เข้าสู่ระบบ"Sige, pero sa isang kondisyon." Hihirit pa ako baka sakaling makalusot."At ikaw pa ang may ganang humingi ng kondisyon ngayon.""Para patas. Look at this." Sabay turo ng braso kong namula dahil sa pagkakahawak niya. "Para patas tayo. Maglilinis ako sa pad mo. Pero magbibigay ka sa akin ng kaunting impormasyon tungkol kay Vienn Anderson.""At bakit ba gustong gusto mong makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya?""Iyon kasi ang inutos sa akin ng boss ko. At kung hindi ako nakakuha ng impormasyon tungkol sa kanya. Mawawalan ako ng trabaho." Totoo ng sagot ko."Pero alam mo ba na sisirain mo ang pananahimik ng DG namin sa gagawin mo.""Kaunting impormasyon lang naman. Kung ayaw niyang magbigay at maikalat ang tungkol sa kanya kahit basic na lang. Hindi ko na din ilalathala ang larawan niya.""Hmmm!” Nag isip pa talaga siya habang nakatitig sa akin. “Sige. Pero sa isa ding kondisyon." kuway pagpayag niya ngunit humihingi rin siya ng konsisyon."Huh!.""Sa bawat impormasyon na ibibigay ko
Ako man ay para akong nahilo at sapo na din ang nuo."Puro kamalasan ang natatamo ko sayo." Gigil na sapo pa rin niya ang noo."Bakit ba kasi ang lapit lapit mo sa akin." Gigil din na sagot ko dito. Pero naisip ko. Kailangan ko palang kuhanin ang loob ng isang ito lalo na kilala niya si Vienn Anderson na iyon. Kaya dapat mag babait baitan pala ako sa kanya ngayon."Ano?" Tanong pa niya sa akin ng bigla akong natahamik.Well, isang kiming ngiti lang ang sinagot ko. Ah! Uubra kaya iyon? Tignan natin."Don't give me that smile, little hamster. Dahil hindi mo ako madadaan sa pagpapakyut mo." Galit talaga siya saka siya umayos ng tayo."Ikaw naman. Hindi ka na mabiro. Heto na nga sinusuklian na nga kita ng pinakamatamis kong ngiti eh." Sabi ko pa at pinilit na huwag alisin ang ngiti sa labi ko na kahit gusto ko na itong talakan ulit."Then pay me first.""Naman eh! Sabi ko naman sayo na wala akong pera diba. Hindi ka ba maawa sa akin. Tignan mo tignan mo." Sabay labas ng pitaka ko at ipin
Para na akong ipinako sa kinatatayuan ko ng magawi ang tingin sa akin ng bagong dating.Siya na ba talaga si Vienn Anderson na hinahanap ko? Ang makakapag paangat sa estado ko sa trabaho ko.Pero ano ang gagawin ko? Hindi ko naman akalain na sasakyan nila ang kalokohan ko."Anong kaguluhan at bakit niyo ako pinatawag dito?" Pormal na tanong nito at inisa isang tinignan ang mga nasa baba ng ranggo nito."Gaya ng sinabi ko kanina DG na may nagsabing kilala ka. Or I should say hindi lang kilala kundi sinasabing boyfriend ka niya DG." Sagot ni Dan dito.Napalunok na ako ng sunod sunod ng muling madako ang tingin nito sa akin.Pero bago pa man siya makapagsalita ay buo na ang pasya ko. Mapahiya na kung mapahiya pero kailangan kong kapalan ang mukha ko. Nandito na to. Saka ko na iisipin ang parusa sa kapangahasan ko.Kaya naman. Mabilis pa sa alas kwatrong nilapitan ko ito at niyakap sa braso."Hinuli nila ako. Eh wala naman akong ginawang masama." Pag dradrama ko pa.Halata naman na nagul
May isa na akong lead sa kanya. Isa pala si Vienn sa pinakamataas na nakaluklok sa kapulisan pero hindi alam ng nakakarami.Kulang na lang ay ang mukha niya. Need ko talagang mabigyan ng mukha ang Vienn Anderson na iyon sa lalong madaling panahon para di ako mawalan ng trabaho."Shut up." Kuway sita niya sa kasama."Sorry, boss."Hindi ko mapigilan ang mangunuot ang nuo. Ang lakas naman ng loob niya na sitahin at pagtaasan ng boses ang kasama niya gayong nakikita naman sa suot nilang uniform na mas mataas ang ranggo nito kaysa sa kanya. P01 lang siya gayong yong sinigawan niya ay SPO2.Ano yon? Baliktad na ba ang panahon ngayon? Ewan ko na lang kung hindi siya mapatalsik sa kabastusan niya sa nakakataas sa kanya."PO1 Dan, baka nakakalimutan mo kung ano ang ranggo mo?" Kuway sabi ng pinapatahimik niya kanina pero nandoon ang talim ng tingin na ipinukol niya dito."Pasensya na SPO2 George." Pero sa paghingi niya ng paumanhin ay parang wala naman sa loob niya. Saka niya ako binalingan.
"Ano ba? Bitawan mo ako?" Gigil na talaga ako sa mamang pulis na ito. Akala mo naman kung sino makaasta. Kaya ko namang maglakad mag isa pero para naman akong batang hinahawakan ang kwelyuhan ng damit ko at binibitin talaga ako.Akala mo naman matangkad siya.Hmmp!Titinangala lang naman ako. Aba, matangkad na ako sa height kong 5’4”, kaya huwag niya akong mamaliitin. Oo, nga at mas matangkad talaga siya. Pero hindi naman ako papahuli.Pang-Dalagang Pilipina lang talaga ang tangkad ko. Hindi ako pandak at hindi din katangkaran. Tama lang. Kumbaga saktong sakto lang.At ngayon, iniinis yata ako ng mamang pulis na ito at kung makaasta talaga.Grrrr! Nakakagigil. Makikita niya. Oras na bitawan niya ako humanda talaga siya sa akin."Bitawan mo ako. Ano ba!" Pang uulit ko ng hindi niya ako pinakinggan. Binigwasan ko pa talaga siya pero hindi umabot ang mga kamay ko sa kanya dahil agad siyang nakalayo kahit hawak pa rin niya ang damit ko."Ang ingay mo! Baka gusto mong mas makulong sa kakat
"Magandang umaga boss." Nandoon ang tabinging ngiti ko ng tapunan ako nito ng tingin.Isa siyang bakla pero laging inis sa akin dahil di hamak na mas maganda ako.Hindi naman sa nanlalait ako huh! Isasalaysay ko lang kung ano ang itsura ng boss ko.Mmmm, paano nga ba? Ganito, nakawig siya. Kasi alam niyo na. Tumatanda na at medyo napapanot na ang ulo. Pandak siya. Mas matangkad ako ng 5 pulgada dito. Well, 5'4" ang height ko. Alam niyo na siguro. Tapos ang boss ko, mmmm. Ano pa nga ba? Ah! Malaki kaunti ang tiyan niya. At iyon kung paano ko i describe ang itsura ng boss ko kaya alam niyo na siguro ang salitang insecure."Walang maganda sa umaga kung mas maganda ka sa akin." Galit na sagot nito sa akin, kung hindi siguro ako nakailag at tumama sa akin ang ibihagis nitong dyaryo."Boss naman, umagang umaga ang init agad ng ulo niyo, kaya siguro naglalagas ang buhok niyo." Hindi ko paigilang biro dito na lalong nakapag painit yata ng timpla ng mood nito."Gusto mo na yatang mawalan ng tr
Nakahawak ako sa braso niya habang papasok kami ng kanilang bahay.Kasing laki lang ng lumang mansion ng yumao naming si mama-lola na ngayon ay ginawa ng ancestral home. Na kung may malaking pagtitipon sa pamilya ay doon na namin dinaraos."Why? Kinakabahan ka pa rin ba?" muli niyang tanong sa akin
Malamyus na tugtugin habang naglalakad ako sa pulang carpet patungo ng altar.Oo, it's my wedding day. At naghihintay na sa altar si Dwyenn katabi ang mga magulang niya.Mabagal ang naging lakad ko, sinabayan kung ganu kabagal ang ritmo ng musika na pumailanlan sa buong simbahan.Ganito pala ang pa
"Kumusta ang asawa ko?"Tanong ko sa kaibigan kong doctor na tumingin sa kanya.Kinakabahan ako na hindi ko mawari."Relax, Dwyenn. Walang problema sa asawa mo.""Pero bakit siya nasusuka. Mga paborito naman niya ang mga pagkaing kinain namin at sa parehong restaurant lang naman ako umorder ng mga
"Ang lamig!" nanginig ako pag apak pa lang sa labas ng airport.Pumwesto siya sa likod ko saka niya ako niyakap, binalot niya ako ng sarili niyang malaking jacket."Hmm," ang sarap ng pakiramdam na maramdaman ang init ng katawan niya sa ganitong kalamig na panahon.Parang gusto ko na lang na manati







