Share

CHAPTER 16

"GAGA ka! Bakit hindi ka nagpapaalam na nakauwi ka na pala ng bansa?" Bungad ko pagkababang-pagkababa ko ng jeep. Nasa may gilid siya ng kalsada at sinalubong ako.

Tumawa ang loka.

"Naku, Inday, hindi na magiging surprise iyon kung sinabi ko, 'no! Namiss kaya kita," aniya at niyakap ako. "Ang stressed looking mo, ha!" Pansin niya. "Pinapahirapan ka ba ng husto ng mga taong iyon? O baka naman humahanap ka pa ng ibang raket para sa pamilya mo?"

Nag-iwas agad ako ng tingin sa kanya. Nakapameywang siyang nakaharap sa akin. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa, malamang sa malamang ay sinusuri ang kabuoan ko na parang inang alalang-alala sa anak niyang sutil.

"Hindi naman masyado, konti lang." Ngumuso ako. "Huwag mo akong inaano, ikaw ang dapat na magkuwento dahil bigla-bigla ka na lang umuuwi! Akala ko ba ay hindi ka muna uuwi?" Kunot-noo kong tanong nang maalala ang sinabi niya noon.

Ngumisi lang ang bruha at inilingkis ang kanyang braso sa akin. "Gusto ko munang umuwi para makita ka,
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status