LOGINBinuksan ko ang pinto sa kwarto ni Tamarah ng hindi na kumakatok. Hindi ko na ipinagpaliban ang pag uwi para komprontahin si Tamrah sa nalaman ko. At gusto ko na sa mismong bibig niya manggaling ang katotohanan.
Pagpasok ko sa loob ay hindi ko na kinailangang hanapin siya dahil naabutan ko nga siyang may kausap sa cellphone niya. At dahil sa pagkaabala sa kausap ay hindi na nga niya ako napansin na pumasok.
"Hindi ako pwede ngayon, Stiven. Alam mong hindi ako pwedeng lumabas ngayon kapag nakabakasyon si Lucas. At lalong hindi ngayong gabi dahil dadalaw ulit sa dito sa bahay si Lucas."
Iyon ang naabutan ko at malinaw na totoo nga mismo ang nalaman ko mula sa mama ni Stiven. Sa narinig ko ay hindi ko na kailangang tanungin pa iyon kay Tamarah pero bakit nagawa niyang lukuhin si Lucas.
"I know.. I know... I love you too..." at sa huling kataga niya ay parang ayaw ng gumana ang utak ko.
Hindi na ako lumabas. Naupo ako sa gilid ng kama at hinintay na tuluyan siyang matapos sa pakikipag usap sa Stiven na iyon.
Ilang sandali pa ay pumasok na nga siya mula sa bakonahe kung saan siya nakipag usap kay Stiven.
"Farrah!" hindi maitago ang pagkagulat sa boses niya ng makita niya ako.
Hindi niya pinansin ang pagkagulat niya, bagkus nginitian ko lang siya sabay tapik sa tabi ng kinauupuan ko sa gilid ng kama niya.
"Maupo ka, Tamarah. At sabihin mo lahat sa akin kung ano ang nangyayari. Or else sisigaw ako at sasabihin lahat ng narinig ko. Okay?" utos ko sa kanya sa seryosong tinig.
Kagat ang ibaba niyang labi at hawak ng mahigpit ang laylayan ng kanyang bistida. At walang nagawa kundi ang sumunod sa sinabi kong maupo siya sa tabi ko.
.....
Kilala ko si Stiven dahil isa nga ito sa business partner ko sa isa kong negosyo. At sa kwento ni Tamarah sa akin ay nalove at first sight daw siya dito.
At kilala si Stiven na isa ring gwapong binata na galing sa mayaman din na pamilya. Wala akong mairereklamo o maipipintas kay Stiven maliban sa nakakabit na sa pangalan nito ang pagkaplayboy.
At ang malaking problema ngayon ay mayroon kasintahan si Tamarah kaya hindi dapat niya pagtaksilan si Lucas.
"Hindi ko sinasadya, Farrah. Nangyari na lang bigla. Hindi ko naman akalain na mauuwi kami sa..." hindi natuloy ni Tamarah ang sinasabi pero alam ko na ang ibig niyang sabihin.
Napailing ako.
"Sinabi mo noon sa akin na mahal na mahal mo si Lucas, tapos ngayon... Tamarah, are you out of your mind? Alam mong mahal na mahal ka ni Lucas at nakahanda na silang mamanhikan sayo. At ano ngayon itong ginawa mo?" gigil na hindi ko mapigilang hindi siya sumbatan.
"Alam mo kung gaano ako kapihikan sa lalaki, at hindi ko isusuko sa kanya ang sarili ko kung hindi ko sigurado na mahal ko si Stiven."
Lalong nablanko ang isip ko sa sinabi nito.
"Hindi na kita kukwesyunen sa bagay na iyan pero sana naman ay maging patas ka kay Lucas. Alam mong umaasa ang tao sayo na magpapakasal kayo matapos ang kanilang pamamanhikan. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya nila sa atin."
"Farrah..."
"Hindi kita matutulungan sa bagay na iyan. Ikaw ang gumawa ng gulong ito kay ikaw ang tumapos. At ito ang sinasabi ko sayo, Tamarah. Huwag na huwag mo akong isasali sa gulong pinasukan mo. Dahil ako ang alam ng mama ni Stiven na kasintahan niya ngayon." panunumbat ko sa kanya saka ko siya tinalikuran at lumabas na lang ulit sa kwarto nito.
Sumakit ang ulo ko dahil sa ginagawa ngayon ni Tamarah. Lahat ng bagay ay nagtutulungan kami pero parang hindi ko na siya matutulungan sa pagkakataong ito. Ayaw kong makisali sa buhay pag ibig niya. Kaya parang ayaw ko ng pumasok sa isang relasyon dahil posebleng hindi magtatagal tulad na lang ngayon Kay Tamarah at Lucas.
Bumaba ako hanggang sa sala. At doon ko naabutan si Lucas na papasok ng bahay. Dadalawin na naman niya si Tamarah.
"Hello, brother-in-law. Take a seat." Alok ko sa kanya.
Matapos ko siyang alukin ng upo ay nagtuloy naman ako sa paglabas ng bahay dahil parang hindi ko na muna kayang magtagal dito sa bahay hanggang sa hindi naayos ni Tamarah ang kanyang gulo.
"Thanks," narinig ko pang sabi niya ng matapat ako sa kanya.
"Mmm," tanging naging tugon ko at deretso na sa paglabas.
.....
Napailing akong napasunod ng tingin kay Farrah ng lumagpas na siya sa akin,
Kunot ang noo ko ng mapansin na tila may malaking siyang problema na nababakas sa seryoso niyang mukha.
"Nevermind. Bka problema lang iyon sa kanyang mga negosyo." sa loob loob ko bago ako naupo at naghintay kay Tamarah. Pangalawang gabi na bibisita ako dito sa bahay nila.
Bukas ay lalabas kami para mamasyal. At sinusulit ko ang mga araw na wala akong masyadong trabaho sa kompanya para makasama siya.
"Good Evening, baby." tumayo ako at sinalubong si Tamarah na pababa na ngayon ng hagdan.
Hindi naman niya iniwasan ang pagdampi ko ng halik sa kanyang mga labi. Magkaagapay kaming bumalik sa sala at umupo.
Ngunit kapansin pansin din na parang hindi siya mapakali.
"May problema ka ba, baby?" tanong ko sa kanya ng hindi ako makatiis.
Napailing siya.
"Nakita mo si Farrah?" tanong naman niya sa akin.
"Oo. Bakit? nag away ba kayo? Napansin ko kanina na hindi maipinta ang mukha niya na tila problemado. Dahil ba sa mayroon kayong hindi pagkakaunawaan?" tanong ko sa kanya.
Muli lang siyang umiling.
"Wala naman."
"Ang akala ko nga ay bumalik na siya kahapon,"
"Iyon din ang pagkakaalam ko. Kaya nga nagulat din ako ng makitang nandito ulit siya. Ngayon lang ulit siya magkasunod na gabi na umuwi siya dito sa bahay."
"Hmmm, baka problemang pag ibig. Mayroon na bang kasintahan ang kapatid mo?" muli kong tanong.
Ewan ko na lang bakit nausisa ako sa bagay na iyon na tanungin iyon kay Tamarah.
Kibit balikat lang ang tinugon niya sa akin.
Nang mapansin kong wala siyang interest sa bagay na iyon ay iniba ko na lang ang usapan namin. Nagkwentuhan ng ilang mga bagay at pinag usapan namin kung anong mga plano namin bukas para mamasyal.
Matapos makapag usap at mapagplanuhan ang gagawin namin bukas ng maghapon ay agad rin akong nagpaalam sa kanya para umuwi na at makapagpahinga na siya ng maaga.
Binuksan ko ang pinto sa kwarto ni Tamarah ng hindi na kumakatok. Hindi ko na ipinagpaliban ang pag uwi para komprontahin si Tamrah sa nalaman ko. At gusto ko na sa mismong bibig niya manggaling ang katotohanan.Pagpasok ko sa loob ay hindi ko na kinailangang hanapin siya dahil naabutan ko nga siyang may kausap sa cellphone niya. At dahil sa pagkaabala sa kausap ay hindi na nga niya ako napansin na pumasok."Hindi ako pwede ngayon, Stiven. Alam mong hindi ako pwedeng lumabas ngayon kapag nakabakasyon si Lucas. At lalong hindi ngayong gabi dahil dadalaw ulit sa dito sa bahay si Lucas."Iyon ang naabutan ko at malinaw na totoo nga mismo ang nalaman ko mula sa mama ni Stiven. Sa narinig ko ay hindi ko na kailangang tanungin pa iyon kay Tamarah pero bakit nagawa niyang lukuhin si Lucas."I know.. I know... I love you too..." at sa huling kataga niya ay parang ayaw ng gumana ang utak ko.Hindi na ako lumabas. Naupo ako sa gilid ng kama at hinintay na tuluyan siyang matapos sa pakikipag usa
Pasensya na, Lucas.” paghingi ng paumanhin ng mama nila Tamarah ng sunduin namin si Farrah sa isang club.Itinawag ng manager ng club kung saan nalasing ito at nakipag away nga sa isang lalaki na gusto daw siyang isayaw ngunit hindi siya pumayag. Kaya iyon, sa kalasingan ay inaway na nito ang lalaking iyon na siyang pinagmulan ng gulo.“Ngayon lang nagkaganito si Farrah. Hindi ko ba alam sa batang ‘to at ano ang naging problema at biglang nagpunta sa club na halata namang hindi siya sanay sa lugar na ganun.” mahabang sabi pa ng kanilang ina habang nakaalalay na ito kay Farrah na kinarga ko sa likod.“Okay lang po, tita. Mabuti nga at hindi siya nasaktan sa pakikipag ayaw niya sa lugar na iyon.”“Kaya nga.”Dahil sa hindi naman nila makarga si Farrah ay ako na mismo ang nag akyat sa kwarto nito para deretso ng maipahiga sa kama nito dahil halatang tulog na ito na nasa likod ko.“Maraming salamat talaga,”“Wala po iyong anuman, tita.”Binuksan ni Tita Carla ang pinto sa kwarto ni Farrah
Hindi ako mapakali.Bakit nga ba?Hindi ko alam kung bakit pero simula ng makaalis si Farrah ay hindi na ako napakali sa pagkakaupo ko lang sa sofa habang naghihintay kay Tamarah.Kuyom ang kamao, pag uugpungin, tatayo mula sa pagkakaupo ko. Basta, pabalik balik ako sa pag upo at pagtayo. Tumitingin sa pinto.Naghihintay na makauwi si Tamarah. O naghihintay na agad na bumalik si Farrah.A moment passed by, 25 minutes to be exact. Nakarinig na ako ng sasakyan na tumigil sa tapat ng kanilang bahay.Bumalik ba agad si Farrah?Malamang. Dahil hindi ako naniniwalang lalabas ito para makipagdate tulad ng sinabi nito kanina. Naikwento sa akin ni Tamarah na hindi marunong makipag socialiaz si Farrah.Napatayo ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto, ngunit hindi si Farrah ang pumasok, kundi si Tamarah.Huh! Paano ko ba nasigurong hindi si Farrah ang nasa harap ko ngayon.Malamang agad kong naipaghambing dahil iba naman ang suot ni Farrah na lumabas kanina kahit na magkamukhang magkamukha sila
This is Farrah, she might be the one who will handle my brother-in-law's company.” nauna akong pinakilala ni tito Oscar dito. “Mas nakuha niya ang ugali ng kanyang ama kaya sigurado akong siya ang hahawak ng kompanyang iniwan ng kanilang ama.”“Hello, Ms. Farrah,” pormal na pagbati niya sa akin.Seryoso at parang nakikipagdeal nga lang ito sa mga kasosyo sa trabaho.“Hello, Mr. Scott.” kung ganu naman kapormal ang pagbati niya sa akin ay ganun din ang naging tugon ko sa kanya.Seryoso ko na ring tinapunan ng tingin tulad ng kaseryosohan niya.“And this is Tamarah. Kabaliktaran naman ang ugali niya kay Farrah, she is sweet and loving. She prefers to stay in the house kung wala siyang ginagawa kaysa ang sumama sa kanyang mga barkada.” pagpapakilala ni tito Oscar naman kay Tamarah.“Hi, Tamarah.” magiliw na pagbati naman niya sa kapatid ko.Napayuko naman si Tamarah dahil tinawag lang siya ni Lucas ng pangalan lang hindi tulad sa akin na pormal ang pagtawag sa pangalan ko.And yes, halat
“Uhm!”Napasinghap ako ng lumalim ang paghalik sa akin ni Lucas.Hindi ko napaghandaan ang basta na lang paghalik niya sa akin. Nagulat na lang ako ng basta na lang siyang sumulpot sa likod ko saka ako pinaikot at agad ng halikan sa labi.“S-sandali,” sinubukan ko siyang tinulak habang matino pa ang utak ko ngunit matatag ang braso niyang nakayakap sa baywang habang ang isang kamay ay nakahawak sa batok ko at ayaw akong pakawalan.Ngunit ang pagtulak at kagustuhan kong makalayo sa kanya ay unti unting natibag dahil sa init ng paghalik niya sa akin. Nakakaliyo at nakakawala talaga ng katinuan ng isip. At natagpuan ko na lang ang sarili ko na tumugon na sa halik niya.Ibinuka ko ang bibig ko para papasukin ang mapangahas niyang dila na nagsusuiksik sa labi ko para makapasok sa loob ng bibig ko.“Ahh,” muli akong napasinghap at napalunok na parang may ipinainum siya sa akin na parang sarap na sarap ako sa paghigop.Mas napanganga ako at hinayaang kong sipsipin niya ang dila ko na para ri







