Share

Chapter 4

Author: Almaxx
last update publish date: 2026-09-06 02:09:24

Nangatog ang kanyang mga tuhod. Hindi niya kaya ito. Gusto niyang tumakbo pabalik sa sasakyan. 

Ngunit bago pa man siya makahakbang paatras, isang malaki at mainit na kamay ang humawak sa kanyang baywang. Amoy mamahaling pabango at tabako. 

Lumingon siya at nakita si Damien. Nakasuot ito ng isang napakakisig na black tuxedo. Sa harap ng mga camera, may suot itong banayad at tila mapagmahal na ngiti—isang ekspresyon na kabaligtaran ng totoong lamig ng kanyang pagkatao. 

"Itaas mo ang noo mo, Ariana," bulong ni Damien sa kanyang tainga, sapat lang para siya ang makarinig. Ang kanyang hawak sa baywang ng dalaga ay humigpit, tila nagbibigay ng babala at lakas nang sabay. 

"Mula sa segundong ito, ikaw ang mapapangasawa ko. Huwag kang gagawa ng kahit anong pagkakamali na makakasira sa pangalan ko." 

Tumingin si Ariana sa mga naglalakihang lente ng camera, huminga nang malalim, at pilit na ngumiti. Ang laro ng pagpapanggap ay opisyal nang nagsimula. 

Sa loob ng Charity Gala

Pagpasok pa lang nila, tila tumahimik ang buong ballroom. 

Dose-dosenang mga kilalang negosyante, artista, at socialite ang napalingon. 

"Si Damien Monteverde... may kasamang babae?" 

"Sino siya? Bakit hindi natin kilala?" 

"Emerald green dress... galing kay Pierre 'yan. Million 'yan." 

Napipigil ang hininga ni Ariana. Ang hawak ni Damien sa baywang niya ay hindi bumibitaw, parang tanikala na nagpapalutang sa kanya. 

Lumapit sa kanila ang isang matandang babae na may hikaw na kasing laki ng bato. Si Doña Estrella Monteverde. Lola ni Damien. 

"Damien," malamig na bati nito. Tumingin mula ulo hanggang paa kay Ariana. "Ito na ba ang pinagkakalat nilang fiancée mo?" 

"Yes, Lola," sagot ni Damien. Ngumiti siya, pero ang mga mata niya ay walang lambot. "Meet Ariana Castillo. Ang magiging asawa ko next month." 

Napaawang ang labi ng matanda. "Castillo? Wala akong narinig na ganyang apelyido sa business circle." 

Umigting ang panga ni Ariana. Ramdam niya ang paghigpit ng hawak ni Damien sa baywang niya. Babala. 

Ngumiti si Ariana kahit nanginginig. "Magandang gabi po, Doña. Hindi po ako galing sa mayaman. Pero nangako po ako kay Sir Damien na hindi ko siya bibiguin." 

Tumahimik si Doña Estrella. Sinusuri siya. Pagkatapos ng ilang segundo, tumawa ito ng mahina. 

"Well. At least matapang ka. Tingnan natin kung tatagal ka sa pamilya namin, iha." 

Tumalikod ang matanda. 

Pag-alis nito, bumuntong hininga si Ariana. Pero bago pa siya makarecover, ibinulong ni Damien sa tenga niya: 

"Magaling. Pero 'wag mong isipin na ligtas ka na. Ang pinakadelikado dito nagsisimula pa lang." 

At sa kabilang dulo ng ballroom, may isang babaeng nakatingin sa kanila. Naka itim na gown. Mataray ang ngiti. 

Si Isabella Madridano . Ex ni Damien. Anak ng isang board member na gustong makialam sa merger. 

Itinaas ni Isabella ang champagne glass niya at diretsong nag-toast... kay Ariana. 

Naramdaman ni Ariana na biglang bumigat ang hangin. 

Itinaas din ni Ariana ang hawak niyang champagne glass, kahit nanginginig ang mga daliri niya. Ngumiti siya pabalik kay Isabella. Maliit. Pilit. Pero hindi umatras.

"Cheers," sabi niya nang halos pabulong lang, pero narinig pa rin sa tahimik na sandali sa pagitan nila.

Humigpit lalo ang hawak ni Damien sa baywang niya. Naramdaman ni Ariana ang init ng palad niya kahit sa ibabaw ng tela ng emerald dress. 

"Ngumiti ka," bulong ulit ni Damien, ang boses mababa at matigas. "At huwag kang titingin sa kanya nang may takot."

Bago pa makasagot si Ariana, lumapit na si Isabella. Dahan-dahan. Parang naglalakad sa runway. Ang itim na gown niya kumikislap sa ilalim ng chandelier, matalas ang hiwa sa tagiliran, at ang ngiti niya... Diyos ko, ang ngiti niya ay parang kutsilyo na binalot sa seda.

"Damien," bati ni Isabella. Matamis. Pamilyar. Tapos lumipat ang mga mata niya kay Ariana at sinukat siya mula ulo hanggang paa. "So ikaw pala ang bagong fiancée."

Umiling si Isabella at tumawa ng mahina. "Million na damit, pero mukhang manghihina ka pa rin sa harap ng camera. Kawawa naman. Wala sa bukabolaryo mo ang maging Asawa ni Damien mas maganda parin ang orihinal." Ngising sabi nito sa harap nila Damien at Ariana

Napalunok si Ariana. Ramdam niya ang lahat ng mga mata sa ballroom na nakatutok sa kanila ngayon. Ang mga bulungan nagsimula na naman. 

"Isabella," malamig na putol ni Damien. Hindi siya lumingon. Nakatingin lang siya diretso sa harap, pero ang tono niya sapat na para tumahimik ang paligid. "Kung nandito ka para manggulo, sayang lang ang gown mo."

Tumawa si Isabella at humigop sa champagne. "Nanggugulo? Ako pa? Nag-toast lang ako sa future Mrs. Monteverde." Pinatitig niya si Ariana. "Next month na pala ang kasal. Ang bilis. Hindi man lang binigyan ng panahon para magpaalam ang iba."

Doon kumirot ang dibdib ni Ariana. Hindi dahil sa sinabi ni Isabella. Kundi dahil totoo. Peke lahat 'to. Isang kontrata. Isang palabas.

Pero hindi siya pwedeng magpakita ng kahinaan ngayon.

Itinaas ni Ariana ang baba niya. Ang mga tuhod niya nanginginig pa rin, pero pinilit niyang tumayo nang tuwid. 

"Mas mabuti na rin pong mabilis, Ms. Madridano," sagot niya, matatag ang boses kahit sa loob niya ay gusto nang sumigaw. "Para wala nang nasasaktan."

Tumahimik si Isabella. Nawala saglit ang ngiti niya. Tumingin siya kay Damien, naghahanap ng reaksyon. Pero wala. Blanko lang ang mukha ng lalaki. Malamig.

Sa wakas, ngumisi si Isabella at umiling. "Matapang. Gusto ko 'yan." Lumapit siya at bumulong, sapat lang para marinig nina Ariana at Damien. "Ingat ka, iha. Sa pamilyang 'to, hindi lahat ng nakangiti ay kaibigan. At hindi lahat ng humahawak sa baywang mo... ay sa'yo talaga." Tsaka ito napatingin sa mga kamay ni Damien bago ito tumalikod paalis.

Tinalikuran siya ni Isabella at naglakad palayo, iniwan ang amoy ng mamahaling pabango at tensyon.

Pagkalayo nito, saka lang binitiwan ni Damien ang baywang ni Ariana. Pero bago pa makahinga nang maluwag si Ariana, hinawakan siya ni Damien sa siko at inakay papunta sa gitna ng ballroom.

"Nakita mo?" bulong niya habang nakangiti sila para sa mga camera. "Ganyan magsimula ang gera rito. Isang toast. Isang ngiti. Tapos kinabukasan, nasa headline ka na."

Lumingon si Ariana sa kanya. "At ano ngayon ang gagawin natin?"

Huminto sila sa gitna, sa ilalim ng pinakamalaking chandelier. Ang mga camera kumikislap. Ang buong Monteverde family nakatingin.

Ngumiti si Damien. Pero sa pagkakataong 'to, hindi sa camera. Diretso kay Ariana. At sa unang pagkakataon, hindi malamig ang mga mata niya.

"Gagawin natin ang hindi nila inaasahan," sabi niya. "Ipapakita natin sa lahat na hindi ka basta babaeng binayaran para tumayo sa tabi ko."

Hinawakan niya ang kamay ni Ariana at dinala sa labi niya. Isang halik. Mabagal. Sa harap ng lahat.

At sa isang iglap, sumabog ang mga bulungan. Flash ng camera. At sa kabilang dulo ng ballroom, nabasag ang hawak ni Isabella sa champagne glass niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 11

    Galit ang buong sistema ni Damien. Sa halip na manatili sa kanyang opisina, nagpasya siyang bumaba sa open-plan office floor ang dambuhalang palapag kung saan magkakatabi ang mga cubicle, puno ng mga computer, at daan-daang empleyado ang sabay-sabay na nagtatrabaho. Gusto niyang obserbahan ang bawat isa, ngunit ang totoo, naghahanap lang siya ng mabubuntuhan ng kanyang frustrasyon.Sa bawat hakbang niya sa gitna ng hilera ng mga computer, ramdam ng lahat ang nagbabagang awra ng bilyonaryo. Nagsimula nang manginig ang mga nakaupong staff habang nakatitig sa kani-kanilang screen. Walang nakaligtas sa kanyang bagsik. Kahit ang janitor na nagmamadaling nagmamop sa tabi ng mga cubicle ay nasinghalan niya nang mapansin ang isang maliit na mantsa sa gilid ng pader."Ulitin mo 'yan. Kung hindi mo kaya linisin nang maayos ang palapag na ito, humanap ka ng ibang kumpanyang tatanggap sa dumi mo!" singhal niya, sapat para marinig ng buong departamento.Huminto siya sa tapat ng desk ng isang batan

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 10

    Alas-singko pa lang ng umaga, gising na si Ariana. Masakit pa rin ang kanyang buong katawan mula sa pagod kagabi, ngunit wala siyang karapatang magreklamo. Mula nang sibakin ni Damien ang lahat ng kasambahay bilang parusa sa paglabas niya noon kasama ang mga katrabaho, ang buong penthouse ay naging responsibilidad niya. Ito ang paraan ni Damien para ipaalala sa kanya ang kanyang lugar isang kasunduan, isang utos, at isang utang na milyun-milyon ang halaga. Ngunit ang hindi alam ni Ariana, higit pa sa parusa, ang ipapagawa nitong si Damien para sa sarili nitong kaligtasan. Natatakot si Damien. Ang kakaibang tibok ng puso niya nang sumandal ang ulo ng dalaga sa kanyang balikat kagabi ay isang babala.Para sa isang bilyonaryong tulad niya, ang emosyon ay isang kahinaan. Kaya kailangan niyang pahirapan si Ariana. Kailangan niyang maging malupit para kumbinsihin ang sarili na negosyo lang ang lahat, at hinding-hindi siya maiinlove sa babaeng binayaran niya lang."Dapat bago ako umalis ng a

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 9

    "So, ito pala ang babaeng naging dahilan para tanggihan mo ang pamilya Valdez, Damien," panimula ni Donya Victoria. Tiningnan niya si Ariana mula ulo hanggang paa nang may mapang-maliit na tingin. "Isang Castillo. Ngayon ko lang narinig ang apelyidong iyan sa high society.""Good evening, ho," mahinang bati ni Ariana at bahagyang yumuko bilang paggalang."Maupo kayo," mariing utos ni Don Alejandro. Ang kanyang boses ay pumailanlang sa buong silid.Nagsimula ang hapunan sa isang nakakabinging katahimikan. Ang bawat kalatog ng kubyertos ay tila nagpapadagdag sa kaba sa dibdib ni Ariana. Hindi nagtagal, nagsimula na ang interogasyon ng matanda."Ariana," tawag ni Don Alejandro habang nakatitig nang diretso sa mga mata ng dalaga. "Saan kayo nagtagpo ng aking apo? Ayon sa ulat ng PR team ni Damien, ikaw ay isang simpleng empleyado. Paano mo nakuha ang atensyon ng isang Monteverde?"Napatigil si Ariana sa pagsubo. Ramdam niya ang lamig ng pawis sa kanyang mga palad. Ngunit bago pa man siya

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 8

    "Ipinahiya mo ako, Ariana! Isang linggo pa lang tayong magkasama sa palabas na ito, pinapalabas mo na sa media na niloloko mo ako habang nakabalandra ang mukha mo sa internet!""Hindi mo ako pagmamay-ari, Damien!" ganting sigaw ni Ariana, tumutulo na ang mga luha sa matinding galit at hinagpis. "Sabi mo magkaiba ang mundo natin! Sabi mo sa loob ng bahay na ito wala kang pakialam sa akin! Bakit ngayon galit na galit ka kung lumabas ako at huminga nang malaya?!""Dahil ang pangalan ko ang nakataya rito!" giit ni Damien, ang mukha ay ilang pulgada na lang sa kanya, galit na galit ngunit may kakaibang sakit sa boses. "Oras na madurog ang reputasyon ko, madudurog ka rin. Naiintindihan mo ba ang ginawa mo?!""Hindi mo ako pagmamay-ari, Damien! Pera mo lang ang mayroon ka, pero hindi mo nabili ang pagkatao ko!" sigaw ni Ariana, habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na hawak nito. Ang mga luha sa kanyang pisngi ay nagniningning sa ilalim ng liwanag ng chandelier.Isang mapait at nakat

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 7

    Naramdaman ni Ariana ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ang init ng kamay ni Damien at ang lambing ng boses nito ay tila totoong-totoo. Inakbayan siya nito habang naglalakad sila papasok, marahang hinahaplos ang kanyang balikat habang bumubulong ng mga bagay na tila ba may sarili silang mundo.“Tumingin ka sa akin at ngumiti ka,” pabulong na dugtong ni Damien habang nakalapat ang labi sa malapit sa kanyang tainga, ngunit ang boses nito ay wala nang emosyon isang utos na naman. “Nasa likod natin ang mga board members ng Monteverde Holdings. Ipakita mo sa kanila kung gaano mo ako kamahal.”Napilitan si Ariana na sumandal sa dibdib nito, tumitingala na may tamis sa kanyang mga mata. Para sa mga taong nakapaligid sa kanila, sila ang ehemplo ng isang perpektong magkasintahan. Ngunit para kay Ariana, ang bawat haplos at bawat matatamis na salita ay paalala lang ng isang malupit na katotohanan.Pagkatapos ng tatlong oras na tawanan, pagpanggap, at pakikipag-plastikan sa mga kliyente, sa w

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 6

    Pagbukas niya ng p***o ng silid niya, napahinto siya. Ang kwarto ay kasing laki na ng buong pinapaupahan nilang bahay noon.Isang dambuhalang kama na may kulay abong mga sapin, malambot na carpet, at isa na namang malawak na glass window na nakaharap sa mga ilaw ng lungsod. May nakahandang mamahaling satin na pantulog sa ibabaw ng kama.Humiga siya doon, bitbit ang mabigat na dibdib. Sa unang gabi niya sa gintong hawla, nakatulog siya sa pagod.Maagang nagising si Ariana dahil sa sunod-sunod na pag-vibrate ng kanyang luma at may gasgas na cellphone. Nang buksan niya ito, muntik na niyang mabitiwan ang telepono sa gulat. Dose-dosenang missed calls at daan-daang mensahe mula sa kanyang mga katrabaho sa logistics company, mga kaibigan sa café, at maging sa mga malayong kamag-anak ang bumungad sa kanya. Halos sabay-sabay silang nagtatanong ng iisang bagay. Agad niyang binuksan ang kanyang social media. Doon, ang mukha niya na nakasuot ng emerald green dress habang hawak sa baywang ni Damie

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status