Share

Chapter 7

Penulis: Almaxx
last update Tanggal publikasi: 2026-09-10 01:45:56

Naramdaman ni Ariana ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ang init ng kamay ni Damien at ang lambing ng boses nito ay tila totoong-totoo. Inakbayan siya nito habang naglalakad sila papasok, marahang hinahaplos ang kanyang balikat habang bumubulong ng mga bagay na tila ba may sarili silang mundo.“Tumingin ka sa akin at ngumiti ka,” pabulong na dugtong ni Damien habang nakalapat ang labi sa malapit sa kanyang tainga, ngunit ang boses nito ay wala nang emosyon isang utos na naman. “Nasa likod natin ang mga board members ng Monteverde Holdings. Ipakita mo sa kanila kung gaano mo ako kamahal.”

Napilitan si Ariana na sumandal sa dibdib nito, tumitingala na may tamis sa kanyang mga mata. Para sa mga taong nakapaligid sa kanila, sila ang ehemplo ng isang perpektong magkasintahan. Ngunit para kay Ariana, ang bawat haplos at bawat matatamis na salita ay paalala lang ng isang malupit na katotohanan.Pagkatapos ng tatlong oras na tawanan, pagpanggap, at pakikipag-plastikan sa mga kliyente, sa wakas ay natapos din ang dinner.

Sumakay sila sa backseat ng sasakyan. Oras na sumara ang p***o ng kotse at umandar ito palayo, agad na binitawan ni Damien ang kamay ni Ariana. Ang mapagmahal na ngiti sa kanyang mukha ay biglang naglaho, napalitan ng seryosong ekspresyon ng isang seryosong negosyante.Kinuha ni Damien ang kanyang iPad mula sa bag, binuksan ang mga dokumento sa trabaho, at nagsimulang mag-type. Hindi niya binalingan ng tingin si Ariana. Wala siyang tinanong. Parang pader na naman ang katabi ni Ariana.Tumingin si Ariana sa kanyang sariling mga kamay na kanina lang ay mahigpit na hawak ng lalaki. Malamig na naman ito. Ang mabilis na pagpapalit ng ugali ni Damien mula sa pagiging mapagmahal na kasintahan patungo sa pagiging estranghero ay unti-unting dumudurog sa kanyang sistema. Mas madali sanang tiisin kung palagi itong galit, pero ang ganitong laro ang pagpapanggap na mahal siya kapag may nakakakita tapos ay babalewalain kapag silang dalawa na lang ang mas matinding parusa.

"Damien..." mahinang tawag ni Ariana, hindi napigilan ang sarili.Hindi nag-angat ng tingin si Damien mula sa kanyang screen. "What?" tipid at walang pakialam nitong sagot.

"What?" tipid at walang pakialam na tanong ni Damien habang nananatili ang mga mata sa screen ng kanyang iPad."Bakit mo kailangang umasta na parang... totoo ang lahat kapag may ibang tao?" hindi na napigilan ni Ariana na ituloy ang sasabihin, habang ang dibdib niya ay kabang-kaba sa sariling tapang. "Kailangan bang pati sa paghawak ng kamay, pati sa mga bulong mo, kailangan ganoon ka-intense? Pwede naman tayong magpanggap nang hindi mo na ako hinahawakan nang ganoon."Nagbaba ng tingin si Damien sa gilid ng kanyang mata, tiningnan siya nito na parang isa siyang insekto na nangahas na kumalabit sa isang leon. Ibinalik nito ang atensyon sa tablet at marahas na pinatay ang screen."Kasi ang mga taong nakapaligid sa atin ay mga buwaya, Ariana," malamig at may diin nitong bulong, masakit at pormal ang tono. "Ang tingin nila sa bawat galaw ko ay kahinaan. Kung hindi kita hahawakan nang parang pagmamay-ari ko, magdududa sila. At kapag nagdududa sila, masisira ang Monteverde Holdings. Kaya huwag kang umarte na para bang sinasaktan kita dahil lang sa ilang segundo ng pag-arte ko. Kasunduan ito. Ginagawa mo ang trabaho mo, ginagawa ko ang sa akin."

Nanatili si Ariana na tahimik pagkatapos niyon. Hindi na siya umimik hanggang sa makarating sila sa penthouse. Makalipas ang ilang araw, pinili ni Ariana na bumalik sa kanyang trabaho bilang barista sa isang tanyag na cafe malapit sa Ortigas. Ayaw niyang makulong sa gintong hawla nang walang ginagawa; kailangan niyang maramdaman na may sarili pa rin siyang buhay.Habang nagpupunas siya ng counter, lumapit ang kanyang matalik na kaibigan at kasamahan ding barista na si Nina. May hawak itong cellphone at nanlalaki ang mga mata habang nakatingin kay Ariana.

"Uy, Ariana! Totoo ba ito?" tanong ni Nina, may halong biro at inggit sa boses. Hinaharap nito ang screen ng phone kung saan lumalabas ang balita tungkol sa engagement ni Damien Monteverde at ng isang misteryosong babae. "Ikaw 'to, diba? Dyusko, Ariana! Pakakasal ka sa isang bilyonaryo? Sikat na sikat ka na sa social media! Inggit na inggit na talaga ako sa'yo, ha. May pa-prince charming ka pang nahanap na nagtatanggol sa'yo sa gala!" Napabuntong-hininga si Ariana at pilit na ngumiti. "Hindi mo alam ang pinapasok mo, Nina. Hindi ito ganun kadali."

"Naku, naku! Wag mo akong dramahan dyan," sabat naman ng isa pang kasamahan nila habang nagtitimpla. "Dapat dyan magpainom ka naman! Isang bilyonaryo na ang boyfriend mo, tapos nagtatrabaho ka pa dito? Libre mo kami mamaya!"Napansin ni Ariana sa gilid ang tahimik na si Jolo, ang isa sa mga male barista na matagal nang nagkaka-interes sa kanya. Madilim ang mukha nito, halatang nagseselos at pikon na pikon sa narinig. Hindi na umimik si Jolo at padabog na ibinaba ang pitsel sa lababo.

Dahil sa pilitan at sa hiyawan ng mga katrabaho, at sa pagnanais na kahit sandali ay makatakas sa suffocating na realidad ng kanyang buhay, pumayag si Ariana. Isang maliit na inuman lang naman na, akala niya. Nagtungo sila sa isang malapit na bar malapit sa BGC, hindi ito masyadong sikat o dinaragsa ng alta-sosyedad, ngunit kilala sa mga malalaking tao o underground crowd. Naging masaya naman ang kwentuhan. Medyo nakaligtaan ni Ariana ang oras. Nakalimutan din niyang itext o tawagan ang personal na driver ni Damien na nakaabang pala sa ibaba ng kanyang condo para sa kanyang supposedly na maagang pag-uwi. Tumunog ang kanyang cellphone ng ilang beses sa loob ng bag, ngunit hindi niya ito pinansin dahil sa ingay ng musika at tawanan ng mga kasama, lalo na nang pilit siyang kinakausap ni Jolo na sinusubukang umakbay sa kanya.Alas-tres na ng madaling araw nang marating ni Ariana ang penthouse. Tahimik ang buong paligid, ngunit sa pagbukas niya ng p***o sa sala, sinalubong siya ng nakabukas na malakas na ilaw.

Nakatayo si Damien sa harap ng malaking salamin na nakatalikod. Suot pa rin nito ang itim na long sleeves na nakatupi ang manggas hanggang siko, ngunit ang awra nito ay kasing lamig ng yelo. Dahan-dahan itong lumingon. Ang mga mata nito ay nagliliyab sa galit."Saan ka galing?" malamig nitong tanong, pero may diing halos magpakurot sa balat ni Ariana."Ako... nagpunta lang ako kina..." nauutal na simula ni Ariana, pero agad siyang pinutol ni Damien habang hinagis nito ang iPad sa ibabaw ng mamahaling glass table.Lumitaw sa screen ang isang video na kumakalat sa internet kuha sa underground bar sa BGC. Nakikita roon si Ariana na tumatawa, hawak ang baso, at si Jolo na nakasandal malapit sa kanyang balikat habang sinusubukang hawakan ang kanyang kamay."Nagpapakasaya ka habang may mga kasama kang ibang lalaki?!" sigaw ni Damien, tuluyang nawalan ng kalmado. Humakbang ito nang mabilis palapit sa kanya, hinawakan nang mahigpit ang magkabilang braso ni Ariana na halos umabot na sa pisikal na sakit ang higpit.

Almaxx

Sana talaga hindi ako tamarin mag update huhu.. read my other books guys salamat.🥰

| Sukai
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 11

    Galit ang buong sistema ni Damien. Sa halip na manatili sa kanyang opisina, nagpasya siyang bumaba sa open-plan office floor ang dambuhalang palapag kung saan magkakatabi ang mga cubicle, puno ng mga computer, at daan-daang empleyado ang sabay-sabay na nagtatrabaho. Gusto niyang obserbahan ang bawat isa, ngunit ang totoo, naghahanap lang siya ng mabubuntuhan ng kanyang frustrasyon.Sa bawat hakbang niya sa gitna ng hilera ng mga computer, ramdam ng lahat ang nagbabagang awra ng bilyonaryo. Nagsimula nang manginig ang mga nakaupong staff habang nakatitig sa kani-kanilang screen. Walang nakaligtas sa kanyang bagsik. Kahit ang janitor na nagmamadaling nagmamop sa tabi ng mga cubicle ay nasinghalan niya nang mapansin ang isang maliit na mantsa sa gilid ng pader."Ulitin mo 'yan. Kung hindi mo kaya linisin nang maayos ang palapag na ito, humanap ka ng ibang kumpanyang tatanggap sa dumi mo!" singhal niya, sapat para marinig ng buong departamento.Huminto siya sa tapat ng desk ng isang batan

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 10

    Alas-singko pa lang ng umaga, gising na si Ariana. Masakit pa rin ang kanyang buong katawan mula sa pagod kagabi, ngunit wala siyang karapatang magreklamo. Mula nang sibakin ni Damien ang lahat ng kasambahay bilang parusa sa paglabas niya noon kasama ang mga katrabaho, ang buong penthouse ay naging responsibilidad niya. Ito ang paraan ni Damien para ipaalala sa kanya ang kanyang lugar isang kasunduan, isang utos, at isang utang na milyun-milyon ang halaga. Ngunit ang hindi alam ni Ariana, higit pa sa parusa, ang ipapagawa nitong si Damien para sa sarili nitong kaligtasan. Natatakot si Damien. Ang kakaibang tibok ng puso niya nang sumandal ang ulo ng dalaga sa kanyang balikat kagabi ay isang babala.Para sa isang bilyonaryong tulad niya, ang emosyon ay isang kahinaan. Kaya kailangan niyang pahirapan si Ariana. Kailangan niyang maging malupit para kumbinsihin ang sarili na negosyo lang ang lahat, at hinding-hindi siya maiinlove sa babaeng binayaran niya lang."Dapat bago ako umalis ng a

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 9

    "So, ito pala ang babaeng naging dahilan para tanggihan mo ang pamilya Valdez, Damien," panimula ni Donya Victoria. Tiningnan niya si Ariana mula ulo hanggang paa nang may mapang-maliit na tingin. "Isang Castillo. Ngayon ko lang narinig ang apelyidong iyan sa high society.""Good evening, ho," mahinang bati ni Ariana at bahagyang yumuko bilang paggalang."Maupo kayo," mariing utos ni Don Alejandro. Ang kanyang boses ay pumailanlang sa buong silid.Nagsimula ang hapunan sa isang nakakabinging katahimikan. Ang bawat kalatog ng kubyertos ay tila nagpapadagdag sa kaba sa dibdib ni Ariana. Hindi nagtagal, nagsimula na ang interogasyon ng matanda."Ariana," tawag ni Don Alejandro habang nakatitig nang diretso sa mga mata ng dalaga. "Saan kayo nagtagpo ng aking apo? Ayon sa ulat ng PR team ni Damien, ikaw ay isang simpleng empleyado. Paano mo nakuha ang atensyon ng isang Monteverde?"Napatigil si Ariana sa pagsubo. Ramdam niya ang lamig ng pawis sa kanyang mga palad. Ngunit bago pa man siya

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 8

    "Ipinahiya mo ako, Ariana! Isang linggo pa lang tayong magkasama sa palabas na ito, pinapalabas mo na sa media na niloloko mo ako habang nakabalandra ang mukha mo sa internet!""Hindi mo ako pagmamay-ari, Damien!" ganting sigaw ni Ariana, tumutulo na ang mga luha sa matinding galit at hinagpis. "Sabi mo magkaiba ang mundo natin! Sabi mo sa loob ng bahay na ito wala kang pakialam sa akin! Bakit ngayon galit na galit ka kung lumabas ako at huminga nang malaya?!""Dahil ang pangalan ko ang nakataya rito!" giit ni Damien, ang mukha ay ilang pulgada na lang sa kanya, galit na galit ngunit may kakaibang sakit sa boses. "Oras na madurog ang reputasyon ko, madudurog ka rin. Naiintindihan mo ba ang ginawa mo?!""Hindi mo ako pagmamay-ari, Damien! Pera mo lang ang mayroon ka, pero hindi mo nabili ang pagkatao ko!" sigaw ni Ariana, habang pilit na nagpupumiglas mula sa mahigpit na hawak nito. Ang mga luha sa kanyang pisngi ay nagniningning sa ilalim ng liwanag ng chandelier.Isang mapait at nakat

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 7

    Naramdaman ni Ariana ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ang init ng kamay ni Damien at ang lambing ng boses nito ay tila totoong-totoo. Inakbayan siya nito habang naglalakad sila papasok, marahang hinahaplos ang kanyang balikat habang bumubulong ng mga bagay na tila ba may sarili silang mundo.“Tumingin ka sa akin at ngumiti ka,” pabulong na dugtong ni Damien habang nakalapat ang labi sa malapit sa kanyang tainga, ngunit ang boses nito ay wala nang emosyon isang utos na naman. “Nasa likod natin ang mga board members ng Monteverde Holdings. Ipakita mo sa kanila kung gaano mo ako kamahal.”Napilitan si Ariana na sumandal sa dibdib nito, tumitingala na may tamis sa kanyang mga mata. Para sa mga taong nakapaligid sa kanila, sila ang ehemplo ng isang perpektong magkasintahan. Ngunit para kay Ariana, ang bawat haplos at bawat matatamis na salita ay paalala lang ng isang malupit na katotohanan.Pagkatapos ng tatlong oras na tawanan, pagpanggap, at pakikipag-plastikan sa mga kliyente, sa w

  • The Billionaire's Fake Marriage   Chapter 6

    Pagbukas niya ng p***o ng silid niya, napahinto siya. Ang kwarto ay kasing laki na ng buong pinapaupahan nilang bahay noon.Isang dambuhalang kama na may kulay abong mga sapin, malambot na carpet, at isa na namang malawak na glass window na nakaharap sa mga ilaw ng lungsod. May nakahandang mamahaling satin na pantulog sa ibabaw ng kama.Humiga siya doon, bitbit ang mabigat na dibdib. Sa unang gabi niya sa gintong hawla, nakatulog siya sa pagod.Maagang nagising si Ariana dahil sa sunod-sunod na pag-vibrate ng kanyang luma at may gasgas na cellphone. Nang buksan niya ito, muntik na niyang mabitiwan ang telepono sa gulat. Dose-dosenang missed calls at daan-daang mensahe mula sa kanyang mga katrabaho sa logistics company, mga kaibigan sa café, at maging sa mga malayong kamag-anak ang bumungad sa kanya. Halos sabay-sabay silang nagtatanong ng iisang bagay. Agad niyang binuksan ang kanyang social media. Doon, ang mukha niya na nakasuot ng emerald green dress habang hawak sa baywang ni Damie

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status