Share

Chapter Nineteen

“Oh, Lyana? Hindi mo pa ba susunduin si Ma’am Chantal? Lalabas na ‘yon sa school niya mayamaya.”

Napatigil ako sa pagtingin ng mga litratong nakahanay sa cabinet ng mga amo ko nang marinig ko ang boses ni Manang Lerma. Tumingin ako sa gawi niya at sakto namang naglalakad na pala siya palapit sa akin. Ngumiti ako sa kaniya.

“Mayamaya pa ho, Manang. Saka susunduin ko muna si Jarvis sa school niya bago ako dumaan sa school ni Ma’am Chantal. Sabi kasi sa akin ni Ma’am Chantal ay maglalaro pa sila ng mga kaibigan niya kaya medyo late ko siyang sunduin,” sagot ko.

Marahang napailing si Manang Lerma kaya’t bahagyang kumunot ang aking noo. “Nako, Lyana. Kapag nalaman ni Sir Preston na hinahayaan mong maglaro si Ma’am Chantal, ikaw naman ang malalagot doon. Hindi ‘yon pwedeng maglaro sa labas,” naiiling na sambit niya.

Agad namang nagsalubong aking aking mga kilay matapos marinig ang sinabi niya. Wala sa sarili akong nag-iwas ng tingin at napaisip. Bakit naman hindi niya papayagang maglaro
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status