Share

The Billionaire's Forgotten Heiress
The Billionaire's Forgotten Heiress
Author: Crescentia Dela Cruz

Prologue

"Luxe?!" Nanlalaki ang mga mata at gulat na gulat na binanggit ni Kirtsy ang pangalan ng kaniyang dating nobyo na ngayon ay nasa harapan niya. Disente itong nakaupo sa isang swivel chair habang nakatitig sa kaniya. Sa lamesa sa may harapan nito ay may nakalagay na 'Office of the CEO, Mr. Luxe Hiraya'.

"Ah yes, Ako nga si Luxe Hiraya. I just want you to meet personally kasi talagang gustong-gusto ko ang lasa ng mga niluluto mo, Chef Kirsty!" Saad nito na hindi man lamang nagtaka sa kaniyang naging gulat na reaksyon.

Pinilit niyang i-pormal ang kaniyang sarili. Binigyan niya ito ng sapilitang ngiti na kalaunan ay naging isang ngiwi ang kinalabasan. "Mabuti at nagugustuhan mo ang lasa ng mga niluluto ko Mr? Luxe Hi—saglit siyang napalunok ng kaniyang laway—Hiraya!"

Hindi niya mapigilan ang mautal sa pagsasalita dahil sa rebelasyon na nasa kaniyang harapan. All those years, hinanap niya ang lalaki. Handa naman siyang tanggapin ang galit nito sa kaniya dahil may karapatan naman ito ngunit sa kabilang banda ay hindi niya mapigilan na maitanong. Nawala na ba ang pagmamahal nito sa kaniya kaya nagawa nitong maglaho nalang na parang bula ilang taon na ang nakakaraan? At pagkatapos, sa ngayong muling pagkikita nila ay kung umasta ito ay parang hindi siya nito kilala. Na parang ni-minsan ay hindi siya naging bahagi ng dating simpleng buhay nito.

(Disclaimer: The characters and events in this book are entirely fictional and made from the imagination of the author.)

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status