LOGINIlang taon na mula nang huling makatulog nang mahimbing si Lucien Reverio.
Simula nang mawala si Samantha, parang tuluyan na ring nawala ang katahimikan ng gabi para sa kanya. Madalas ay madaling-araw na siya nakakatulog, at kadalasan ay dahil lang iyon sa tulong ng sleeping pills. Kahit gaano kalaki ang empire na binuo niya, kahit gaano karaming pera ang meron siya, hindi no’n kayang punan ang bagay na matagal nang nawawala sa kanya.
Pero iba ang umagang iyon.
Pagmulat pa lang niya ng mga mata ay kakaibang gaan agad ng pakiramdam niya. Matagal na noong huli niyang maramdaman ang ganoong klaseng pahinga. Para bang unang beses ulit siyang nakatulog nang walang iniisip.
Unti-unting gumuhit ang maliit na ngiti sa labi niya habang nakahiga at nakatingin sa kisame.
Pero mabilis ding nawala iyon.
Nanlamig ang ekspresyon niya nang mapansing wala na ang babaeng katabi niya kagabi.
Bahagyang gumalaw si Lucien at napatingin sa bakanteng parte ng kama. Gusot pa rin ang bedsheet at nandoon pa ang mahinang amoy ng pabango ni Samantha—matamis, elegant, at nakakahibang. Para iyong mamahaling wine na may halo ng bulaklak.
Pamilyar na pamilyar.
Amoy na ilang taon niyang hinanap.
Mariing napapikit si Lucien habang pilit pinapakalma ang sarili. Kagabi lang nasa tabi niya si Samantha. Kagabi lang hawak niya ito. Pero paggising niya ngayon, muli na naman itong nawala.
Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama.
Naalala niya kung paano niya mismo inakyat si Samantha mula sa hotel room nito papunta sa sarili niyang suite. Ayaw niyang makaalis ito paggising. Marami siyang gustong sabihin dito.
Marami siyang tanong.
At higit sa lahat, gusto niyang panagutan nito ang nangyari kagabi.
Pero mukhang minamaliit talaga siya ng babaeng iyon.
Muling nakatakas si Samantha.
Napailing si Lucien habang sinusuot ang puting polo niya. Limang taon na siyang pinapatay ng babaeng iyon sa pagkawala nito. Ngayong nasa harapan na niya ulit, nagawa pa rin nitong tumakas na parang walang nangyari.
“She’s heartless,” malamig niyang bulong.
Habang inaayos niya ang relo sa pulsuhan ay may napansin siyang bagay sa bedside table.
Pera.
May limang libong nakapatong doon.
Unti-unting dumilim ang mukha ni Lucien habang nakatitig sa perang iniwan ni Samantha.
Napatawa siya nang walang humor.
“Samantha Aracosta...” bulong niya. “Well done.”
Binayaran siya?
Talaga bang ganoon lang para rito ang nangyari sa kanila kagabi?
Parang isang simpleng one-night stand lang?
Humigpit ang hawak niya sa relo bago marahas na naisara ang drawer ng bedside table.
Paglabas niya ng suite ay agad siyang sinalubong ni Assistant Jason. May dala itong paper bag na naglalaman ng extra clothes para kay Samantha. Kaninang madaling-araw pa iyon ipinabili ni Lucien.
Pero base pa lang sa aura ng boss niya ngayon ay alam na agad ni Jason na nakaalis na ang babae.
Sa tagal niyang nagtatrabaho kay Lucien, kabisado na niya ito. At alam din niyang iisang babae lang ang kayang magpabago sa mood ng lalaking ito.
Si Samantha Aracosta.
“Sir,” maingat na tawag ni Jason. “Nag-apply na po si Miss Aracosta sa iba’t ibang companies pagbalik niya rito sa Pilipinas.”
Huminto si Lucien sa paglalakad.
Kahit puyat siya at halos hindi rin nagpahinga kagabi, ramdam ni Jason na kakaiba ang energy ng amo niya ngayon. Mukhang mas buhay pa ito kaysa sa mga nakaraang taon.
At alam niya kung bakit.
Nakita ulit nito si Samantha.
Naikuyom ni Lucien ang panga niya habang iniisip ang babae.
Kung hindi lang niya iniisip na baka bumigay ang katawan nito kagabi, baka hindi pa niya pinatigil ang sarili niya.
She escaped again.
Pero may gana pa rin itong maghanap ng trabaho na parang walang nangyari?
Bahagyang ngumisi si Lucien.
Fine.
He’ll play along.
***
Samantala, mabilis namang naglalakad palabas ng hotel si Samantha habang halos mabingi sa lakas ng tibok ng puso niya.
Hindi pa rin malinaw lahat ng nangyari kagabi, pero may mga parte iyong bumabalik sa alaala niya.
Naalala niyang pumasok siya sa room na binook ni Carol para sa kanya.
Pero bakit siya nagising sa ibang suite?
At bakit sa lahat pa ng tao...
si Lucien Reverio pa talaga ang kasama niya?
Huminto siya sa paglalakad nang tuluyang manghina ang mga tuhod niya. Agad siyang naghanap ng mauupuan hanggang sa makarating siya sa maliit na park malapit sa hotel.
Tahimik siyang umupo sa swing.
At doon tuluyang bumigay ang emosyon niya.
Hindi pa man lumilipas ang limang minuto ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya.
Mabilis niya iyong pinunasan pero mas lalo lang dumami.
Limang taon.
Limang taon niyang pinilit kalimutan si Lucien.
Limang taon niyang kinumbinsi ang sariling tama ang paglayo niya rito.
Pero ngayon na nakita niya ulit ito, saka niya narealize na wala palang nagbago.
Mahal niya pa rin ang lalaki.
At mas masakit doon, parang mas lumalim pa yata.
Napayuko si Samantha habang mahigpit na nakakapit sa bakal ng swing.
Hindi niya akalaing sa ganoong paraan sila magkikita ulit.
Sa loob ng limang taon na nasa New Zealand siya, hindi naman talaga nawala si Lucien sa buhay niya. Palihim niya pa rin itong sinusubaybayan.
Pinapanood niya ang interviews nito.
Binabasa niya ang articles tungkol rito.
Alam niya kung paano naging mas makapangyarihan si Lucien sa business world. Kung paano ito kinatakutan ng maraming tao.
Pero kahit gaano ito kalamig at kalupit sa paningin ng iba, para kay Samantha ay si Lucien pa rin iyon.
Ang lalaking minsang umiyak para sa kanya.
Napabuntong-hininga siya habang naaalala ang mukha nito kanina habang tulog.
Even asleep, he looked ridiculously handsome.
Mahahaba pa rin ang pilikmata nito. Matangos pa rin ang ilong at napakalinaw pa rin ng hubog ng panga nito.
She memorized every inch of that man years ago.
Kaya hanggang ngayon ay hindi niya matanggap kung paano niya hindi agad nakilala si Lucien kagabi.
Gaano ba siya kalasing?
Pero kahit gaano pa niya piliting balikan ang buong nangyari, may mga parte pa ring malabo.
Ang malinaw lang sa kanya ay kung gaano ka-intense ang gabing iyon.
Ramdam pa rin niya ang higpit ng hawak ni Lucien sa bewang niya. Ang mararahas nitong halik. Ang paraan ng pag-angkin nito sa kanya na parang ayaw na siyang pakawalan ulit.
Napapikit si Samantha habang umiihip ang malamig na hangin.
Dapat matakot siya.
Dapat lumayo siya.
Pero ang totoo?
Parte ng puso niya ang masayang nangyari ulit iyon.
Sa loob ng limang taon, si Lucien lang ang lalaking hinanap-hanap ng katawan at puso niya.
At kahit ilang beses niyang subukang kalimutan iyon, wala pa ring kayang pumalit dito.
Huminga siya nang malalim bago pilit inayos ang sarili.
Tama na.
Hindi na dapat siya mag-isip pa.
She paid him.
They both enjoyed the night.
At hanggang doon na lang dapat iyon.
"Sam? Ayos ka lang?" nag-aalalang sabi ni Hannah nang makitang tila nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Samantha. Sa isip niya'y baka bigla itong kinabahan nang marinig ang tungkol kay Lucien Reverio. "Huwag kang kabahan, ako ang magsasalita mamaya. Basta sa tabi lang kita at basahin mo ang mga iyan para kung sakaling may tanungin siya sa iyo ay may maisasagot ka."Tumango si Samantha at nagpakawala ng maikling ngiti.Kinakabahan siya? Oo. Pero hindi sa pagiging kilalang marahas na businessman ni Lucien, kundi baka makita nito ang laman ng puso't isipan niya. Lucien can see right through her. Sinubukan niyang aralin ang pagmamaskara ng sariling emosyon, pero hindi niya alam kung gagana iyon sa nag-iisang Lucien Reverio. Ayaw niyang mapalapit ito sa kanya at malaman ang lahat ng lihim niya.Palabas na si Hannah nang lumingon itong muli sa kanya."May chika pala ako sa'yo para hindi ka gaanong kabahan. Alam mo ba na may isyu iyan si Pres? Wala raw s*x life! Wala ring nali-link na babae s
Ngayon ang unang araw ni Samantha sa kanyang trabaho.Ang ARCN Studio ay isa sa mga pinakasikat na design company sa bansa at talagang masusing pinili niya ang kumpanyang pagtatrabahuhan niya. She applied to several prominent companies, but after careful consideration, ito ang pinakamaayos na kumpanya na nag-offer rin sa kanya ng mataas na sweldo.SInigurado ni Samantha na may trabaho siyang dadatnan sa Pilipinas. Mababait naman ang mga napagtanungan niya ng mga bagay-bagay sa trabaho. Binigyan na rin siya ng sarili niyang opisina, hindi man ganoon kalaki ay maayos naman iyon at may privacy siya kahit papaano.Maya-maya pa ay kumatok at pumasok ang director ng department 1 na si Hannah, may dala itong coffee para sa kanya at malaki ang ngiti sa labi."Good morning, Samantha, pupunta raw si President ngayon at mag-i-inspect. Samahan mo ako mamaya sa office niya."Medyo nagulat si Samantha roon dahil ang balita niya'y hindi naman nagpapakita ang President doon, sa mabibilang na mga oka
Ilang taon na mula nang huling makatulog nang mahimbing si Lucien Reverio.Simula nang mawala si Samantha, parang tuluyan na ring nawala ang katahimikan ng gabi para sa kanya. Madalas ay madaling-araw na siya nakakatulog, at kadalasan ay dahil lang iyon sa tulong ng sleeping pills. Kahit gaano kalaki ang empire na binuo niya, kahit gaano karaming pera ang meron siya, hindi no’n kayang punan ang bagay na matagal nang nawawala sa kanya.Pero iba ang umagang iyon.Pagmulat pa lang niya ng mga mata ay kakaibang gaan agad ng pakiramdam niya. Matagal na noong huli niyang maramdaman ang ganoong klaseng pahinga. Para bang unang beses ulit siyang nakatulog nang walang iniisip.Unti-unting gumuhit ang maliit na ngiti sa labi niya habang nakahiga at nakatingin sa kisame.Pero mabilis ding nawala iyon.Nanlamig ang ekspresyon niya nang mapansing wala na ang babaeng katabi niya kagabi.Bahagyang gumalaw si Lucien at napatingin sa bakanteng parte ng kama. Gusot pa rin ang bedsheet at nandoon pa ang
Hinawakan at inalalayan ni Lucien Reverio ang baywang ni Samantha dahil muntik na itong matumba."Damn, Samantha, you're too drunk!"Ang magaspang at halos paos na boses na iyon ay dinig na dinig nila pareho. Tila napapaso si Lucien sa bawat parte ng katawan nilang magkadikit sa mga oras na iyon.Gustong sisihin ni Lucien ang nakakaakit na pula at maiksing damit na iyon ni Samantha. Naramdaman niya ang init na kasalukuyang dumadaloy sa kanyang sistema na kinailangan niya pang tanggalin ang suot niyang tie at ang dalawang butones sa kanyang suot na polo upang makahinga nang maayos.Pero iba ang pakay ni Samantha. Sa halip na lumayo sa lalaki, halos itapon na niya ang katawan dito. Iniyakap niya ang dalawang braso sa baywang ng lalaki at nag-angat ng mukha, bagaman hindi na niya maaninag nang husto ang mukha nito."Hmm... alam mo pa ang pangalan ko, huh?" The silly girl smiled. "Open for a one-night stand? Please, I think I badly want to get laid tonight..."Lucien was caught off guard.
“Sam? Ayos ka lang?”Nag-aalalang lumapit si Hannah kay Samantha nang mapansin niyang biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Kanina ay tahimik lang itong nagbabasa ng mga documents, pero ngayon ay tila biglang nanlamig at nawalan ng kulay ang mukha.“Nag-aalala ka ba dahil kay President Reverio?” tanong muli ni Hannah habang inilalapag ang hawak nitong folder sa mesa. “Relax ka lang. Ako naman ang magsasalita mamaya. Basta samahan mo lang ako tapos basahin mo ‘yang mga files para kung may itanong siya, may maisagot ka.”Piliting ngumiti si Samantha at bahagyang tumango.Kinakabahan ba siya?Oo.Pero hindi dahil sa reputasyon ni Lucien Reverio bilang malamig at ruthless na businessman. Hindi siya natatakot sa talim ng dila nito o sa kayang gawin nitong pagpapatalsik ng empleyado sa isang iglap.Ang totoong kinakatakutan niya ay baka mabasa nito ang nasa isip at puso niya.Lucien had always been good at reading her. Kahit noon pa man, kahit pilitin niyang itago ang emosyon niya,







