Share

The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen
The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen
Author: RuruLouella

Travel

Author: RuruLouella
last update Last Updated: 2026-01-27 22:36:38

Masakit ang ulo na naalimpungatan si Amayah mula sa kanyang pagkakatulog. Habang nagkukusot ng mga mata gamit ang kanyang kamay ay unti-unti niyang inaalala ang mga nangyari kagabi. Nasa bahay sila ng kanilang class president upang mag-celebrate ng kanilang pagkapanalo bilang kampyonato sa naganap na patimpalak sa kanilang paaralan. Nakailang shot na siya ng tequilla nang mag-yaya ang matalik niyang kaibigan na si Donna sa may swimming pool. Nakipagsayaw silang dalawa sa mga kaklase nila na lango na rin sa alak at dahil sa kalikutan niya ay nahulog siya sa pool.

“Donna, ang sakit ng ulo ko,” aniya tsaka tamad na bumangon mula sa kanyang pagkakahiga.

Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Ilang saglit siyang natigilan nang makitang wala siya sa kwarto ni Donna. Napakunot din ang kanyang noo nang makita ang dalawang bata na tahimik lang na nakaupo sa may sofa na ilang hakbang lang ang layo mula sa kama.

“N-Nasaan ako?” tanong niya.

Tumayo ang batang babae mula sa pagkakaupo nito tsaka ito lumapit sa kanya. “Mommy, I’m sorry. Pangako, hindi na magiging pasaway si Syresse.”

“M-Mommy?!” bulalas niya.

“Bumalik ka rito, Syresse. Baka saktan ka nya ulit,” utos naman ng batang lalaki.

Gulong-gulo si Amayah sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung nasaan siya at hindi rin niya kilala ang dalawang bata na nasa harapan niya. Mas lumalim pa ang gatla sa kanyang noo nang bumukas ang pintuan at pumasok ang lalaking matagal na niyang gusto, si Lorean.

“Kumusta ang pakiramdam mo?” tanong nito habang naglalakad papalapit sa kanya. “Ito na ang divorce paper. Pumapayag na ako.”

Inabot naman sa kanya nito ang papeles na naglalaman ng divorce agreement. Nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang pangalan niya roon katabi ang pangalan ng binata. Kasal siya sa lalaking pinapangarap niya simula pa noong highschool.

“K-Kasal tayo?!” gulat niyang anas.

Tiningnan niya ang lalaki at ang dalawang bata. Magkakamukha ang mga ito na para bang mga pinag-biyak na bunga. Nasampal naman siya ng isa pang katotohanan ng mapagtanto niya na hindi lang siya kasal kay Lorean kun’di mayroon pa silang anak. Hindi lang iyon basta anak lang dahil kambal ang mga ito.

Nasapo ni Amayah ang kanyang noo habang sinusubukang iproseso ang lahat. Hindi siya makapaniwala na mayroon na siyang anak at kasal pa siya sa pinaka-hot at mayaman na lalaki sa campus nila.

“A-Anong nagyari? Wala akong maalala,” aniya habang minamasahe ang kanyang mga sintido.

Napatikhim naman si Lorean. “You committed suicide again. Tumalon ka sa pool dahil ayaw kong pirmahan ang kontrata ng proposal ni Nolan.”

“Nolan? Suicide?” naguguluhan niyang anas.

Napapikit siya habang sinusubukang alalahanin ang lalaking binanggit ni Lorean. Ilang sandali naman ay isang payat at uhuging lalaki ang lumitaw sa kanyang isip. Nolan James Aureda, ang loner boy na kaklase niya na palaging napag-iiwanan sa klase. Bakit naman siya magsu-suicide nang dahil lang kay Nolan?

Napahiga siyang muli dahil parang sasakit ang ulo niya dahil sa lahat ng bagong impormasyon na nalaman niya. Hindi niya alam kung ano at paano nangyari ang lahat. Masaya lang siyang nakikipag-inuman sa mga kaklase niya kagabi pagkatapos ay nang dahil lang sa pagkahulog niya sa swimming pool ay nagulo na ang lahat.

“Mommy, okay lang po ba kayo?” tanong ng batang babae.

“It’s just her another act, Syresse. H’wag kang magpapaloko,” anas naman ng kakambal nito.

Napailing siya habang minamasahe pa rin ang kanyang sintido at noo. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari.

“I don’t want you to keep hurting yourself. Kaya naman, heto at pinirmahan ko na. Pumapayag na ako na makipag-divorce sa’yo,” malumanay na saad ni Lorean.

Napabangon naman siya kaagad. “No!”

Dahil sa pasigaw na pagtutol niya ay gulat at taka namang napatingin sa kanya ang lalaki. Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin tsaka muling humiga. Hindi niya maintindihan kung bakit mayroong divorce paper. Ilang taon niyang pilit na nagpapapansin kay Lorean. Inayos niya ang kanyang mga grado, pinilit na maging isa sa mga role model ng school, at sinikap na maging consistent honor para lang mahabol ang mala-perpektong imahe ng binata. Kaya naman, bakit niya pakakawalan si Lorean?

“H-Hindi tayo magdi-divorce. I need some rest. Iwanan nyo muna ako,” pahina nang pahina niyang sambit.

Hinila niya ang kumot tsaka iyon tinaklob sa kanyang mukha. Narinig pa niya ang malalim na buntong-hininga ni Lorean na para bang may gusto pang sabihin. Pero wala naman siyang natanggap na tugon bagkus ay narinig niya ang papalayo nilang mga yabag at ang pagsarado ng pintuan. Nang makasigurado naman siya na wala na ang mga ito ay inalis na niya ang kumot. Bumangon siya mula sa kanyan pagkakahiga at naglakad papunta sa malapit na vanity mirror. Naupo siya sa silya at tiningnan ang sarili sa salamin.

“Bakit parang may nagbago sa akin?” anang niya sa sarili.

Mabilis siyang tumayo at tumakbo sa banyo. Hinubad niya ang kanyang night gown tsaka niya maingat na sinuri ang kanyang buong katawan. Hindi pa siya nakuntento dahil pinagmasdan pa niya ang sarili mula sa salamin na nasa may sink. Mas nag-matured na ang kanyang katawan at maging ang kanyang mukha. Ibig sabihin ay nasa katawan sya ngayon ng future self niya.

“Nananaginip ba ako?!” naguguluhan niyang saad.

Ilang beses niyang sinampal ang kanyang mga pisngi hanggang sa makaramdam na siya ng kirot. Naghilamos siya ng mukha at ilang minuto ring tumayo sa ilalim ng shower. Hindi siya nananaginip. Mas napatunayan pa niya iyon nang buksan niya ang walk-in closet at nakita ang magkasama nilang gamit ni Lorean. Napahinga na lang din siya ng malalim nang matitigan niya ang malaki nilang wedding photo na nasa pinaka-sulok ng silid.

“I am really in the future, married to the man of my dream with two lovely children,” bulong niya.

Iyon ang matagal na niyang pangarap. Pero bakit tila komplikado ang lahat? Ano ang nagawa ng future self niya para kamuhian siya ng anak at pakawalan siya ni Lorean? Kailangan niya ng kasagutan at ang tanging tao lang na malalapitan niya ay ang matalik niyang kaibigan. Kaya naman, pagkatapos niyang magbihis ay kinuha na niya kaagad ang kanyang cellphone upang tawagan ang kaibigan. Pero lahat ng tawag niya rito ay hindi nito sinagot. Tatawagan na sana niya itong muli nang makatanggap siya ng mensahe mula rito.

“Akala ko ba ay hindi mo kailangan ng kaibigan? What’s with this miscalls?” pagbasa niya sa message ng kaibigan.

Napakunot naman ang noo niya nang mabasa iyon. Bakit pati ang matalik niyang kaibigan ay galit sa kanya? Ano bang nagawa niya? Kaya naman, upang malinawan na siya sa mga nanyayari ay nagpadala rin siya ng mensahe. Makikipagkita siya rito upang makipag-usap at alamin ang lahat.

“Kailangan kong ayusin ang gulong ito,” sambit niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
AyuyuChu
hahahaha time traveler pala theme nito... ayos!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Ang Pagpapalayas

    Pagkaalis ng asawa ay tinawagan kaagad ni Amayah si Donna upang humingi ng tulong. Pero sa kasamaang palad ay abala ang matalik na kaibigan sa trabaho kaya naman, wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ang mag-isang mag-isip ng plano. Naupo siya sa may veranda bitbit ang isang notrbook. Doon ay sinulat niya ang lahat ng mga naaalala niya, bago at pagkatapos niyang mapunta sa future. Lorean Trey Bismonte, ang pinaka-hot at mayaman na lalaki sa campus. Halos lahat ng mga babaeng estudyante ay pinapantasya ito. Pero itong pinansin o pinatulan sa kahit na sino sa kanila. Kaya naman, upang mapansin ng binata ay ginawa ni Amayah ang lahat. Nag-aral siya ng mabuti, naging role model student, at consistent honor. Sumali rin siya sa student council at sa ibat-ibang club. Hindi niya alam kung paano sila naging mag-asawa ni Lorean. Hindi nya rin alam kung paano nagkagusto ang bente-quattro niyang sarili kay Nolan. Pero isa lang ang laman ng isip niya ngayon, kailangan niyang ayusin ang lahat

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Ang Lugaw

    “Kumusta po si Kovi?” tanong niya nang makalabas ang family doctor ng mga Bismonte.Marahan namang inalis ng matandang lalaki ang suot nitong salamin tsaka inabot ang maliit na papel sa kanya. “He is fine. Kailangan nya lang ng nutrisyon sa katawan at vitamins. Nagsulat ako ng ilang reseta ng gamot na maaari niyang inumin.”“Salamat po,” aniya.Napahinga naman sya ng maluwag dahil sa narinig. Nagpaalam na rin ang doctor sa kanila matapos nito ipaliwanag ang tamang oras ng pag-inom ni Kovi ng gamot. Mga ilang minuto naman ang nakalipas ay humahangos na dumating si Lorean. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kaya naman, kaagad niya itong nilapitan sabay abot ng panyo.“He’s fine. Doc. Reyes gave me the list of vitamins na pwede niyang inumin. Need lang daw ni Kovi ng nutrients sa katawan,” paliwanag niya.Napatango naman sa kanya ang asawa. “Okay. That's good.”“Tumakbo ka ba papunta rito? Pawis na pawis ka,” natatawa niyang saad.Napatango naman ito sa kanya. “Yes. Traffic sa may inters

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Ang Simula ng Pagbabago

    Hindi maalis ang mga ngiti ni Amayah sa kanyang mga labi habang paulit-ulit na iniisip ang pagtatanggol sa kanya ni Lorean sa school kanina. Kasalukuyan na silang nasa loob ng kotse upang umuwi ng bahay. Ang asawa niya ang nagmamaneho ng sasakyan samantalang nasa backseat naman ang kambal.“Thank you,” aniya.Hindi siya pinansin ni Lorean bagkus ay mas tinuon pa nito ang atensyon sa pagmamaneho. Kaya naman, napanguso na lang siya habang nag-iisip ng bagay na maaaring gawin. Paano kaya siya makakabawi sa asawa at mga anak niya? Hindi pa niya naipapasa sa korte ang divorce paper nila kaya naman, mag-asawa pa rin silang dalawa. Wala rin siyang balak na gawin iyon. Hindi niya pakakawalan ang oportunidad at second chance na binigay sa kanya ng tadhana.Dahil sa malalimniyang pag-iisip ay hindi na niya napansin pa na nakarating na pala sila sa bahay. Natauhan lang si Amayah nang marahan siyang alugin ni Syresse.“Daddy and Kovi were already inside the house, Mommy,” ani ng anak.Napatawa na

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Pangakong Pagbabago

    Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa kanya ni Syresse nang makauwi si Amayah ng bahay. Humihikbi ito habang paulit-ulit siyang tinatawag. Kaagad naman niyang binuhat ang anak upang kargahin at patahanin ito.“Ssshhh…Mommy is here. Tahan na ikaw, baby,” bulong niya rito.“I thought you already left us. Bakit ka pa bumalik?” singhal naman ni Kovi.Tumingin naman sa kanya ang anak na babae. “Mommy, don’t leave us, please.”“Hindi aalis si mommy, baby. Don’t worry,” tugon naman niya.Nagpunta sila sa may salas upang umupo sa may sofa. Nakakalong sa kanya ang anak samantalang tahimik lang na nakaupo malayo sa kanila si Kovi. Masama ang tingin nito sa kanya na para bang minamanmanan ang bawat kilos niya.“Kovi, behave,” suway ni Lorean na bumababa ng hagdan habang inaayos ang necktie nito. “May urgent meeting sa office. Can you take Kovi to his music lesson this afternoon?”“Sure. No worries,” tugon naman niya.Napatayo naman ang batang lalaki tsaka inis na lumingon sa ama. “No. Our dr

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Ang Katotohanan

    “Mommy, are you angry? Please, don’t be angry with Syresse,” anang maliit na boses mula sa kanyang likuran.Abala si Amayah sa pagsusuklay ng mahaba niyang buhok kaya naman, hindi na niya napansin ang pagpasok ng kanyang anak. Mabilis naman siyang huminto sa ginagawa upang humarap sa batang babae. Sumenyas siya rito na lumapit at kaagad din namang sinunod ng paslit.“Mommy is not angry. Pasensya na sa lahat ng nagawa ni Mommy. I promise na simula ngayon ay magiging good na si Mommy sa inyo, okay ba iyon?” anas niya.Nagliwanag naman ang mukha ng bata tsaka ito mabilis na tumango sa kanya. “Hindi na rin po kayo aalis? Ibibigay po ni Syresse ang gusto ni Mommy na bone marrow for Owen para hindi na po kayo magalit.”Napakunot naman ang noo niya. “Bone marrow? No. Kalimutan mo ang bagay na iyan. Hindi ako aalis at hindi mo need ibigay ang bone marrow mo sa iba.”Gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nagawa ng future self niya ang ganoong bagay sa pas

  • The Billionaire Wife's Regret: Taming Him Again At Eighteen   Travel

    Masakit ang ulo na naalimpungatan si Amayah mula sa kanyang pagkakatulog. Habang nagkukusot ng mga mata gamit ang kanyang kamay ay unti-unti niyang inaalala ang mga nangyari kagabi. Nasa bahay sila ng kanilang class president upang mag-celebrate ng kanilang pagkapanalo bilang kampyonato sa naganap na patimpalak sa kanilang paaralan. Nakailang shot na siya ng tequilla nang mag-yaya ang matalik niyang kaibigan na si Donna sa may swimming pool. Nakipagsayaw silang dalawa sa mga kaklase nila na lango na rin sa alak at dahil sa kalikutan niya ay nahulog siya sa pool.“Donna, ang sakit ng ulo ko,” aniya tsaka tamad na bumangon mula sa kanyang pagkakahiga.Dahan-dahan niyang minulat ang kanyang mga mata. Ilang saglit siyang natigilan nang makitang wala siya sa kwarto ni Donna. Napakunot din ang kanyang noo nang makita ang dalawang bata na tahimik lang na nakaupo sa may sofa na ilang hakbang lang ang layo mula sa kama.“N-Nasaan ako?” tanong niya.Tumayo ang batang babae mula sa pagkakaupo ni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status