Share

CHAPTER 158

Author: Ellise
last update Petsa ng paglalathala: 2026-06-25 22:51:07

ELIRA POV

"Hindi kami nag-aaway, Captain," mabilis na sabi ko habang pilit na pinapakalma ang boses ko. Binuhat ko si Zion at isinandig ang ulo niya sa balikat ko. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko, hindi lang dahil sa biglaang pagpasok ng anak ko, kundi dahil sa huling tanong ni Azriel.

Sumulyap ako kay Azriel. Nakaayos na siya ng tayo sa likod ng desk niya, pero ang dalawang kamay niya ay nakakuyom sa gilid ng kaniyang pantalon. Ang panga niya, mas lalong nag-igting, at ang kan
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 160

    ELIRA POVHalos hilahin ko si Zion pabalik sa loob ng mansyon. Ramdam ko ang pagtataka ng anak ko dahil bigla kong binawi ang mga laruan niya, pero wala akong magawa. Ang lamig ng kamay ko. Pakiramdam ko, kahit nandoon kami sa gitna ng sikat ng araw sa malawak na garden ng mga Monteverde, may mga mata pa ring nakatitig sa bawat galaw namin."Mommy, nasasaktan po ako," mahinang reklamo ni Zion habang paakyat kami sa may beranda.Napatigil ako. Agad kong niluwagan ang hawak ko sa maliit niyang pulso at lumuhod sa tapat niya. Bakas ang takot sa mga mata ng anak ko. "Sorry, love. Sorry. Naalala lang ni Mommy na may nakasalang pala kaming gatas ni Manang Melba sa kusina. Hindi ba napwersa 'yung kamay mo?"Umiling siya, pero nanatiling nakatitig sa akin. "Mommy, bakit po maputla ang face mo? May bad guys na naman po ba?"Napakagat-labi ako habang pilit na hinahaplos ang pisngi ng anak ko. Ang sakit-sakit isipin na sa murang edad niya, ang unang naiisip niya kapag nagpapanic ako ay ang mga '

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 159

    ELIRA POVNanatili akong nakatayo sa may madilim na bahagi ng kusina. Tanging ang ilaw lang mula sa refrigerator at ang mahinang liwanag mula sa garden ang nagbibigay ng anino sa aming dalawa. Nakatitig lang ako kay Azriel habang dahan-dahan niyang ibinababa ang kaniyang sapatos sa sahig. Mukha siyang pagod na pagod. Ang kaniyang mga balikat na palaging tuwid at nagpapakita ng awtoridad ay tila bumagsak, at ang kaniyang buhok na palaging maayos ay magulo na, na parang kanina pa niya ito sinasabunutan sa tindi ng stress.Nang mag-tama ang mga mata namin, pakiramdam ko ay umurong lahat ng sasabihin ko. Walang bakas ng galit sa mukha niya mula sa pagtatalo namin kaninang hapon. Puro pagod lang. Isang malalim at mabigat na pagod.Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa kitchen island. Ipinatong niya ang pareho niyang kamay sa marmol na counter at yumuko nang bahagya, humihinga nang malalim.Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko, pero kinuha ko ang isang malinis na baso mula sa lalagy

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 158

    ELIRA POV"Hindi kami nag-aaway, Captain," mabilis na sabi ko habang pilit na pinapakalma ang boses ko. Binuhat ko si Zion at isinandig ang ulo niya sa balikat ko. Ramdam ko pa rin ang mabilis na tibok ng puso ko, hindi lang dahil sa biglaang pagpasok ng anak ko, kundi dahil sa huling tanong ni Azriel.Sumulyap ako kay Azriel. Nakaayos na siya ng tayo sa likod ng desk niya, pero ang dalawang kamay niya ay nakakuyom sa gilid ng kaniyang pantalon. Ang panga niya, mas lalong nag-igting, at ang kaniyang mga mata ay dahan-dahang lumambot nung tumingin siya kay Zion, pero bago pa man siya makapagsalita ay umiwas na ako ng tingin."Let's go sa living room, love. Manonood pa kayo ng cartoons ni Manang Melba, 'di ba?" yaya ko kay Zion habang dahan-dahan akong humahakbang palabas ng study room.Hindi ko na hinintay ang sagot ni Azriel. Dire-diretso akong naglakad palayo, ramdam ang bigat ng kaniyang titig na nakasubaybay sa amin hanggang sa magsara ang pinto.Pagkababa namin sa living room, ibi

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 157

    ELIRA POVNanginginig ang mga daliri ko habang tinatapos ko ang huling pangungusap sa aking typing test. Eksaktong dalawang minuto bago maubos ang oras sa timer nang mapindot ko ang Submit button sa portal ng kliyente."I've submitted the sample, Ms. Katherine," hingal na pahayag ko sa earphones ko, pilit na itinatago ang kaba na dulot ng muntikang pagkahuli ni Azriel kanina."Perfect, Elira. I actually saw your live updates on the document tracker. Impressive turn-around time despite the minor distraction on your end," nakangiting sagot ng interviewer mula sa Singapore. "We will review this with the editorial team today. You can expect an update by Wednesday regarding the final contract offer and onboarding details.""Thank you so much. I appreciate your time," sagot ko bago tuluyang nagpaalam at pinindot ang *End Call*.Nang mag-black ang screen ng laptop, doon ko lang naramdaman ang matinding panghihina ng tuhod ko. Napasandal ako sa swivel chair at napapikit. Nagawa ko. Sa kabila

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 156

    ELIRA POVNaramdaman ko ang malamig na hangin ng aircon mula sa likuran ko, pero ang totoo, pinagpapawisan na ako sa tindi ng kaba. Nakatayo si Azriel sa harap ko, hawak ang kaniyang leather folder, at ang kaniyang mga mata ay dahan-dahang bumaba mula sa mukha ko patungo sa earphones na nakasabit sa leeg ko."What's taking you so long, Elira? At bakit naka-lock ang pinto?" mababa ngunit mariin ang kaniyang boses. Nilakihan niya nang kaunti ang bukas ng pinto gamit ang kaniyang braso, dahilan para mapaatras ako ng isang hakbang."Ah, may... may pinakikinggan lang ako. At saka nagpapalit ako ng damit kanina, kaya ko nai-lock," mabilis na palusot ko, kahit alam kong medyo manipis ang dahilan ko dahil nakasuot pa rin ako ng parehong cardigan mula kaninang umaga.Sumulyap siya sa loob ng kwarto ko. Mula sa pwesto niya, kitang-kita ang liwanag ng screen ng laptop ko na nakapatong sa desk. Naka-mute ang Skype call, pero alam kong gumagalaw pa rin ang timer doon.Kinagat ko ang labi ko habang

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 155

    ELIRA POVLumipas ang buong katapusan ng linggo na parang may nakatagong kuryente sa loob ng mansyon. Kahit anong gawin kong pag-iwas sa study room ni Azriel, pakiramdam ko ay sinusundan pa rin ako ng kaniyang mga paalala. Noong Linggo ng gabi, halos hindi ako nakatulog. Paulit-ulit kong nirebisa ang aking portfolio sa laptop, sinisigurong maayos ang mga sample articles ko para sa freelance gig.Ngayong Lunes ng umaga, eksaktong alas-nuwebe, narinig ko ang pag-andar ng SUV ni Azriel palabas ng main gate. Sumilip ako sa bintana at nakita ang huling sulyap ng itim na sasakyan habang nilalamon ng modernong kalsada ng Forbes Park. May board meeting siya sa main office at susunod siya sa opisina ni Atty. Ramos pagkatapos.Ito na ang pagkakataon ko.Bumaba ako sa kusina para matingnan si Zion. Kasalukuyan siyang pinapakain ni Manang Melba ng hiniwang saging at oatmeal sa may hapunan. Mukhang masigla ang anak ko, malayo sa matatakuting bata na binuhat ko palabas ng probinsya ilang linggo na

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 85

    ELIRA POVIpinatong ko ang tasa ng chamomile tea sa ibabaw ng wooden coaster sa coffee table. Mainit pa rin ang singaw nito, pero unt-unti nang nababawasan ang usok habang sumasabay sa lumalamig na hangin sa loob ng sala. Tiningnan ko si Azriel na kasalukuyang seryosong nag-aayos ng kaniyang mga sl

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 83

    ELIRA POVMabilis na binuksan ni Azriel ang pinto ng backseat para tulungan si Zion na makababa mula sa mataas na upuan ng SUV. Pagkalapag na pagkalapag ng mga paa ng anak ko sa semento ng driveway, agad siyang tumakbo patungo kay Manang Melba na nakatayo sa may tapat ng pinto, nakabukas ang mga ka

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 82

    ELIRA POVMabilis kong isinara ang pinto ng backseat pagkaakyat na pagkaakyat ni Zion. Narinig ko ang pamilyar na tunog ng awtomatikong pag-lock ng mga pinto ng gray SUV—isang click na nagpabalik sa akin sa loob ng ligtas na bubble na binuo ni Azriel para sa amin. Ramdam ko pa rin ang mabilis na ti

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 81

    AZRIEL POVIbinaba ko nang bahagya ang backrest ng aking upuan habang nakatitig sa digital clock ng dashboard. 9:52 AM. Walong minuto na lang bago ang pormal na dismissal ng kindergarten class ni Zion. Sa tabi ko, si Elira ay tahimik na nag-aayos ng kaniyang buhok, pilit na itinatago ang pangingini

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status