LOGINLinggo ngayon ibig sabihin lamang ay sarado ang karinderya ni Aling Sally kaya wala akong pasok. Heto at nag lalaba ako ng mga damit ko at isinama ko na din ang mga damit ng Tiya ko dahil naaawa ako sa kanya. Matanda na din kasi siya at pagod siya sa paglalako ng kanyang kakanin. Sa pamamagitan man lang nitong paglalaba ko sa kanya ay nabawasan ko ang mga gawain niya.
“Talaga? O anong sabi sa iyo?” Inayos ko ang cellphone ko sa tenga ko at inipit iyon gamit ang balikat ko. Nag kukusot kasi ako ng mga damit kaya hindi ko iyon mahawakan. Kausap ko ngayon si Sunny at nakwento ko sa kanya ang nangyari kahapon. “Wala naman…mukhang hindi din niya ako nakilala,” mahinang anas ko sa kanya na parang nadismaya pa. Narinig ko ang malakas niyang pag tawa sa kabilang linya na para bang naramdaman niya ang pagkadismaya ko. “Bakit? Gusto mo ba maalala ka niya?” “Hindi, mabuti pang hindi niya ako maalala at makilala,” “Bakit naman? May anak kayong dalawa—” kaagad kong pinutol ang sinasabi niya dahil kabaliwan ito. “May asawa siya Sunny, ayaw kong magulo ang buhay niya pati ang buhay ng anak ko,” “Asawa? Bakit? Hindi mo ba nabalitaan?” “Nabalitaan ang ano?” Kumunot ang noo ko at natigil sa ginagawa ko. Ipinunas ko ang mga kamay ko sa suot kong damit at pagkatapos ay tumayo mula sa maliit na upuan. “Hindi natuloy ang kasal nila, umatras si Rule. Hindi ko alam kung bakit, hindi naman nasabi sa balita pero hanggang ngayon ay parang may relasyon pa din silang dalawa.” Natigilan ako sa narinig at parang hindi makapaniwala. Ang buong akala ko ay natuloy ang kasal nila, parang gusto ko tuloy alamin kung ano ang dahilan kung bakit hindi ito tinuloy ni Rule. “Malamang ay hindi naman mahal ni Rule yung babae dahil pinagkasundo lang naman sila ng mga magulang nila. Bilib din naman ako kay Rule ah? Nagawa niyang umatras sa araw ng kasal nila!” Hindi na ako nakasagot pa ng maayos, hinayaan ko lang si Sunny na dumaldal ng dumaldal tungkol kay Rule at sa fiance nitong si Chloe hanggang sa nalipat ang kwento ni Sunny sa kanyang sugar daddy na naging Customer niya sa Bar kung saan ako nag tra-trabaho noon. Nakinig lang ako sa kwento niya habang pinag patuloy ang paglalaba. Nang maumay siya kakasalita ay nag paalam na din siya sa akin. Tinapos ko ang paglalaba ko habang ang isip ko at kung saan-saan na nakakarating. Hanggang matapos ako ay si Rule ang nasa isip ko at ang anak namin. Nang matapos mag sampay ay naligo lamang ako saglit at pagkatapos ay niluto ang paninda kong mga turon. Inilagay ito sa malaking container box at binitbit iyon. Dahil wala akong pasok ay mag lalako ako sa kalsada dahil sayang din naman ang mapepera ko, dagdag din ito sa ipon ko kahit papaano. Balak ko kasing pumunta sa Manila para makita ko ang Anak ko. Hindi naman ako mag papakilala sa kanya gusto ko lang talaga siya makita sa personal. Oo alam ko kung ano itsura niya dahil madalas kong nakikita ang mga litrato niya sa f******k ng kanyang ama. Simula baby pa lang ay nasubaybayan ko din ang pag laki niya sa pamamagitan lang ng pag stalk kay Rule. Parang sinadya niyang i-post ang mukha ng aming anak para makita ko ito kaya naman nag papasalamat ako sa kanya dahil kahit papaano ay alam ko kung ano ang itsura ng anak naming dalawa. Lumaki ito ng napakagandang bata at nag mana talaga ito sa kanya. Malapit na din ang kaarawan ng anak ko kaya gusto ko sanang bilhan siya ng regalo kahit na alam kong hindi ko naman iyon mabibigay sa kanya. Ganon kasi ang ginagawa ko sa tuwing sasapit ang kaarawan niya ay bumibili ako ng regalo at itinatabi ko na lang, umaasang balang araw ay mabibigay ko din ang mga ito. “Tulungan na kita, Mia!” Natigil ako sa pag mumuni-muni nang may umagaw sa mga paninda ko. Gulat ko siyang binalingan ng tingin pero nginitian lang niya ako. “Nakakagulat ka naman Baste!” Siya si Sebastian ang natatanging naging kaibigan ko dito sa Lucban Quezon, kapitbahay namin siya at hindi nalalayo ang edad naming dalawa. “Seb na lang Mia, ang sagwa pakinggan ng Baste e!” Natawa naman ako sa kanya at sinubukan kong bawiin ang mga paninda ko pero mabilis niyang nailayo ang container box. “Ako na, ihahatid na kita! Saan ka ba pwepwesto ngayon?” Ani niya, may kakulitan din talaga siyang taglay kaya naman napakamot na lamang ako ng pisngi at sa huli ay hinayaan siya sa gusto niya. “Diyan lang sa Parke, madaming tao doon ngayon eh,” sinunod naman niya ako at sinabayan sa paglalakad. Nag simula na siyang dumaldal at pinakinggan ko lamang siya. Sanay na ako sa kanya na kahit lalaki siya ay mas madaldal at chismoso pa siya sa akin. Lahat yata ng kapitbahay namin ay naikwento na niya sa akin ang mga buhay. Hinayaan ko na lang siya dahil natutuwa at nalilibang din naman ako sa kanya, paminsan-minsan lang ako sumasagot pero mukhang hindi naman siya nababagot sa akin. Nakangiti pa nga ang loko. Mga ilang minuto din bago kami nakarating sa Patio Rizal at hindi nga ako nagkakamali. Madaming mga tao ang nakatambay doon. Karamihan e mga magkasintahan. Umupo kami ni Baste sa isang bench para doon pumwesto. Maya-maya lang ay nag tawag na ito ng Customer kaya natatawa ako habang pinapanood siya. Ayos din naman palang kasama siya. “Turon kayo diyan! Mainit pa! Kakaluto lang!” Sigaw niya na umagaw ng atensyon sa mga nag daraan. Maya-maya pa ay may mga estudyanteng lumapit sa amin kaya kaagad akong tumayo upang pag bentahan sila. “Ate! Turon nga isa,” anas ng isang estudyante hanggang sa sunod-sunod na silang nag salita. Tinulungan naman ako ni Baste na mag benta kaya mabilis ko lamang din silang napag bentahan. Nakakatuwa dahil naka anim na kaagad ako ngayong kakadarating lang namin. “Ano Mia? Ayos ba akong kasama? Gusto mo samahan kita palagi? Huwag ka mag alala, hindi naman kita hahatian sa benta!” Ani Baste, natawa na naman ako sa kanya at napailing-iling. Nag bibiro lang naman siguro siya. “Sira ka talaga!” Pabiro kong sabi at hinampas siya, napalakas yata ang pagkakahampas ko kaya napadaing siya. Agad akong nakunsensya at lumapit sa kanya pagkatapos hinimas ko ang nasaktan niyang braso. “Naku pasensya na—” hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil sa lakas ng busina ng isang sasakyan. Nagulat ako doon kaya nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan ko ang sasakyan na nakapark sa may parking lot. Nakakapag takang bumusina iyon gayong naka park lang naman ito kaya naman hindi ko mapigilang mapakunot ang noo. “Loko yon ah!” Dinig kong ani ni Baste pero hindi ko na siya pinag tuonan pa ng pansin. Nakatingin lang ako sa sasakyan habang inaaninag ang Driver na nasa loob. Pamilyar ang kulay ng sasakyan na para bang nakita ko na ito kaya naman hindi ko maalis ang tingin ko dito. Maya-maya ay biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at iniluwa ang isang lalaking may tattoo sa braso. Napasinghap ako nang humarap ito at ng mamukhaan ko. Anong ginagawa dito ni Rule? Kanina pa ba siya doon? At bakit siya bumubusina? Bumilis ang tibok ng puso ko nang mag titigan kaming dalawa. Parang may kung ano sa mga titig niya, kakaiba, hindi ko alam kung galit ba o inis iyon na para bang naiirita siya nang makita ako. Naalala ba niya ako? Maya-maya pa ay umiwas siya ng tingin sa akin at napansin kong bumukas ang backseat ng kanyang sasakyan. Hindi ko masyado makita kung sino ang bumaba dahil nasa ibabang parte sila. May hagdanan pa kasi bago sila makaakyat dito sa Patio Rizal at isa pa ay may mga taong dumadaan kaya hindi ko rin makita kung sino ang kanyang kasama. Nag simula nang maglakad si Rule at sa tingin ko ay aakyat na sila ng hagdanan patungo dito. Hindi ko siya nilubayan ng tingin dahil na-curious ako kung sino ang kanyang kasama. Bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan, ang bigat-bigat ng pakiramdam ko at parang hindi ako makahinga habang papalapit sila sa akin. Nang makilala ko kung sino ang kasama niya ay tuluyan akong nakaramdam ng panghihina at nanlabo ang mga mata ko. Si Aurora ang anak naming dalawa, siya ang kasama niya.Linggo ngayon ibig sabihin lamang ay sarado ang karinderya ni Aling Sally kaya wala akong pasok. Heto at nag lalaba ako ng mga damit ko at isinama ko na din ang mga damit ng Tiya ko dahil naaawa ako sa kanya. Matanda na din kasi siya at pagod siya sa paglalako ng kanyang kakanin. Sa pamamagitan man lang nitong paglalaba ko sa kanya ay nabawasan ko ang mga gawain niya. “Talaga? O anong sabi sa iyo?” Inayos ko ang cellphone ko sa tenga ko at inipit iyon gamit ang balikat ko. Nag kukusot kasi ako ng mga damit kaya hindi ko iyon mahawakan. Kausap ko ngayon si Sunny at nakwento ko sa kanya ang nangyari kahapon. “Wala naman…mukhang hindi din niya ako nakilala,” mahinang anas ko sa kanya na parang nadismaya pa. Narinig ko ang malakas niyang pag tawa sa kabilang linya na para bang naramdaman niya ang pagkadismaya ko.“Bakit? Gusto mo ba maalala ka niya?”“Hindi, mabuti pang hindi niya ako maalala at makilala,”“Bakit naman? May anak kayong dalawa—” kaagad kong pinutol ang sinasabi niya dahi
Five years later… “Ano Mia? Wala ka na ba talagang balak na bumalik dito sa Manila at dito mag trabaho? Ano mag titinda ka na lang diyan habang buhay?” Ani ni Sunny mula sa kabilang linya. Napailing na lang ako sa kanya. Alam kong nag aalala siya sa akin dahil matagal na akong nag lalako ng turon sa kalsada pero suma-sideline naman ako sa karinderya ni Manang Sally paminsan-minsan. Limang taon na ang nakalipas simula noong iwan ko ang anak ko sa kanyang Ama. Sinigurado kong tatanggapin niya ang anak naming dalawa bago ako magpakalayo layo at napadpad dito sa Probinsya ng Lucban Quezon kung saan nakatira ang mga kamag anak ko. Mabuti na lang at pinatuloy ako ng Tiya ko na nag iisa na lamang din sa buhay dahil hindi na siya nagkaroon ng anak at asawa. Katulad ko ay naglalako siya ng kakanin sa kalsada. “Okay na ako dito Sunny, dadalawin na lang kita kapag nagkaroon ako ng pamasahe, o siya may Customer na, mamaya na lang ulit tayo mag usap,” ani ko sa kanya, nag paalam lang kami sa
Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising para mag tinda ng Turon at lumpya. Walang laman ang tiyan ko dahil wala pa akong kain simula kagabi. Nanghihina na din ako at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay ano mang oras kaya naman ng madaanan ko ang isang parke ay kaagad akong nag tungo doon at humanap ng mauupuan. Umupo ako sa upuan na malapit sa puno at ibinaba ang Baby ko na mahimbing na natutulog sa kanyang basket. May takip naman ito kaya hindi ito naiinitan. Sinigurado kong nakakahinga din siya ng maayos at hindi naiinitan. Kumuha ako ng paninda ko at nag simulang kumain kahit labag sa loob ko dahil wala akong matutubo kung kakainin ko ang sarili kong itinitinda kaya lang ay baka naman mahimatay ako at maisugod sa hospital ay mapapagastos pa ako. Nakatingin ako sa mga taong dumadaan at sa mga batang nag lalaro habang nilalantakan ang turon na hawak ko. Ang saya-saya nila na parang walang problemang iniisip. Ang saya siguro maging bata ulit. “Mia?” Natigil ang pag nguya ko
Isang linggo na ang nakalipas simula noong lumabas kami sa Hospital. Sa tulong ni Sunny at ng kanyang manliligaw na may sasakyan ay mabilis kaming nakauwi ng anak ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Sunny dahil pinahiram niya ako ng pera pandagdag sa pambayad sa Hospital. Binigyan din niya ako ng pambili ng Diaper at gatas ng anak ko dahil wala ng natira pa sa inipon ko kaya naman nahihiya na ako sa kanya dahil hindi naman niya responsibilidad na tulungan ako, kaya heto ako muling mag titinda ng turon at ng lumpya para magkaroon ulit ng pera. Sumasakit pa din ang katawan at ang tahi ko pero hindi na iyon mahalaga pa, magugutom kami ng anak ko kapag hindi ako kumilos. Bitbit ko sa kabilang kamay ko ang isang Basket kung saan nakalagay ang anak ko, habang ang isa kong kamay ay bitbit ang basket na naglalaman ng mga paninda ko. Wala akong ibang kilala na mapag iiwanan sa anak ko kaya naman ay isinama ko na lamang siya isa pa ay mas panatag ako kapag nakikita ko siya. Nakatayo ako sa ha
Maaga akong nagising para gumawa ng mga ititinda kong turon. Ito na ang naging kabuhayan ko simula noong nabuntis ako ni Rule Montclair. Gusto ko man humingi sa kanya ng sustento para sa anak niya na ipinag bubuntis ko ay hindi ko magawa sapagkat hindi naman din niya alam na nag bunga ang aming ginawa. Isa pa ay bali-balita ay ikakasal na siya sa kanyang Fiance. Kaya wala akong magawa kung hindi itago na lang ang ipinagbubuntis ko. Hindi din naman ako sigurado kung tatanggapin niya ang baby o maniniwala ba siya na siya ang ama nito. Kaya mabuti pang itago na lang sa kanya para walang gulo. Hinimas-himas ko ang malaki kong tiyan habang inaayos ang paninda ko sa araw na ito. Kabuwanan ko na ngayon pero heto ako at nag titinda pa din, wala naman akong choice dahil kung hindi ko ito gagawin ay hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng anak ko. Isa pa ay nag iipon din ako ng pampaanak ko. May naipon naman ako kaso ay kakarampot lang iyon, hindi ko alam kung kakasya ba iyon sa pag anak k
Tahimik ang gabing iyon ngunit hindi katulad ng isipan ko na napakaingay, magulo, sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Nanlalamig ang mga palad ko habang hawak-hawak ko ang isang kahon kung saan ko inilagay ang anak kong mag tatatlong linggo pa lamang. Malungkot akong nakatingin sa malaking bahay na nakatayo sa harapan ko. Hindi ko alam kung may tao pero sana mayroon. Huminga ako ng malalim bago ako humakbang papalapit sa malaking bahay. Tiningnan ko ang gate at nakahinga ng maluwag nang mapagtanto kong wala ang Security Guard ng malaking bahay. Luminga-linga ako sa paligid ko at siniguradong walang taong makakakita sa akin bago ko ilapag ang kahon sa harapan ng malaking gate. Nang masiguro kong walang mga taong dadaan o kahit sasakyan ay inilapag ko ang dala kong kahon sa sahig at pagkatapos ay tiningnan ang anak kong mahimbing na natutulog. Ang ganda-ganda niya, nag mana siya sa kanyang ama. Maging ang kutis nito ay mala porselana, kung kaya’t hindi nababagay sa kanya ang







