Teilen

CHAPTER 5

last update Veröffentlichungsdatum: 21.09.2026 12:52:20

Talia's POV

Apat na taon ang mabilis na lumipas.

Nakatayo ako sa tapat ng napakataas na glass building ng Mercer Group sa BGC. Sa loob ng apat na taong paninirahan sa La Union, maayos kong napalaki si Santi habang nagtatrabaho bilang freelance virtual assistant at writer. Pero habang lumalaki siya, lumalaki rin ang mga pangangailangan namin—sa paaralan, sa bahay, at sa kinabukasan niya.

Nang makatanggap ako ng offer mula sa isang kilalang recruitment agency para maging Executive Secretary ng CEO ng Mercer Group, napagdesisyunan kong oras na para bumalik ng Maynila. Malaki ang pasahod at kumpleto sa benepisyo. Walang nakasulat na pangalan ng CEO sa kontrata, pero inisip ko na baka nagpalit na ng pamumuno sa nakalipas na apat na taon.

"Mommy, look! Super tall building!" masayang sabi ng apat na taong gulang kong anak habang nakahawak sa kamay ko.

Tumingin ako sa kaniya at napangiti. Nakasando at shorts siya ngayon habang dala-dala ang kaniyang maliit na backpack. Kamukhang-kamukha niya talaga ang lalaking iyon—mula sa kaniyang bilog at matatalinong mata hanggang sa hugis ng kaniyang panga.

"Opo, baby. Dito magtatrabaho si Mommy starting today," sabi ko habang nagdidip sa kaniya para ayusin ang kaniyang buhok. "Ihahatid ka muna ni Tita Maya mo sa daycare sa kabilang kanto, ha? Magpapakaitab ka roon."

"Okey, Mommy! Good luck on your new job!" hinalikan ako ni Santi sa pisngi bago tumakbo pabalik sa kaibigan kong si Maya na naghihintay sa gilid ng sidewalk.

Huminga ako nang malalim bago inayos ang aking blazer at pumasok sa loob ng gusali.

Napakalaki ng lobby. Malamig ang aircon at pormal ang lahat ng taong naglalakad. Dumiretso ako sa reception desk at ipinakita ang aking kontrata at ID. Agad akong pinapunta sa 45th floor—ang executive floor.

Habang nasa loob ng elevator, pabilis nang pabilis ang tibok ng dibdib ko. Ito na ang bagong simula namin ni Santi. Walang sinuman sa lumang buhay ko ang nakakaalam na bumalik ako rito. Malayo na ako sa pamilya ko at kay Cedric.

Tumunog ang elevator. Nagbukas ang p***o sa isang maluwag, malinis, at napakatahimik na hallway.

"Ms. Talia Miranda?" bati sa akin ng isang middle-aged na babae na nakasalamin. " Ako si Ms. Ramos, the HR Manager. Tutulungan kitang mag-settle in sa desk mo."

Inituro niya sa akin ang isang malaking glass desk na matatagpuan mismo sa labas ng dalawang napakalaking p***o.

"Ito ang table mo," paliwanag niya habang itinuturo ang computer at mga folder. "Medyo mabilis ang pacing ng trabaho rito. Ang boss mo ay napaka-strict sa oras at sa kalidad ng trabaho. Papasok siya anumang oras ngayon kaya ihanda mo na ang schedule para sa araw na ito."

"Salamat po, Ms. Ramos," sagot ko habang inilalapag ang bag ko sa ibabaw ng desk.

Umalis si Ms. Ramos at naiwan akong mag-isa sa malawak na reception area. Nagsimula akong mag-log in sa computer at tingnan ang nakaimbak na daily calendar ng CEO. Habang binabasa ko ang listahan ng mga meeting, biglang tumunog ang pribadong elevator sa kabilang dulo ng hallway.

Ding.

Bumukas ang p***o ng elevator.

Isang matangkad na lalaki na nakasuot ng tailored navy blue suit ang lumabas. May hawak siyang leather briefcase sa kaniyang kaliwang kamay, habang naglalakad nang mabilis at may buong awtoridad. Nakasuklay paitaas ang kaniyang buhok, at mas lalong tumalas ang kaniyang mga feature kumpara noong huli ko siyang nakita.

Nahinto ang kamay ko sa ibabaw ng keyboard. Napako ang tingin ko sa kaniya.

Si Gideon Mercer.

Siya pa rin ang CEO. Wala palang nagbago.

Mabilis na bumalik ang lahat ng alaala ng gabing iyon—ang mga halik, ang init, at ang sulat na iniwan ko sa kaniyang nightstand bago ako tumakas nang walang paalam. Naramdaman ko ang biglang panginginig ng aking mga kamay habang nakatitig sa kaniya.

Hindi siya nakatingin sa akin habang naglalakad lapit sa p***o ng kaniyang opisina. Hawak niya ang kaniyang tablet at mabilis na nagbabasa ng mga ulat.

"Ms. Miranda, bring the sales forecast files to my office right now," malamig niyang utos nang hindi man lang nag-aangat ng tingin habang papasok sa p***o.

Bumigat ang bawat hakbang ko habang kinukuha ang mga folder sa ibabaw ng desk. Nag-ipon ako ng lakas ng loob bago kumatok nang tatlong beses sa kaniyang p***o at pumasok sa loob.

Nakatayo si Gideon sa tapat ng malaking glass window ng kaniyang opisina, nakatalikod sa akin habang inaalis ang kaniyang suit jacket at isinasabit ito sa swivel chair.

"Iwan mo na lang sa mesa," sabi niya sa parehong malamig at pormal na boses.

"Ito na po ang mga files, Mr. Mercer," mahina at nanginginig kong sabi.

Napatigil siya. Unti-unti siyang humarap sa kinaroroonan ko.

Nang mag-krus ang aming mga mata, naramdaman ko ang biglang pagtigil ng ikot ng mundo sa loob ng silid. Nanlaki ang kaniyang mga mata habang nakatitig sa mukha ko. Ang dating malamig at walang pakialam niyang ekspresyon ay napalitan ng matinding gulat at hindi paniniwala.

"Talia?" bulong niya sa mababang boses.

Lumunok ako nang malalim at pilit na pinanatili ang pormal na tayo. "Good morning, Sir. Ako po ang bagong Executive Assistant ninyo."

Tinitigan niya ako nang matagal, mula ulo hanggang paa, na para bang sinusuri kung totoong tao ang nakatayo sa harap niya o isang panaginip lang. Unti-unti siyang humakbang lapit sa akin. Bawat hakbang niya ay nagdudulot ng matinding kaba sa dibdib ko.

"Apat na taon," sabi niya habang nakatitig sa akin. "Apat na taon akong naghanap sa 'yo, Talia. Iniwan mo lang ako sa hotel room na may kasamang simpleng sulat, at pagkatapos ay naglaho ka na parang bula."

Napaatras ako nang bahagya nang huminto siya sa mismong harap ko. "Mr. Mercer, nandito po ako para magtrabaho. Nakaraan na po 'yon—"

"Nakaraan?" putol niya sa akin. May halong galit at hindi maipaliwanag na emosyon ang kaniyang boses. "Ginawa mo akong pampalipas-oras mo lang noong gabing iyon, tapos sasabihin mong nakaraan na?"

Bago pa ako makasagot, biglang bumukas ang p***o ng opisina nang walang kumatok.

"Mommy!"

Isang mabilis na yapak ng maliit na sapatos ang narinig sa buong silid. Tumakbo pumasok si Santi bitbit ang kaniyang maliit na backpack, at agad na yumakap sa mga binti ko.

"Nakalimutan ko po 'yong juice box ko sa bag niyo!" masayang sabi ng bata habang nakatingin sa akin.

Napatigil ako. Nawalan ako ng boses habang nakatingin sa aking anak.

Mula sa kinaroroonan ko, naramdaman ko ang biglang pagbabago ng hangin sa paligid. Dahan-dahang ibinaba ni Gideon ang kaniyang tingin sa batang nakakapitan sa binti ko.

Napatitig si Gideon kay Santi. Nakatitig din si Santi sa kaniya nang may pamilyar at mausisa na mga mata.

Tumingin si Gideon sa hugis ng mukha ng bata, sa kaniyang panga, at sa kaniyang mga mata. Pagkatapos, muli siyang tumingin sa akin. Ang matinding gulat sa kaniyang mukha ay unti-unting napalitan ng isang malalim na katotohanan.

"Talia..." marahang sabi ni Gideon habang nakatitig sa aming dalawa ng bata. "Sino ang batang ito?"

Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen

Aktuellstes Kapitel

  • The Billionaire's Hidden Legacy   CHAPTER 5

    Talia's POVApat na taon ang mabilis na lumipas.Nakatayo ako sa tapat ng napakataas na glass building ng Mercer Group sa BGC. Sa loob ng apat na taong paninirahan sa La Union, maayos kong napalaki si Santi habang nagtatrabaho bilang freelance virtual assistant at writer. Pero habang lumalaki siya, lumalaki rin ang mga pangangailangan namin—sa paaralan, sa bahay, at sa kinabukasan niya.Nang makatanggap ako ng offer mula sa isang kilalang recruitment agency para maging Executive Secretary ng CEO ng Mercer Group, napagdesisyunan kong oras na para bumalik ng Maynila. Malaki ang pasahod at kumpleto sa benepisyo. Walang nakasulat na pangalan ng CEO sa kontrata, pero inisip ko na baka nagpalit na ng pamumuno sa nakalipas na apat na taon."Mommy, look! Super tall building!" masayang sabi ng apat na taong gulang kong anak habang nakahawak sa kamay ko.Tumingin ako sa kaniya at napangiti. Nakasando at shorts siya ngayon habang dala-dala ang kaniyang maliit na backpack. Kamukhang-kamukha niya

  • The Billionaire's Hidden Legacy   CHAPTER 4

    Talia's POVTahimik ang buong silid habang itinatapon ko ang mga huling piraso ng damit sa loob ng malaking maleta. Bawat gamit na naihahagis ko, tila nag-iiwan ng mabilis na kirot sa dibdib ko. Ito lang pala ang matitira sa akin—isang maleta, kaunting natitirang ipon sa bangko, at ang maliit na buhay na lumalaki sa loob ko.Hindi na ako pwedeng magtagal dito. Kilala ko sina Papa at Cedric. Kapag nanatili ako sa Metro Manila, gagamitin at gagamitin nila ang lahat ng paraan para mahanap ako. O mas malala, baka subukan pa nilang pilitin ako na ipalaglag ang batang 'to para lang matuloy ang kasundoang negosyo.Hindi ko hahayaang mangyari 'yon.Bitbit ang maleta at ang maliit kong shoulder bag, binaba ko ang hagdan ng apartment complex. Masakit pa rin ang pisngi ko mula sa sampal ni Papa kanina, pero mas mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa halo-halong takot at determinasyon.Sumakay ako ng taxi papunta sa provincial bus terminal sa Cubao. Maingay at madaming tao sa terminal nang dumatin

  • The Billionaire's Hidden Legacy   CHAPTER 3

    Talia's POVApat na linggo na ang nakalipas mula noong gabi na 'yon. Isang buwan na parang impyerno.Pagkauwi ko sa bahay noon matapos kong takasan si Gideon sa hotel, salubong agad sa akin ang galit ng pamilya ko. Hindi man lang nila tinanong kung bakit ko sinira ang kasal. Mas mahalaga sa kanila ang sasabihin ng pamilya Pineda at ang nalulugi naming negosyo na dapat ay ililigtas ng kasal na iyon. Wala silang pakinggan kahit sabihin kong nahuli ko si Cedric na may ibang babae. Para sa kanila, maliit na bagay lang 'yon na pwedeng palampasin basta may pera.Dahil doon, lumipat ako sa isang maliit na apartment malapit sa QC habang naghahanap ng bagong trabaho.Pero nitong mga nakaraang araw, hindi maganda ang pakiramdam ko. Palagi akong nahihilo sa umaga, maselan ang pang-amoy ko, at madalas akong masuka kahit wala pa akong kinakain.Nakatayo ako ngayon sa loob ng maliit na banyo ng apartment ko. Sa ibabaw ng sink, nakalapag ang tatlong pregnancy test kits na binili ko sa pharmacy kanin

  • The Billionaire's Hidden Legacy   CHAPTER 2

    Talia's POVAng kasunod na mga oras ay nagliwanag na parang magkakahiwalay na eksena sa isang panaginip.Naalala ko ang malamig na hangin nang lumabas kami ng bar, ang tahimik na biyahe sakay ng mamahaling sasakyan ni Gideon, at ang mabilis na pag-akyat ng elevator papunta sa penthouse suite ng kaniyang hotel. Walang gaanong salitaan. Puro titigan lang na puno ng hindi maipaliwanag na tensyon.Pagkapasok na pagkapasok sa pinto, hindi na kami nakahintay pa. Hinila ako ni Gideon lapit sa kaniya, at sa unang pagkakataon ngayong gabi, nahalikan ako nang ganito katindi. Nawala ang lahat ng sakit, ang traydor na mukha ni Cedric, at ang galit na pumupuno sa dibdib ko. Sa bawat halik at hawak ni Gideon, tila unti-unting nabubura ang gabi na pumatay sa puso ko.Gusto kong makalimot. Gusto kong maramdaman na buhay pa ako.Kinaumagahan, nagising ako dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa glass wall ng suite. Kumikirot ang ulo ko mula sa nainom kong alak kagabi. Bumigat din ang

  • The Billionaire's Hidden Legacy   CHAPTER 1

    Talia's POVMay sampung oras na lang bago ang kasal namin ni Cedric. Dapat ay nandoon ako sa bridal suite para magpahinga, pero hindi ako mapakali. Gusto ko siyang surpresahin gamit ang regalong matagal kong pinaghandaan—isang custom-made watch na binitiwan ko pa ang malaking bahagi ng ipon ko para lang mabili.Hawak ko ang maliit na kahon habang naglalakad sa dimly lit na hallway ng boutique hotel kung saan pinalagi ang buong bridal party. Hawak ko rin ang duplicate keycard ng suite niya na binigay sa akin ng coordinator kanina.Pihit ng pintuan. Tahimik ang loob."Cedric?" mahinang tawag ko.Walang sumagot. Pero may kakaibang amoy sa hangin—amoy ng matamis at pambabaeng pabango na hindi akin. Nagsimulang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Unti-unti akong humakbang lapit sa silid-tulugan. Halos nakabukas nang bahagya ang pinto.At doon, tumigil ang mundo ko.Sa ibabaw ng malaking kama, nakita ko si Cedric. Hubad ang itaas na bahagi ng katawan niya, nakapatong sa isang babae na halos wal

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status