“NAKU naman Matt, ilang beses ko bang sasabihin sa iyong may pera pa naman ako. Sobra-sobra na iyong ibinibigay mo sa amin. . .” “Tanggapin nyo na po ‘yan, Manang Terry. Mas okay na iyong sobra kesa kulang,” nakangiting sabi ni Matt sa matanda, nang hindi iyon tanggapin ng babae ay pilit niya iyong isinuksok sa mga kamay nito, “Magagalit ako kapag hindi mo ito tinanggap.” “Bakit ba napakabait mo sa akin?” Napabuntong hiningang tanong ng matanda, saka tiningnan ito nang matiim, “Kaya gabi gabi, wala akong dasal kundi ang maging masaya ka at ilayo ka sa mga masasamang tao at mga sakuna.” Anang matanda sa lalaki. Napangiti lang si Matt sa tinurang iyon ng matanda. Nilingon siya ni Manang Terry, “Alagaan mong mabuti itong lalaking ito. Bantayan mo sa mga babaeng umaaligid,” pabirong sabi nito sa kanya. Tipid na ngiti lang ang itinugon niya ditto. “Sige ho, aalis na kami. Kayo na munang bahala rito.” Paalam ni Matt
“I LOVE YOU,” Bigla ay nasabi ni Natalia kay Matt pagkatapos nilang magtalik. Biglang napabalikwas si Matt, gulat na gulat na napatingin sa kanya, nakakunot ang nuo. “Alam mong hindi kasama sa usapan natin ang ganyan, hindi ba?” Sabi nito sa medyo galit na tono. “Hindi ako robot, Matt. Hindi ko ginustong maramdaman ito!” “Ngayon pa lang, sinasabi ko na saiyong wala kang aasahang pagmamahal mula sakin,” matabang na sabi nito sa kanya, tumayo ito at pumasok sa banyo. Ilang sandali pa ay naririnig na niya ang lagaslas ng tubig. Parang may matalas na bagay na gumuguhit sa kanyang dibdib habang inuulit sa isipan ang sinabi ni Matt. Hindi kasali sa usapan nila ang ma-involve ang kanilang mga damdamin? Ramdam niya ang pangingilid ng kanyang mga luha. Maski siya ay ilang beses niyang minura ang kanyang sarili dahil sa nararamdaman niyang ito kay Matt. Ngunit kahit anong gawin niyang pagpipigil, ewan kung bakit nakaramdam pa rin
AKMANG TATAKBO palabas ng mall si Girlie ngunit kaagad siyang nahawakan sa braso ni Dean. “Bitiwan mo ako kung ayaw mong simigaw ako ditto!” “Sa lahat ng ayoko iyong ginagago ako!” Galit na galit na sabi ni Dean kay Girlie, napangiwi si Girlie nang halos mapilipit na ang braso niyang hawak nito. “Pwede ba Dean, nasasaktan ako,” aniyang pilit na kumakawala sa pagkakahawak nito. Nangako siya kay Matt na hinding-hindi na siya makikipag-ugnayan pa kay Dean kapalit ng malaking halaga ng pera at hindi naman niya iyon sisirain lalo pa at pinagbantaan siya ni Matt na oras na sumira siya sa usapan ay ipakukulong siya nito. Alam niyang hindi nagsisinungaling sa kanya si Matt nang sabihin nito ang mga kabulastugang kinasasangkutan ni Dean at ayaw niyang madamay pa rito. “Bakit mo ako pinagtataguan?” Tanong nito sa kanya. “Obvious naman, hindi ba? Masama kang tao at ayokong masangkot sa mga illegal transactions mo!” Prangkang sabi niya rito.
“NAKAKASUKA ka,” galit na dinuraan ni Natalia sa mukha si Matt, iniisip pa lamang niyang pagkatapos nitong makipag-sex sa kanyang kapatid ay siya naman ang gusto nitong sipingan ay gusto ng bumaligtad ng sikmura niya. Pinahid lang ni Matt ng kamay nito ang dura niya saka waring na-trigger ito sa ginawa niya, kaagad siyang itinulak pahiga ng kama. Pinigilan niya ang pag-alpas ng mga luha sa kanyang mga mata. Hindi niya alam kung paano niya nagawang ibigin ang ganitong klase ng lalaki na wala namang pakiramdam basta mapagbigyan lang ang tawag ng katawan. Akmang hahalikan siya nito sa kanyang mga labi ngunit mabilis niya iyong iniiwas. Suklam na suklam siya. Pinunit ni Matt ang suot niyang damit, hindi siya nagpapakita ng kahit na anupamang emosyon dito. Ni hindi niya ipinahalatang naapektuhan siya nang hawakan nito ang maseselang bahagi ng kanyang katawan. Gumapang ang mga labi nito sa kanyang dibdib, paibaba sa kanyang pus
“SAAN MO DINALA SI GIRLIE?” Pinagpapalo ni Natalia ang dibdib ni Matt, “Hayup ka, napakasama mo talagang tao! Nakakadiri ka!” Sigaw niya rito ngunit hindi niya alam kung bakit kahit anong sabihin niyang pang-iinsulto ay hindi siya nito pinapansin kaya mas lalong naghuhumiyaw ang galit na nararamdaman niya para dito. Kinaiinisan rin niyang bigla na lamang nitong pinaalis ng mansion si Girlie na ni hindi man lamang niya alam kung saan ito dinala ng lalaki at ayaw naman nitong sabihin kung nasaan ang kapatid niya. “Napaniwala akong kahit pano may natitira pang kabutihan dyan sa puso mo. Na talagang tinulungan mo ako para hindi tuluyang mapariwara ang kapatid ko. Iyon pala, pareho mo lang kaming pinaglalaruan, hayup ka. Wala kang kasing sama!” Umiiyak na sigaw niya rito. Hindi nagsalita si Matt, sa halip ay isinara nito ang binabasang libro at lumabas ng library ngunit wala siyang balak na tigilan ito hangga’t hindi niya ito napapaamin kung nasaan a
KAARAWAN ng isang kilalang senador at isinama ni Matt si Natalia sa pagtitipong iyon. Binihisan siya ni Allyson ng isang kulay gold na gown. Isang simpleng blue sapphire earings at bracelet naman na nagkakahalaga raw ng thirty five million pesos ang ipinasuot nito sa kanya. Ang kanyang blue pumps na may mga sapphire na dekorasyon ay milyon rin daw ang halaga. Marami ng tao nang dumating sila ni Matt. Pagkalipas ng ilang minuto ay namataan niya ang pagdating ni Elena. Ang ganda rin nito sa suot na red gown. Pagkalalaki ng mga makikinang na diamonds na suot nito sa katawan. Pihadong hindi bababa sa isang daang milyon ang halaga ng mga iyon. Nakakalula. Parang lahat ng mga babae ay gustong magpatalbugan sa isa’t-isa. Iniwan siya saglit ni Matt sa isang sulok para kapulungin ang isang congressman. Nakakuha ng pagkakataon si Elena para malapitan siya. “Nakakatawang kahit san na lang magpunta si Matt, may bitbit na escort girl,” mapanuyang sabi
“MA’M, pinagbibihis po kayo ni Sir,” sabi ni Vicky kay Natalia nang hatinggabi ay katukin siya nito sa kuwarto. “Bakit raw?” Nagkibit balikat ito, “Pakibilisan nyo raw po, magpalit lang daw kayo ng damit, may pupuntahan raw kayo.” Hindi niya alam kung saan sila pupunta ng disoras ng gabi. Hinubad niya ang pantulog at nagsuot ng white shirt at kupasing maong. Naghihintay na sa kotse si Matt nang lumabas siya ng kuwarto. Kaagad siyang iginiya ni Rigor pasakay sa kotse. “Saan tayo pupunta?” Nagtatakang tanong niya kay Matt. “Isinugod sa ospital ang tatay mo,” tipid na sagot nito sa kanya. Nagulat siya sa sinabing iyon ng lalaki, “Anong nangyari kay Papang?” Nag-aalalang tanong niya. “Bigla na lang daw natumba sa tapat ng gate ninyo. Mabuti nakita ng mga kapitbahay,” sabi nito sa kanya. “Diyos ko.” Nasambit niya habang panay ang kabog ng dibdib. Pinagtatakhan niyang nalaman nito ang tungko
PUMASOK SI MATT sa kuwarto ni Natalia, hatinggabi. Hindi iyon inaasahan ni Natalia, in fact inaantok na siya at papatulog na siya. Ngunit biglang nawala ang antok niya nang sipingan siya ni Matt. Ewan ba niya kung bakit kahit anong pili tang pagkonbinsi niya sa sarili, rumurupok siya sa tuwing mahahagkan siya ni Matt. Sa kabila ng mga ginagawa nito sa kanya, ni hindi niya makayanang labanan ang damdamin niya para dito. Gusto niyang magalit sa kanyang sarili dahil hinahayaan lang niyang paglaruan nito ang damdamin niya. Malinaw naman na wala siyang aasahan dito. Kung sinisipingan man siya ni Matt, iyon ay dahil sa tawag lang ng pangangailangan. No more no less. Habang siya, sa paglipas ng mga araw ay mas lalong lumalalim ang damdamin niya para dito. Nakakatawang nakakainis. Imagine, nakuha pa niyang umibig dito pagkatapos ng lahat ng ito? Sinong matinong babae ang maiinlab sa isang lalaking sa umpisa pa lang ay malinaw