Share

Chapter Twenty

“Bakit hindi pa ikaw nakain, Chanty? Hindi ba ikaw gutom?”

Ibinaling ko ang aking paningin kay Ma’am Chantal nang marinig ang tanong sa kaniya ni Jarvis. Naka-krus ang kaniyang dalawang braso habang nakasimangot na nakatingin sa pagkain.

“’Di ba I told you that I don’t want to eat here?” Nag-angat siya ng tingin sa akin at masama akong tiningnan. “Then what is this? You should have just follow me so I won’t get mad.”

Bahagyang umawang ang aking mga labi dahil sa kung gaano siya ka-fluent sa pagsasalita ng Ingles. Kahit yata ilang taon akong mag-aral, hindi ako makakapagsalita nang ganoon samantalang siya, para bang sa ibang bansa tumira. Nang tingnan ko si Jarvis ay tulad ko ay nakaawang din ang kaniyang mga labi na animo’y manghang-mangha sa narinig.

Peke akong umubo bago pilit na ngumiti kay Ma’am Chantal. “Kasi Ma’am, may ulam naman po rito sa bahay saka nakakahiyang humingi sa Daddy mo—“

“Ayoko nga sabi rito!” Malakas na sigaw niya at nagpapadyak. Dahil malapit siya sa mesa a
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status