เข้าสู่ระบบ"Haplos lang iyon. Ikaw ba? Anong ginawa mo sa akin ng lasing ako? Diba? Diba?" Sabay tayo at duro sa dibdib niya."At least you're safe with me.""Safe? Safe?? Safe ba iyong pinagsamantalahan mo ang kahinaan ko? Pinagsamantalahan mo ang kalasingan ko?""Hindi kita pinagsamantalahan. At kung pinagsamantalahan kita. Baka hanggang ngayon ay hindi ka makatayo at hindi ka makakalabas sa lintik na bahay na ito."Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi makatayo? Ibig ba niyang sabihin????Ahhhhh! Nevermind. Denidemonyo niya lang ang utak ko."Hmmmp! Bahala ka nga sa buhay mo. Hindi na ako makikipagtalo sayo. At Least masaya ako ngayong araw na ito." sabi ko na lang.Dahil may magandang naidulot din talaga ang pagkawala ko ng village. Gusto ko ng pumasok sa silid ko at isulat na ang mga impormasyong nalaman ko."At saan ka pupunta? Kinakausap pa kita?"sabay hawak sa braso ko para pigilan sa pagtalikod ko."Tapos na tayong mag usap. Wala na akong sasabihin sayo.""Walang sasabihin huh!. Pwes ako,
"Kain na muna tayo." Sabay abot sa akin ng pinggan."Salamat. May asawa na ba si Vienn?" tanong ko pa dito dahil ayaw kong sayangin ang pagkakataon ko . "O girlfriend?""Napapansin ko interesado ka sa kapatid ko? May gusto ka ba sa kanya?" balik tanong nito sa akin kaysa sagutin ang tanong ko."Huh! Naku. Wala ah. Nagtatanong lang ako." agad kong sagot.Hindi ko naman masabi na kailangan ko ng impormasyon tungkol sa kapatid nitong si Vienn."Okay!" At nagsimula na nga itong kumain.Ayaw ko man sanang kumain pero hindi ko naman gugustuhin na basta na lang manood dito kaya naman kahit naiilang ako dahil hindi ko naman ito kilala ay nasa bahay niya ako."B-bakit?" tanong ko ng napatitig ito sa akin matapos akong makasubo ng isang kutsarang kanin."Messy eater." Sabi nito.Kunot ang noo ko ng mapansin ko na umangat ang kamay nito na dumapo sa gilid ng labi ko pero kasunod nun ang sunod sunod na tahol mula sa labas kaya naman napatingin kami doon kahit hindi man namin kita ang gate mula sa
"Kapatid? Kapatid mo ba si Dan Bautista?" Tanong ko dahil iyon pa kanina ang gusto kong tanungin dahil kung hindi ko ito pagmamasdan ay kamukha talaga ito ni Dan."Dan Bautista? I never heard that name before." Kunot na sabi naman nito.Napasimangot ako. Kung ganun hindi din nito kilala si Dan."Eh! Doon ako sa kanya ngayon nakatira. Kaso lumabas ako pero nawala ako at hindi ko na alam kung paano bumalik.""Okay! Baka nagkakamali ka lang ng village na napasukan. Kasi walang Dan Bautista ang nakatira sa village na ito for sure.""Eh! Paano mo naman nasabi. Sa lawak ng village na ito kilala mo ba lahat ng nakatira dito?" tanong ko dito."Dahil ang pwede lang tumira dito ay relatives ng Anderson and I'm one of them. At sigurado akong walang Dan Bautista na nakatira dito dahil walang Bautista na sa pamilya ng mga Anderson." Mahabang saad nito."Pero doon ako nakatira sa bahay niya ngayon. Ah paano ko ba ipapaliwanag ang bahay niya.""Ano? Say something. Baka may alam ako at makilala ang t
"Haha..sandali. haha. Tama na.""Anong tama na? Heto pa." sabay hampas sa akin ng unan."Sandali. Haha. Huwag sa ulo ko. Aray! Aray ko. Tama na. Totoo na ito..masakit na talaga ang ulo ko." Pigil ko sa kanya at hinuhuli na ang kamay niya. Pero hindi niya ako tinigilan."Ayan ang bagay sayo. Namatay ka na lang sana. Ang sama mo." Ilang sandali pa ay mukhang napagod na sa pagpalo sa akin at tumigil nga siya sa paghampas.Pero..Nakatitig siya sa akin at bigla na lang umatungal ng iyak."Ang sama mo! Natuluyan ka na lang sana." At umiyak pa ng pagkalakas lakas. "Nag alala ako. Nag alala ako na baka mamatay ka. Tapos.. tapos.. pinagluluko mo lang ako. Hayop ka talaga. Manluluko ka.""Huh!" Ako naman ngayon ang natigilan. Hindi ko naman alam na ganito ang magiging reksyon niya kapag nalaman niyang ginu-good time ko lang siya. "S-sorry na. Hoy! Tumigil ka na sa pag iyak." Akma ko siyang hahawakan para sa aluhin sana pero hinampas lang niya ang kamay ko."Bahala ka sa buhay mo. Lumala sana a
"Perwisyo ka talaga, Dan Bautista. Ano ba kasing ginagawa mo sa silid ko? Ayan tuloy. Kanda malas malas ako ng dahil sayo." Ramdam ko ang gigil niya pero may halong pag aalala naman kahit papaano. "Kakainis ka kasi." At may pahampas pa talaga sa braso ko at sabay kurot.Aba! May pasyente bang sinasaktan pa. Wala na nga akong malay nananakit pa talaga siya."Gumising ka na diyan. Hoy. Baka naman." Lihim na naman akong napangiti. "Pero sana naman maayos ka paggising mo . Naku! Naku! Hindi ko alam ang gagawin ko sayo kapag nagkatotoo ang sinabi ng doctor."Narinig ko ang pagbuntong hininga kasabay na din ng paghikab niya. Gabi na nga pala."Sana paggising ko sa umaga ay gising ka na. Ng mabawasan naman ang problema ko." Hinila niya ang kumot at kinumutan ako hanggang dibdib.Pasilip na iminulat ang mga mata ko at narinig ko ang yabag niya palayo. Kaya naman nakita ko na humiga siya sa sofa.Nagpalipas muna ako ng ilang minuto o umabot ba ng isang oras bago ako nagpasyang kumilos. Tulog n
Hindi ko na binuksan ang mga ilaw sa sala ng makaauwi ako ng bahay. Si Granger na agad kung pinatahimik para hindi siya maghinala na may ibang tao sa bahay.Magaan ang naging hakbang ko na umakyat sa hagdan at tinungo ang silid ko kung saan siya nagroon. Maingat na pinihit ko ang doorknob para hindi makagawa ng ingay.Pero hindi na katulad kanina na nakabukas ang ilaw dahil tanging kandila na lang ulit ang nagbigay liwanag sa buong silid.Wala siya sa kama ng tumingin ako doon. Kaya naman tinungo ko ang banyo. Hindi ko din siya nakita doon.Hindi ko naiwasan ang pangunutan ng nuo ng hindi ko siya makita. At nasaan naman siya ng parte ng silid naroon.Pero bago pa ako makahakbang para lumabas ng silid ay may kung ano ng matigas na bagay ang tumama sa ulo ko."Argh!." Napaluhod ako dahil sa nakaramdam ako ng pagkahilo."Magnanakaw. Magnanakaw. Saklolo." Sigaw niya ng paglalakas lakas bago binuksan ang ilaw. "Ikaw?" Ng tingalain ko siya mula sa pagkakalugmok ko sa sahig ay nanlalaki ang
Matapos kong maihatid sina Avery at Tyron sa pangunahing mansion ay bumalik ako ng kompanya. Hindi ako mapakali na kumikilos na nga ang taong tumutulong sa mga Hernadez. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ang isa sa mga pinagkakatiwalaan kong tauhan. "Hello, mr. Hidalgo." sagot nito sa kabila
"Tapos ano? Uutusan mo si Tyron na paibistigan kami? Para saan? Para manggulo? Guluhin ang magandang relasyon ng ating pamilya? Hindi mo ba alam kung ano ang ginawa niya? Tinakot niya ang mga empleyado ng aming kompanya sa panggugulo niya." "At ano ang ginawa mo sa pamangkin? Bakit hanggang ngayon
Hello po!Dahil po sa hina talaga ng net ay nadoble po ang chapter 92 sa pagkakapublish niya. Pero edited na po siya. Hintayin na lang po na maaprobahan iyon at mapalitan. Kaunting pang unawa na lang po.Maraming salamat po sa patuloy na pagtangkilik ng kwento ko!
"Pinalayas ka?" napalingon ako ng marinig ko iyon mula sa likuran ko. Hindi ko napansin na may sumusunod na sa akin. Naiisip ko si ate Avery at ang masamang salitang binitawan ko sa kanya. Wala naman akong balak sabihin iyon ngunit bigla kong naalala ang sinabi ni mama na kaya maraming pera si At







