Share

KABANATA 29

Apolonia

Naramdaman ko ang paghawak ni Druskelle sa kamay kong nakakapit sa braso nito, pati na ang tila paghigpit ng hawak nito roon kalaunan. Hindi nagtagal ay napansin ko rin na parang bumibilis ang bawat hakbang nito.

Ngunit hindi pala "parang" lang ang napansin ko, kundi totoo pala na bumibilis nga ang paglakad nito, wala sa oras na inalis ko tuloy ang pagkakatingin sa nakangiting mukha ni Liam upang mapagtuunan ng pansin ang bawat paghakbang ko sa pag-aalalang baka matapilok ako o madapa dahil sa kailangan kong umagapay sa paglakad ng kasama ko.

Rinig ko pa rin ang pagtawag ni Liam sa akin, nang lumaon maging ang pangalan ni Druskelle ay tinatawag na rin nito, ngunit hindi ko na ito binalikan pa ng tingin, tila bingi naman ang boss ko at ni hindi man lang ito lumingon upang tingnan kung sino ba ang tumatawag dito, halatang wala itong balak na huminto.

'Di ko tuloy mapigilang mapa-side-eye ng sulyap dito habang sumasabay sa malalaking hakbang nito, curious sa pagbabago ng mood nit
Meowpyyyyy

May nagbabasa pa po ba nito? 🥹

| Like
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status