MasukThe Billionaire's First Love Hated by her twin sister to the point that she planned to dispose her, Vetarie miraculously survived the accident at napunta sa pangangalaga ni Hanlu Stanley, isang bilyonaryong businessman. While in coma, he took care of her. Every day. It was strange at first because never in his life he had that kind of care to any woman. It was his first. But somewhat, he likes caring her. So when he discovered everything, including the plan of Betania disposing Vetarie, he was mad at her and planned a revenge. Hanggang saan nga ba hahantong ang paghihiganti dahil sa pag-ibig?
Lihat lebih banyakMaagang nagigising ang mga katulong sa mansyon, dahil kailangan nilang ipaghanda ng pagkain si Hanlu. Pero laking gulat nila na makita itong gising na at saka nakabihis na ito, kahit na naninibago pa sila dahil ito ang oras ng kanyang gising at pag-aayos. "Young master, Hanlu," tawag ni Choi sa kanyang amo. Magsasalita sana itong muli, pero agad itong natigilan ng mapansin niya ang isang anino na nakita niya sa kanyang tabi. "Ma'am V-Vetarie?" Hindi makapaniwala si Choi at saka agad na tumungo, senyas ng paggalang. Habang kinakabahan naman siya na baka mamaya ay mag-iba nanaman ang emosyon nito. "Magandang umaga po, butler Choi." Sabay ngiti ni Vetarie na tila wala siyang iniindang problema. Ang mata ni Choi ay nagliwanag bigla at saka ngumiti rin agad sa dalaga. "Tawagin mo ako kapag dumating si Caden. Ako na ang magsasabi sa kanya ng mga dapat niyang gawin." Hanggang sa nawala na lang ng parang bula si Choi at hindi rin nila maipinta ang saya na makitang magkasama ang dalawa. S
Nang dahil sa katandaan ni Kolton Kaede, hindi na siya pinapakilos ng mga tao sa mansyon. Dahil marami na rin itong sakit at mas lalong tumitindi ng dahil sa pagkawala ng isa niyang apo na si Vetarie Kaede. Ayaw nitong tumigil sa paghahanap dahil nagbabakasakali siya na umalis lang ito at babalik muli. Kaya naman ang mga katulong sa mansyon ay hindi maiwasan na mag-alala sa matanda, lalo na ngayon at nagmamatigas itong maigi. "Ayokong kumain! Hanggang ngayon ba ay wala pa rin kayong makuhang balita? Anong silbe ng perang binibigay ko sa inyo kung hindi n'yo makita-kita?!" Halos lahat sila ay naninibago kay Kolton. Ito kasi ay napakaayos magsalita at hindi ito sumisigaw. Kaso ng dahil sa pagkawala ni Vetarie sa loob nang limang buwan ay naging magagalitin na ito. Palagi itong galit at hindi man lang ito sumusunod sa mga tao sa bahay, lalo na kapag kakain o iinom ito ng gamot."Kailangan n'yo pong umino—" Nagulat ang lahat ng biglang tinabig ni Kolton ang isang tray na dala-dala ng i
Parang mga chismoso at chismosa ang mga tao sa labas ng kwarto ni Hanlu at kung nasaan si Vetarie. Sila ay nag-iintay na mabigyan ng magandang resulta ni Hanlu, dahil simula nang ito ay pumasok, bigla na lang din nawala ang lakas nang iyak ni Vetarie. Ang kanilang mga taenga ay malapit ng humaba sa sobrang pagkakadikit sa pader at maging sa pinto. "Butler Choi, sa tingin n'yo ba ay napatahan ni young master si ma'am Vetarie?" tanong ng isang katulong at nagkibit balikat lamang si Choi, pero nananalangin siya na sana nga ay tumahan na ito dahil parang dinudurog kanina ang kanyang puso na makita itong umiiyak. Hanggang sa laking gulat na lang nila nang biglang bumukas ang pinto at ang lahat sa kanila ay umayos nang tayo. "Butler Choi," seryosong tawag ni Hanlu at saka pinagmasdan niya ang mga tao sa paligid na tila pawis na pawis at saka magugulo ang suot. "Y-yes, young master," utal na sabog ni Choi, dahil na rin sa pagkagulat niya. "Prepare something for me. Bring it here." Mabi
Sa loob ng limang buwan, ang mukha ni Hanlu ay mas lalong dumidilim. Hindi siya maipinta ng kanyang mga empleyado, kahit na ang sekretarya nitong si Caden. Lutang ito sa tuwing magpapatawag ng meeting at talagang malayong-mayo ang isipan nito sa mga nangyayari. Kaya naman napapakamot na lamang ang mga naririto sa isang kwarto, kung saan pinag-uusapan ang bagong project na gagawin ng buong company. "Boss," tawag ni Caden, pero ang isip nito ay lutang pa rin. Ang hawak-hawak niyang ballpen ay kanina pa gumagawa ng ingay sa silid na tahimik. Panay kasi ang laro ni Hanlu sa takip nito, dahilan na magbigay ito ng ingay. Kaya naman napalunok na lang nang laway si Caden at saka muling tinawag si Hanlu. "Boss Hanlu." Kasabay no'n ang paglingon ni Hanlu na tila nagising sa katotohanan. "What's the problem?" tanong Hanlu at saka napakamot tuloy bigla ang lahat na naririto. "Kasi wala nanaman kayo sa pag-iisip. Gusto n'yo bang magpahinga muna?" Dahil doon ay bigla na lang inilibot ni Hanlu












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ulasan-ulasan