin—naging mabigat, naging seryoso.

Napatingin siya sa niluluto ko. Nangunot ang noo niya nang maamoy ang murang instant noodles na kumukulo sa gitna ng kaniyang high-tech na kusina.

“May private chef dito, Lyra. Pwede kang magpaluto ng kahit ano kung nagugutom ka,” sabi niya.

Ang boses niya ay malalim, baritono, at may bakas ng pagod galing sa trabaho.

Nagkibit-balikat lang ako, hindi siya tinitignan. Mas pinili kong paglaruan ang chopsticks sa kamay ko. “Hindi naman kasama sa kontrata na dapat kumain ako ng mamahaling pagkain. Sanay ako rito.”

“Hindi rin kasama sa kontrata na magmukha kang malnourished sa pamamahay ko,” sagot niya habang inilalagay ang kaniyang jacket sa isa sa mga bar stools.

Hindi ako sumagot. Nanatili siyang nakatayo roon, pinapanood ang bawat kilos ko. Kinuha niya ang cellphone niya mula sa bulsa at may tinipa roon.

Biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng granite counter.

Dahan-dahan ko itong kinuha. Isang notification ang bumulaga sa akin mula sa isang application na hindi ko matandaang ininstall ko.

[CONTRACT RULE #1: When summoned, you come immediately.]

Napatigil ako sa paghalo ng noodles. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kaniya. Ang layo namin sa isa’t isa ay nasa tatlong hakbang lang, pero pakiramdam ko ay nasa gitna kami ng isang arena.

“Nagbibiro ka ba?” tanong ko, halos pabulong na dahil sa inis. “Nasa iisang kwarto lang tayo, Caden. Kailangan mo pa ba akong i-text?”

Isinubi niya ang cellphone sa pocket niya at seryoso akong tinitigan. “Hindi ako nagbibiro. Isang test ito kung gaano ka kabilis sumunod.”

Humakbang siya palapit. Mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. Ang bawat yapak niya sa makintab na sahig ay tila ba nagpapaalala sa akin kung sino ang may-ari ng lugar na ito—at kung sino ang pag-aari niya.

“Consider it the first test,” dagdag niya.

Humalukipkip ako, pilit na itinatago ang panginginig ng mga daliri ko. “At paano kung sabihin kong ayoko? Paano kung mas gusto kong kainin 'tong noodles ko kaysa pansinin ang mga utos mo?”

Isang mapanganib na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Caden. Hindi iyon ngiti ng taong nagagalak; iyon ay ngiti ng isang taong alam na hawak niya ang leeg ko.

“Then I’ll start canceling the payments. Unahin natin ang tuition mo sa susunod na semester. Susunod ang allowance mo. At baka pati ang boarding house na balak mong balikan, ipasara ko rin,” malamig niyang sagot.

Natahimik ang buong kusina. Tanging ang tunog lang ng kumukulong sabaw ang maririnig. Mariin kong naramdaman ang panggigigil sa panga ko. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang isaboy sa kaniya ang mainit na pot na hawak ko.

Galit ako sa kaniya. Higit pa sa galit ang nararamdaman ko. Pero sa dulo ng araw, alam kong wala akong laban.

Dahan-dahan kong binitiwan ang chopsticks at naglakad patungo sa kaniya. Huminto ako sa mismong tapat niya, sapat na para maamoy ko ang pamilyar na amoy ng alak, kape, at pabango na dala niya. Kinailangan kong tingalain siya dahil sa tangos niya.

“Happy?” matabang kong tanong, nakatingin nang diretso sa kaniyang madidilim na mata.

Bahagyang yumuko si Caden, inilapit ang mukha sa akin hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang hininga sa balat ko. Masyadong malapit. Ramdam ko ang bilis ng pintig ng puso ko na alam kong naririnig din niya.

“Not yet,” bulong niya. Ang boses niya ay naging mas mababa, mas mapanganib. “Marami pa tayong rules na pagdadaanan, Lyra. At sisiguraduhin kong hindi ka makakalimot.”

Napatitig ako sa kaniyang mga labi, at sa isang sandali, nakalimutan kong huminga. Ang ulan sa labas ay tila lalong lumakas, humahampas sa mga salamin ng penthouse, parang ang gulo ng nararamdaman ko sa loob.

“Kainin mo na ang noodles mo,” bigla niyang sabi habang lumalayo nang kaunti, pero ang tingin ay hindi pa rin bumibitaw. “Dahil bukas, hindi na ganiyan ang kakainin mo. Mag-ayos ka nang maaga. May pupuntahan tayo.”

Hindi na ako nakasagot.

Naiwan akong nakatayo sa gitna ng kusina, habang pinapanood siyang maglakad palayo.

Ang noodles na kanina lang ay mukhang masarap, ngayon ay parang wala nang lasa.

Dito sa gintong hawla na ito, kahit ang pagkain ko, unti-unti na ring nagiging amoy Caden. At ang nakakatakot... tila nasasanay na ang sistema ko sa presensya ng demonyong ito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire Who Hates Me   Chapter 6: Duplicate

    ​LYRA’S POV​Maaga pa lang pero ramdam ko na ang bigat ng hangin sa loob ng penthouse. Pagmulat ng mga mata ko, hindi katahimikan ang bumungad sa akin kundi ang ingay ng mga taong hindi ko kilala.​Napaupo ako sa kama at natigilan. Sa tapat ng closet ko, may nakahandang isang kulay itim na silk dress na tila ba kumikinang kahit walang ilaw. Sa tabi nito, may mga designer heels na sa taas pa lang ng takong ay alam kong mahihirapan na akong lumakad. May branded na bag, at isang set ng mga alahas na mukhang mas mahal pa sa tuition ko para sa buong kolehiyo.​“Good morning, Miss Thorne. We’re ready for you,” sabi ng isang babaeng may hawak na makeup brushes.​Napakunot ang noo ko. Nakatayo siya roon kasama ang dalawa pang assistant, naghihintay na parang isa akong “project” na kailangang tapusin.Hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko, hindi ako tao na pagkagising ay maghihilamos lang, kundi isang gamit na kailangang ihanda para maging display.Anong eksena ng mga ito?​“Para saan ‘to?” tano

  • The Billionaire Who Hates Me   Chapter 5: First test

    LYRA’S POVIlang araw na ang lumipas pero pakiramdam ko ay tumigil ang oras sa loob ng penthouse na ito. Wala pa akong pasok kaya wala akong ibang ginagawa kundi ang magbilang ng mga mamahaling gamit na hindi ko naman pwedeng hawakan. Sinubukan kong mag-exercise sa tapat ng dambuhalang bintana, nanood ng TV hanggang sa sumakit ang mga mata ko, at nagbasa ng mga libro sa library niya na amoy luma at amoy pera.Pero kahit anong gawin ko, hindi ako mapakali. Ang hirap mag-relax sa lugar na alam mong hindi ka naman welcome. Bawat yapak ko sa makapal na carpet, pakiramdam ko ay may CCTV na nakatitig sa akin, naghihintay lang na magkamali ako. Ang laki ng lugar pero parang sumisikip ang mundo ko.Hanggang sa lumalim ang gabi at nakaramdam ako ng gutom.Dahil ayaw kong lumabas ng kwarto kapag alam kong nandoon si Caden, hinintay ko munang tumahimik ang paligid. Nang masiguro kong wala nang tao sa sala, dahan-dahan akong pumunta sa kusina. Naghanap ako ng makakain hanggang sa makita ko ang p

  • The Billionaire Who Hates Me   Chapter 4: Zero Balance, Zero Freedom

    LYRAʼS POVNakatayo ako sa gitna ng sala ng penthouse, bitbit ang isang lumang maleta na may gasgas sa gilid at dalawang kahon na halos bumubuka na ang tape. Iyan lang ang dala ko. Sa dambuhalang espasyong ito, mukhang basura ang mga gamit ko na nakatambak sa tabi ng isang sofa na malamang ay mas mahal pa sa buhay ko.Tahimik. Sobrang tahimik na pati ang tunog ng aircon ay parang bulong na nakakarindi.Inilibot ko ang paningin ko. Ang dingding ay gawa sa mamahaling bato, ang sahig ay kulay abo na sa sobrang kintab ay nakikita ko ang sarili kong repleksyon—isang babaeng pagod, basa ang dulo ng buhok dahil sa ulan sa labas, at mukhang hindi nababagay sa lugar na ito. Mula sa dambuhalang floor-to-ceiling windows, tanaw ko ang mga ilaw ng siyudad sa baba. Mukha silang maliliit na langgam. Noon, pangarap ko lang na makakita ng ganitong view, pero bakit ngayon, pakiramdam ko ay nasa gilid ako ng bangin?Biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa loob ng bulsa ng maong ko.Sunud-sunod. Sa k

  • The Billionaire Who Hates Me   Chapter 3: The Golden Cage

    LYRAʼS POVDahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko dahil sa sobrang silaw ng araw. Ang bigat ng katawan ko, lalo na sa bandang balakang.Masakit. Hapdi. Gusto ko pa sanang pumikit pero naramdaman ko ang lamig ng aircon na humahalos sa balat ko.Teka. Nasaan ako?Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko ang lahat. Ang Blackwood Bar.Ang card. Ang kwartong ito.Agad kong hinanap ang kumot at ibinalot sa katawan ko. Pero paglingon ko sa bandang bintana, nanigas ako. May isang lalaking nakatayo roon, bagong ligo, basa pa ang buhok at maayos na ang suot na kulay-abong polo shirt. Nakatalikod siya sa akin habang may hawak na tasa ng kape.“Gising ka na pala,” sabi niya. Ang boses na iyon. Malalim. Baritono.“S-Sino ka?” tanong ko. Dahan-dahan siyang lumingon.Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Ang mukhang iyon. Ang matatalim na mata na tila laging may hinuhusgahan. Ang ilong na matangos na tila ba ayaw pasapi sa kahit na sino.“Putangina,” mahina kong bulong. “Caden? Nasa

  • The Billionaire Who Hates Me   Chapter 2: Welcome to Cadenʼs World

    LYRAʼS POV Napaliyad ako nang maramdaman ko ang labi niya sa kaliwang dibdib ko. Hindi ko alam na ganoon pala ang pakiramdam na hatid sa katawan ko. Magaling siya. Alam kong may experience siya. Alam niya kung paano dadalhin ang katawan ko. Ramdam ko ang kamay niyang naglalakbay sa aking katawan, sa likod ko, sa tiyan, at sa hita. Bawat dampi ng kaniyang daliri ay tila nag-iiwan ng paso sa balat ko. Mariin ang kaniyang hawak, tila ba tinitiyak niya na wala akong takas. Nang dahan-dahan niyang ihiwalay ang aking mga binti, napakapit ako nang mahigpit sa kaniyang mga balikat. Nararamdaman ko ang kaniyang matigas na katawan na unti-unting bumabaon sa gitna ko. “Relax,” bulong niya. Ang boses niya ay kasing-lamig ng ulan sa labas pero ang kaniyang hininga ay mainit sa aking balat. Sa unang tulak niya, napasigaw ako nang mahina at napakagat-labi. Masakit. Masikip. Hindi ko inaasahan ang ganitong klase ng bigat. Pero hindi siya tumigil. Nanatili siyang nakabaon sa loob ko haba

  • The Billionaire Who Hates Me   Chapter 1: Signed in Desperation

    LYRAʼS POVMaingay ang paligid. Ang busina ng mga sasakyang naipit sa trapiko at ang tilamsik ng tubig mula sa mga gulong na dumadaan sa bako-bakong kalsada ay tila nakikipagsabayan sa sakit ng ulo ko. Punong-puno ang jeep na sinasakyan ko, amoy pawis, amoy usok, at amoy pagod.Napatingin ako sa suot kong sapatos. Gasgas na ang balat nito at bahagya nang bumubuka ang swelas. Kailangan ko na namang pandikitan mamaya bago pumasok sa klase.“Para po,” mahina kong sabi.Pagbaba ko sa tapat ng unibersidad, agad kong sinalubong ang ambon. Wala akong dalang payong kaya hinayaan ko na lang na mabasa ang suot kong kupas na polo shirt. Dire-diretso ako sa Accounting Office.“Miss Thorne, wala pa ring pumasok na payment sa account mo,” bored na sabi ng babaeng nasa likod ng salamin. Hindi man lang siya nag-angat ng tingin. Busy siya sa pagpindot sa kaniyang calculator habang kumakain ng crackers.“Ma’am, scholar po ako. Sabi po last time, may delay lang sa processing ng donor ko,” pilit kong pin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status