Compartir

Chapter 3

Autor: Almaxx
last update Fecha de publicación: 2026-09-06 02:09:05

Napakabilis ng tibok ng puso ni Ariana habang nakatitig sa kanya ang mga matang kasinglamig ng yelo. Ang buong lobby ng Monteverde Tower ay tila nawalan ng tunog. Ang huling notice ng Sterling Finance na may nakasulat na malaking halaga ng utang ay nananatiling nasa tapat ng mamahaling sapatos ni Damien.

Dahan-dahang yumuko si Damien at pinulot ang papel. Binasa niya ang nakasulat doon sa loob ng ilang segundo bago muling tumingin kay Ariana. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa magazine na yakap-yakap ng dalaga, kung saan malinaw na nakasulat ang kanyang pangalan at ang salitang “Merger.”

Isang pilit at mapanganib na ngiti ang sumilay sa sulok ng labi ng bilyonaryo.

"Sumunod ka sa akin," maikli ngunit mariin nitong utos bago tumalikod patungo sa pribadong elevator.

"S-Sir?" nanginginig na tawag ng sekretarya nito, ngunit itinaas lang ni Damien ang kanyang kamay upang patahimikin ito.

Walang nagawa si Ariana kundi humakbang at sumunod. Ramdam niya ang mga talas ng tingin ng mga empleyadong naiwan sa lobby. Pagpasok sa elevator, ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa ay tila sumasakal sa kanya. Nang bumukas ang p***o sa pinakatuktok na palapag, bumungad ang isang dambuhalang opisina na gawa sa salamin at modernong arkitektura.

Dire-diretsong naglakad si Damien patungo sa kanyang swivel chair at naupo. Ipinatong niya ang eviction at loan notice ni Ariana sa ibabaw ng kanyang malinis na lamesa.

"Sino ang nagpadala sa iyo?" malamig na tanong ni Damien habang seryosong nakatitig sa kanya. "Ang board of directors? O ang kabilang kumpanya na gustong sumira sa merger ko?"

"H-Hindi po... Walang nagpadala sa akin," nauutal na sagot ni Ariana, habang mahigpit pa ring hawak ang magazine. "Kung ganoon, bakit hawak mo ang balita tungkol sa akin habang nag-eespiya ka sa lobby ko, dala ang mga pekeng bayarin na ito?" Inilapit ni Damien ang mukha. "Huwag mo akong madaan-daan sa ulan noong isang araw, Miss Castillo. Alam ko kung paano magtrabaho ang mga reporter."

"Hindi ako reporter!" Sa unang pagkakataon, nakahanap ng lakas ng loob si Ariana na itaas ang kanyang boses. "At hindi peke ang mga papel na iyan! Totoong baon ako sa utang. Totoong palalayasin na kami ng nanay ko sa inuupahan namin sa loob ng tatlong araw. At totoong mamamatay ang nanay ko kung hindi ko mababayaran ang operasyon niya sa puso!"

Bahagyang natigilan si Damien, ngunit mabilis ding bumalik ang kanyang malamig na ekspresyon. "Kung ganoon, anong ginagawa mo sa opisina ko? Nanghihingi ng limos?"

Huminga nang malalim si Ariana. Ito na iyon. Ang sandali na pwedeng magsalba sa kanila o tuluyang magbaon sa kanya sa kahihiyan.

"Nandito ako para mag-alok ng kasunduan," diretsong sabi ni Ariana, pilit na pinapatatag ang kanyang boses. "Nabasa ko sa magazine. Kailangan mong magpakasal bago sumapit ang kaarawan mo sa susunod na buwan para makuha ang kumpanya mo. At ako... kailangan ko ng pera."

Isang malakas at mapang-asar na tawa ang pinakawalan ni Damien. Tumayo ito at dahan-dahang lumapit kay Ariana, hawak ang awtoridad na nakakahilo. "Nagpapatawa ka ba? Ikaw? Papakasalan ko?" Tiningnan niya si Ariana mula ulo hanggang paa—ang lumang corporate attire nito, ang simpleng sapatos, at ang mukhang bakas ang pagod. "Maraming mayayamang pamilya ang nag-aalok ng kanilang mga anak na babae sa akin. Bakit ko papakasalan ang isang estranghero na nalulunod sa utang?"

"Dahil ang mga mayayamang pamilyang iyon ay may hihilinging kapalit na shares at kapangyarihan sa kumpanya mo," matapang na sagot ni Ariana, na ikinagulat mismo ng kanyang sarili. "Gusto mo ng kontrol, 'di ba? Kung ako ang papakasalan mo, kontrolado mo ako. Walang pamilyang makikialam sa negosyo mo. Isang piraso ng papel lang ang hawak ko sa iyo. At oras na makuha mo ang kumpanya mo, pwede mo akong i-divorce nang walang hinihinging kahit ano... maliban sa halagang kailangan ko ngayon."

Nanahimik si Damien. Ang kanyang mga mata ay pumaroon at pumarito sa mukha ni Ariana, tila kinakalkula ang bawat salitang binitawan ng dalaga. Ang katalinuhan at tapang na ipinapakita nito sa kabila ng kahirapan ay isang bagay na hindi niya inaasahan.  

Dahan-dahang bumalik si Damien sa kanyang lamesa. Binuksan niya ang isang drawer at naglabas ng isang makapal na dokumento na may pamagat na: MARRIAGE CONTRACT AGREEMENT.

Nanlaki ang mga mata ni Ariana. Nakahanda na ito. "Isang taon," malamig na saad ni Damien habang ibinababa ang kontrata at isang mamahaling pluma. "Magpapanggap ka bilang asawa ko sa harap ng media, ng board, at ng pamilya ko. Walang totoong relasyon. Walang pakialaman sa buhay ng isa't isa. Pagkatapos ng isang taon, maghihiwalay tayo."

"Ang... ang bayad?" halos pabulong na tanong ni Ariana.

"Babayaran ko ang lahat ng utang mo ngayon, ang operasyon ng ina mo, at bibigyan kita ng buwanang allowance. At kapag natapos ang isang taon, makakatanggap ka ng limampung milyong piso." Ibinaling ni Damien ang kanyang tingin sa mga mata ni Ariana.

 "Ngunit may isang mahigpit na panuntunan, Ariana. Sa oras na pirmahan mo ito, pagmamay-ari ko na ang oras mo. At kapag nalaman kong nagsisinungaling ka o may iba kang motibo... sisiguraduhin kong mas masahol pa sa kulungan ang babagsakan mo."

Napatitig si Ariana sa kontrata. Ang pluma ay tila napakabigat. Alam niyang kapag pinirmahan niya ito, papasok siya sa isang hawla na gawa sa ginto, kasama ang isang lalakeng parang walang puso. Ngunit nang sumagi sa isip niya ang mukha ng kanyang may-sakit na ina, dahan-dahan niyang inabot ang pluma.

Dahan-dahang dumampi ang dulo ng pluma sa papel. Isang pirma lang. 

_ARIANA CASTILLO._

Pagkatapos niyang isulat ang huling letra, parang biglang nanlamig ang buong opisina. 

Kinuha ni Damien ang kontrata. Hindi niya ito binasa ulit. Tinitigan lang niya ang pirma ni Ariana ng ilang segundo, parang sinusuri kung totoo ba o panaginip lang ang nangyari. 

Pagkatapos, kinalabit niya ang intercom. 

"Marcus. Ipalabas mo na ang bayad sa Sterling Finance. Bayaran din ang hospital bill ni Mrs. Castillo sa St. Luke's. Ngayon din." 

Malamig. Walang emosyon. Parang nag-oorder lang ng kape. 

"Yes, Sir," sagot ng boses sa kabilang linya. 

Ibinalik ni Damien ang tingin kay Ariana. 

"Congratulations, Mrs. Monteverde. Simula ngayon, pag-aari na kita." 

Nanlaki ang mata ni Ariana. "Mrs. Monteverde? Hindi pa naman—" 

"Sa papel, oo na," putol ni Damien. Tumayo siya at lumapit sa floor-to-ceiling window. Ang buong siyudad ng Manila ay nasa ilalim niya. "At sa mata ng media, bukas na bukas din. May press con ako sa alas-9 ng umaga. Ikaw ang magiging date ko." 

"Pero wala nga akong—" 

"Meron na." Inabot sa kanya ni Damien ang isang black card. "Secretary ko na ang bahala sa damit mo, buhok mo, lahat. Be at the penthouse by 6AM. May driver na susundo." 

Tumalikod na ulit siya. Usapang tapos. 

Napahawak si Ariana sa card. Ang bigat nito sa kamay niya ay hindi lang dahil sa ginto. Dahil ito ang magliligtas sa nanay niya... at ang magkakakulong sa kanya. 

Habang papalabas siya ng opisina, pinigil siya ng boses ni Damien sa likod niya. 

"Ariana." 

Lumingon siya. 

"Kung magtatangka kang tumakas, o kung malalaman kong may tinatago ka pa sa akin..." ngumiti si Damien, pero hindi umabot sa mga mata niya. "Mas gugustuhin mo pang hindi ka na lang nangutang." 

Lumabas si Ariana ng nanginginig. Pagbaba niya sa lobby, lahat ng empleyado ay nakatingin. May bulungan. May kamera ng cellphone. 

At sa labas ng Monteverde Tower, nakaparada na ang isang itim na Maybach. May hawak na placard ang driver: _MRS. MONTEVERDE_ 

Kinabukasan, 9:03 AM.

Flash. Flash. Flash. 

Pumutok ang mga kamera. 

Nakatayo si Damien sa gitna ng stage, naka-itim na tux. Sa tabi niya, si Ariana. Nakaputing silk dress, buhok na parang sa magazine, pero ang mga kamay niyang mahigpit na nakakapit sa bouquet ay nanginginig pa rin. 

"Yes," sabi ni Damien sa mic, isang braso ay nakayakap sa bewang ni Ariana. "Magpapakasal na kami next month. Private ceremony lang." 

Bulungan. Gulat. 

May isang reporter na sumigaw: "Sir Monteverde! Totoo po bang arranged marriage ito para sa merger?!" 

Ngumiti si Damien. Malamig. Mapanganib. 

"Tingin niyo?" 

At sa ilalim ng mesa, dahan-dahang hinawakan ni Damien ang kamay ni Ariana. Mahigpit. Babala. 

Bumulong siya sa tenga ni Ariana na tanging siya lang ang nakakarinig: 

"Smile. Pagmamay-ari na kita, tandaan mo." 

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 7

    Naramdaman ni Ariana ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ang init ng kamay ni Damien at ang lambing ng boses nito ay tila totoong-totoo. Inakbayan siya nito habang naglalakad sila papasok, marahang hinahaplos ang kanyang balikat habang bumubulong ng mga bagay na tila ba may sarili silang mundo.“Tumingin ka sa akin at ngumiti ka,” pabulong na dugtong ni Damien habang nakalapat ang labi sa malapit sa kanyang tainga, ngunit ang boses nito ay wala nang emosyon isang utos na naman. “Nasa likod natin ang mga board members ng Monteverde Holdings. Ipakita mo sa kanila kung gaano mo ako kamahal.”Napilitan si Ariana na sumandal sa dibdib nito, tumitingala na may tamis sa kanyang mga mata. Para sa mga taong nakapaligid sa kanila, sila ang ehemplo ng isang perpektong magkasintahan. Ngunit para kay Ariana, ang bawat haplos at bawat matatamis na salita ay paalala lang ng isang malupit na katotohanan.Pagkatapos ng tatlong oras na tawanan, pagpanggap, at pakikipag-plastikan sa mga kliyente, sa

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 6

    Pagbukas niya ng pinto ng silid niya, napahinto siya. Ang kwarto ay kasing laki na ng buong pinapaupahan nilang bahay noon.Isang dambuhalang kama na may kulay abong mga sapin, malambot na carpet, at isa na namang malawak na glass window na nakaharap sa mga ilaw ng lungsod. May nakahandang mamahaling satin na pantulog sa ibabaw ng kama.Humiga siya doon, bitbit ang mabigat na dibdib. Sa unang gabi niya sa gintong hawla, nakatulog siya sa pagod.Maagang nagising si Ariana dahil sa sunod-sunod na pag-vibrate ng kanyang luma at may gasgas na cellphone. Nang buksan niya ito, muntik na niyang mabitiwan ang telepono sa gulat. Dose-dosenang missed calls at daan-daang mensahe mula sa kanyang mga katrabaho sa logistics company, mga kaibigan sa café, at maging sa mga malayong kamag-anak ang bumungad sa kanya. Halos sabay-sabay silang nagtatanong ng iisang bagay.Agad niyang binuksan ang kanyang social media. Doon, ang mukha niya na nakasuot ng emerald green dress habang hawak sa baywang ni Damie

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 5

    Ang labi ni Damien ay mainit pa rin sa balat ni Ariana nang maghiwalay sila. Isang segundo lang yun. Pero sapat na para sumabog ang mga bulungan at magkandahilak ang flash ng camera sa buong ballroom.Ang nakasisilaw na liwanag ay tila sumasakal kay Ariana habang nakahawak pa rin siya sa braso ni Damien. Ramdam niya ang panginginig ng sariling mga tuhod, ngunit ang mahigpit at tila protektatibong hawak ng bilyonaryo sa kanyang baywang ang nagpapanatili sa kanya sa pagkakatayo. "Smile, Ariana. Everyone is watching," pabulong na utos ni Damien. Ang boses niya nananatiling kalmado, ngunit may talas na hindi pwedeng baliwain. Para bang walang nangyari. Para bang hindi niya lang siya hinalikan sa harap ng lahat.Pilit na ngumiti si Ariana, itinataas ang kanyang noo tulad ng sinabi nito. Sa bawat hakbang nila papalayo sa gitna ng ballroom, ang mga bulungan ng mga high-society guests ay tila baon ng mga bubuyog sa kanyang tainga. "Sino siya?" "Did he just kiss her?" "Hindi ba't anak ng V

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 4

    Nangatog ang kanyang mga tuhod. Hindi niya kaya ito. Gusto niyang tumakbo pabalik sa sasakyan. Ngunit bago pa man siya makahakbang paatras, isang malaki at mainit na kamay ang humawak sa kanyang baywang. Amoy mamahaling pabango at tabako. Lumingon siya at nakita si Damien. Nakasuot ito ng isang napakakisig na black tuxedo. Sa harap ng mga camera, may suot itong banayad at tila mapagmahal na ngiti—isang ekspresyon na kabaligtaran ng totoong lamig ng kanyang pagkatao. "Itaas mo ang noo mo, Ariana," bulong ni Damien sa kanyang tainga, sapat lang para siya ang makarinig. Ang kanyang hawak sa baywang ng dalaga ay humigpit, tila nagbibigay ng babala at lakas nang sabay. "Mula sa segundong ito, ikaw ang mapapangasawa ko. Huwag kang gagawa ng kahit anong pagkakamali na makakasira sa pangalan ko." Tumingin si Ariana sa mga naglalakihang lente ng camera, huminga nang malalim, at pilit na ngumiti. Ang laro ng pagpapanggap ay opisyal nang nagsimula. Sa loob ng Charity GalaPagpasok pa lang

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 3

    Napakabilis ng tibok ng puso ni Ariana habang nakatitig sa kanya ang mga matang kasinglamig ng yelo. Ang buong lobby ng Monteverde Tower ay tila nawalan ng tunog. Ang huling notice ng Sterling Finance na may nakasulat na malaking halaga ng utang ay nananatiling nasa tapat ng mamahaling sapatos ni Damien.Dahan-dahang yumuko si Damien at pinulot ang papel. Binasa niya ang nakasulat doon sa loob ng ilang segundo bago muling tumingin kay Ariana. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa magazine na yakap-yakap ng dalaga, kung saan malinaw na nakasulat ang kanyang pangalan at ang salitang “Merger.”Isang pilit at mapanganib na ngiti ang sumilay sa sulok ng labi ng bilyonaryo."Sumunod ka sa akin," maikli ngunit mariin nitong utos bago tumalikod patungo sa pribadong elevator."S-Sir?" nanginginig na tawag ng sekretarya nito, ngunit itinaas lang ni Damien ang kanyang kamay upang patahimikin ito.Walang nagawa si Ariana kundi humakbang at sumunod. Ramdam niya ang mga talas ng tingin ng mga e

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 2

    Hindi nakatulog si Ariana nang gabing iyon. Paulit-ulit na umuunog sa kanyang isip ang malamig na boses ng ahente mula sa Sterling Finance, kasabay ng tunog ng humaharurot na Rolls-Royce sa ilalim ng ulan.Kinaumagahan, bago pumasok sa kanyang trabaho sa logistics company, dumaan muna siya sa Saint Augustine Medical Center para bisitahin ang kanyang ina. Nakakabit pa rin dito ang ilang mga aparato na nagpapakita ng mahinang tibok ng puso nito."Ma, lalaban tayo, ha?" bulong niya habang hinahaplos ang tuyong kamay ng ina. Ngunit bago siya lumabas ng silid, hinarang siya ng attending physician ng kanyang ina na si Dr. Alcantara. "Ms. Castillo, kailangan nating isagawa ang bypass surgery ng nanay mo sa lalong madaling panahon. Lumalala ang kondisyon ng puso niya," seryosong saad ng doktor. "Pero tulad ng napag-usapan natin sa billing department, kailangan nating ma-settle ang kahit limang porsyento ng paunang bayad bago namin mai-schedule ang operating room.""Magkano po ang kailangan, D

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status