LOGIN“So kayo na naman!” galit na saad ni Althea habang matalim ang tingin kay Theariza at sa kanyang anak. “Kayong mag-ina na naman ang sumira sa araw ng anak ko?!” Napatingin ang ilang taong nakapaligid sa kanila. Halatang nagiging sentro na ng eksena ang dalawang pamilya. Sandaling natahimik si Theariza habang pinipigilan ang sarili. Namumuro na kayo… bulong niya sa isip. Ayaw ko kayong patulan dahil ayokong madamay na naman ang anak ko sa problema ko tulad sa nakaraang buhay ko… pero bakit ang kulit ninyo? Lapit kayo nang lapit sa buhay ko… Ngunit hindi iyon lumabas sa kanyang bibig. Sa halip ay kalmado ngunit matatag siyang nagsalita. “Bakit kami na naman?” sagot ni Theariza. “Hindi mo ba narinig na ang anak ko ang nauna sa pink bear na ’yan?” Agad namang sumagot si Elina, kunwari’y umiiyak pa rin habang yakap ang teddy bear. “No, Mommy… ako ang nauna. Sinabihan pa nga niya ako na mang-aagaw raw ako ng laruan!” sumbong niya habang nakaturo kay Ronna. Lalong tumalim ang mukh
Bahagyang nanginginig ang maliit na boses ni Ronna habang nakatitig sa pink na teddy bear na hawak na ngayon ng bodyguard ni Elina. “Ako po ang nauna sa toys na ’yan…” mariin niyang sabi, pilit pinipigilan ang pag-iyak. “Inagaw lang niya sa akin…” Bahagyang natawa si Elina—isang maikling tawa na puno ng pagmamataas. “Talaga?” taas-noo niyang sagot habang pinagmamasdan si Ronna mula ulo hanggang paa. “Ang teddy bear na ito sa akin nababagay! Look at your self, ni hindi ka nga makabili ng magandang damit ehh . At kung sa’yo talaga ’to, bakit wala sa kamay mo?” Saglit na napayuko si Ronna, ngunit agad din siyang naglakas-loob na tumingin muli kay Elina. “Hawak ko na yan pero inagaw mo sa akin ehh.. “Eh di sana hawak mo pa rin hanggang ngauon kung ikaw talaga ang nauna!” putol ni Elina na tila naiinis. “Kasalanan mo kasi mas mabilis ako at ikaw mabagal ka.” Napangiwi ang matandang yaya ni Elina habang nakapamewang. “Tama ang Señiorita,” matalim niyang sabi. “Sa mall na ito,
Nakaraan… Ngunit napatingin siya kay Elina at sa yaya kaya bigla siyang napatigil sa pagsasalita. Karugtong… Bahagyang kumunot ang noo ni Althea. “Wala na ang… sino?” tanong niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Alexander. Ngunit mabilis na nagbago ang ekspresyon ni Alexander. Parang wala lang ang lahat. “Business problem lang,” malamig niyang sagot sabay bulsa ng cellphone. “May kailangang ayusin.” “I need to know, sagot muli ni Althea. Sasabihin ko sayo mamayang gabi pagdating niyo ni Elina. Hindi na nagtanong pa si Althea. “Sigurado siyang importante ang lihim na iyon ni Alexander kaya hindi na siya nagtanong pa muli–mga lihim na hindi na kailangang usisain. Samantala, si Elina ay tahimik lamang na nakatayo sa gilid ng hagdanan habang nakatingin sa kanyang ama. Bahagyang kumislap ang kanyang mga mata, na para bang may napansin siya sa kakaibang tono ng boses nito. “Daddy, hindi ka sasama?” inosenteng tanong niya. Bahagyang ngumiti si Alexander sa anak, ngun
Kinabukasan… Maaga pa lamang ay gising na si Elina. Mula sa malaking bintana ng kanyang silid ay pumapasok ang ginintuang liwanag ng umaga, tumatama sa mamahaling kurtina at sa malapad na kama na tila yari sa purong seda. Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa salamin. Maingat niyang inayos ang kanyang buhok habang pinagmamasdan ang sarili. Nakasuot siya ng mamahaling damit—isang eleganteng damit na kulay champagne na may kumikislap na burda sa gilid. Halatang-halata ang karangyaan sa kanyang itsura. Maging ang maliit na hikaw na suot niya ay kumikislap sa liwanag. “Perfect,” bulong niya sa sarili habang bahagyang ngumiti. Pagkatapos ay bahagya siyang tumingin sa pintuan ng silid. “Yaya!” malakas niyang tawag. Ilang segundo lamang ay bumukas ang pinto at agad na pumasok ang matandang yaya na matagal nang naglilingkod sa kanilang pamilya. “Yes po, Señiorita?” magalang nitong sagot habang bahagyang yumuyuko. “Gising na ba si Mama?” tanong ni Elina habang patuloy na inaayos an
“K-kumain na tayo…” medyo alanganing saad ni Theariza. Ramdam pa rin niya ang init sa kanyang pisngi kaya agad siyang tumayo at dumiretso sa kusina, kunwari’y abala sa pag-aayos ng hapag. “Ano ba ’tong nararamdaman ko… ilang taon na akong ganito, pero bakit parang ngayon lang ulit ako kinikilig? Hindi pwede… hindi ako pwedeng magpadala…”bulong ng isip ni Theariza. Sa sala, naiwan sina Ronna at Darryl. Tahimik muna sandali. “Tito…” mahina ngunit diretsong tanong ni Ronna. Napatingin si Darryl. “Hmm?” Tumingin ang bata sa kusina, sinigurong wala ang mommy niya, saka muling bumaling sa kanya. “Love mo ba ang Mommy ko?” Bahagyang natawa si Darryl, pero agad din siyang napatingin sa kusina. “Psst… hinaan mo boses mo,” bulong niya. “Baka marinig ka ng Mommy mo.” Tinakpan ni Ronna ang bibig niya, pero halatang hindi mapigilan ang curiosity. “Tito…” ulit niya, mas mahina na. “Love mo nga si Mommy?” Napabuntong-hininga si Darryl. Saglit siyang natahimik. Napatingin siya sa direk
“Tama ka, Mama. Imposibleng anak niya ’yon.” Mariing saad ni Althea habang bahagyang nanginginig ang kanyang boses. “Ilang taon na rin simula nung nawala siya… ni isang balita wala tayong narinig. Kung tutuusin… malaki ang posibilidad na nagpakamatay na siya noong araw na ’yon.” Napakagat siya sa labi, pilit kinokontrol ang halo-halong emosyon—inis, takot, at kaba. “At isa pa,” dagdag niya, bahagyang tumataas ang tono, “kitang-kita ng dalawang mata ko kung gaano ka-taba at kahirap ang itsura ng ina ng batang ’yon. Walang-wala sa estado ng buhay na meron tayo.” Tumingin si Ginang Alicia sa malayo, tila binabalikan ang nakaraan. “Tama ka… Iha. Imposible talaga.” Ngunit kahit kalmado ang kanyang tinig, may bakas ng pag-aalinlangan sa kanyang mga mata. Biglang sumabat si Alexander, halatang naiinis na rin sa paulit-ulit na usapan. “Tama na ’yan!” matigas niyang putol. “Hindi na mahalaga kung sino o ano ang batang ’yon. Ang mas dapat nating pagtuunan ng pansin ngayon ay kung ipagpapat







