LOGINNanlaki ang mga mata ni Alexander. “Ano…?!” paos niyang tanong, pilit hinahabol ang hininga habang nakayuko pa rin sa railings. Dahan-dahang yumuko ang lalaki upang pantayan ang kanyang mukha. Ramdam ang mabigat nitong presensya, at ang malamig na titig na tila kayang pumatay kahit walang hawak na armas. “Hindi mo na kailangang malaman,” bulong nito, halos pabulong ngunit sapat para marinig sa gitna ng hampas ng alon. “Pero sigurado ako…” bahagya itong ngumisi, “hindi mo magugustuhan ang ginawa ko.” Napangiwi si Alexander, pilit itinataas ang ulo kahit nanlalabo ang paningin. “A-anong ginawa mo kay Theariza?!” galit niyang sigaw, kahit halatang nanghihina na ang kanyang katawan. Ngunit hindi sumagot ang lalaki. Sa halip, tumayo ito nang tuwid at tumalikod—tila ba walang halaga ang mga tanong niya. “Sayang ka,” malamig nitong saad habang naglalakad palayo. “Kung ginawa mo lang sana ang trabaho mo noon… hindi na sana umabot sa ganito.” Kumunot ang noo ni Alexander.
“Ilang oras ang biyahe patungo sa kinaroroonan ni Master Rereio?” Mariing sabi ni Alexander sa kanyang sarili habang nakagapo sa gilid ng bangka, mahigpit ang pagkakahawak sa malamig na bakal na railings. Malalakas ang hampas ng alon, at ang hangin ay tila sumasalamin sa kaguluhan ng kanyang isipan. Ito na ang pagkakataon ko… “Pagkakataon ko na ito para tuluyang patayin si Theariza!” bulong niya sa sarili, halos matangay ng hangin ang kanyang boses. “Pagkakataon ko na para mapatunayan kay Master Rereio na karapat-dapat akong maging tagapagmana ng lahat ng maiiwan niya!” Ngunit sa likod ng kanyang matitigas na salita… may isang bahagi ng puso niyang pilit na lumalaban. Si Master Rereio—ang lalaking kinatatakutan at sinusunod niya… ngunit siya ring tunay na ama ni Theariza. Siya ang nag-iwan kay Theariza sa isang bahay-ampunan, na parang wala itong halaga. At higit sa lahat—siya rin ang may pakana ng lahat ng nangyari. Hindi aksidente ang pagkikita nina Alexander at Theari
“TUMIGIL NA KAYO! SASAMA NA AKO!” Bumiyak ang sigaw ni Theariza sa gitna ng putukan—matinis, nanginginig, pero sapat para mapatigil ang ilang segundo ng kaguluhan. Parang biglang huminto ang oras. Isa-isang bumagal ang galaw ng mga tao. May ilang putok pang pumutok—paulit-ulit na echo sa hangin—pero unti-unti rin itong nawala. “Anong—?” napalingon si Darryl, hindi makapaniwala. “Theariza, hindi—” Pero hindi na siya pinatapos. Dahan-dahang humakbang si Theariza palabas mula sa likod niya. Kita sa mukha niya ang takot… pero mas nangingibabaw ang desisyon. “Tumigil na kayo…” ulit niya, mas mahina na pero buo. “Ayokong may masaktan pa dahil sa akin…” “Hindi!” mariing sagot ni Darryl, hinawakan ang braso niya. “Hindi ito ang paraan—hindi ka pwedeng sumama sa kanila!” Tumingin si Theariza sa kanya. A
“Nasaan na ang sarili kong tauhan? Bakit hindi sila ang nakabantay?” dagdag pa niya, halos sa sarili lang, pero sapat para maramdaman ni Theariza ang bigat ng sitwasyon. Biglang—gumalaw ang isa sa mga bantay. Bago pa makareak si Darryl, mabilis na lumapit ang hindi kilalang tauhan at may iniabot kay Theariza—isang maliit na bagay na malamig sa palad—bago sila agad umatras. Sa isang iglap—wala na sila. Parang usok na naglaho sa hangin. “Hoy—!” akmang hahabulin sana ni Darryl, pero napahinto siya. Mas mahalaga si Theariza. “What the hell…” bulong niya, mariing nakatingin sa direksyon kung saan naglaho ang mga tauhan. Nangilabot si Theariza. Dahan-dahan niyang binuksan ang kanyang palad. Isang maliit na piraso ng papel. Nakatupi. At tila may bahid ng kung anong hindi niya maipaliwanag—parang may kasamang lamig na dumadaloy sa kanyang balat. “D-Darryl…” mahina niyang tawag. Agad lumapit si Darryl, mabilis pero maingat, parang bawat segundo ay maaaring sumabog sa
Nanatiling nakapako si Theariza sa kama, parang ang buong mundo’y huminto sa pagitan ng bawat pintig ng kanyang puso. “Hah… hah…” Hindi pa rin maayos ang kanyang paghinga. Parang may unsinong kamay na nakadagan sa dibdib niya—hindi sapat para pumatay… pero sapat para ipaalala na may panganib na paparating. Dahan-dahan niyang itinaas ang kamay at hinawakan ang kanyang leeg. Mainit. Pero bakit parang may bakas ng lamig? Parang may humaplos doon… kanina lang. Napapikit siya sandali, pilit binabalikan ang narinig. Isang boses. At punong-puno ng galit. “Ako na mismo ang magtatapos sa kanya ngayon…” Biglang nagmulat ang kanyang mga mata. “Hindi…” mahina niyang bulong, nanginginig ang labi. “Hindi iyon normal na panaginip…” “Isa iyong babala.” Dahan-dahan siyang bumaba sa kama, kahit nanlalambot pa ang tuhod niya. Naglakad siya papunta sa bintana at bahagyang itinulak ang kurtina. Sa labas—tahimik ang gabi. Parang may nagkukubli sa bawat anino, naghihintay lang ng tamang sand
“Master Rereio!” Hingal na hingal ang tauhan nang sumugod sa loob, tila may humahabol na bangungot sa kanyang likuran. “Kumilos na si Darryl… lahat ng tauhan natin na ipinadala sa isla para kunin ang son-in-law ninyo… bumaliktad.” Nilunok niya ang takot bago nagpatuloy. “Kumampi silang lahat kay Darryl. Ano po ang gagawin natin ngayon, Master Rereio?” Saglit na nanahimik ang silid. Hindi sumagot agad si Rereio. Nakaupo lang siya sa madilim na sulok, kalahati ng mukha’y nilalamon ng anino, kalahati’y tinatamaan ng malamlam na ilaw. Unti-unti, gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi—ngiting walang bahid ng awa. “Ganoon ba…” malamig niyang tugon, tila yelong dumidikit sa balat. “Kung ganoon… ligtas pa rin si Theariza sa mga kamay ng lalaking iyon?” Dahan-dahang tumango ang tauhan, pero hindi niya magawang salubungin ang tingin ng kanyang amo. At doon— biglang tumawa si Rereio. Hindi iyon normal na tawa. Isa iyong mababa, garalgal, parang may kasamang galit na matagal nan
“Beeep! Beeep! Beeep!” Malakas na busina mula sa labas ng bahay nina Theariza ang bumasag sa katahimikan ng umaga. “Mommy! Si Daddy Darryl!” sigaw ni Thearonna, sabay takbo sa maliit nilang bintana para sumilip. Napangiti si Theariza habang nagmamadaling ayusin ang damit sa harap ng salamin. “S
Kinagabihan…Halos hindi mapakali si Thearonna sa loob ng maliit nilang kwarto. Nakalatag sa kama ang ilang damit—mga simpleng bestida na halatang ilang beses nang nalabhan ngunit maingat na inalagaan. Paulit-ulit niyang pinipili at pinapalitan ang mga iyon, tila ba bawat detalye ay mahalaga. “
“Narito ang background check niya!” malamig ngunit matalim na saad ni Ginang Alicia habang iniunat ang makapal na brown envelope. Dahan-dahan niyang inilabas ang ilang papel at isa-isang ikinalat sa mesa sa harap nila. “Ang babaeng ‘yan ay mahilig pumatol sa mga mayayaman,” dagdag niya habang pin
“A-anong ginagawa mo rito?!” gulat na tanong ni Alexander, ngunit sa halip na mandiri sa sinapit niya kay Theariza ay tila mas nangingibabaw pa ang pagkabigla sa kanyang mukha. Halos nanlaki ang mga mata ni Alexander habang nakatitig sa babaeng nasa harapan niya. Hindi na hinintay ni Alexander







