공유

CHAPTER 4

last update 게시일: 2026-04-17 16:13:17

Five years later…

“Ano Mia? Wala ka na ba talagang balak na bumalik dito sa Manila at dito mag trabaho? Ano mag titinda ka na lang diyan habang buhay?” Ani ni Sunny mula sa kabilang linya. Napailing na lang ako sa kanya. Alam kong nag aalala siya sa akin dahil matagal na akong nag lalako ng turon sa kalsada pero suma-sideline naman ako sa karinderya ni Manang Sally paminsan-minsan.

Limang taon na ang nakalipas simula noong iwan ko ang anak ko sa kanyang Ama. Sinigurado kong tatanggapin niya ang anak naming dalawa bago ako magpakalayo layo at napadpad dito sa Probinsya ng Lucban Quezon kung saan nakatira ang mga kamag anak ko.

Mabuti na lang at pinatuloy ako ng Tiya ko na nag iisa na lamang din sa buhay dahil hindi na siya nagkaroon ng anak at asawa. Katulad ko ay naglalako siya ng kakanin sa kalsada.

“Okay na ako dito Sunny, dadalawin na lang kita kapag nagkaroon ako ng pamasahe, o siya may Customer na, mamaya na lang ulit tayo mag usap,” ani ko sa kanya, nag paalam lang kami saglit sa isat-isa at pagkatapos ay lumapit ako kay Aling Sally at tinulungan siya sa kanyang ginagawa.

“Heto at iabot mo doon sa bagong dating,” inabot niya sa akin ang isang tray na nag lalaman ng dalawang kanin at dalawang klaseng ulam. Masaya kong sinunod ang utos niya at nag tungo doon sa tinuro niyang Customer.

Napansin ko kaagad ang malapad nitong likod at ang mga braso nitong may tattoo. Napakunot ang noo ko ng maalala ko ang isang tao. Imposible, hindi naman siya mapapadpad sa lugar na ito, isa pa ay karinderya ito. Hindi siya kakain sa ganitong lugar dahil mapera naman siya.

“Heto na po ang inyong order Sir—”

“Thanks.” Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses niya. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at hindi ko namalayan na malakas na pala akong napamura.

“Are you cursing me?” Tumaas ang isa niyang kilay habang nakatingin sa akin. Hindi ko kaagad siya nasagot dahil sa pag kakagulat.

Bakit? Bakit siya nandito? Hindi ba at nasa Manila siya? Pero bakit napadpad siya dito? Of all places? Bakit dito pa sa Probinsyang ito? Bakit?

At bakit hindi niya kasama ang anak namin? Nasaan ang anak namin?

Lumikot ang mga mata ko at hinanap si Aurora. Mabilis ang pag tibok ng puso ko at nakaramdam ng pagka-excite pero at the same time ay natatakot din sa maaring mangyari.

“I’m talking to you,” muling sambit ni Rule. Nang hindi ko nakita si Aurora ay malungkot akong tumingin sa kanya. Doon ko lamang napansin ang pag babago niya, mas lalo siyang gumwapo dahil nawala ang balbas niya. Lumaki din ang kanyang katawan.

“U-ummm…sorry S-sir—”

“May problema ba Iho?” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil sa biglaang paglapit ni Aling Sally. Nag aalala siyang lumapit kay Rule kaya ganon na lang ang pag tataka ko. Magkakilala kaya silang dalawa?

“It’s nothing Nanang,” malambing na sagot nito. Napansin ko agad ang paraan ng pag tawag ni Rule kay Aling Sally. Mukhang magkakilala nga silang dalawa.

“Sige na Iho kumain ka na, alam kong nagutom ka sa byahe. Bakit ba naisipan mo na mag punta dito?” Tanong pa ni Aling Sally. Pinanood niya ang pag nguya ni Rule sa niluto niya samantalang tahimik lang akong nakikinig sa kanilang dalawa.

Bago sumagot si Rule ay napansin ko pa ang pag titig nito sa akin mula ulo hanggang paa, hindi nakaligtas sa akin ang pag taas ng kanyang kilay. Iniinsulto ba niya ako? O baka naman nakilala niya ako?

Uminit ang pisngi ko at nakaramdam ng pagkataranta sa naisip ko. Paano kung nakilala niya ako? Paano kung alam niyang ako ang Ina ng anak niya? Anong gagawin ko?

Pilit kong kinalma ng sarili ko habang pasimpleng nakikinig sa kanilang dalawa ni Aling Sally.

“Namiss ko lang ang mga luto mo Nanang,” seryosong ani ni Rule at muling yumuko at ipinagpatuloy ang kanyang pagkain. Halatang nagustuhan ang ulam na inihain ko sa kanya.

“Ikaw talagang bata ka, kahit kailan ay bolero ka pa rin. Oo nga pala, Nasaan na ba ang anak mo?” Muli akong nakaramdam ng kaba ng marinig ko ang tanong ni Aling Sally. Bakit nga ba hindi niya kasama si Aurora?

“She’s with Chloe, I left her in Manila.” Nakaramdam ako ng lungkot ng marinig ang sagot ni Rule. Si Chloe ay ang asawa niya mukhang naging magkasundo ang anak ko at ang babaeng iyon. Sa bagay mukha naman itong mabait, naalala ko pa noong binigyan niya ako ng pera noon. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko mababayaran ang kalahating buwan na upa ko sa bahay.

“Hanggang kailan ka ba dito?” Tanong muli ni Aling Sally, sasagot na sanang muli si Rule nang muli siyang mapatingin sa akin. Kinunotan niya ako ng noo at mukhang nag tataka pa kung bakit ako nakikinig sa usapan nilang dalawa. Doon lamang ako natauhan. Dali-dali akong tumalikod sa kanila at lumapit sa nag datingan na Customer at pinag takal sila ng kanilang order habang pasimpleng sumusulyap kay Rule at kay Aling Sally na seryosong nag uusap.

Hindi ko na narinig pa ang pinag uusapan nila dahil masyadong maingay sa paligid dahil nagsi-datingan na ang mga Customer, palibhasa ay tanghali na kaya naman dinudumog nila kami.

Naging abala din ako sa pag tatakal ng ulam at kanin kaya naman nawala saglit sa isip ko si Rule. Muntik na akong atakihin sa puso ng bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Sapo-sapo ko ang dibdib ko habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya.

“What? Did I scare you? I’m just here to pay,” sabi niya habang hinagalughog ang kanyang wallet. Nang makuha ang pera ay inabot niya iyon sa akin.

Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ko siya kayang titigan pabalik. Natatakot akong baka mamukaan niya ako. Malaki ang kasalanan ko sa kanya lalong lalo na sa anak namin.

“Have we met before?” Dumagundong ang tibok ng puso ko na para bang ano mang oras ay lalabas ito mula sa katawan ko dahil sa itinanong niyang iyon. Ito na ang kinakatakutan ko.

Mabilis akong umiling at tinapangan ang sarili ko na tingnan siya. Seryoso ang mukha niya, tila ba kinikilatis ako o inaalala kung saan ba kami nagkita.

“H-hindi, ngayon lang kita nakita,” sagot ko sa kanya, muntik pa akong mautal. Hindi na siya sumagot pa at inabot na lang sa akin ang isang libo. Aabutin ko na sana iyon ng biglang sumulpot si Aling Sally at muling ibinalik ang pera kay Rule.

“Wag ka na mag bayad Anak, parang anak na kita. Sapat na yung dinalaw mo ako ngayon!” Napabuntong hininga na lang si Rule kay Aling Sally at mukhang hindi na nakipag talo pa. Siguro ay pagod siya sa byahe. Ang layo pa naman ng Manila. Mukha siyang puyat at pagod sa pag drive ng kanyang sasakyan.

Muli niya akong tinapunan ng tingin, matagal ang pag titig niyang iyon na para bang may gusto pang sabihin pero mas pinili na lang ang manahimik. Hindi ko na siya pinansin at muling bumalik sa pag tatakal ng mga order ng Customer habang pasimpleng nakikinig sa pag uusap nilang dalawa. Nagkamustahan lang naman sila at nalaman ko na dati pala nilang Mayordoma si Aling Sally at dahil tumatanda na ito ay mas pinili na lang nitong umuwi dito sa Probinsya at ipag patuloy ang pagpapatakbo ng kanilang karinderya.

Kaunting oras pa at nag paalam na si Rule sa kanya, hindi na niya ako tiningnan pa at tuloy-tuloy lang siya sa pag sakay ng kanyang sasakyan. Mga ilang minuto siguro siya sa loob nito. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya kasi tinted ang kanyang sasakyan. Tumagal din ng halos limang minuto bago siya tuluyang umalis at doon lamang ako nakahinga ng maluwag.

Ang liit talaga ng mundo…

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 7

    Lunes na, ibig sabihin ay may trabaho ako ngayon sa Karinderya ni Aling Sally. Ngayon lamang ako nakaramdam ng pagka-excite habang tinutulungan si Aling Sally sa mga ititinda naming ulam. Umaasa akong makikita ko muli ang mag-ama ngayong araw at makakasama ko ulit si Aurora kahit na sa kaunting oras lang. Hindi na ako makapag hintay pa kaya kanina pa ako tumitingin sa labas para tingnan ang mga humihintong sasakyan. Titigil lamang ako kapag may Customer na oorder pagkatapos ay titingin ulit ako sa labas. Minsan hindi ko naririnig ang order nila kaya nasusungitan nila ako pero binabalewala ko na lang. Masaya akong hinihintay ang anak ko. “Ayos ka lang ba Mia? Kanina ka pa diyan patingin-tingin sa labas e, may hinihintay ka bang tao?” “P-po? Wala naman po!” Mabilis kong sagot kay Aling Sally na mukhang napansin na din ang pagkabalisa ko. Tiningnan lang ako nito na parang hindi naniniwala sa sinabi ko kaya agad ko siyang nginitian.“Hinihintay ko lang po yung mga Customer!” Palusot k

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 6

    Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko dahil sa nakikita ko ngayon. Totoo ba ito? O isa lang ito sa mga panaginip ko? Kung panaginip lang ito sana ay huwag na akong magising pa. Hindi ko namalayan na nag iinit na pala ang mga mata ko dahil sa mga luhang nag babadya ng tumulo sa pisngi ko. Natauhan lang ako dahil naramdaman ko ang pag hawak ni Baste sa braso ko. “Ayos ka lang? Bakit parang naluluha ka?” Tanong niya, kaagad kong pinunasan ang luha ko at kunwaring natawa.“Wala ito, napuwing lang ako humangin kasi ng malakas hindi mo ba naramdaman?” Palusot ko sa kanya, ipinilig niya ang kanyang ulo marahil inaalala niya kung humangin nga ba ng malakas. Hinayaan ko na lang siyang mag isip at muling ibinaling ang atensyon ko sa anak ko na naglalakad papalapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng magkatinginan kaming dalawa. Lumawak ang kanyang ngiti kaya hindi ko din maiwasan ang aking pag ngiti. Ang laki laki na talaga ng anak ko, hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na siya ng

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 5

    Linggo ngayon ibig sabihin lamang ay sarado ang karinderya ni Aling Sally kaya wala akong pasok. Heto at nag lalaba ako ng mga damit ko at isinama ko na din ang mga damit ng Tiya ko dahil naaawa ako sa kanya. Matanda na din kasi siya at pagod siya sa paglalako ng kanyang kakanin. Sa pamamagitan man lang nitong paglalaba ko sa kanya ay nabawasan ko ang mga gawain niya. “Talaga? O anong sabi sa iyo?” Inayos ko ang cellphone ko sa tenga ko at inipit iyon gamit ang balikat ko. Nag kukusot kasi ako ng mga damit kaya hindi ko iyon mahawakan. Kausap ko ngayon si Sunny at nakwento ko sa kanya ang nangyari kahapon. “Wala naman…mukhang hindi din niya ako nakilala,” mahinang anas ko sa kanya na parang nadismaya pa. Narinig ko ang malakas niyang pag tawa sa kabilang linya na para bang naramdaman niya ang pagkadismaya ko.“Bakit? Gusto mo ba maalala ka niya?”“Hindi, mabuti pang hindi niya ako maalala at makilala,”“Bakit naman? May anak kayong dalawa—” kaagad kong pinutol ang sinasabi niya dahi

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 4

    Five years later… “Ano Mia? Wala ka na ba talagang balak na bumalik dito sa Manila at dito mag trabaho? Ano mag titinda ka na lang diyan habang buhay?” Ani ni Sunny mula sa kabilang linya. Napailing na lang ako sa kanya. Alam kong nag aalala siya sa akin dahil matagal na akong nag lalako ng turon sa kalsada pero suma-sideline naman ako sa karinderya ni Manang Sally paminsan-minsan. Limang taon na ang nakalipas simula noong iwan ko ang anak ko sa kanyang Ama. Sinigurado kong tatanggapin niya ang anak naming dalawa bago ako magpakalayo layo at napadpad dito sa Probinsya ng Lucban Quezon kung saan nakatira ang mga kamag anak ko. Mabuti na lang at pinatuloy ako ng Tiya ko na nag iisa na lamang din sa buhay dahil hindi na siya nagkaroon ng anak at asawa. Katulad ko ay naglalako siya ng kakanin sa kalsada. “Okay na ako dito Sunny, dadalawin na lang kita kapag nagkaroon ako ng pamasahe, o siya may Customer na, mamaya na lang ulit tayo mag usap,” ani ko sa kanya, nag paalam lang kami sa

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 3

    Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising para mag tinda ng Turon at lumpya. Walang laman ang tiyan ko dahil wala pa akong kain simula kagabi. Nanghihina na din ako at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay ano mang oras kaya naman ng madaanan ko ang isang parke ay kaagad akong nag tungo doon at humanap ng mauupuan. Umupo ako sa upuan na malapit sa puno at ibinaba ang Baby ko na mahimbing na natutulog sa kanyang basket. May takip naman ito kaya hindi ito naiinitan. Sinigurado kong nakakahinga din siya ng maayos at hindi naiinitan. Kumuha ako ng paninda ko at nag simulang kumain kahit labag sa loob ko dahil wala akong matutubo kung kakainin ko ang sarili kong itinitinda kaya lang ay baka naman mahimatay ako at maisugod sa hospital ay mapapagastos pa ako. Nakatingin ako sa mga taong dumadaan at sa mga batang nag lalaro habang nilalantakan ang turon na hawak ko. Ang saya-saya nila na parang walang problemang iniisip. Ang saya siguro maging bata ulit. “Mia?” Natigil ang pag nguya ko

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 2

    Isang linggo na ang nakalipas simula noong lumabas kami sa Hospital. Sa tulong ni Sunny at ng kanyang manliligaw na may sasakyan ay mabilis kaming nakauwi ng anak ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Sunny dahil pinahiram niya ako ng pera pandagdag sa pambayad sa Hospital. Binigyan din niya ako ng pambili ng Diaper at gatas ng anak ko dahil wala ng natira pa sa inipon ko kaya naman nahihiya na ako sa kanya dahil hindi naman niya responsibilidad na tulungan ako, kaya heto ako muling mag titinda ng turon at ng lumpya para magkaroon ulit ng pera. Sumasakit pa din ang katawan at ang tahi ko pero hindi na iyon mahalaga pa, magugutom kami ng anak ko kapag hindi ako kumilos. Bitbit ko sa kabilang kamay ko ang isang Basket kung saan nakalagay ang anak ko, habang ang isa kong kamay ay bitbit ang basket na naglalaman ng mga paninda ko. Wala akong ibang kilala na mapag iiwanan sa anak ko kaya naman ay isinama ko na lamang siya isa pa ay mas panatag ako kapag nakikita ko siya. Nakatayo ako sa ha

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status