LOGINMaaga akong nagising para gumawa ng mga ititinda kong turon. Ito na ang naging kabuhayan ko simula noong nabuntis ako ni Rule Montclair. Gusto ko man humingi sa kanya ng sustento para sa anak niya na ipinag bubuntis ko ay hindi ko magawa sapagkat hindi naman din niya alam na nag bunga ang aming ginawa. Isa pa ay bali-balita ay ikakasal na siya sa kanyang Fiance. Kaya wala akong magawa kung hindi itago na lang ang ipinagbubuntis ko.
Hindi din naman ako sigurado kung tatanggapin niya ang baby o maniniwala ba siya na siya ang ama nito. Kaya mabuti pang itago na lang sa kanya para walang gulo. Hinimas-himas ko ang malaki kong tiyan habang inaayos ang paninda ko sa araw na ito. Kabuwanan ko na ngayon pero heto ako at nag titinda pa din, wala naman akong choice dahil kung hindi ko ito gagawin ay hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng anak ko. Isa pa ay nag iipon din ako ng pampaanak ko. May naipon naman ako kaso ay kakarampot lang iyon, hindi ko alam kung kakasya ba iyon sa pag anak ko. Bahala na...basta mailabas ko lang ng ligtas ang baby ko. “Turon kayo dyan!” alok ko sa mga taong dumadaan. Hindi nila ako pinansin, yung iba ay tiningnan lang ako at ang tiyan ko na para bang alam ko na kung ano ang tumatakbo sa isipan nila. Pero deadma na lang dahil sanay na ako, sa araw-araw ba naman na ganito ang ginagawa ko. Ayos lang sa akin basta magkapera ako. Wala naman magagawa kung uunahin ko ang hiyang nararamdaman ko. Hindi naman ako mapapakain nito. Umupo ako saglit ng maramdaman ko ang pagkirot ng tiyan ko. Tinapik ko ito ng marahan na para bang hinehele ko ang baby na nasa loob ng tiyan ko. “Anak, kalma ka lang muna diyan ha? Nag titinda lang si mama, ” nakangiting ani ko habang hawak ang tiyan ko. Naramdaman ko ang pag galaw nito kaya naman ay nakaramdam ako ng tuwa. Pakiramdam ko ay nawala lahat ng pagod na nararamdaman ko. Pero agad na napawi ang ngiti ko ng maramdaman ko na naman ang pag kirot ng tiyan ko na para bang dadatnan ako. Huminga lang ako ng malalim at inisip na baka nangalay lang ako sa pagtayo ko kanina ngunit makalipas ng ilang minuto ay sumakit ulit ang tiyan ko. Mas sumakit pa ito kumpara sa una. Kasunod nito ang pag daloy ng likido sa binti ko. Napahiyaw ako sa taranta, hindi ko alam ang gagawin ko. Tiningnan ko ang mga taong dumadaan at humingi ng tulong. “T-tulong po...m-manganganak na a-ako!!” sigaw ko sa pagitan ng sakit na nararamdaman ko. May ilang lumapit sa akin at may ilan na tiningnan lang ako. Inalalayan ako ng isang matanda na lumapit sa akin at muli akong pinaupo. “Pumutok na ang panubigan mo iha, ibig sabihin ay malapit ng lumabas ang anak mo, ” ani nito sa akin habang ang kanyang kamay ay nasa ibabaw ng tiyan ko. “Kaya mo pa bang mag lakad?” dagdag pa nito. Tumango ako sa kanya at sinubukang tumayo ngunit muli akong napahiyaw sa sakit dahil mas kumirot pang muli ang tiyan ko. Mas masakit kumpara sa naramdaman ko kanina. Pakiramdam ko ay pasakit ito ng pasakit na para bang binibiyak ang buong katawan ko. Napahawak ako ng mahigpit sa matanda at muling naupo. Habol-habol ang hininga ko habang pinipigilan makalikha ng ano mang ingay. “Sisilipin ko ha? Habang wala pa ang tulong, ” wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Kinuha niya ang tela na pinantakip sa paninda ko at tinakip iyon sa binti ko pagkatapos ay itinaas niya ang mga paa ko sa aking inuupuan at ibinuka ang mga iyon. “Jusko po! Ang ulo ng bata nakalabas na! ” sigaw nito sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Sari-saring emosyon ang naramdaman ko sa mga oras na ito. Takot dahil hindi pa sapat ang pera ko para sa pampaanak ko. Kaba dahil mukhang hindi ako aabot sa hospital ngayon. “K-kaya ko pa pong maglakad—ahhh!!!” hindi ko na napigilan ang pag sigaw ko dahil mas sumakit pa ang nararamdaman ko at parang may sariling utak ang katawan ko at kusa akong napairi. Pasalamat na lang ako dahil hindi ako iniwan ng matanda na nasa tabi ko. Tinulungan niya ako at mukhang alam niya kung ano ang kanyang gagawin. “Sige pa ineng, iri pa malapit na siya! ” sinunod ko ang kanyang sinabi pero dahil hindi ko kaya ang sakit ay agad din tumigil ang pag iri ko. “Umiri ka lang ineng, huwag mo siyang ipitin! Kawawa ang bata! Tutulungan kita! ” huminga ako ng malalim at pinakinggan ang sinabi ng matanda pagkatapos ay nagpakawala ng matinding iri at sigaw. Naramdaman ko pa ang pag dagan niya sa tiyan ko na para bang tinutulungan akong mailabas ang sanggol na nasa tiyan ko. Maya-maya pa ay narinig ko na ang pag iyak ng baby ko. Kasabay nito ang pagkawala ng sakit na nararamdaman ko. Inabot sa akin ng matanda ang baby na kaagad ko namang niyakap. Pagod man ay hindi ko mapigilan ang mapaluha ng masilayan ko ang kanyang mukha. Halo-halo ang nararamdaman ko ng tingnan ko siya. Masaya dahil nasilayan ko na siya at nalulungkot din dahil naaawa ako sa sitwasyon naming dalawa. Bago ko pa man ipikit ang mga mata ko ay nakarinig na ako ng Ambulansya at ang mga taong nag sisigawan sa paligid ko na tila ba ay nag kakagulo silang lahat at natataranta. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil sa pagod at hinayaan ang gagawin nila sa akin. *** Nagising ako dahil sa mga iyak ng sanggol at sa mga taong tila nag uusap-usap sa paligid ko. Iminulat ko ang mga mata ko at kaagad na tiningnan ang Baby ko na nasa tabi ko. Umiiyak ito kaya dahan-dahan akong bumangon. Ramdam ko ang sakit ng katawan ko at ng private part ko pero hindi ko na iyon ininda pa. Binuhat ko ang anak ko upang padedehin siya. Akala ko ay tatahan na siya pero naka ilang s****p lamang siya sa dibdib ko ay muli na naman siyang umiyak. Siguro ay dahil wala siyang nakukuhang gatas sa akin. Isa ako sa mga Inang hindi nabiyayaan ng gatas pero kahit na ganon ay sinubukan ko pa din siyang pas****pin muli ngunit mas lalo lamang lumakas ang kanyang pag iyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung papaano siya tatahan at isa pa ay hindi ko din nadala ang mga inipon kong gamit para sa panganganak ko. “Mia!!! Naku! Buti gising ka na!” natigilan lang ako dahil sa boses ni Sunny na ngayon ay kadarating lamang. Muli akong napaluha nang makita ko siya at nag pasalamat. “Heto bumili ako ng gatas ng baby mo dahil alam kong wala kang gatas. Ipag titimpla ko lamang siya, ” tumango ako sa kanya at pinanood ang kanyang ginagawa. Maya-maya pa ay inabot niya sa akin ang bote kaya kaagad ko itong pinasupsop sa Anak ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil tumigil na ito sa pag iyak. Marahil ay kanina pa siya nagugutom at umiiyak pero dahil sa pagod ko sa pag anak ay hindi ko siya narinig. Salamat na lang talaga kay Sunny at ibinili niya ng gatas ang anak ko. “Bukas ay makakalabas ka na Mia, Wala ka naman masyadong babayaran dito sa Hospital kaya lang ay malaki-laki pa din ang babayaran mo. Nasa mahigit Dalawampung libo—” “Ano?! Bakit naman ang laki?” hindi ko mapigilan ang pag sigaw ko. Hindi naman ako umanak dito pero ang laki pa din pala ng babayaran ko nasa mahigit limang libo pa lamang ang naipon ko. “Madami kasing ginawa sa baby mo kanina habang natutulog ka, bakit? Kulang ba ang ipon mo? Hayaan mo at pahihiramin naman kita,” “Salamat Sunny, hayaan mo at mag tra-trabaho ako kaagad para bayaran ka—” “Ano ka ba! Hindi pa naman kita sisingilin! Bakit ba kasi hindi ka lumapit kay Rule Montclair? Ang yaman-yaman naman niya! Tiyak na barya lang iyon sa kanya—” Natigil ang sinasabi niya nang marinig niya ang pangalan ni Rule Montclair sa TV na nandito sa Hospital. Parehas kaming napalingon doon at natigilan. Ibinalita lang naman na ikakasal na siya bukas sa kanyang Fiance. “Alam mo na kung bakit Sunny... ” ani ko sa kanya. Tiningnan niya ako ng may awa sa kanyang mga mata habang tinatapik ang balikat ko.Lunes na, ibig sabihin ay may trabaho ako ngayon sa Karinderya ni Aling Sally. Ngayon lamang ako nakaramdam ng pagka-excite habang tinutulungan si Aling Sally sa mga ititinda naming ulam. Umaasa akong makikita ko muli ang mag-ama ngayong araw at makakasama ko ulit si Aurora kahit na sa kaunting oras lang. Hindi na ako makapag hintay pa kaya kanina pa ako tumitingin sa labas para tingnan ang mga humihintong sasakyan. Titigil lamang ako kapag may Customer na oorder pagkatapos ay titingin ulit ako sa labas. Minsan hindi ko naririnig ang order nila kaya nasusungitan nila ako pero binabalewala ko na lang. Masaya akong hinihintay ang anak ko. “Ayos ka lang ba Mia? Kanina ka pa diyan patingin-tingin sa labas e, may hinihintay ka bang tao?” “P-po? Wala naman po!” Mabilis kong sagot kay Aling Sally na mukhang napansin na din ang pagkabalisa ko. Tiningnan lang ako nito na parang hindi naniniwala sa sinabi ko kaya agad ko siyang nginitian.“Hinihintay ko lang po yung mga Customer!” Palusot k
Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko dahil sa nakikita ko ngayon. Totoo ba ito? O isa lang ito sa mga panaginip ko? Kung panaginip lang ito sana ay huwag na akong magising pa. Hindi ko namalayan na nag iinit na pala ang mga mata ko dahil sa mga luhang nag babadya ng tumulo sa pisngi ko. Natauhan lang ako dahil naramdaman ko ang pag hawak ni Baste sa braso ko. “Ayos ka lang? Bakit parang naluluha ka?” Tanong niya, kaagad kong pinunasan ang luha ko at kunwaring natawa.“Wala ito, napuwing lang ako humangin kasi ng malakas hindi mo ba naramdaman?” Palusot ko sa kanya, ipinilig niya ang kanyang ulo marahil inaalala niya kung humangin nga ba ng malakas. Hinayaan ko na lang siyang mag isip at muling ibinaling ang atensyon ko sa anak ko na naglalakad papalapit sa akin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng magkatinginan kaming dalawa. Lumawak ang kanyang ngiti kaya hindi ko din maiwasan ang aking pag ngiti. Ang laki laki na talaga ng anak ko, hindi ako makapaniwalang nasa harapan ko na siya ng
Linggo ngayon ibig sabihin lamang ay sarado ang karinderya ni Aling Sally kaya wala akong pasok. Heto at nag lalaba ako ng mga damit ko at isinama ko na din ang mga damit ng Tiya ko dahil naaawa ako sa kanya. Matanda na din kasi siya at pagod siya sa paglalako ng kanyang kakanin. Sa pamamagitan man lang nitong paglalaba ko sa kanya ay nabawasan ko ang mga gawain niya. “Talaga? O anong sabi sa iyo?” Inayos ko ang cellphone ko sa tenga ko at inipit iyon gamit ang balikat ko. Nag kukusot kasi ako ng mga damit kaya hindi ko iyon mahawakan. Kausap ko ngayon si Sunny at nakwento ko sa kanya ang nangyari kahapon. “Wala naman…mukhang hindi din niya ako nakilala,” mahinang anas ko sa kanya na parang nadismaya pa. Narinig ko ang malakas niyang pag tawa sa kabilang linya na para bang naramdaman niya ang pagkadismaya ko.“Bakit? Gusto mo ba maalala ka niya?”“Hindi, mabuti pang hindi niya ako maalala at makilala,”“Bakit naman? May anak kayong dalawa—” kaagad kong pinutol ang sinasabi niya dahi
Five years later… “Ano Mia? Wala ka na ba talagang balak na bumalik dito sa Manila at dito mag trabaho? Ano mag titinda ka na lang diyan habang buhay?” Ani ni Sunny mula sa kabilang linya. Napailing na lang ako sa kanya. Alam kong nag aalala siya sa akin dahil matagal na akong nag lalako ng turon sa kalsada pero suma-sideline naman ako sa karinderya ni Manang Sally paminsan-minsan. Limang taon na ang nakalipas simula noong iwan ko ang anak ko sa kanyang Ama. Sinigurado kong tatanggapin niya ang anak naming dalawa bago ako magpakalayo layo at napadpad dito sa Probinsya ng Lucban Quezon kung saan nakatira ang mga kamag anak ko. Mabuti na lang at pinatuloy ako ng Tiya ko na nag iisa na lamang din sa buhay dahil hindi na siya nagkaroon ng anak at asawa. Katulad ko ay naglalako siya ng kakanin sa kalsada. “Okay na ako dito Sunny, dadalawin na lang kita kapag nagkaroon ako ng pamasahe, o siya may Customer na, mamaya na lang ulit tayo mag usap,” ani ko sa kanya, nag paalam lang kami sa
Kinabukasan ay maaga ulit akong gumising para mag tinda ng Turon at lumpya. Walang laman ang tiyan ko dahil wala pa akong kain simula kagabi. Nanghihina na din ako at pakiramdam ko ay mawawalan ako ng malay ano mang oras kaya naman ng madaanan ko ang isang parke ay kaagad akong nag tungo doon at humanap ng mauupuan. Umupo ako sa upuan na malapit sa puno at ibinaba ang Baby ko na mahimbing na natutulog sa kanyang basket. May takip naman ito kaya hindi ito naiinitan. Sinigurado kong nakakahinga din siya ng maayos at hindi naiinitan. Kumuha ako ng paninda ko at nag simulang kumain kahit labag sa loob ko dahil wala akong matutubo kung kakainin ko ang sarili kong itinitinda kaya lang ay baka naman mahimatay ako at maisugod sa hospital ay mapapagastos pa ako. Nakatingin ako sa mga taong dumadaan at sa mga batang nag lalaro habang nilalantakan ang turon na hawak ko. Ang saya-saya nila na parang walang problemang iniisip. Ang saya siguro maging bata ulit. “Mia?” Natigil ang pag nguya ko
Isang linggo na ang nakalipas simula noong lumabas kami sa Hospital. Sa tulong ni Sunny at ng kanyang manliligaw na may sasakyan ay mabilis kaming nakauwi ng anak ko. Malaki ang pasasalamat ko kay Sunny dahil pinahiram niya ako ng pera pandagdag sa pambayad sa Hospital. Binigyan din niya ako ng pambili ng Diaper at gatas ng anak ko dahil wala ng natira pa sa inipon ko kaya naman nahihiya na ako sa kanya dahil hindi naman niya responsibilidad na tulungan ako, kaya heto ako muling mag titinda ng turon at ng lumpya para magkaroon ulit ng pera. Sumasakit pa din ang katawan at ang tahi ko pero hindi na iyon mahalaga pa, magugutom kami ng anak ko kapag hindi ako kumilos. Bitbit ko sa kabilang kamay ko ang isang Basket kung saan nakalagay ang anak ko, habang ang isa kong kamay ay bitbit ang basket na naglalaman ng mga paninda ko. Wala akong ibang kilala na mapag iiwanan sa anak ko kaya naman ay isinama ko na lamang siya isa pa ay mas panatag ako kapag nakikita ko siya. Nakatayo ako sa ha







