LOGINIsang linggo na ang nakalipas simula noong lumabas kami sa Hospital. Sa tulong ni Sunny at ng kanyang manliligaw na may sasakyan ay mabilis kaming nakauwi ng anak ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Sunny dahil pinahiram niya ako ng pera pandagdag sa pambayad sa Hospital. Binigyan din niya ako ng pambili ng Diaper at gatas ng anak ko dahil wala ng natira pa sa inipon ko kaya naman nahihiya na ako sa kanya dahil hindi naman niya responsibilidad na tulungan ako, kaya heto ako muling mag titinda ng turon at ng lumpya para magkaroon ulit ng pera. Sumasakit pa din ang katawan at ang tahi ko pero hindi na iyon mahalaga pa, magugutom kami ng anak ko kapag hindi ako kumilos.
Bitbit ko sa kabilang kamay ko ang isang Basket kung saan nakalagay ang anak ko, habang ang isa kong kamay ay bitbit ang basket na naglalaman ng mga paninda ko. Wala akong ibang kilala na mapag iiwanan sa anak ko kaya naman ay isinama ko na lamang siya isa pa ay mas panatag ako kapag nakikita ko siya. Nakatayo ako sa harapan ng isang Restaurant habang nakatanaw sa mga customer na pumapasok sa loob nito. Balak kong alukin ang mga customers na pumapasok sa loob nito, nagbabakasakaling magkakaroon ako ng benta sa kanila. Kanina pa kasi ako palakad-lakad sa kalsada pero tatlo pa lamang ang naibenta ko. Nang makaramdam ako ng matinding kirot mula sa tahi ko ay saglit akong naupo sa may pinto ng restaurant. Sinilip ko ang anak ko na mahimbing na natutulog sa basket at nang makita ko ang kanyang mukha ay nawala bigla ang kaninang naramdaman kong pagod. Ang ganda ng anak ko, nakuha niya ang ilong at labi ni Rule. Hinding-hindi maipagkakaila na mag ama silang dalawa. Kung sana lang ay alam niya na may anak na siya sa akin. Kaya lamang ay papaano niya malalaman? Hindi ko nga alam kung kilala ba niya ako dahil nang may mangyari sa aming dalawa ay may takip ang mukha ko at nang makatulog siya dahil sa pagod ay kaagad din akong umalis dahil sa takot na makilala niya ako. Natigil ang pag iisip ko nang biglang bumukas ang glass door ng restaurant kaya kaagad akong tumayo. Handa na sana akong alukin ng paninda ang taong lumabas ng pinto pero para akong naging bato. Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa taong nasa harapan ko. Sa dami-dami ng tao sa mundo siya pa talaga ang nakita ko. Walang iba kung hindi ang tatay ng anak ko. Ganun na lamang ang kaba ko dahil sa mga titig niya sa akin. Kunot ang kanyang noo at tila ba kinikilatis ako. Maya-maya pa ay bumaba ang kanyang tingin sa basket na hawak-hawak ko kung saan nakalagay ang anak naming dalawa. “Is she your child?” Napanganga ako dahil sa tanong niya, hindi ko inaasahan na kakausapin niya ako ganun hindi naman niya ako kilala. “Oo," mahina kong sagot habang mabagal na tumatango. Para akong tanga sa harapan niya habang nag dadasal ng mahina sa isip ko na sana huwag niya akong makilala. Ibubuka pa sana niya ang kanyang bibig ngunit natigil iyon dahil sa babaeng biglang tumabi sa kanya. Bumaba ang tingin ko sa kamay ng mga babaeng nakapulupot ngayon sa braso ni Rule. “Who is she?” Nakangiting ani ng babae, kilala ko siya. Siya yung Fiance—ay wait. Binalita nga pala sa TV noon na ikakasal na sila so baka mag asawa na. May kung anong kumirot sa puso ko ng maisip ko ang bagay na iyon. “Hindi ko siya kilala, nag tanong lang ako.” May bahid na pagkaseryosong sagot ni Rule sa kanya. Sa huling pagkakataon ay tinapunan niya ng tingin ang anak ko pagkatapos ay naglakad papalayo. Wala akong nagawa kung hindi sundan sila ng tingin hanggang sa makasakay sila ng kanilang sasakyan. Akala ko ay aalis na sila pero biglang bumukas ang bintana ng sasakyan at pagkatapos ay sinenyasan ako ng babae na lumapit sa kanya. Nag tataka man ay lumapit pa din ako bitbit ang basket ng paninda ko at ng anak ko. “Here! Take this,” inabot sa akin ng babae ang isang libo. Nag dalawang isip pa ako kung kukunin ko ba iyon pero naisip ko na malaking tulong na din ito para sa gatas ng anak ko kaya kinuha ko na din ang isang libo. “Salamat po,” mahinang ani ko sa kanya habang pasimpleng tinitingnan ang katabi niyang si Rule na tahimik lang na nakatingin sa akin at sa asawa niya. Ngumiti sa akin ang babae at isinara na niyang muli ang bintana ng sasakyan. Hindi ko na nagawa pang bigyan sila ng paninda ko dahil kaagad din na umandar ang sasakyan. Ibinuka ko ang palad ko at tiningnan ang isang libo, Tingnan mo nga naman sa dinami-dami pa ng tao sa mundo na makakaramdam ng awa sa akin, iyon pa talagang napangasawa ng nakabuntis sa akin. Ang liit talaga ng mundo. Itinago ko na lamang ang perang natanggap ko sa luma kong shoulder bag na nakasabit sa balikat ko at naglakad papalayo ng restaurant. Hindi na ako babalik pa sa Restaurant na iyon dahil baka mag krus na naman ang landas naming dalawa. Parang naging blessing in disguise ang pagkikita namin ni Rule dahil biglang naubos ang paninda ko ng maglakad-lakad ako. Masaya akong umuwi ng bahay bitbit ang gatas at diaper ng anak ko. Naligo ako saglit ng makita kong mahimbing ang tulog ng anak ko dahil nabusog ito sa binili kong gatas para sa kanya. Nang lumabas ng banyo ay nakarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa pintuan ng tinutuluyan kong maliit na apartment. Dahil sa lakas ng pagkatok ay nagulat ang anak ko at pumalahaw ng iyak. Kaagad ko naman itong dinampot at pagkatapos ay nag tungo sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa akin ang masungit na mukha ni Aling Ester, ang may-ari ng paupahan. Oo nga pala ilang buwan na akong hindi nakakapag bayad ng upa dahil hindi sumasapat ang kinikita ko simula noong mag buntis ako. “Aba? May balak ka pa bang bayaran ako? Dahil kung hindi mo ako babayaran ay lumayas ka na at ng anak mo sa bahay na ito!” Napakagat ako ng labi sa narinig habang pinapatahan ang anak ko. “Pasensya na po kayo Aling Ester—” “Hindi uubra yang pasensya mo! Ang kailangan ko ay ang bayad mo!” Sigaw niya, naiintindihan ko naman siya alam kong kailangan niya din ng pera lalo pa at ito lang paupahan niya ang inaasahan niya at balita ko pa ay nasa hospital ngayon ang kanyang asawa dahil sa stroke. Dinukot ko sa bulsa ko ang libo na ibinigay sa akin ng babae kanina at inabot iyon kay Aling Ester. “Heto lang?” Tinaasan niya ako ng kilay pero inagaw pa din sa akin ang isang libo. Muli akong napakagat ng labi at muling hinugot ang dalawang daan na natitira sa bulsa ko at inabot sa kanya. “Pasensya na po, pero iyan lang ang pera ko ngayon. Hayaan nyo po at pag nakabenta akong muli bukas ay babayadan ko kaagad kayo–” “Siguraduhin mo lang!” Ani niya at pagkatapos ay tinalikuran na ako at lumakad papalayo. Napabuntong hininga ako habang tinitingnan ang karga karga kong sanggol. Wala na naman akong pangkain ngayon pero ayos lang ang mahalaga ay may gatas na ang Baby ko.Linggo ngayon ibig sabihin lamang ay sarado ang karinderya ni Aling Sally kaya wala akong pasok. Heto at nag lalaba ako ng mga damit ko at isinama ko na din ang mga damit ng Tiya ko dahil naaawa ako sa kanya. Matanda na din kasi siya at pagod siya sa paglalako ng kanyang kakanin. Sa pamamagitan man lang nitong paglalaba ko sa kanya ay nabawasan ko ang mga gawain niya. “Talaga? O anong sabi sa iyo?” Inayos ko ang cellphone ko sa tenga ko at inipit iyon gamit ang balikat ko. Nag kukusot kasi ako ng mga damit kaya hindi ko iyon mahawakan. Kausap ko ngayon si Sunny at nakwento ko sa kanya ang nangyari kahapon. “Wala naman…mukhang hindi din niya ako nakilala,” mahinang anas ko sa kanya na parang nadismaya pa. Narinig ko ang malakas niyang pag tawa sa kabilang linya na para bang naramdaman niya ang pagkadismaya ko.“Bakit? Gusto mo ba maalala ka niya?”“Hindi, mabuti pang hindi niya ako maalala at makilala,”“Bakit naman? May anak kayong dalawa—” kaagad kong pinutol ang sinasabi niya dahi
Five years later… “Ano Mia? Wala ka na ba talagang balak na bumalik dito sa Manila at dito mag trabaho? Ano mag titinda ka na lang diyan habang buhay?” Ani ni Sunny mula sa kabilang linya. Napailing na lang ako sa kanya. Alam kong nag aalala siya sa akin dahil matagal na akong nag lalako ng turon sa kalsada pero suma-sideline naman ako sa karinderya ni Manang Sally paminsan-minsan. Limang taon na ang nakalipas simula noong iwan ko ang anak ko sa kanyang Ama. Sinigurado kong tatanggapin niya ang anak naming dalawa bago ako magpakalayo layo at napadpad dito sa Probinsya ng Lucban Quezon kung saan nakatira ang mga kamag anak ko. Mabuti na lang at pinatuloy ako ng Tiya ko na nag iisa na lamang din sa buhay dahil hindi na siya nagkaroon ng anak at asawa. Katulad ko ay naglalako siya ng kakanin sa kalsada. “Okay na ako dito Sunny, dadalawin na lang kita kapag nagkaroon ako ng pamasahe, o siya may Customer na, mamaya na lang ulit tayo mag usap,” ani ko sa kanya, nag paalam lang kami sa
Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising para mag tinda ng Turon at lumpya. Walang laman ang tiyan ko dahil wala pa akong kain simula kagabi. Nanghihina na din ako at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay ano mang oras kaya naman ng madaanan ko ang isang parke ay kaagad akong nag tungo doon at humanap ng mauupuan. Umupo ako sa upuan na malapit sa puno at ibinaba ang Baby ko na mahimbing na natutulog sa kanyang basket. May takip naman ito kaya hindi ito naiinitan. Sinigurado kong nakakahinga din siya ng maayos at hindi naiinitan. Kumuha ako ng paninda ko at nag simulang kumain kahit labag sa loob ko dahil wala akong matutubo kung kakainin ko ang sarili kong itinitinda kaya lang ay baka naman mahimatay ako at maisugod sa hospital ay mapapagastos pa ako. Nakatingin ako sa mga taong dumadaan at sa mga batang nag lalaro habang nilalantakan ang turon na hawak ko. Ang saya-saya nila na parang walang problemang iniisip. Ang saya siguro maging bata ulit. “Mia?” Natigil ang pag nguya ko
Isang linggo na ang nakalipas simula noong lumabas kami sa Hospital. Sa tulong ni Sunny at ng kanyang manliligaw na may sasakyan ay mabilis kaming nakauwi ng anak ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Sunny dahil pinahiram niya ako ng pera pandagdag sa pambayad sa Hospital. Binigyan din niya ako ng pambili ng Diaper at gatas ng anak ko dahil wala ng natira pa sa inipon ko kaya naman nahihiya na ako sa kanya dahil hindi naman niya responsibilidad na tulungan ako, kaya heto ako muling mag titinda ng turon at ng lumpya para magkaroon ulit ng pera. Sumasakit pa din ang katawan at ang tahi ko pero hindi na iyon mahalaga pa, magugutom kami ng anak ko kapag hindi ako kumilos. Bitbit ko sa kabilang kamay ko ang isang Basket kung saan nakalagay ang anak ko, habang ang isa kong kamay ay bitbit ang basket na naglalaman ng mga paninda ko. Wala akong ibang kilala na mapag iiwanan sa anak ko kaya naman ay isinama ko na lamang siya isa pa ay mas panatag ako kapag nakikita ko siya. Nakatayo ako sa ha
Maaga akong nagising para gumawa ng mga ititinda kong turon. Ito na ang naging kabuhayan ko simula noong nabuntis ako ni Rule Montclair. Gusto ko man humingi sa kanya ng sustento para sa anak niya na ipinag bubuntis ko ay hindi ko magawa sapagkat hindi naman din niya alam na nag bunga ang aming ginawa. Isa pa ay bali-balita ay ikakasal na siya sa kanyang Fiance. Kaya wala akong magawa kung hindi itago na lang ang ipinagbubuntis ko. Hindi din naman ako sigurado kung tatanggapin niya ang baby o maniniwala ba siya na siya ang ama nito. Kaya mabuti pang itago na lang sa kanya para walang gulo. Hinimas-himas ko ang malaki kong tiyan habang inaayos ang paninda ko sa araw na ito. Kabuwanan ko na ngayon pero heto ako at nag titinda pa din, wala naman akong choice dahil kung hindi ko ito gagawin ay hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng anak ko. Isa pa ay nag iipon din ako ng pampaanak ko. May naipon naman ako kaso ay kakarampot lang iyon, hindi ko alam kung kakasya ba iyon sa pag anak k
Tahimik ang gabing iyon ngunit hindi katulad ng isipan ko na napakaingay, magulo, sari-saring emosyon ang nararamdaman ko. Nanlalamig ang mga palad ko habang hawak-hawak ko ang isang kahon kung saan ko inilagay ang anak kong mag tatatlong linggo pa lamang. Malungkot akong nakatingin sa malaking bahay na nakatayo sa harapan ko. Hindi ko alam kung may tao pero sana mayroon. Huminga ako ng malalim bago ako humakbang papalapit sa malaking bahay. Tiningnan ko ang gate at nakahinga ng maluwag nang mapagtanto kong wala ang Security Guard ng malaking bahay. Luminga-linga ako sa paligid ko at siniguradong walang taong makakakita sa akin bago ko ilapag ang kahon sa harapan ng malaking gate. Nang masiguro kong walang mga taong dadaan o kahit sasakyan ay inilapag ko ang dala kong kahon sa sahig at pagkatapos ay tiningnan ang anak kong mahimbing na natutulog. Ang ganda-ganda niya, nag mana siya sa kanyang ama. Maging ang kutis nito ay mala porselana, kung kaya’t hindi nababagay sa kanya ang







