Warning: This chapter contains violence that readers might find disturbing and upsetting. Read at your own risk. Kung papipiliin ako kung paniniwalaan ba ang sinabi ni madam o mas dinggin ang pangangailangan ko, siyempre mas pipiliin ko ang huli. Hindi mababayaran ang mga utang ni nanay kung mas maniniwala ako sa mga sabi-sabi. Maganda ang offer ni madam pero kailangan ko ang pera sa loob ng tatlumpung araw, at ito na 'yon. Hindi ko na kailangan pang maghintay ng matagal, o maghanap ng dagdag na trabaho, o mangutang para lang makabayad ng isa't kalahating milyon sa taong ahas na 'yon. Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin kung sakaling hindi ako sumunod sa usapan, at ayoko nang malaman. Tumayo ako at hinarap si Archer. Hindi ko na inda ang sakit sa kanang paa. "Deal."This time, ang ngisi naman ni Archer ang lumawak. "Well, that was easy. I thought I need to convince you enough to accept my offer." Nilagay niya ang dalawang kamay sa likuran habang nakatingin sa akin. "I tol
Warning: This chapter depicts killings and violence that readers might find upsetting and disturbing. Read at your own risk. ARCHER'S POVI retrieved my phone from my pocket and dialed a number. Just one ring and the person answered. "Humanda na kayo," I said full of authority. They're not my men. But I pay them whenever I need some cleaning that aren't worth for me to do personally. ["Yes, boss."] Binaba ko kaagad ang tawag pagkatapos marinig ang sagot niya. Tanaw ko mula rito sa pintuan ang papalayong bulto ng babae na may apat na bag na dala. That woman, it's funny that she thought I'll easily let her get away with the money. She's so gullible. I thought I will have a hard time to persuade her to leave, but turns out it was so easy. Now, all I have to do is wait.Nabali ang tingin ko sa babae nang mag-ring ang cellphone ko sa bulsa. I checked who's the caller and immediately answered it when I saw it was. "What do you want?" bungad ko dito. The person on the other line chuck
Adelaide's POVMaingay. I can hear muffled voices. Hindi ko sila maintindihan hanggang sa unti-unti itong luminaw sa pandinig ko. "I know her! I knew it was her! Grabe, what a small world!" literal na sumisigaw siya."Shh! Keep your voice down! Kita mong nagpapahinga ang tao, eh!" pasigaw na sagot ng isa. "Eh ano 'yang ginagawa mo? Sumisigaw ka din!""Ang ingay mo kasi, kapag 'yan nagising matatagalan siya maka-recover. Kapag matagal siya maka-recover, matagal siyang pagtatakpan ni Archer. Pag nalaman ni Madam Cecil na may nangyaring masama sa babae, mananagot ka."Ang ingay. Gusto ko silang patigilin. Gusto kong takpan ang tainga ko pero hindi ko maigalaw ang katawan ko. Gusto kong magsalita pero namamalat ang lalamunan ko. Pakiramdam ko hindi sa akin ang katawang 'to, pakiramdam ko nawalan ako ng control sa sarili kong katawan."Aba, bakit ako?!""Kasi mananagot ka kay Archer kapag tinanggalan siya ng mana!""Anong ako lang ang manana–?!""Shut up, will you?!" Natigilan ang dalawa
Gaya ng sinabi si Veiro, bumalik siya para linisin ang mga sugat ko. Kahit pa masakit at mahapdi ay tinitiis ko kasi gusto ko na ding gumaling agad ang mga sugat ko. Bumalik din sina Clark at Veigo kinagabihan para asarin si Archer at bisitahin ako. Wala akong nakikitang rason bakit nila ako binibisita, hindi ko naman sila kaano-ano. Hindi ko sila mga kaibigan at mas lalong hindi kami close. "Kaya mo bang kumain mag-isa? O mas gusto mong subuan kita? Ayos lang naman sa'kin. Oh, baby, here's comes the airplane." Tinaas ni Veigo ang kutsarang may lamang pagkain at pinagewang-gewang pababa papunta sa akin. Tinawanan siya ni Clark habang sinamaan ko naman siya ng tingin. "Tss, hindi ako baldado," inis kong sambit habang iniwasan ang balak niyang isubo sa'kin. Tinulungan ako ng dalawa na maupo nang maayos kasi sumasakit ang sugat ko sa tagiliran at sa balikat. Nakakagalaw naman ako nang maayos pero maingat at dahan-dahan lang.Kinuha ko kay Veigo ang kutsara at sumandok ng soup. Tinitig
Habang nasa ilalim ng shower ay hindi ko mapigilang hindi maalala ang nangyari kanina. Kahit ilang kuskos at ilang hilod ay hindi pa din naaalis ang mainit na pakiramdam ng suka ni Archer sa katawan ko. Feeling ko masusuka din ako kapag naaalala ang nangyari kanina. Hinalikan niya nga ako, sinukahan naman pagkatapos. Yuck! Speaking of halik, nakuha niya na pala ang first kiss ko. Napatigil ako sa pagkuskos ng katawan habang nilalamon ako ng pagsisisi. "HAAA!" Sinampal-sampal ko ang magkabilang pisngi dahil sa magkahalong pagsisisi at hiyang nararamdaman. "Paano ko na haharapin si Archer nito? At most importantly, paano na ang first kiss ko?!" mangiyak-ngiyak kong turan. Hindi naman sa napakaimportante ng first kiss para sa'kin, sadyang hindi ko lang matanggap na sa napakadali niya lang nakuha 'yon sa'kin. Pero sa kabilang banda hindi na din ako lugi. Gwapo naman si Archer kahit papa'no, iniligtas niya din ang buhay ko, at pinalasap niya sa akin ang langit gamit ang mga labi at dil
"Hindi na kita paaalisin."Nanlaki ang mga matang napa-angat ang tingin ko sa kaniya. "S-seryoso?"Tumango siya bilang tugon. "Napag-isip-isip kong mas mabuting nandito ka."Hindi ko namalayang bumilis na pala ang tibok ng puso ko. "Para may magluluto ng pagkain ko."Tama, nandito ako para pagsilbihan siya at wala nang iba pang rason. Wala naman talaga dapat, nandito ako para maging personal maid niya. "Hindi lang naman pagluluto ang kaya kong gawin. Marunong din ako sa ibang bagay, gaya ang paligayahin ka," wala sa sarili akong nagsalita. "Huh?" taka at gulat niya akong tiningnan.Natauhan ako sa nasabi at agad itong binawi. "G-gaya ng paglalaba, paglinis, at iba pang gawaing bahay," mabilis kong sabi. "Sino naman ang hindi sasaya kung laging malinis ang bahay, 'di ba?" Alanganin akong natawa. "Nga pala, paano mo nalaman na nandoon ako sa warehouse?" Pag-iiba ko sa usapan. Nakita kong bahagya siyang natigilan pero agad ding nakabawi. "Paano mo nalaman na nadukot ako ni baboy ram
"Alam mo, CJ, kinakabahan na ako kay Miss Green. Baka mamaya iba na magawa niya dahil sa selos. Akalain mo ba namang tinarayan ang dalawang magandang babae kanina?!""Tsk!""Oh, see? Nagselos na naman siya kasi sinabi kong 'maganda'." Pinaparinggan ako ni Veigo na nasa passenger seat katabi ni Clark na nagda-drive. "Pwede niya naman sanang sabihin na ayaw niya, edi sana hindi na lang ako pumayag na maki-picture doon sa kanila. Siyempre mas susundin ko pa rin siya kasi siya si Miss Green." "Ewan ko sa'yo, Veigo."Nilingon niya ako. "Sabihin mo na lang kasi, may pagnanasa ka sa'kin kaya ka nagselos," kampante niyang sabi. "At sinong may sabing nagselos ako?" tinaasan ko siya ng kilay. Pauwi na kami ngayon matapos naming mamili. Simula nang sinabi ko 'yon sa mga babae ay hindi na magkamayaw si Veigo sa kaaasar sa akin na nagseselos daw ako. Si Clark naman sinasabayan pa ang asar ng kaibigan.Hindi. Ako. Nagselos. Wala akong rason para magselos. Sadyang mataas lang ang tingin ni Veigo s
Malawak ang ngiti na naglakad ako palapit sa sasakyan. "Madam!" Kakapalan ko na ang mukha ko. Ayaw kong maghintay dito nang matagal at mas lalong ayaw kong maglakad pabalik. Gulat na napalingon sa akin ang driver samantalang hindi man lang nagulat si Madam. Parang inaasahan niya nang lalapitan ko siya. Hindi naalis ang ngiti sa mga labi ko. "Madam, long time! Kumusta ka na po?" bati ko na para bang matalik kaming magkaibigan na matagal nang hindi nakita. Sadya ngang nagbabago ang ugali ng isang tao kapag nahaharap sa isang sitwasyon kung saan desperado ka na. Ngumiti pabalik sa akin si Madam, "Heto't sumasakit ang balakang sa biyahe. Ikaw bakit nandito ka pa sa labas? Asan si Achie?" Lumingon siya sa likod ko na para bang may hinahanap. "Iniwan lang naman po ako ng magaling niyong apo. Hindi din ako makapasok kasi wala akong ID." Humigpit ang hawak ko sa lunchbox na dala dahil sa inis at galit na nararamdaman sa ginawa ni Archer. Talagang sinadya niya akong iwanan dito sa labas, a