Share

The Billionaire's Forgotten Heir
The Billionaire's Forgotten Heir
Author: Ellise

CHAPTER 1

Author: Ellise
last update publish date: 2026-05-31 22:33:32

ELIRA POV

Napakabigat ng talukap ng mga mata ko. Pagkadilat ko, amoy ng alkohol at gamot sa ospital agad ang nalanghap ko. Sinubukan kong igalaw ang kanang kamay ko, pero may humihila rito—may swero pala ako.

"Elira? Hey, gising ka na ba?"

Isang pamilyar at malumanay na boses ang narinig ko sa loob ng kwarto. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang maputing kisame, kasunod ang nagaalalang mukha ni Lysander Monteverde. Si Zander—ang pinsan ng lalaking mahal ko.

​"Z-Zander..." Paos ang boses ko at tuyong-tuyo ang lalamunan ko. "Nasaan ako? Si Azriel?"

Agad na lumapit si Zander at inayos ang unan sa likod ko para matulungan akong maupo nang kaunti. Inabutan niya ako ng isang basong tubig na may straw. "Dahan-dahan lang. Nandito ka sa St. Jude. Naaksidente 'yung sinasakyan mong taxi kagabi habang pauwi ka galing school."

Uminom ako ng kaunti habang pilit na pinapakalma ang isip ko. "Si Azriel? Tinawagan mo ba siya? Alam ba niya?"

​Natigilan si Zander. Nawala ang ngiti niya at biglang seryoso at malungkot ang hitsura niya. Iniwas niya ang tingin sa akin habang ibinababa ang baso sa maliit na mesa sa tabi ng kama ko.

"Elira, mas mabuting magpahinga ka muna," sabi niya, halatang iniiwasan ang tanong ko.

​"Zander, please. Nasaan ang pinsan mo?" Kinabahan na ako nang husto. Hindi normal ang kilos niya.

​Sakto namang bumukas ang pinto at pumasok ang isang doktor na may hawak na clipboard. Lumapit ito sa amin at ngumiti nang konti. "Ms. Marquez, mabuti naman at gising ka na. How are you feeling? May masakit ba sa katawan mo?"

"Medyo nahihilo lang po, Doc. Pero okay naman ako," sagot ko habang nakahawak sa sumasakit kong ulo. "Pwede na po ba akong makalabas?"

​Tumingin muna ang doktor kay Zander bago muling humarap sa akin. "Mabilis naman ang paggaling ng mga pasa mo. Pero kailangan mong mas maging maingat ngayon, lalo na't nasa unang trimester ka ng pagbubuntis mo. The baby is a fighter, Ms. Marquez. Ligtas ang anak mo sa kabila ng lakas ng impact ng bangga."

Napatulala ako. Buntis ako?

​Awtomatikong bumaba ang kamay ko sa flat kong tiyan. May nabubuong buhay sa loob ko—anak namin ni Azriel. Sa gitna ng takot, bigla akong naging masaya. Gusto kong tumakbo palabas ng ospital para yakapin si Azriel at sabihin sa kanya ang magandang balita.

"Salamat, Doc," mahinang sabi ni Zander.

Tumango ang doktor at lumabas na ng kwarto, kaya naiwan kaming dalawa na tahimik.

​"Zander, narinig mo 'yon?" lumingon ako sa kanya na sobrang saya. "Buntis ako. Kailangan kong tawagan si Azriel. Tiyak na matutuwa—"

"Hindi siya matutuwa, Elira."

Seryoso ang mukha at boses ni Zander. Sobrang seryoso kaya bigla akong kinabahan.

​"Ano'ng sinasabi mo?" Natawa ako nang pilit. "Ano ba'ng biro 'yan, Zander? Mahal ako ni Azriel. Magdadalawang taon na kami."

Bumuntong-hininga si Zander. Humila siya ng upuan at naupo sa tabi ko. Kinuha niya ang tablet niya mula sa mamahaling leather bag at may pinindot doon. "Ayaw ko sanang ipakita sa 'yo 'to habang nasa ospital ka. Pero mas maganda kung malaman mo na ang totoo ngayon pa lang, bago mo pa tuluyang masira ang buhay mo."

​Iniharap niya sa akin ang screen. Isang video.

Naka-focus ang camera sa isang sikat at mamahaling restaurant. Doon ay nakaupo si Azriel, suot ang paborito niyang navy blue suit, katabi ang isang napakagandang babae na halatang mayaman ang dating—si Nadia Soler, ang babaeng laging sinasabi ng pamilya Monteverde na bagay sa kanya. Kasama rin nila ang mga magulang ni Azriel at ang ama ni Nadia. Nagtatawanan sila, nagkakantiyawan, at nag-cheers gamit ang mga baso ng champagne.

"Ang kasal nina Azriel at Nadia ay gaganapin sa susunod na buwan," narinig kong sabi ng ama ni Azriel sa video. "Ito ang pinakamagandang merger para sa dalawang kumpanya."

​Tiningnan ko ang mukha ni Azriel sa screen. Walang makikitang pagtutol sa mukha niya. Nakangiti pa siya habang hawak ang kamay ni Nadia.

​"Fake 'yan... manipulated 'yan, Zander," nanginginig ang boses ko habang unti-unting tumutulo ang mga luha ko. "Hindi magagawa sa akin ni Azriel 'to."

"Hindi lang 'yan, Elira," sabi ni Zander habang naglalabas ng isang piraso ng papel mula sa bag niya at inilapag sa hita ko. "Alam na ni Azriel na buntis ka. Nalaman niya kagabi pa nung dinala ka rito. Ito ang sagot niya."

​Tiningnan ko ang papel. Isang waiver mula sa isang sikat na legal firm—ang firm na humahawak ng mga kaso ng pamilya Monteverde. Nakasulat doon ang pangalan ko, at sa ibaba ay may nakalagay na halagang limampung milyong piso.

Kapalit ng pera? Isang pirma ko lang para sa isang "medical procedure" para ipalaglag ang anak ko, kasama ang isang non-disclosure agreement na hinding-hindi ko na lalapitan si Azriel kahit kailan. Sa pinakaibabang bahagi ng papel, naroon ang isang pamilyar na pirma. Kabisadong-kabisado ko 'yon dahil palagi kong nakikita sa mga regalong ibinibigay niya sa akin.

Ang pirma ni Azriel Monteverde.

"Sabi ni Azriel, istorbo lang ang batang 'yan sa mga pangarap niya," bulong ni Zander, habang nagkukunwaring naaawa. "Kailangan mong umalis, Elira. Kung hindi mo pipirmahan 'yan, baka mas masamang paraan pa ang gawin nila para mawala ang bata."

​Napatitig ako sa pinto ng banyo rito sa kwarto, habang tuloy-tuloy ang tulo ng mga luha ko at nababasa na ang puting kumot na nakatakip sa mga hita ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 175

    ELIRA POVMiyerkules ng gabi, mag-aalas-otso na nang marinig ko ang pagbusina ng sasakyan ni Azriel sa labas. Katatapos lang namin maghapunan ni Zion, at kasalukuyan siyang kinakausap ni Manang Melba sa sala tungkol sa mga planetang iginuhit niya sa kaniyang sketchpad.Pinunasan ko ang mga kamay ko sa isang kitchen towel at lumabas patungong foyer para salubungin siya. Pagkabukas ng pinto, pumasok ang malamig na hangin ng gabi kasabay ni Azriel. Halatang pagod siya. Ang kaniyang necktie ay medyo maluwag na, at nakasampay na lang ang kaniyang suit jacket sa kaniyang kaliwang braso habang bitbit ang kaniyang leather briefcase sa kanang kamay."Welcome home," bati ko sa kaniya, pilit na pinapanatiling simple ang tono ng boses ko kahit na biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang magtama ang mga mata namin.Inabot niya sa akin ang kaniyang coat at briefcase bago huminga nang malalim. "Salamat. How's Zion? Nagkaproblema ba rito habang wala ako?""Wala naman, maayos ang lahat. Kausap ko rin

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 174

    ELIRA POVMiyerkules ng umaga. Masakit pa ang likod ko paggising dahil hatinggabi na ako natapos sa pag-aayos ng localization framework para sa Singapore agency. Pero kakaibang ginhawa ang sumalubong sa akin pagdilat ng mga mata ko. Lumingon ako sa gilid ng kama at nakitang gising na rin si Zion, tahimik na naglalaro ng kaniyang pulang eroplano habang nakahiga."Good morning, aking Captain," bati ko sabay hila sa kaniya para yakapin nang mahigpit."Good morning, Mommy! Sabi ni Manang Melba, may bagong milk daw po sa baba!" masayang sagot niya habang humihikab pa.Napangiti ako habang inaayos ang gulu-gulong buhok ng anak ko. "Sige na, mag-wash ng face tapos baba na tayo, ha?"Habang pababa kami sa hagdan, naramdaman ko ang pamilyar na amoy ng brewed coffee na galing sa kusina. Pero bago pa man ako makarating doon, naalala ko na naman ang mga huling salita ni Azriel kagabi sa beranda.*You are never an inconvenience to me, Elira. Sana pumasok 'yan sa isip mo.*Masyadong malalim ang bos

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 173

    AZRIEL POVPagkapasok na pagkapasok namin sa gate ng mansyon sa Forbes Park, ramdam ko agad ang pagbabago sa buong paligid. Hindi na ganoon kabigat ang hangin. Kahit ang mga guards at si Jojo na seryosong nagbabantay sa labas, may kaunti nang rilaks sa kanilang mga galaw. Mission accomplished na kami sa korte, at hawak na ni Ramos ang opisyal na kopya ng Permanent Protection Order. Legally, Zander is completely crossed out of Elira and Zion’s lives."Tito Azriel! Pwede po ba nating i-set up 'yung bagong train tracks sa carpet sa sala?" tanong ni Zion habang tinutulungan ko siyang bumaba mula sa backseat ng SUV."Sure, Captain. Pero tulungan muna natin ang Mommy mo na ipasok 'yung mga pinamili nina Jojo para sa lasagna mamaya," sagot ko habang pinapasan sa isang balikat ko 'yung dalawang malaking paper bag ng groceries na binili ng team bago kami umuwi.Sumunod si Elira sa amin, dala ang kaniyang maliit na handbag at ang kaniyang cream cardigan na nakasampay na ngayon sa kaniyang braso.

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 172

    AZRIEL POVTumahimik ang buong courtroom nang pumasok ang judge. Isang matandang babae na may salamin, seryoso ang mukha, at hawak ang isang makapal na piraso ng opisyal na dokumento. Ramdam ko ang lamig ng kamay ni Elira sa loob ng palad ko. Mas lalo ko itong hinigpitan para ipaalala sa kaniya na anuman ang mangyari, hinding-hindi ko siya bibitiwan sa silid na ito."We are here today for the final ruling on the petition for a Permanent Protection Order filed by the petitioner, Elira Marquez, against the respondent, Zander Monteverde," panimula ng judge, ang boses niya ay umaalingawngaw sa apat na sulok ng silid.Tiningnan ko ang tatlong abogadong ipinadala ni Zander sa kabilang panig. Nakaupo sila nang matuwid, pero halatang balisa. Alam kong alam nila kung anong epekto ng mga huling mosyon na ginawa nila nitong mga nakaraang araw. Ang tangka nilang pagpigil sa kaso at ang ginawa nilang surveillance sa BGC ay naging patunay lang na wala silang respeto sa proseso ng batas.Sana lang ay

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 171

    AZRIEL POVMaaga pa lang ay nakatayo na ako sa tapat ng full-length mirror sa aking dressing room, isinusuot ang aking navy blue na Tom Ford suit jacket. Habang inaayos ko ang aking necktie, napatingin ako sa aking repleksyon. Bakas sa aking mga mata ang kakulangan sa tulog, pero hindi ko maramdaman ang pagod. Masyadong maraming tumatakbo sa isip ko. Ngayong Martes ang nakatakdang paglalabas ng korte sa Permanent Protection Order para kay Elira at Zion. Ito ang araw na matagal kong pinaghandaan, ang araw na legal na puputol sa kakayahan ng kapatid kong si Zander na lapitan sila.Sumulyap ako sa aking desk kung saan nakapatong ang aking telepono. Ilang araw na ang nakalipas mula nung makuha ni Zander ang numero ni Elira sa pamamagitan ng pagbili sa assistant ni Atty. Ramos na si David. Noong gabing iyon, nung makita kong nanginginig si Elira habang hawak ang kaniyang phone, may kung anong galit ang sumiklab sa dibdib ko. Agad kong ipinatanggal si David at siniguradong hinding-hindi na

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 170

    ELIRA POVBuong hapunan kaming walang imikan ni Azriel. Si Zion lang talaga ang nagpapasigla sa lamesa dahil sa kwento niya tungkol sa bagong train tracks na niregalo sa kaniya. Pagkatapos kumain, nagpaalam agad si Azriel na babalik sa study room niya dahil may aasikasuhin pa raw siyang international structural reports para sa kumpanya.Umakay na ako kay Zion paitaas para ihanda siya sa pagtulog. Habang tinutulungan ko siyang magpalit ng pajama na may tatak na mga astronaut, hindi ko mapigilang mapatingin sa kawalan.*Sino bang nagsabi sa'yo na responsibilidad lang ang tingin ko sa'yo rito, Elira?*Ayan na naman. Paulit-ulit na bumabalik sa utak ko 'yung mga sinabi ni Azriel bago kami bumaba para maghapunan. Ano ba dapat ang isipin ko roon? Kung hindi responsibilidad ang tingin niya sa akin, ano? Hindi naman pwedeng... hindi, Elira. Huwag mong bigyan ng kahulugan ang mga salita ng isang Monteverde. Baka nadadala lang siya sa sitwasyon. Baka dahil gabi-gabi kaming magkakasama rito at n

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 5

    ELIRA POV"Ibig sabihin, wala ka talagang magagawa, Soren?" Hinawakan ko nang mahigpit ang dulo ng lamesa sa tapat ng opisina ng head legal counsel ng Monteverde Holdings.Tumingin sa akin si Soren Rossi nang may halong simpatya, pero seryoso pa rin ang mukha niya. "Elira, I'm just the corporate la

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 54

    AVERY POVPagpasok ko sa home office ni Azriel, agad kong narinig ang marahang click ng pinto nung isara niya 'yon. Sobrang lamig ng aircon dito sa loob kumpara sa kusina, o baka nadadagdagan lang talaga ng pakiramdam ko dahil sa kaba. Umupo si Azriel sa swivel chair niya habang ako naman ay nanati

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 7

    ELIRA POVMabilis kong isinarado ang pinto ng unit at agad na pinihit ang lock. Sumandal ako roon, hinahabol ang hininga ko habang marahas na tinatapik ang dibdib ko. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng buong katawan ko mula sa engkwentro namin kay Azriel sa labas ng gusali."Mommy, why are you cry

  • The Billionaire's Forgotten Heir   CHAPTER 6

    AZRIEL POV"Sir, nasa elevator pa lang po si Ms. Marquez. Pababang lobby," ulat ng chief of security ko sa kabilang linya."Huwag niyo siyang hahawakan. Bantayan niyo lang kung saan siya pupunta, at siguruhin niyong hindi siya makakasakay ng taxi," utos ko bago ko ibaba ang telepono.Nanginginig an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status