Maagang nagigising ang mga katulong sa mansyon, dahil kailangan nilang ipaghanda ng pagkain si Hanlu. Pero laking gulat nila na makita itong gising na at saka nakabihis na ito, kahit na naninibago pa sila dahil ito ang oras ng kanyang gising at pag-aayos. "Young master, Hanlu," tawag ni Choi sa kanyang amo. Magsasalita sana itong muli, pero agad itong natigilan ng mapansin niya ang isang anino na nakita niya sa kanyang tabi. "Ma'am V-Vetarie?" Hindi makapaniwala si Choi at saka agad na tumungo, senyas ng paggalang. Habang kinakabahan naman siya na baka mamaya ay mag-iba nanaman ang emosyon nito. "Magandang umaga po, butler Choi." Sabay ngiti ni Vetarie na tila wala siyang iniindang problema. Ang mata ni Choi ay nagliwanag bigla at saka ngumiti rin agad sa dalaga. "Tawagin mo ako kapag dumating si Caden. Ako na ang magsasabi sa kanya ng mga dapat niyang gawin." Hanggang sa nawala na lang ng parang bula si Choi at hindi rin nila maipinta ang saya na makitang magkasama ang dalawa. S
Nang dahil sa katandaan ni Kolton Kaede, hindi na siya pinapakilos ng mga tao sa mansyon. Dahil marami na rin itong sakit at mas lalong tumitindi ng dahil sa pagkawala ng isa niyang apo na si Vetarie Kaede. Ayaw nitong tumigil sa paghahanap dahil nagbabakasakali siya na umalis lang ito at babalik muli. Kaya naman ang mga katulong sa mansyon ay hindi maiwasan na mag-alala sa matanda, lalo na ngayon at nagmamatigas itong maigi. "Ayokong kumain! Hanggang ngayon ba ay wala pa rin kayong makuhang balita? Anong silbe ng perang binibigay ko sa inyo kung hindi n'yo makita-kita?!" Halos lahat sila ay naninibago kay Kolton. Ito kasi ay napakaayos magsalita at hindi ito sumisigaw. Kaso ng dahil sa pagkawala ni Vetarie sa loob nang limang buwan ay naging magagalitin na ito. Palagi itong galit at hindi man lang ito sumusunod sa mga tao sa bahay, lalo na kapag kakain o iinom ito ng gamot."Kailangan n'yo pong umino—" Nagulat ang lahat ng biglang tinabig ni Kolton ang isang tray na dala-dala ng i
Parang mga chismoso at chismosa ang mga tao sa labas ng kwarto ni Hanlu at kung nasaan si Vetarie. Sila ay nag-iintay na mabigyan ng magandang resulta ni Hanlu, dahil simula nang ito ay pumasok, bigla na lang din nawala ang lakas nang iyak ni Vetarie. Ang kanilang mga taenga ay malapit ng humaba sa sobrang pagkakadikit sa pader at maging sa pinto. "Butler Choi, sa tingin n'yo ba ay napatahan ni young master si ma'am Vetarie?" tanong ng isang katulong at nagkibit balikat lamang si Choi, pero nananalangin siya na sana nga ay tumahan na ito dahil parang dinudurog kanina ang kanyang puso na makita itong umiiyak. Hanggang sa laking gulat na lang nila nang biglang bumukas ang pinto at ang lahat sa kanila ay umayos nang tayo. "Butler Choi," seryosong tawag ni Hanlu at saka pinagmasdan niya ang mga tao sa paligid na tila pawis na pawis at saka magugulo ang suot. "Y-yes, young master," utal na sabog ni Choi, dahil na rin sa pagkagulat niya. "Prepare something for me. Bring it here." Mabi
Sa loob ng limang buwan, ang mukha ni Hanlu ay mas lalong dumidilim. Hindi siya maipinta ng kanyang mga empleyado, kahit na ang sekretarya nitong si Caden. Lutang ito sa tuwing magpapatawag ng meeting at talagang malayong-mayo ang isipan nito sa mga nangyayari. Kaya naman napapakamot na lamang ang mga naririto sa isang kwarto, kung saan pinag-uusapan ang bagong project na gagawin ng buong company. "Boss," tawag ni Caden, pero ang isip nito ay lutang pa rin. Ang hawak-hawak niyang ballpen ay kanina pa gumagawa ng ingay sa silid na tahimik. Panay kasi ang laro ni Hanlu sa takip nito, dahilan na magbigay ito ng ingay. Kaya naman napalunok na lang nang laway si Caden at saka muling tinawag si Hanlu. "Boss Hanlu." Kasabay no'n ang paglingon ni Hanlu na tila nagising sa katotohanan. "What's the problem?" tanong Hanlu at saka napakamot tuloy bigla ang lahat na naririto. "Kasi wala nanaman kayo sa pag-iisip. Gusto n'yo bang magpahinga muna?" Dahil doon ay bigla na lang inilibot ni Hanlu
Kinabukasan, abala ang lahat sa kanilang paglilinis at paghahanda ng pagkain para sa lahat. Ang mga katulong sa mansyon ni Hanlu ay maligalig na pwedeng gawin ang lahat, dahil nagagawa naman nila ng tama ang kanilang mga trabaho.Sila ay nakakapagluto at nakakakain kung kailan nila gusto. Dahil sobrang busy rin naman nito at talagang hindi nila ito minsan nakikita, pero nang dumating ang dalagang si Vetarie ay araw-araw na itong nasa bahay at palagi rin nilang nakikita na inaasikaso niya ang dalaga.Kaya ang bawat isa sa kanila ay hindi maiwasan na maisip na gusto ito ng kanilang boss dahil alam naman nilang hindi ito ganito sa tagal na nilang nagtrabaho sa pamilya ni Hanlu. Kilalang-kilala na ito ng lahat at nakakapanibago kung makita nilang ganito ito.Samantalang sa kabilang banda, isang babae ang nakahiga sa isang napakalaking kama at para siyang prinsesa ng dahil sa napakagandang mukha nito. Ang mu
Nakasandal lamang sa swivel chair si Hanlu habang hinihintay niya si Caden. Limang buwan na siyang problemado dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising si Vetarie. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya, matapos niyang makita ito at dalhin sa hacienda ay naging problemado na siya. Halos maya't maya niya kung maisip ang dalaga at hindi maiwasan na mag-alala."Boss." Narinig ni Hanlu ang boses ni Caden at may inilapag itong folder. Mabilis niya itong binuksan at nakita niya ang iba pang information ni Vetarie.Ang mga mata ni Hanlu ay hindi makapaniwala, sapagkat ilang buwan na silang hindi makakuha ng information nito dahil alam naman niya ng ko'nti ang background nito. Alam niya na mahirap kuhanin ang information ng dalaga ng dahil na rin sa may kakayahan ang pamilya nito. Pero sa pagkakataong ito ay napangisi si Hanlu nang makita niya ang papel sa kanyang harapan."How is she?" tanong