FAZER LOGINAng labi ni Damien ay mainit pa rin sa balat ni Ariana nang maghiwalay sila. Isang segundo lang yun. Pero sapat na para sumabog ang mga bulungan at magkandahilak ang flash ng camera sa buong ballroom.
Ang nakasisilaw na liwanag ay tila sumasakal kay Ariana habang nakahawak pa rin siya sa braso ni Damien. Ramdam niya ang panginginig ng sariling mga tuhod, ngunit ang mahigpit at tila protektatibong hawak ng bilyonaryo sa kanyang baywang ang nagpapanatili sa kanya sa pagkakatayo.
"Smile, Ariana. Everyone is watching," pabulong na utos ni Damien. Ang boses niya nananatiling kalmado, ngunit may talas na hindi pwedeng baliwain. Para bang walang nangyari. Para bang hindi niya lang siya hinalikan sa harap ng lahat.
Pilit na ngumiti si Ariana, itinataas ang kanyang noo tulad ng sinabi nito. Sa bawat hakbang nila papalayo sa gitna ng ballroom, ang mga bulungan ng mga high-society guests ay tila baon ng mga bubuyog sa kanyang tainga.
"Sino siya?"
"Did he just kiss her?"
"Hindi ba't anak ng Valdez ang ipinipares sa kanya para sa merger?"
Pumasok sila sa gitna ng bulwagan kung saan ang mga kristal na chandelier ay nagbibigay ng marangyang liwanag sa mga taong nakasuot ng mga mamahaling hiyas. Ngunit bago pa man sila makarating sa VIP table, isang matangkad at magandang babae na nakasuot ng kumikinang na pulang gown ang humarang sa kanilang daan.
Siya si Chloe Valdez, ang nag-iisang anak ng may-ari ng Valdez Shipping, ang babaeng matagal nang ipinipares ng board of directors kay Damien para sa merger.
"Damien, sweetie!" nakangiting bati ni Chloe, ngunit ang kanyang mga mata ay mabilis na bumaba kay Ariana nang may halong poot at pang-maliit. "Sino itong kasama mo? I didn't know you started bringing... plus-ones from nowhere to a charity gala." Ikot matang sabi nito at tinignan si Ariana.
Naramdaman ni Ariana ang biglang paglamig ng hawak ni Damien sa kanya. Alam niyang ito ang uri ng sitwasyon na pwedeng magpabagsak sa kanyang pagpapanggap.
"Chloe," pormal at walang emosyong sagot ni Damien. "I'd like you to meet Ariana Castillo. My fiancée."
Nanlaki ang mga mata ni Chloe. Maging ang mga taong nakikinig sa paligid ay napasinghap.
"Fiancée? Damien, nagpapatawa ka ba? Isang linggo na lang bago ang anunsyo ng merger natin! Sino ba ang babaeng ito? Anong pamilya ang pinagmulan niya? Bakit ngayon ko lang siya nakita?"
Tumingin si Chloe kay Ariana nang diretso, isang mapang-insultong ngiti ang sumilay sa labi nito.
"Oh, wait. Is she one of your employees? Magkano ang binayad mo sa kanya para magpanggap, Damien?"
Ang mga salita ni Chloe at ang mga binitawang salita ni Isabella ay tila sumampal sa pagkatao ni Ariana. Naisip niya ang kanyang ina sa ospital, ang mga utang na pinirmahan niya. Tama ito—binayaran lang siya. Gusto niyang yumuko sa kahihiyan.
Ngunit bago pa man siya tuluyang panghinaan ng loob, humakbang si Damien pabalik upang harapin si Chloe. Ang kanyang awra ay biglang naging mapanganib.
"Chloe, mag-ingat ka sa mga salita mo," malamig na banta ni Damien, na nagpatayo ng balahibo ng lahat ng nakikinig. "Ang kasunduan sa merger ay tungkol sa negosyo, hindi sa personal kong buhay. Si Ariana ang babaeng papakasalan ko, may shares man ang pamilya niya o wala. At kung hindi mo kayang irespeto ang magiging asawa ko, maaari ka nang lumabas ng p***o ng hotel na ito."
Natigilan si Chloe, namula sa matinding galit at kahihiyan. Hindi niya inaasahan na ipagtatanggol ng isang Damien Monteverde ang isang estranghero sa harap ng maraming tao. Nang walang naitugon, mabilis na tumalikod si Chloe at naglakad palayo.
Lumingon si Damien kay Ariana. Walang bakas ng pag-aalala sa kanyang mga mata, isa lamang itong kalkuladong hakbang.
"Huwag mong ipapakita sa kanila na natatakot ka. Oras na makita nilang mahina ka, dudurugin ka nila."
Huminga nang malalim si Ariana. "Salamat..."
"Ginawa ko iyon para sa pangalan ko, hindi para sa iyo," putol ni Damien bago senyasan ang driver na ihanda na ang sasakyan. "Tapos na ang palabas natin dito. Uuwi na tayo."
Alas-onse na ng gabi nang makarating sila sa pinakatuktok na palapag ng isang ultra-modernong condominium sa Bonifacio Global City. Ang penthouse ni Damien ay dambuhala—puro salamin ang mga dingding na nagpapakita ng kumikinang na ilaw ng buong lungsod, at ang mga gamit ay minimalist ngunit halatang napakamahal.
Ipinasok ng driver ang maleta ni Ariana at agad na umalis, na nag-iwan sa kanilang dalawa sa malawak at tahimik na sala.
Inalis ni Ariana ang kanyang suot na mamahaling sapatos, ramdam ang matinding pagod ng buong katawan. "Saan ang kwarto ko?"
Ipinaturo ni Damien ang isang p***o sa dulo ng mahabang pasilyo. "Diyan ang silid mo. May sarili kang banyo at closet na puno ng mga bagong damit na ipinabili ko. Ngayong gabi, magpahinga ka na."
Huminto si Damien sa tapat ng kanyang sariling p***o at lumingon muli kay Ariana. Ang kanyang mukha ay bumalik sa pagiging seryoso at walang puso, malayo sa lalakeng nagtanggol sa kanya kanina.
"May tatlong patakaran sa bahay na ito, Ariana," saad niya. "Una, huwag kang papasok sa kwarto at opisina ko nang walang pahintulot. Pangalawa, huwag kang magpapasok ng kahit sinong bisita. At pangatlo... huwag na huwag kang aasang magiging totoo ang kasunduang ito. Magkasama tayo sa ilalim ng iisang bubong, pero magkaiba pa rin ang mundo natin."
Bago pa man makasagot si Ariana, isinara na ni Damien ang p***o ng kanyang silid.
Naiwan si Ariana sa gitna ng dambuhalang penthouse. Tumingin siya sa labas ng salamin, sa lungsod na dati ay napakalayo sa kanya. Ligtas na ang kanyang ina, wala na siyang utang, ngunit sa unang pagkakataon, naramdaman niya ang matinding lungkot.
Nagsimula na ang kanyang buhay sa loob ng gintong hawla.
Tumayo lang si Ariana ng ilang minuto sa gitna ng sala, hindi gumagalaw. Ang mga paa niyang nakayapak sa malamig na marble floor ang tanging nagpapaalala sa kanya na gising pa siya at hindi nananaginip.
Ang penthouse ay sobrang tahimik. Walang tunog ng sasakyan sa labas dahil nasa 50th floor sila. Walang tunog ng tao. Ang maririnig mo lang ay ang sariling paghinga at ang mahinang ugong ng aircon na tila sinasakal din siya.
Dahan-dahan siyang naglakad papunta sa pasilyo na itinuro ni Damien. Bawat hakbang niya ay umuugong sa buong unit. Parang sinisigawan siya ng katahimikan.
Pagbukas niya ng p***o ng silid niya, napahinto siya.
Naramdaman ni Ariana ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso. Ang init ng kamay ni Damien at ang lambing ng boses nito ay tila totoong-totoo. Inakbayan siya nito habang naglalakad sila papasok, marahang hinahaplos ang kanyang balikat habang bumubulong ng mga bagay na tila ba may sarili silang mundo.“Tumingin ka sa akin at ngumiti ka,” pabulong na dugtong ni Damien habang nakalapat ang labi sa malapit sa kanyang tainga, ngunit ang boses nito ay wala nang emosyon isang utos na naman. “Nasa likod natin ang mga board members ng Monteverde Holdings. Ipakita mo sa kanila kung gaano mo ako kamahal.”Napilitan si Ariana na sumandal sa dibdib nito, tumitingala na may tamis sa kanyang mga mata. Para sa mga taong nakapaligid sa kanila, sila ang ehemplo ng isang perpektong magkasintahan. Ngunit para kay Ariana, ang bawat haplos at bawat matatamis na salita ay paalala lang ng isang malupit na katotohanan.Pagkatapos ng tatlong oras na tawanan, pagpanggap, at pakikipag-plastikan sa mga kliyente, sa
Pagbukas niya ng pinto ng silid niya, napahinto siya. Ang kwarto ay kasing laki na ng buong pinapaupahan nilang bahay noon.Isang dambuhalang kama na may kulay abong mga sapin, malambot na carpet, at isa na namang malawak na glass window na nakaharap sa mga ilaw ng lungsod. May nakahandang mamahaling satin na pantulog sa ibabaw ng kama.Humiga siya doon, bitbit ang mabigat na dibdib. Sa unang gabi niya sa gintong hawla, nakatulog siya sa pagod.Maagang nagising si Ariana dahil sa sunod-sunod na pag-vibrate ng kanyang luma at may gasgas na cellphone. Nang buksan niya ito, muntik na niyang mabitiwan ang telepono sa gulat. Dose-dosenang missed calls at daan-daang mensahe mula sa kanyang mga katrabaho sa logistics company, mga kaibigan sa café, at maging sa mga malayong kamag-anak ang bumungad sa kanya. Halos sabay-sabay silang nagtatanong ng iisang bagay.Agad niyang binuksan ang kanyang social media. Doon, ang mukha niya na nakasuot ng emerald green dress habang hawak sa baywang ni Damie
Ang labi ni Damien ay mainit pa rin sa balat ni Ariana nang maghiwalay sila. Isang segundo lang yun. Pero sapat na para sumabog ang mga bulungan at magkandahilak ang flash ng camera sa buong ballroom.Ang nakasisilaw na liwanag ay tila sumasakal kay Ariana habang nakahawak pa rin siya sa braso ni Damien. Ramdam niya ang panginginig ng sariling mga tuhod, ngunit ang mahigpit at tila protektatibong hawak ng bilyonaryo sa kanyang baywang ang nagpapanatili sa kanya sa pagkakatayo. "Smile, Ariana. Everyone is watching," pabulong na utos ni Damien. Ang boses niya nananatiling kalmado, ngunit may talas na hindi pwedeng baliwain. Para bang walang nangyari. Para bang hindi niya lang siya hinalikan sa harap ng lahat.Pilit na ngumiti si Ariana, itinataas ang kanyang noo tulad ng sinabi nito. Sa bawat hakbang nila papalayo sa gitna ng ballroom, ang mga bulungan ng mga high-society guests ay tila baon ng mga bubuyog sa kanyang tainga. "Sino siya?" "Did he just kiss her?" "Hindi ba't anak ng V
Nangatog ang kanyang mga tuhod. Hindi niya kaya ito. Gusto niyang tumakbo pabalik sa sasakyan. Ngunit bago pa man siya makahakbang paatras, isang malaki at mainit na kamay ang humawak sa kanyang baywang. Amoy mamahaling pabango at tabako. Lumingon siya at nakita si Damien. Nakasuot ito ng isang napakakisig na black tuxedo. Sa harap ng mga camera, may suot itong banayad at tila mapagmahal na ngiti—isang ekspresyon na kabaligtaran ng totoong lamig ng kanyang pagkatao. "Itaas mo ang noo mo, Ariana," bulong ni Damien sa kanyang tainga, sapat lang para siya ang makarinig. Ang kanyang hawak sa baywang ng dalaga ay humigpit, tila nagbibigay ng babala at lakas nang sabay. "Mula sa segundong ito, ikaw ang mapapangasawa ko. Huwag kang gagawa ng kahit anong pagkakamali na makakasira sa pangalan ko." Tumingin si Ariana sa mga naglalakihang lente ng camera, huminga nang malalim, at pilit na ngumiti. Ang laro ng pagpapanggap ay opisyal nang nagsimula. Sa loob ng Charity GalaPagpasok pa lang
Napakabilis ng tibok ng puso ni Ariana habang nakatitig sa kanya ang mga matang kasinglamig ng yelo. Ang buong lobby ng Monteverde Tower ay tila nawalan ng tunog. Ang huling notice ng Sterling Finance na may nakasulat na malaking halaga ng utang ay nananatiling nasa tapat ng mamahaling sapatos ni Damien.Dahan-dahang yumuko si Damien at pinulot ang papel. Binasa niya ang nakasulat doon sa loob ng ilang segundo bago muling tumingin kay Ariana. Pagkatapos ay ibinalik niya ang tingin sa magazine na yakap-yakap ng dalaga, kung saan malinaw na nakasulat ang kanyang pangalan at ang salitang “Merger.”Isang pilit at mapanganib na ngiti ang sumilay sa sulok ng labi ng bilyonaryo."Sumunod ka sa akin," maikli ngunit mariin nitong utos bago tumalikod patungo sa pribadong elevator."S-Sir?" nanginginig na tawag ng sekretarya nito, ngunit itinaas lang ni Damien ang kanyang kamay upang patahimikin ito.Walang nagawa si Ariana kundi humakbang at sumunod. Ramdam niya ang mga talas ng tingin ng mga e
Hindi nakatulog si Ariana nang gabing iyon. Paulit-ulit na umuunog sa kanyang isip ang malamig na boses ng ahente mula sa Sterling Finance, kasabay ng tunog ng humaharurot na Rolls-Royce sa ilalim ng ulan.Kinaumagahan, bago pumasok sa kanyang trabaho sa logistics company, dumaan muna siya sa Saint Augustine Medical Center para bisitahin ang kanyang ina. Nakakabit pa rin dito ang ilang mga aparato na nagpapakita ng mahinang tibok ng puso nito."Ma, lalaban tayo, ha?" bulong niya habang hinahaplos ang tuyong kamay ng ina. Ngunit bago siya lumabas ng silid, hinarang siya ng attending physician ng kanyang ina na si Dr. Alcantara. "Ms. Castillo, kailangan nating isagawa ang bypass surgery ng nanay mo sa lalong madaling panahon. Lumalala ang kondisyon ng puso niya," seryosong saad ng doktor. "Pero tulad ng napag-usapan natin sa billing department, kailangan nating ma-settle ang kahit limang porsyento ng paunang bayad bago namin mai-schedule ang operating room.""Magkano po ang kailangan, D







