Share

Chapter 224

Penulis: Raine
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-27 00:16:43

Pumasok sa loob ng kwarto niya ang nag-aalalang si Grandma at ang mommy ni Zayden.

Nakahinga nang maluwag ang babae nang makita na hindi naman pala masamang tao ang kumakatok.

"Apo, ano ang nangyari? Nabalitaan namin ang nangyari kaya agad kaming pumunta rito. Kumusta ka? Nasaktan ka ba?" dire-diretsong tanong ni Grandma at tinignan ang katawan ni Czarina kung may galos o sugat.

Habang nakatingin sa dalawang bisita na halata ang pagkataranta at pag-aalala sa kanya ay napagtanto ni Czarina na hindi naman pala ganoon kalala ang sitwasyon niya kumpara kay Divine.

Siguro nga hindi siya minahal ni Zayden pero minahal naman siya ng sobra ng pamilya nito.

She, at least, had a new family because of that marriage.

Bagay na maski iyon ay wala kay Divine.

"Wala naman pong malalang galos, ayos lang po ako," aniya at niyakap ang dalawa. Masaya talaga siyang makita ang mga ito ngayon.

"Narinig ko na may naghahanap daw sa'yo at may dalang kutsilyo, jusko, ang puso ko."

"Mabuti naman at okay ka lan
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (16)
goodnovel comment avatar
LJS lang malakas
wla p din po update??
goodnovel comment avatar
Jeosh Borillo
zayden mahal mo si czarina my umiiksina lang...sana maging kayo din sa huli...kaibigan mo mapag impostor kinukuha nya identity mo pa embistiga ka na zayden d sya ang babae na nagligtas sayo...sana magkakaalaman na..si cza ang Bata n un at mahal mo ngayon d mo lang maamin sa Sarili mo
goodnovel comment avatar
Joenita Apog
Doctor mayaman niloloko anong klase g kwento ito
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 255

    "Saan mo ako ipupunta? Hindi ito ang daan pauwi sa amin, Zayden," tarantang saad ni Czarina nang mapansin na iba ang nilikuan nila. Pero hindi na niya kailangan pang magtanong kung saan sila pupunta. She knew, for sure, where this road is heading. "Uuwi tayo sa bahay natin," seryosong sabi ni Zayden. Punong-puno ang isipan ni Zayden ng mga alaala nila noong mag-asawa pa sila. Czarina's a real sweet wife. Wife-material talaga ito, samantalang siya ay laging malamig ang pakikitungo sa babae. Dati ay nagagalit si Czarina sa tuwing nalalaman niyang magkasama sila ni Chloe. At unti-unti ay nasasanay na ang babae bagaman maraming pagkakataon na pinipigilan siya nito. Hanggang sa dumating na sila sa sitwasyon ngayon, na tila wala na ngang pakielam pa si Czarina. His heart broke for unknown reason- or probably he knew but he doesn't want to recognize that feeling. "Ha?" Alam niyang harmless si Zayden pero kahit na! "Iuwi mo ako, Zayden, sa bahay namin. Ano ba'ng nasa isip mo, ha?" Bum

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 254

    Malakas na ang ulan nang makarating si Zayden sa hospital. "Napapadalas na itong pag-ulan ulan, may bagyo ba?" tanong ng dad ni Zayden. "Saan ka galing?" tanong naman ng mommy nito. "Galing si Czarina dito pero umalis din agad kasi malakas na ang ulan at kailangan niya pang umuwi." Nakuha no'n ang atensyon ni Zayden. "Galing si Czarina rito?" "Hmm. Nagdala lang ng prutas." "Kanina pa nakaalis?" "Hindi kaaalis lang. Hindi ba kayo nagkasalubong diyan? Halos magkasunod kayo, eh. Pagkaalis niya dumating ka naman," sagot ng mommy ni Zayden. "Napakabait at napakaalaga talaga ng babaeng iyon. We were blessed to have her as a family, siya lang talaga ang hindi swerte sa atin..." "Labas lang ako," sabi ni Zayden at nagmamadaling lumabas. "Kadarating mo lang, saan ka na naman--" naputol na ang sinasabi ng dad ni Zayden dahil mabilis ng nakalayo ang anak. ***** Napabuntong-hininga si Czarina nang makita ang panahon sa labas. Medyo malakas na nga ang ulan, kanina ay hindi pa

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 253

    Sakay ng sasakyan si Chloe at mabilis ang pagpapatakbo ni Zayden. Sa sobrang bilis no'n ay hindi mapigilan ni Chloe na hindi kabahan. Mahigpit din ang pagkakahawak ng babae sa seatbelt niya at sa hawakan sa kanyang gilid. "Zi, ano ba ang nangyayari? Ayos ka lang ba?" kinakabahang sabi ni Chloe rito. Pero hindi siya sinagot o pinansin ni Zayden. Nakatutok lang ang walang emosyong mga mata nito sa daan at tila hangin lang ang kanyang katabi. Dumagundong ang matinding kaba sa dibdib ni Zayden. Ang kaninang mahigpit niyang pagkakakapit sa seatbelt ay mas mahigpit pa ngayon. Nang medyo makalayo na sila ay hininto ni Zayden ang sasakyan sa gilid ng daan. Wala gaanong sasakyan sa banda roon pero mabibilis ang mga dumadaang sasakyan. Mabilis ang paghinga ni Chloe dulot ng kaba at kahit nakahinto na ang sasakyan, pakiramdam niya ay umaandar pa rin ito. Hindi umimik si Zayden hanggang sa magtama ang mga mata nilang dalawa. Salubong ang kilay ng lalaki, ang mapupungay na mga mata

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 252

    "Let's make a bet..." Nagsalubong muli ang kilay ni Czarina nang marinig iyon mula kay Chloe. Ano ba talaga ang nangyayari sa babae? Pakiramdam niya ay wala na ito sa katinuan. "Tigilan mo ako sa mga ganyan mo, Chloe. If you want to play, go. Huwag mo lang akong idamay," naiiritang sabi ni Czarina. "May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na--" "Let's set a double kidnapping incident. Tignan natin kung sino sa ating dalawa ang uunahin niyang iligtas. How about that?" ngumisi si Chloe matapos sabihin iyon. Bagaman nagulat sa suhestyon nito na kakaiba ay natawa na lamang ng kaunti si Czarina. Alam nilang pareho kung sino ang pipiliin ni Zayden, ano't kailangan pa nilang magsagawa ng mga ganoon? "Alam kong hindi ako ang pipiliin niya at hindi na rin naman ako aasa- ilang taon ko ng ginagawa iyan, Chloe, sa tingin mo ba ay may pakielam pa ako?" sagot ni Czarina sa kaharap bago sumimsim sa kanyang kape. "Really?" nanunuyang wika ni Chloe. "O baka naman natatakot ka lang sa resulta?

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 251

    Nasa labas pa lamang si Czarina ng room kung saan naka-stay si Grandma ay naririnig niya na ang boses nito na pinagagalitan ang anak. "Ni hindi niyo magawan ng paraan na patigilan ang mga isyu na iyan? Ano na? Akala ko ba ay sosolusyonan niyo iyan? Zander, anak mo ang pulutan ng mga media na iyan, should you be faster covering it now than other issues?!" Huminga nang malalim ang matanda at maski ang pagbuntong-hininga nito ay dinig na ni Czarina kahit nasa pintuan pa lamang siya. "Ano na lang ang iisipin at mararamdaman ni Czarina kapag nabasa at nakita niya ang mga iyan?" tila problemado at nalulungkot pa na dagdag nito. Natigilan si Czarina. Parang may pumiga sa puso niya nang marinig ang huling linya na iyon ni Grandma. Alam niya na mahal siya ng matanda. Pero ngayon ay mas lalo niya lamang napatunayan iyon. Maski ang pagsasabi rito na hindi na niya gusto pa ang kasal na mayroon siya kay Zayden ay hindi magpapatapos sa pagmamahal na mayroon ang matanda sa kanya. But she

  • The Billionaire is Chasing Me After Divorce   Chapter 250

    Habang nakatingin sa matandang nakahiga sa hospital bed ay hindi mapigilan ni Zayden na makaramdam ng hiya sa mga nangyari. Alam niya ng maysakit at may edad na ito ay nakipagtalo pa rin siya rito. That's why he hates being emotional. Walang nangyayaring maganda. Ang sabi raw ng doctor sa kanila, bagaman ligtas na ito sa ngayon, ay lumalala na raw ang sakit nito. He felt guilty even more. Gising na ang matanda at alam din nito na nasa kwarto lang din na iyon si Zayden pero sinadya nitong hindi tumingin sa kanyang apo. Sa halip ay dahan-dahan itong lumingon sa mommy ni Zayden at hinanap si Czarina. "Bumalik na sa trabaho si Czarina, mom," sabi ni Marissa Hart kay Grandma. "Babalik po iyon dito mamaya pagkatapos niya sa trabaho." Halata na nanghihina pa ito. Sa mga mata pa lang ng matanda ay alam na agad ni Zayden at ng mommy niya ang pinoproblema nito. Grandma loves the Hart Group so much. Hindi lang ang pamilya niya, kundi ang kumpanyang bumuhay sa kanya. Importante sa k

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status