Share

CHAPTER 3

last update publish date: 2026-04-17 16:12:48

Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising para mag tinda ng Turon at lumpya. Walang laman ang tiyan ko dahil wala pa akong kain simula kagabi. Nanghihina na din ako at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay ano mang oras kaya naman ng madaanan ko ang isang parke ay kaagad akong nag tungo doon at humanap ng mauupuan. Umupo ako sa upuan na malapit sa puno at ibinaba ang Baby ko na mahimbing na natutulog sa kanyang basket. May takip naman ito kaya hindi ito naiinitan. Sinigurado kong nakakahinga din siya ng maayos at hindi naiinitan.

Kumuha ako ng paninda ko at nag simulang kumain kahit labag sa loob ko dahil wala akong matutubo kung kakainin ko ang sarili kong itinitinda kaya lang ay baka naman mahimatay ako at maisugod sa hospital ay mapapagastos pa ako.

Nakatingin ako sa mga taong dumadaan at sa mga batang nag lalaro habang nilalantakan ang turon na hawak ko. Ang saya-saya nila na parang walang problemang iniisip. Ang saya siguro maging bata ulit.

“Mia?” Natigil ang pag nguya ko dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa akin kaya naman inangat ko ang tingin ko sa taong iyon.

Nakita ko si Kate Ann katulad namin ni Sunny ay nag tratrabaho din siya sa Bar. Nag sasayaw at minsan ay nag papatable din. Kunot noo siyang nakatingin sa akin pagkatapos ay tumingin siya sa anak ko.

“Iyan na yung anak mo doon sa mayaman na lalaki?” Wala akong ibang nagawa kung hindi tumango sa kanya. Alam niya ang nangyari sa akin pero hindi niya kilala kung sino ang lalaking nakabuntis sa akin.

“Eh bakit kasa-kasama mo siya, hindi ka ba naaawa sa baby mo? Ang init oh!” Umikot ang mga mata niya na tila nainis sa akin. Kaagad kong tinapos ang pagkain ko bago siya sinagot.

“Wala kasing mag babantay sa kanya—”

“Bakit hindi mo na lang siya dalhin sa Tatay niya? Mayaman iyon hindi ba? Sigurado naman akong hindi iyan tatanggihan dahil anak naman niya iyan!”

“Hindi pwede—”

“Bakit hindi? Huwag kang selfish Mia! Magandang buhay ang nag hihintay sa kanya wag mong sabihing ipag dadamot mo iyon sa anak mo?”

Natigilan ako at napaisip sa sinabi niya, tama siya. Magandang buhay ang nag hihintay sa kanya. Kung alam lang sana ni Rule na may anak na siya sa akin tiyak na gaganda ang buhay niya, pero iyon ay kung maniniwala siya na sa kanya ang bata.

Nag pakawala ako ng buntong hininga at lumapit sa anak ko at hinawakan ang maliit niyang kamay. Hindi ko na namalayan ang pag alis ni Kate Ann dahil lumilipad ang isipan ko. Hindi ko nga alam kung nag paalam siya sa akin o basta na lamang umalis.

***

Mahina ang benta kaya madami ang natira sa Turon na paninda ko. Hindi ko naman pwedeng ibenta pa ulit iyon kaya iyon na lang ang hapunan ko.

Natigil ako sa pag aayos ng mga paninda ko kanina dahil narinig ko ang pag iyak ng anak ko. Kaagad ko siyang pinuntahan at kinarga pero hindi siya tumigil sa pag iyak. Mukhang nagugutom na naman siya kaya saglit ko ulit siyang nilapag para mag timpla ng kanyang gatas.

Hindi ko mapigilan ang pag buntong hininga ko ng makita ang lalagyan ng kanyang gatas, sa lakas niyang dumede ay paubos na naman ito. Mahal pa naman ang gatas niya dahil napansin kong nag tatae siya sa mga mumurahin na gatas.

Tinapos ko ang pag titimpla ko at kaagad na ibinigay sa kanya at pagkatapos ay binilang ang kinita ko kanina. Kulang iyon sa pambili ng gatas kaya naman nanghihinang napasalampak ako sa maliit na upuan.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Kate Ann kanina. Parang sirang plaka na nag paulit-ulit sa isipan ko para akong mawawala sa sarili kapag hindi ako kumilos. Parang gusto kong umiyak at sumigaw na lamang pero nang tingnan ko ang anak kong tahimik na dumedede ay nakapag isip isip ako.

Ibibigay ko na siya kay Rule. Doon ay gaganda ang buhay niya, hindi siya magugutom katulad ko at lalong hinding-hindi niya mararanasan ang pag hihirap na nararanasan ko ngayon.

Nag simula akong kumilos, kumuha ako ng malaking kahon na mapag lalagyan niya at malambot na sapin at inilagay iyon sa kahon. Pagkatapos ay kinuha ko ang anak ko at inilagay ko doon.

Tumutulo ang luha ko sa ginagawa ko at namamawis din ang mga palad ko pero hindi ako nag papigil. Kailangan kong gawin ang bagay na ito, hindi dapat ako maging makasarili. Kung mag sasama kami ay kawawa lamang siya sa akin, samantalang kung doon siya sa kanyang tatay ay tiyak akong lahat ng gusto niya ay makukuha niya at mapapalaki din siya nito ng maayos. Makakapag aral pa siya sa ibang bansa kung gugustuhin niya.

Dali dali akong nag ayos at lumabas upang mag tungo sa bahay nina Rule habang mabigat ang mga hakbang ko. Sinigurado kong nakatakip ang buong mukha ko ng luma kong scarf.

Madilim na naman kaya siguradong walang makakakita sa akin. Malapit lang din ang subdivision nila kaya nakarating din ako kaagad doon. Iisipin ko na lamang ay kung paano ako makakalusot sa Guard na nandoon.

Pero mukhang nakaayon sa akin ang panahon dahil nang makita ko ang bantay ng Subdivision ay abala ito sa pagkain. Hindi niya ako napansin kaya kaagad din akong nakapasok sa loob. Mabuti na lang at alam ko ang bahay ni Rule dahil sikat ang kanilang pamilya.

Tahimik ang paligid, walang dumadaan na sasakyan at wala rin tao sa paligid. Ibinaba ko ang kahon sa sahig at umupo upang pantayan ang anak ko. Ngumiti ako ng mapait habang nanlalabo ang mga mata ko.

Hinawakan ko ang kamay nito, mahimbing siyang natutulog at wala siyang kamuwang-muwang na ngayong gabi ay iiwan siya ng kanyang nanay.

“Aurora, anak.” Humagulgol ako ng sambitin ko ang ipinangalan ko sa kanya, hindi pa iyon naka rehistro kaya may chance pa si Rule na baguhin iyon kung gugustuhin niya. Nag iwan naman ako ng sulat sa kahon na nag sasabing Aurora ang pangalan ng anak namin.

“Patawarin mo ako anak ha? K-kung kaya ko lang sana na bigyan ka ng magandang buhay hindi ko gagawin ito…pero ayaw kong makulong ka sa buhay na mayroon ako kaya sana patawarin mo ako,” sinubukan kong punasan ang mga luha ko pero parang mas lalo silang dumami.

“Huwag kang mag alala, hindi ka pababayaan ng Ama mo. Alam kong may mabuti siyang puso at ang kanyang pamilya kaya tatanggapin ka nila…” huminga ako ng malalim at doon kumuha ng lakas.

“M-mahal na mahal ka ni Mama,” mas lalong lumakas ang pag iyak ko ng sambitin ko ang katagang iyon pagkatapos ay tumayo na ako at dahang-dahang tumalikod papalayo sa kanya. Marahil ay naramdaman niya ang pag alis ko kaya bigla siyang nagising at pumalahaw ng iyak pero hindi ko na siya magawang lingonin pa at balikan dahil natatakot akong baka mag bago ang isip ko at ipagkait sa kanya ang magandang buhay na nag aantay sa kanya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 5

    Linggo ngayon ibig sabihin lamang ay sarado ang karinderya ni Aling Sally kaya wala akong pasok. Heto at nag lalaba ako ng mga damit ko at isinama ko na din ang mga damit ng Tiya ko dahil naaawa ako sa kanya. Matanda na din kasi siya at pagod siya sa paglalako ng kanyang kakanin. Sa pamamagitan man lang nitong paglalaba ko sa kanya ay nabawasan ko ang mga gawain niya. “Talaga? O anong sabi sa iyo?” Inayos ko ang cellphone ko sa tenga ko at inipit iyon gamit ang balikat ko. Nag kukusot kasi ako ng mga damit kaya hindi ko iyon mahawakan. Kausap ko ngayon si Sunny at nakwento ko sa kanya ang nangyari kahapon. “Wala naman…mukhang hindi din niya ako nakilala,” mahinang anas ko sa kanya na parang nadismaya pa. Narinig ko ang malakas niyang pag tawa sa kabilang linya na para bang naramdaman niya ang pagkadismaya ko.“Bakit? Gusto mo ba maalala ka niya?”“Hindi, mabuti pang hindi niya ako maalala at makilala,”“Bakit naman? May anak kayong dalawa—” kaagad kong pinutol ang sinasabi niya dahi

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 4

    Five years later… “Ano Mia? Wala ka na ba talagang balak na bumalik dito sa Manila at dito mag trabaho? Ano mag titinda ka na lang diyan habang buhay?” Ani ni Sunny mula sa kabilang linya. Napailing na lang ako sa kanya. Alam kong nag aalala siya sa akin dahil matagal na akong nag lalako ng turon sa kalsada pero suma-sideline naman ako sa karinderya ni Manang Sally paminsan-minsan. Limang taon na ang nakalipas simula noong iwan ko ang anak ko sa kanyang Ama. Sinigurado kong tatanggapin niya ang anak naming dalawa bago ako magpakalayo layo at napadpad dito sa Probinsya ng Lucban Quezon kung saan nakatira ang mga kamag anak ko. Mabuti na lang at pinatuloy ako ng Tiya ko na nag iisa na lamang din sa buhay dahil hindi na siya nagkaroon ng anak at asawa. Katulad ko ay naglalako siya ng kakanin sa kalsada. “Okay na ako dito Sunny, dadalawin na lang kita kapag nagkaroon ako ng pamasahe, o siya may Customer na, mamaya na lang ulit tayo mag usap,” ani ko sa kanya, nag paalam lang kami sa

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 3

    Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising para mag tinda ng Turon at lumpya. Walang laman ang tiyan ko dahil wala pa akong kain simula kagabi. Nanghihina na din ako at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay ano mang oras kaya naman ng madaanan ko ang isang parke ay kaagad akong nag tungo doon at humanap ng mauupuan. Umupo ako sa upuan na malapit sa puno at ibinaba ang Baby ko na mahimbing na natutulog sa kanyang basket. May takip naman ito kaya hindi ito naiinitan. Sinigurado kong nakakahinga din siya ng maayos at hindi naiinitan. Kumuha ako ng paninda ko at nag simulang kumain kahit labag sa loob ko dahil wala akong matutubo kung kakainin ko ang sarili kong itinitinda kaya lang ay baka naman mahimatay ako at maisugod sa hospital ay mapapagastos pa ako. Nakatingin ako sa mga taong dumadaan at sa mga batang nag lalaro habang nilalantakan ang turon na hawak ko. Ang saya-saya nila na parang walang problemang iniisip. Ang saya siguro maging bata ulit. “Mia?” Natigil ang pag nguya ko

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 2

    Isang linggo na ang nakalipas simula noong lumabas kami sa Hospital. Sa tulong ni Sunny at ng kanyang manliligaw na may sasakyan ay mabilis kaming nakauwi ng anak ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Sunny dahil pinahiram niya ako ng pera pandagdag sa pambayad sa Hospital. Binigyan din niya ako ng pambili ng Diaper at gatas ng anak ko dahil wala ng natira pa sa inipon ko kaya naman nahihiya na ako sa kanya dahil hindi naman niya responsibilidad na tulungan ako, kaya heto ako muling mag titinda ng turon at ng lumpya para magkaroon ulit ng pera. Sumasakit pa din ang katawan at ang tahi ko pero hindi na iyon mahalaga pa, magugutom kami ng anak ko kapag hindi ako kumilos. Bitbit ko sa kabilang kamay ko ang isang Basket kung saan nakalagay ang anak ko, habang ang isa kong kamay ay bitbit ang basket na naglalaman ng mga paninda ko. Wala akong ibang kilala na mapag iiwanan sa anak ko kaya naman ay isinama ko na lamang siya isa pa ay mas panatag ako kapag nakikita ko siya. Nakatayo ako sa ha

  • The Billionaire’s Instant Baby   CHAPTER 1

    Maaga akong nagising para gumawa ng mga ititinda kong turon. Ito na ang naging kabuhayan ko simula noong nabuntis ako ni Rule Montclair. Gusto ko man humingi sa kanya ng sustento para sa anak niya na ipinag bubuntis ko ay hindi ko magawa sapagkat hindi naman din niya alam na nag bunga ang aming ginawa. Isa pa ay bali-balita ay ikakasal na siya sa kanyang Fiance. Kaya wala akong magawa kung hindi itago na lang ang ipinagbubuntis ko. Hindi din naman ako sigurado kung tatanggapin niya ang baby o maniniwala ba siya na siya ang ama nito. Kaya mabuti pang itago na lang sa kanya para walang gulo. Hinimas-himas ko ang malaki kong tiyan habang inaayos ang paninda ko sa araw na ito. Kabuwanan ko na ngayon pero heto ako at nag titinda pa din, wala naman akong choice dahil kung hindi ko ito gagawin ay hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng anak ko. Isa pa ay nag iipon din ako ng pampaanak ko. May naipon naman ako kaso ay kakarampot lang iyon, hindi ko alam kung kakasya ba iyon sa pag anak k

  • The Billionaire’s Instant Baby   PROLOGUE

    Tahimik ang gabing iyon ngunit hindi katulad ng isipan ko na napakaingay, magulo, sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Nanlalamig ang mga palad ko habang hawak-hawak ko ang isang kahon kung saan ko inilagay ang anak kong mag tatatlong linggo pa lamang. Malungkot akong nakatingin sa malaking bahay na nakatayo sa harapan ko. Hindi ko alam kung may tao pero sana mayroon. Huminga ako ng malalim bago ako humakbang papalapit sa malaking bahay. Tiningnan ko ang gate at nakahinga ng maluwag nang mapagtanto kong wala ang Security Guard ng malaking bahay. Luminga-linga ako sa paligid ko at siniguradong walang taong makakakita sa akin bago ko ilapag ang kahon sa harapan ng malaking gate. Nang masiguro kong walang mga taong dadaan o kahit sasakyan ay inilapag ko ang dala kong kahon sa sahig at pagkatapos ay tiningnan ang anak kong mahimbing na natutulog. Ang ganda-ganda niya, nag mana siya sa kanyang ama. Maging ang kutis nito ay mala porselana, kung kaya’t hindi nababagay sa kanya ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status