LOGINNagdilim ang mga mata ni Timothy sa nabasa. Ni-swipe niya ang message, at buburahin na sana nang bumukas ang pinto ng kwarto ni Tintin at lumabas doon si Tricia.
Nagulat naman si Tricia nang makita na nasa labas ng kwarto si Timothy at naisip niya agad na hinihintay siya nito. Dahil do'n ay kampante siyang naglakad patungo sa kwarto ni Timothy. Kulay abo ang nangibabaw na kulay sa loob ng kwarto. Tila dumilim ang kwarto dahil do'n. Hindi niya gusto ang gano'ng style at naisip niya agad na palitan ang disenyo ng master's bedroom mamaa kung saan balak niya ring isabit ang family picture nilang apat sa dingding. Dahil gabi na, gusto niya nang magpalit ng damit at magpahinga kaya binuksan niya ang wardrobe sa kwarto ngunit wala siyang nakita kahit ni isang damit niya doon. "Anim na taon na tayong kasal pero magkahiwalay ang kwarto at kama natin kaya wala rito ang mga damit mo," saad ni Timothy na hindi niya namalayang pumasok na rin pala sa kwarto. Bathrobe lang ang tanging suot ni Timothy. Pansin niya ahad ang collarbone at ang adam's apple nito. Maging ang malapad nitong dibdib ay kapansin-pansin. Napalunok si Tricia habang pinapasadahan ng tingin ang kabuuan ng lalaki. Lihim niyang kinastigo ang sarili, ano kaya ang tumatakbo sa isip niya noon? Paano niya nakatuluyan ang lalaki kagaya ni Timothy? Napaka gwapo nito, maganda rin ang malakas at maskulado nitong pangangatawan ngunit sa magibang kwarto sila natutulog sa loob ng anim na taon! "Pwede bang hindi na tayo maghiwalay ng kwarto? It's been colder recently, and I feel like I...." Hindi niya maituloy ang sinasabi, nanatili lang ang tingin niya sa dibdib ni Timothy. Napaka-perpekto no'n na para bang hinulma ng isang magaling skulptor. Pakiramdam niya at napakasarap no'n hawakan! Nagsalubong ang kilay ni Timothy. "Nilalamig ka? You don't have to worry since there's a heater in your room." Napalabi siya at namungay ang mga mata habang nakatingin kay Timothy. "Masama sa kalusugan ko ang heater sa kwarto. Madali akong nagkakaro'n ng sore throat dahil do'n." Napansin niya ang paglunok ni Timothy at ang mabilis na pagpasada nito ng tingin sa kabuuan niya. "There's a humidifier." Napatango si Tricia sa narinig, pansin niya ang hindi nito diretsahang pagtanggi. Ngunit determinado siyang makasama ang asawa sa iisang kwarto, kaya naman itinaas niya ang dalawang daliri bago nagsalita. "Don't worry, Timothy. Pangako, matutulog lang ako rito sa kwarto mo. Hindi naman tayo gagawa ng kung ano. I promise, tulog lang, wala nang iba." Bahagyang tumaas ang kilay ni Timothy sa narinig at hindi agad ito nakapagsalita. Sa isip-isip nito, talagang malaki ang pinagbago ni Tricia mula nang magising ito sa hospital. Pakiramdam niya ay nakikita niyang muli ang Tricia na minahal niya. "I'll take your silence as your approval. Lalabas na 'ko, kukunin ko lang ang mga gamit ko," kapagkuwan ay saad ni Tricia. Ayaw niyang magbago pa ang isip ni Timothy "Move everything back." Tumango si Tricia sa sinabi nito bago lalabas na sana nang muli siyang tawagin ng lalaki. "Bakit?" Inabot nito sa kanya ang cellphone. "Nakalimutan mo sigurong iniwan mo 'to sa table na nasa tapat ng kwarto ni Tintin." Tinanggap niya 'yon at agad niyang nakita ang message sa kanya ni Aldrin, gusto nitong makipagkita sa kanya. "Mauna ka nang matulog, Timothy. May kailangan lang akong gawin," saad niya bago umalis. Sa kabilang banda, dismayadong napabuntong-hininga naman si Timothy. Sa totoo lang, kayang-kaya niyang burahin ang message ni Aldrin bago ibigay kay Tricia ang cellphone ngunit hindi niya ginawa. Gusto niya kasing subukan kung anong gagawin nito kapag nakita ang message ni Aldrin. Kung mananatili ba ito sa bahay nila kasama siya at ang mga anak nila o makikipagkita ito kay Aldrin. Kaya nang magpaalam si Tricia at umalis ay hindi niya mapigilang madismaya. Nagmamadali pa ito. Gano'n ba itong kasabik na pumunta sa hotel at makasama si Aldrin? Napabuntong-hininga nalang siya sa naisip. Siguro ay kailangan niya nang laging alalahanin na sa pagitan nila ni Aldrin, ito ang lagi at paulit-ulit na pipiliin ni Tricia. Napayuko siya at dismayadong umupo sa kama niya, mayamaya ay napatalon siya sa gulat nang may marahang humawak sa balikat niya. Ningon niya 'yon at nakita niya ang anak na si Kristoff. "I told you, Dad, sinungaling siya, nagpapanggap lang siyang mabait sa atin, pero hindi siya dapat pagkatiwalaan." Hindi nagsalita si Timothy, ngunit alam niyang kung may tititig sa mga mata niya, makikita ang selos at lungkot doon. Sa kabilang banda, makalipas ang isang oras, nang makarating sa hotel si Tricia ay pinapunta siya agad ni Aldrin sa isang kwarto. Nang makapasok siya ay batid niyang hindi ito naging masaya dahil isang oras siyang late. "Tricia, ibigay mo sa akin ang anak mong si Kristine," agad na saad nito. Tumaas ang kilay ni Tricia sa narinig, alam niya kung ano ang ginagawa ni Aldrin kaya kinompronta niya ito. "Aldrin, kung may problema ka sa pag-iisip, magpa-doktor ka. Anong pumasok sa kokote mo para isiping ibibigay ko sa'yo ang anak ko?" Nabalot ng galit ang mukha ni Aldrin at sinigawan siya nito. "Stop being unreasonable, Tricia! Napaka importante ng bagay na 'to para sa'kin!" Sa isip ni Aldrin, kung sakaling magiging kasosyo niya ang stock market expert, maari na siyang maging isang business tycoon. At kapag nangyari 'yon, wala nang sino man lalo na sa mundo ng negosyo ang mangmamaliit sa kanya na kaya lang siya umangat ay dahil nanggagamit siya ng babae. Sarkastikong natawa si Tricia. "At ano naman 'yan sa akin?" Mariing hinawakan ni Aldrin ang braso niya. "Tricia, makinig ka sa akin, kung ibibigay mo ang anak mo sa akin, papayag akong may mangyari sa ating dalawa ngayong gabi!" Sigurado si Aldrin na hindi tatanggihan ni Tricia ang alok niya dahil gustong-gusto siya nito. Napakaganda ni Tricia, alam niya 'yon noon pa man. Nirerespeto ito ng marami, mataas din ang social status nito at mataas ang pinag-aralan. Kaya naman alam niyang magiging maganda kung may mangyayari sa kanila. Pinigilan naman ni Tricia ang sarili na saktan si Aldrin dahil sa plano nito. "Hindi ka ba natatakot na malaman ito ni Timothy at magalit siya?" Nang-iinsultong tumawa lang ang lalaki. "Ano namang ikakatakot ko sa kanya? Takutin mo lang 'yon na magpapakamatay ka, walang pagdadalawang-isip nang susunod sa akin si Timothy na parang aso." Dahil sa narinig na pang-iinsulto nito kay Timothy ay hindi niya na napigilan ang sarili na sampalin ito. Nagulat si Aldrin sa ginawa ni Tricia at handa na sana siyang magalit nang bigla nalang itong pumayag sa gusto niya. "Fine, gagawin ko kung anong gusto mo. I'll hand my precious daughter to you as long as you're going to sleep with me tonight." Naguluhan si Aldrin dahil do'n, kasasampal lang nito sa kanya, kaya bakit bigla nalang itong pumayag? Ngunit dahil pinangungunahan na ng pagnanasa ang sistema niya, hindi na siya nag-abalang isipin pa kung anong mali at nagmamadali na agad siyang naghubad ng damit. "Mag shower ma muna, maghahanda lang ako," utos ni Tricia. Nangingiting napailing-iling naman si Aldrin dahil do'n. "Hmm, mukhang ganito ang gusto niya," bulong niya bago nagpunta ng banyo. Sinundan naman ng malamig na tingin ni Tricia ang papalayong bulto ni Aldrin. "Tingnan natin kung makangiti ka pa mamaya," nakangising aniya bago lumabas ng hotel room. Samantala, nang makalabas ng banyo si Aldrin ay patay ang lahat ng ilaw ng kwarto. Naramdaman niya ang pagyakap sa kanya ng dalawang pares ng kamay mula sa likuran, at ang pagtanggal nito ng tuwalya na nakapulupot sa bewang niya. Pagkatapos no'n ay lumuhod ang babae, hinawakan nito ang pagkalalaki niya at sandaling itinaas-baba bago ito tumayo saka siya hinalikan. "Woah, Tricia, napaka pino ng mga kilos mo. Hindi ko alam na ganito ka pala ka-wild at kasabik sa akin!" natatawa na aniya bago napangisi nang lumalim ang halik sa kanya ng babae saka siya tinulak sa kama. Hindi siya pumalag, hindi niya na rin kinailangan pang kumilos dahil uhaw na uhaw ang babae. Aaminin niya bahagya siyang nagtataka lalo na at hindi ito nagsasalita ngunit lalo siyang nasasabik sa kinikilos nito kaya hindi na siya nag-abalang mag-isip pa ng ibang bagay. Lingid sa kaalaman niya na hindi si Tricia ang kasama niya. Dahil si Tricia ay nasa labas ng hotel. Nasa loob ito ng sasakyan at komportableng nakaupo, mayamaya ay tinignan ni Tricia ang oras saka siya tumawag sa police station. "Hello, I want to report someone for allowing prostitution." Matapos makipag-usap sa police, nakangisi niyang tinext si Alice gamit ang ibang numero. [Pumunta ka sa address na 'to. May surpresa sa'yo ang pinakamamahal mong si Aldrin.] 'Yon ang message niya kay Alice, nang maisend niya 'yon ay lalong lumawak ang pagkakangisi niya. Mayamaya pa, napakaraming police mobile ang huminto sa tapat ng hotel. Bahagyang kumunot ang noo niya sa pagtataka. Tip-off call lang ang ginawa niya, kaya bakit parang ang buong police station ang pumunta sa hotel? Sa kabilang banda, abala sa pakikipagtalik si Aldrin sa babaeng kasama niya na inaakala niyang si Tricia nang bumukas ang pinto ng hotel room na kinaroroonan nila. Bumukas din ang ilaw at bahagya siyang nasilaw do'n. Nang luminaw ang paningin niya, agad ang pagbalikwas niya nang sa halip na si Tricia ay isang matanda nang babae ang nakita niya! "Who the hell are you?!" Ang isiping nakipagtalik siya sa isang matandang babae ay nakakasuka! Sa sobrang gulat ni Aldrin ay hindi na siya nakapalag nang posasan siya ng mga pulis. "Mr. Santos, may nag-report sa amin na gumagawa ka ng ilegal na gawain, partikular na ang prostitution. Kaya, ngayon ay sumama ka sa amin," saad ng pulis saka siya iginiya palabas ng kwarto. Samantala, nang makarating si Alice sa hotel ay agad niyang nakita si Aldrin na akay ng mga pulis. N*******d ito at nakaposas. Kasunod nito ang matandang babae na ngayon ay nakasuot na ng magulong damit. Galit na galit si Alice sa nakita kaya agad niyang sinugod si Aldrin at pinagsasampal ito. "Ang kapal ng mukha mo! Ganyan ka na ba kahayok?!" galit na sigaw niya saka paulit-ulit itong sinaktan. Lingid sa kaalaman nila na tahimik silang pinapanood ng nakangising si Tricia. Mayroon pa siyang hawak na milktea habang pinagmamasdan si Aldrin na pinapasakay ng mga pulis sa sasakyan, kasunod nito si Alice na patuloy pa rin sa pananakit at pagmumura sa lalaki. Natawa siya sa nakita saka kinuhanan ng picture ang pangyayari. Matapos no'n ay sinend niya 'yon sa mga kilala niyang media at reporters, bago siya tuluyang umuwi ng bahay. Samantala, isa sa mga pulis na humuli kay Aldrin ang kumuha ng sarili nitong cellphone at tinawagan ang kung sino. Nang sagutin ang tawag niya ay agad siyang magalang na nagsalita. "Mr. Imperial, gaya po ng utos niyo, inaresto na namin si Aldrin Santos. Pero nang suyurin po namin ang lahat ng hotel rooms ay hindi namin nakita ang asawa niyo." Sa kabilang banda, nakahinga nang maluwag si Timothy sa sinabi ng pulis. Matapos no'n ay binaba niya ang tawag nang mula sa main door ng bahay ay nakita niya si Tricia na papasok ng gate. Pasayaw-sayaw pa ito habang naglalakad ag mukhang maganda ang mood. Mapait siyang napangisi dahil do'n. Bakit gano'n ka kasaya? Dahil ba nakita mo si Aldrin? Gusto niyang itanong 'yon sa babae ngunit hindi niya ginawa. Sa halip ay nakahalukipkip na lang siyang sumandal sa main door habang pinagmamasdan si Tricia. Nang makita siya ay pansin niya ang gulat sa mukha nito ngunit kalaunan ay agad ding nagliwanag ang mukha. "Timothy, hinihintay mo ba 'ko?" "Gabi na, matulog na tayo," saad niya. Tumango si Tricia. "Okay." Tumikhim si Timothy. "Hmm, sa study room na muna ako matutulog ngayon." Matapos no'n ay umakyat na siya, malamig ang ekspresyon ng mukha niya. Ramdam niya naman ang pagsunod ni Tricia. Nang makapasok sa study room ay agad niyang sinarado ang pinto. Sa kabilang banda, hindi naman mapigilan ni Tricia ang mag-isip. Tahimik si Timothy mula nang makauwi siya at medyo malakas din ang naging pagsarado nito sa pinto ng study room. Galit kaya ito? Dahil sa naisip, mabilis na naglinis ng sarili si Tricia at nagpalit ng pantulog. Isang satin nightgown ang suot niya. Pagkatapos nagtungo siya ng kusina at nagtimpa ng tsaa para kay Timothy. Samantala, abala sa pagbabasa ng libro si Timothy nang may kumatok sa pinto ng study room, bumukas ito at pumasok si Tricia na agad naglakad palapit sa kanya at naglapag ng tasa sa desk na nasa harapan niya. "Nagtimpla ako ng tsaa, nakakatanggal 'to ng init ng ulo," nakangiting saad nito. "I think Aldrin is the one who needs to drink this tea," malamig ang boses na saad niya. Nawala ang ngiti ni Tricia at natigilan ito. Ngunit kalaunan ay tila may napagtanto. "Teka, nabasa mo ba ang text message sa cellphone ko kanina?" tanong nito. Hindi nakasagot si Timothy. Dahil do'n ay napagtanto agad ni Tricia na tama ang hinala niya. Nabasa nga ni Timothy ang text kanina ni Aldrin sa kanya. "Timothy, believe or not, walang nangyari sa pagitan namin ni Aldrin. Nagpunta lang ako sa hotel dahil gusto kong ako mismo ang makakita kung paano siya huhulihin ng mga pulis." Totoo 'yon, pumayag lang talaga siyang makipagkita kay Aldrin dahil gusto niya itong maipakulong; parte 'yon ng plano niyang paghihiganti. Hindi pa rin nagsalita si Timothy kahit nagpaliwanag na siya kaya napabuntong-hininga si Tricia bago nagpunta sa likuran nito. Marahan niyang hinawakan ang balikat ng lalaki saka siya nanlalambing na yumakap dito. "'Wag ka nang magalit, honey. Balik na tayo sa kwarto at magpahinga na tayo, hmm?" Pinatakan niya ng ilang halik ang leeg at sintido ng lalaki bago siya lakad loob na umupo sa kandungan nito. Pagkatapos ay marahan niyang pinalibot ang braso niya sa leeg nito saka ito siniil ng halik. Batid niyang nagulat ang lalaki dahil ramdam niya ang pagkabato nito. Mayamaya lang ay marahan siya nitong binuhat paalis sa kandungan nito, at ang huli niyang narinig ay ang tunog ng pag sarado ng pinto ng study room. Ilang sandaling hindi nakaimik si Tricia dahil sa nangyari. Ramdam niya rin ang bahagyang pagsakit ng damdamin niya dahil sa ginawa ni Timothy. Napabuntong-hininga si Tricia at naaalala ang sinabi ng anak na si Tintin na madali raw suyuin si Timothy. "Oh, gosh! Gaano kadaling suyuin ang asawa ko?!" Kapagkuwan ay naalala niya ang paghalik niya kay Timothy kaya wala sa sarili siyang napangiti at napahawak sa labi. "Well, hindi naman masyadong masakit ang nangyari. After all, hindi naman ako naging mabuting asawa sa nakalipas na anim na taon. Masusuyo ko rin ang asawa ko." Samantala, nang makalabas si Timothy sa study room aya agad siyang nagtungo sa kwarto niya. Tumayo siya sa harap ng salamin at napatitig sa sariling repleksyon partikular na sa mga labi niya. Ramdam niya ang malakas na pagtibok ng puso niya. Hindi siya makapaniwala na hinalikan siya ni Tricia. Bukod kasi sa isang gabi kung saan may nangyari sa kanila six years ago, ito ang unang pagkakataon na si Tricia mismo ang unang humalik sa kanya. Hindi niya tuloy mapigilang mag-isip. Isa lang kaya ito sa mga bagong patibong ni Tricia? O baka naman talagang unti-unti na siya nitong minamahal? Napabuntong-hininga siya sa naisip bago nabaling ang atensyon sa cellphone niyang nasa bedside table nang mag-ring 'yon. Ang kaibigan niyang si Marcus Arevalo ang tumatawag, isa itong pulis. "Timothy! Kalalabas ko lang sa kulungan! Katatapos lang kasi ng duty ko. At may maganda akong balita para sa'yo!" "Ano 'yon?" kunot-noong tanong niya. "Alam mo ba kung sino ang tumawag sa mga pulis kanina? Well, it's none other than your wife! Si Tricia! At hindi niya lang basta sinumbong si Aldrin, talagang nag-hire rin siya ng matandang babae para makipagtalik kay Aldrin!" "Naku, hindi lang basta nakipagtalik sa matandang babae si Aldrin, nakulong din suya! Grabe, napaka hirap ng sitwasyon na 'yon. Ano kayang nangyari at bakit biglang gano'n ang ginawa ni Tricia 'no?" Natahimik si Timothy sa narinig. Sa haba ng sinabi ng kaibigan niya, isang bagay lang ang napagtanto niya; hindi nagsinungaling sa kanya ang asawa niya Napatango siya at kalaunan ay nagpasya na ikwento sa kaibigan ang biglang pagbabago ni Tricia pati na rin ang nangyari sa pagitan nila ngayong gabi. Sumipol ang kaibigan niya matapos niyang magkwento. "Woah! Totoo ba 'yan, Timothy? Tinanggihan mo ang halik ni Tricia? Grabe, hindi kapani-paniwala 'yan ha! Noon ngang sinaksak ka niya ay parang wala lang sa'yo, tapos ngayong hinalikan ka ay hindi ka mapakali at tinanggihan mo pa? Why? Are you really determined to divorce her this time?" Hindi agad nakasagot si Timothy sa tanong ng kaibigan. Oo, totoong minsan na nga siyang sinaksak ni Tricia, at hindi siya nanlaban no'n dahil natatakot siyang baka masaktan nito ang sarili. Pero kanina, umalis siya nang halikan siya nito hindi dahil ayaw niya sa ginawa nito. Kung hindi dahil natatakot siya na baka mawalan siya ng kontrol at baka may mangyari sa kanila, gaya ng nangyari six years ago. Natatakot siya na baka kapag nagkataon ay hindi nito magustuhan ang mangyayari. Samantala, nang mapansin ng nasa kabilang linya na si Marcus ang matagal na pananahimik ni Timothy ay iniba niya ang usapan. "By the way, nalaman ng kapatid ko na naghahanap ka ng nutritionist para sa mga anak niyo ni Tricia. Kaya ayun, dali-daling nag-asikaso at ngayon nga ay pauwi na rito sa Pilipinas. Baka bukas ay pupunta siya riyan sa inyo.""P-po?" gulat na tanong ng HR manager nang marinig ang sinabi niya. Halata sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa sinabi niya.Bumuntong-hininga siya saka muling nagsalita. "I said, hire another secretary or assistant for me," aniya."P-pero, bakit pa po kayo naghahanap ng bagong assistant o sekretarya, Sir? Gayong nariyan naman na po si Tricia," pagkukwetsyon nito. Napailing siya saka inis na tinignan ang HR manager na bahagyang napayuko. "Stop questioning me. Just do what I want you to do. Hanapan mo ako ng bagong magiging assistant o sekretarya sa lalong madaling panahon. At hangga't naririto sa kumpanya si Tricia, dapat maayos ang trato sa kanya ng ibang mga empleyado. Kapag may nakita kang nambabastos sa kanya, report it to me immediately, naiintindihan mo?"Sunod-sunod ang agarang pag tango ng HR manager. "Opo, Sir! Naiintindihan ko po!"Tumaas ang kilay niya bago tumango. "Good," aniya bago umalis.Samantala, sa paglipas ng mga araw, kumalat agad sa mga empleyado ng Arell
Mariing napapikit si Tricia bago napabuntong-hininga dahil sa mga naisip.Hay nako, bakit pa nga ba siya umaasa na ipagtatanggol siya ni Timothy gayong kung hindi lang dahil sa anak nilang si Tintin ay baka divorced na sila ngayon?Bumalik sa ulirat si Tricia nang bigla na lang may isang payat na lalaki ang bumagsak sa harapan nila. Ang assistant ni Timothy na si James ang tumulak dito."Ah!" pagdaing nito, siguradong nasaktan dahil sa pagkakatulak.Nakita niya ang agad na pagdalo ni Mr. Chua sa lalaki, bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala."Mrs. Chua, hindi ba't gusto mo ng eksplenasyon? Well then here, this is the explanation that you want," kapagkuwan ay saad ni Mr. Arellano.Umismid si Mrs. Chua. "Anong klaseng explanation ito?! Anong maitutulong sa akin ng lalaki 'to, ha?! Mr. Arellano, ang gusto ko ay turuan mo ng leksyon itong si Tricia dahil mal*ndi itong babaeng 'to! Siya ang kabit ng asawa ko!"Tumango si Mr. Arellano. "Kaya nga, Mrs. Chua. Para lang ipaalam ko sa iny
Sa kabilang banda, isang malamig na tingin ang iginawad ni Tricia sa babaeng sumugod sa kanya. Nakasuot ito ng sopistikadang damit mula sa kilalang brand, mayroon pa itong fur coat na suot. At sa tantiya niya ay nasa 30 pataas ang edad nito."Sinasabi ko na nga ba! Walang duda! Kaya pala laging dito sa kumpanya ng mga Arellano naglalagi itong magaling kong asawa! 'Yun pala ay nauto siya ng gaya mo! Maganda ka lang pero maihahalintulad ka sa kalapating mababa ang lipad! Napaka l*ndi mo! Paano mo naatim na gawin ang ganitong bagay ha? Kumakalantari ka sa lalaking may asawa! Bakit hindi ka magpakatino at kumilos na parang karespe-respetong babae kaysa ang maging kabit?!" galit na galit nitong tanong sa kanya bago winaksi ang kamay ng asawa nitong kanina pa umaawat.Tumaas ang kilay niya bago sinulyapan ang lalaking katabi ng babae na asawa nito. Sakto lang ang tangkad ng lalaki, ngunit mabalbas ito at kalbo rin. Hindi sa nang-iinsulto siya, ngunit sa isang tingin pa lang sa lalaki ay al
Makalipas ang tatlo oras, tagumpay na nakahanap ng trabaho si Tricia bilang isang isang sekretarya sa isang kilala ring kumpanya. Ang Arellano Intercorporation.Samantala, si Alvin Arellano na siyang CEO ng kompanya ang kapapasok pa lang nang batiin siya ng kanyang mga empleyado. Partikular na ang mga babae. "Good morning po, Sir," bati ng mga ito na tinanguan niya lamang.Nang madaanan ang cubicle ng HR manager ay agad niyang tinanong ito. "Where is she?" tukoy niya sa bagong sekretarya niya na ngayon niya palang makikita."Nasa opisina niyo na po siya, Mr. Arellano. Naghihintay po siya ro'n," magalang nitong sagot. Tumango siya saka mabilis na naglakad papunta sa kanyang opisina, nasasabik kasi siyang makilala ang bago niyang sekretarya. Sigurado siyang maganda ito dahil alam naman ng mga empleyado niya na gustong-gusto niya ng mga presentable at magagandang empleyado.Nang makarating sa tapat ng kanyang opisina ay huminga muna siya ng malalim bago nilabas ang rosas na nasa bulsa
Hindi kaagad na proseso ni Tricia ang narinig at nanatili siyang awang ang mga labi habang natulos sa kanyang kinatatayuan.Hindi niya mawari kung ano bang dapat niyang maramdaman gayong nalaman niya na siya ang babaeng mahal ni Timothy noon pa man, naghahalo-halo na ang nararamdaman niya.Hindi niya rin alam kung dapat niya bang paniwalaan ang narinig gayong bago pa siya tuluyang makapagtago kanina ay napansin niya ang tila paglingon ni Marcus sa gawi niya. Sa tingin niya ay nakita siya nito.At kahit pa wala namang ginagawang masama sa kanya ang lalaki, hindi niya maiwasang maisip na baka kasabwat ito ng kapatid nitong si Marian. Na baka kaya sinabi nito 'yon ay dahil gusto nitong umasa siya na siya nga talaga ang mahal ni Timothy kahit na hindi naman.Samantala, tamad na sumandal naman si Marcus sa sofa na kinauupuan niya sa loob ng opisina ni Timothy. Kapagkuwan ay pasimple niyang sinulyapan ang nagtatagong pigura ng isang sa pinto ng opisina ni Timothy na alam niyang walang iba k
Sa kabilang banda, galit na galit naman si Marian. Talagang naiingit at nagseselos siya dahil si Tricia ang naging asawa ni Timothy na gustong-gusto niya.Bukod do'n, naiinggit din siya dahil nabuntis si Tricia at si Timothy pa ang ama.Galit na galit siya sa babae, ngunit alam niyang sa likod ng galit na 'yon ay mas nangingibabaw ang inggit at pagseselos sa sistema niya."Wala kang kwenta, Tricia! Pampalipas oras ka lang! Kawawa ka dahil hindi ka naman talaga mahal ni Timothy! Ito ang tatandaan mo, Tricia, lasapin mo na ang pagiging Mrs.Imperial ngayon, dahil sa oras na bumalik ang babaeng tunay na mahal ni Timothy, sigurado akong mabilis ka lang niyang ipagtutulakan palayo at hindi ka na ulit pa magiging isang Mrs. Imperial! At hindi na ako makapaghintay na mangyari 'yon, Tricia. Sisiguraduhin kong masasaksihan ko ang araw na si Timothy mismo ang magpapatalsik sa'yo!" sigaw niya, ngunit kahit na gano'n ay nanatili ang malamig at kalmadong ekspresyon ni Tricia.Ni hindi man lang ito







